Home / Romance / The Billionaire's Fiancee / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Billionaire's Fiancee: Chapter 31 - Chapter 40

84 Chapters

Chapter 31

“Hannah, bakit hindi ka nagsagot?” tanong ni Liane dahil nakatulala si Hannah.“Ah, ano bang sinasabi mo?” sagot naman ni Hannah.“Okay ka lang ba? Anong masakit sa iyo?” tanong ni Liane, pansin kasi niya ang pagkalungkot ng kaibigan.“Ah, wala naman. Na-miss ko lang talaga ang mga magulang ko,” sagot ni Hannah, tahimik siyang nakatingin sa bintana noon pero parang binibiyak ang puso niya.Kahit alam na ni Hannah na si Jared ang magiging fiancé niya noong dumating siya sa buhay ng pamilya Falcon e naging maayos lang ang kanilang relasyon three years ago.Anibersaryo ‘yon nang pagkamatay ng parents ni Hannah. Kahit matagal na ay umiiyak pa rin siya sa puntod ng mga ito kahit kasama niya si Jared.Nang makita siya ni Jared na umiiyak ay pinangako nito sa kanya na mamahalin at hindi siya nito iiwan. Sinabi rin iyon ni Jared sa harap ng puntod ng mga magulang ni Hannah.Napaniwala pa noon ni Jared si Hannah dahil ang buong akala niya ay nakita na niya ang lalaking magpupuno ng pagmamahal
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Chapter 32

Pagkasabi ni Hannah noon ay bigla siyang tiningnan noong lalaking inaasar niya kay Liane. Ang tingin ng lalaking iyon ay nakakatakot, nagsisisi tuloy si Hannah na nagbiro pa siya rito. Kahit nakatingin pa lang ‘yong lalaki sa kanya ay hinahanda na niya ang spray na binigay sa kanya ni Liane bago siya umalis. Habang kinukuha niya ang spray sa bag ay bigla namang sumakay sa kotse ang lalaki at umalis na. Kahit paano ay kumalma siya pero hindi niya maiwasang mag-isip sa iba pang tao na nakatira sa San Vicente. Ang kalmado niyang puso ay biglang napalitan ng takot. Paano kung ninakawan siya ng lalaking iyon pagkatapos ay pinatay? E ang gusto lang naman niya, katahimikan mula sa maingay na mundo ng pamilya ni Jared. Buti na lang at may dumaan na taxi doon kahit gabi na, pagkasakay niya ay binigay niya ang address kung saan siya pupunta at dinala naman agad siya noong taxi driver doon. Pagbaba niya ng taxi ay nagbayad agad siya sa taxi driver. Napaawang na lang ang kanyang mga labi nan
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Chapter 33

Naalala ni Hannah na si Aldred nga pala ang nagbayad ng kanyang phone bill noong siya ay bata pa. Gusto kasi niyang gamitin ulit ang lumang cellphone ng kanyang tatay noon at nahihiya naman siyang humiram kay Jared kaya kay Aldred siya lumapit.Noong una ay ayaw pa siyang pahiramin nito dahil baka kung saan lang daw gamitin ni Hannah, kaya para makisiguro ay sinama ni Hannah si Aldred para magbayad.Nang maniwala na siya ay binayaran na niya iyon at nakakagulat dahil makalipas ang sampung taon ay alala pa rin ni Aldred ang number niya.“Ah, oo nga pala. Hindi pa ako nakakabayad ‘no? Sinisingil mo na ba ako kaya ka napatawag?” pang-aasar ni Hannah, ilang saglit pa ay natawa na lang siya sa kanyang sinabi.“Well, yes,” maikling sagot ni Aldred kaya sumagot naman agad si Hannah.“E, di magta-transfer ako ng pera sa iyo ngayon. Saglit lang,” natatawang sagot ni Hannah pero nagulat siya nang maging seryoso na ang tono ni Aldred sa kabilang linya.“Hannah.”Parang may anghel na dumaan dahil
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Chapter 34

May aninong nakita si Hannah sa may bintana. Alam niya na 'yong taong iyon ang hinihintay niyang makausap para makapagpalitan sila ng kwarto. Narinig ni Hannah na tinanong na ng landlady 'yong lalaki tungkol sa ideya niyang pakikipagpalit ng kwarto."Simon, nandito ka na pala. Ah, siya nga pala. May babae dyan, naghahanap ng matutulugan kaso gusto niyang makipagpalit ng kwarto sa iyo. Kanina ko pa nga sinasabing sa kabilang kwarto na lang siya dahil occupied na 'yong kwarto na gusto niya, kaso ayaw naman," sabi noong matanda."Ha? Sino naman po iyon? Aba, sabihin niyo po sa kanya na hindi ako payag sa gusto niya," sagot naman noong lalaki.Dahil maingay sa lugar kung nasaan si Hannah ay narinig iyon ni Aldred sa kabilang linya. Tinanong niya tuloy kung nasaan ba si Hannah dahil nag-aalala siya para rito."Hannah, nasaan ka ba? Hindi safe na nasa labas ka pa nang ganitong oras, ah," sabi ni Aldred.Nang ma-realize ni Hannah na nasa kabilang linya pa si Aldred ay sinagot niya ito."Ah,
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Chapter 35

"Eh, gusto ba noong babae na matulog katabi niya?" pag-uusisa ni Hannah doon sa matanda."Naku, hindi ko na nalaman iyan dahil bago ko pa malaman ang tungkol dyan ay pinaalis na niya ako. Kaya, mag-ingat ka sa lalaking iyan. Iba 'yang magalit," sagot noong matanda."Huwag po kayong mag-alala, hindi naman ako interesado sa mga ganyang kwento. Lalo na sa mga lalaking gusto ng mga byuda," sagot naman ni Hannah.Pagkatapos sabihin iyon ni Hannah ay bigla namang lumabas 'yong lalaki mula sa kwarto nito. Hindi na siya naka-military suit kung hindi isang plain black t-shirt na lang ang suot niya. Sa paningin ni Hannah ay gwapo 'yong lalaki pero winaglit lang niya iyon sa kanyang isip."O, Simon. Saan ka naman pupunta ngayon? Aba, huwag mong sasabihin na lalabas ka pa ng ganitong oras?" sabi noong landlady doon sa lalaki."Hmm," sagot lang noong lalaki roon sa landlady."Eh kung ganoon, huwag ka lang magpapagabi, ha? Kailangan ko kasing isara ang pinto. Mahirap na, baka may magnanakaw na maka
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 36

Anong oras nang natulog si Hannah noon pero maaga pa rin siyang nagising. Hindi nga lang siya bumangon pero rinig niya ang mga taong nagsasalita sa labas ng kanyang kwarto.“Simon, pwede ka bang umuwi nang maaga ngayong gabi? Balak ko kasi sanang yayain mag-dinner ‘yong bagong nakatirang babae dyan sa kabilang kwarto,” natawa na lang si Hannah nang marinig niya ito mula sa matanda.Pero, masaya ang puso ni Hannah dahil ramdam niyang gusto talaga siya noong matanda na mag-stay roon. Para bang welcome na welcome siya.“Hindi ako pwedeng bumalik agad, kung gusto mo ikaw na lang ang sumabay sa kanya,” boring na sabi ni Simon, para siyang isang bato dahil ang tigas niyang sumagot.Sa isip-isip ni Hannah, kung may babaeng gusto ang mga ganitong klase ng lalaki, sigurado siya na isa iyong masokista. Napuna agad ni Hannah ang ugali noong lalaki dahil pagkatapos ng dalawang beses nilang pag-uusap ay inis na inis na siya rito. At syempre, ayaw niya noon.Nang makaalis na ang lalaki ay doon na
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 37

Kahit na sinabihan na siya ng matanda na mag-ayos ng kanyang sarili ay hindi pa rin iyon ang ginawa niya. Pumasok siya sa kanyang kwarto nang hindi pa nagsusuklay o di kaya ay naghuhugas ng mukha. Agad siyang humiga sa kanyang kama pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang cellphone. Pabalik pa lang si Hannah noon sa bahay ni Mrs. Loreza ay tunog na nang tunog ang cellphone niya. Hindi niya alam kung sino ang nagte-text sa kanya. Pwede naman niyang tingnan kung sino iyon, hindi na lang siya magre-reply.Profile picture pala iyon ni Mary. Nang makita niya iyon ay parang nalungkot ang puso niya. Aminado siya na hinihintay niya pa rin ang text messages ni Jared, hindi naman dahil gusto niyang mag-sorry si Jared sa kanya at makipagbalikan siya rito, pero bigla na lang kasi siyang nawala pero hindi man lang siya nito hinanap. Iyon ang kinasasakit ng puso niya. Pakiramdam niya, isa siyang talunan.Kahit ba sana isipin na lang sana ni jared na isa siyang family member o di kaya kasamahan sa tr
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 38

“Eh di, magpakasal tayong dalawa,” dahil sa sinabing ito ni Simon ay nagulat si Hannah. Inulit pa ito ni Simon dahil parang hindi pa nagsi-sink in kay Hannah kung ano ‘yong sinabi niya.“Magpakasal na tayong dalawa.”Hindi lubos akalain ni Hannah na ang isang lalaking kakakilala niya lang at dalawang beses pa lang niyang nakakausap ay yayayain na siyang magpakasal. Samantalang ‘yong lalaking mahal niya ng sampung taon ay nagtatago pa ng kabit.Nang makalma na si Hannah ay agad niyang tinanong si Simon. “Simon, hindi ba sobrang bilis naman yata ng pangyayari?”Kahit sinabi na iyon ni Hannah ay hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Simon. Seryoso pa rin ito kaya lalong kinabahan si Hannah.“Hindi ba ganoon din naman iyon? Kapag nakipag-date ka, magpapakasal ka? Eh dahil ayaw mo namang makipag-date, deretso kasal na lang tayo,” sagot ni Simon.Tama naman si Simon sa kanyang sinabi. Pero, pakiramdam ni Hannah ay may mali sa pag-iisip ng kausap niya. Normal ba sa isang tao na bigla na lang i
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 39

“Sabi mo soldier siya, ‘di ba? Kung may tiwala ang bansa sa kanya, dapat ikaw din,” sabi ni Liane. Walang sinagot si Hannah doon.“Nag-aalala ako na baka maging malungkot ka sa trip mo na iyan pero may nakilala ka palang lalaki. Naku, naniniwala talaga ako na makakamove-on ka sa sakit na dinulot ni Jared sa iyo,” dagdag pa ni Liane.Pagdating kay Jared, pakiramdam ni Hannah ay naagrabyado pa rin siya. Nakakulong pa ang kanyang puso. Hindi naman ganoon ang feeling niya kahapon. Hindi niya alam pero sa tuwing may nangyayari talagang ayaw niya ay parang sumasakit ang tiyan niya.“Hannah, kung ako sa iyo, tinanggap ko na ang alok ng sundalo na iyan at ihaharap ko kay Jared at sa pamilya niya. Para naman mapamukha mo sa kanila na kaya mo na kahit wala sila. Mawawasak si Jared niyan,” sabi ni Liane, natawa na lang si Hannah dahil sa sinabi ng kaibigan. Anghel naman ito kung minsan pero may pagkademonyo rin.“Tama ka naman sa sinabi mo. Hayaan mo, pag-iisipan ko iyang sinabi mo,” sagot ni Ha
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 40

Nakatulog na si Hannah noon. Nagising na lang siya dahil sa isang ingay mula sa labas. Hindi si Simon ang nagsasalita kung hindi isang babae. Hindi rin naman batang babae iyon dahil ang boses ng isang batang babae ay malumanay at malinaw. Ang boses na naririnig ni Hannah sa labas ay mabigat at magaspang.Alam na alam ni Hannah ang mga tono ng boses pero hindi niya nalaman agad na ang lalaking minahal niya ng sampung taon ay loko-loko pala. Paminsan-minsan talaga ay hindi pa rin mawala sa isip ni Hannah si Jared. Kahit ilang beses pa niyang sabihan ang sarili na kalimutan na ang lalaking iyon ay hindi niya talaga magawa.Hindi lumabas noon si Hannah, naupo lang siya sa kama at nakinig sa usapan doon sa labas.“Mrs. Lerazo, nasaan po si Simon?” tanong noong babae.“Umalis, maaga pa lang ay wala na siya rito,” sagot noong matanda, sa hula ni Hannah ay naglalaba ito dahil naririnig niya ang malakas na pagdaloy ng tubig sa labas.“Umalis? Akala ko ay hindi pa siya nabangon,” sagot noong ba
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status