Home / Romance / The Billionaire's Fiancee / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Fiancee: Kabanata 21 - Kabanata 30

84 Kabanata

Chapter 21

Dahil break na nga sila ni Jared ay hindi alam ni Hannah kung ano ba ang dapat na itawag kay Emerald. Dahil dalawang araw na rin naman siyang hindi nauwi ay napagdesisyunan niyang Tita na lang ang itatawag niya rito. Kabado niyang sinagot 'yong tawag."Yes po, Tita?" mahinang sagot ni Hannah."Anong Tita? Oo nga pala, Hannah. Huwag ka na munang umuwi sa bahay ng kaibigan mo. Umuwi ka rito sa atin. May niluto ako para sa iyo na dumplings. Gusto ko sanang ipatikim sa iyo," sabi ni Emerald.Alam ni Hannah na nagsumbong na si Jared dahil hindi na niya kayang pauwiin si Hannah sa kanila. Humingi na ito ng tulong sa magulang. Inis na inis si Hannah dahil kailangan na naman niyang mag-impake para siya ay makauwi. "Sige po, Tita. Uuwi po ako sa atin mamayang gabi."Bago bumalik sa trabaho si Hannah ay nagkita sila ni Mary. Nagtaka siya dahil sa tanong nito sa kanya."Miss Hannah, ayos ka lang po ba?" "Ha? Bakit? Anong problema?" sagot naman ni Hannah."Ah, ang dami kasing chismis sa office.
last updateHuling Na-update : 2024-11-03
Magbasa pa

Chapter 22

Pagpasok ni Hannah ng bahay ay narinig niya agad ang sinabi ng tatay ni Jared. Naisip niya na baka pinauwi na siya ni Emerald ay dahhil kalat na sa buong opisina ang nangyari kay Jane sa coffee shop. Alam ni Hannah na ayaw ng tatay ni Jared na madungisan ang kanilang kumpanya kaya ganoon na lang ang galit nito."Si Hannah ang fiancée mo pero nahuli ka ng ibang mga katrabaho mong may kayakap kang iba? Jared naman! Oo, pwede kang mapahiya sa mga tao pero huwag mo nang isasali pa sa kahihiyan si Hannah!" sigaw ng tatay ni Jared."Jared, oras na hindi mo pa pakasalan si Hannah, hindi ka na pwedeng tumira sa bahay na ito kahit kailan!" dagdag pa nito.Natuwa naman si Hannah sa kanyang narinig. Kahit siya ay inampon lang ng mga Falcon ay hindi naiba ang trato nila kay Hannah. Para sa kanila, anak ang turin nila rito.Naalala pa nga ni Hannah noong sinabihan siya ng kapatid ni Jared na si Jace na simula noong napunta si Hannah sa kanilang pamilya ay parang na-etsapwera na ang magkapatid kina
last updateHuling Na-update : 2024-11-05
Magbasa pa

Chapter 23

Hindi pa rin nagsalita noon si Hannah kaya lalong nag-alala si Jared kung ano man ang iniisip ng kanyang fiancée."Hannah, ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo sa akin, okay?" sabi ni Jared, para bang nawawalan na ito ng pag-asa na magtitiwala pa sa kanya si Hannah.Hindi sanay si Hannah na makitang ganoon si Jared. "Jared, wala naman na tayo, di ba? Pwede mo na siyang alagaan sa paraan na gusto mo," sa wakas ay nagsalita na si Hannah kay Jared.Napailing na lang si Jared. Ilang minuto pa ay nagsalita na siya."Huwag mo nang sabihin iyan dahil hindi naman iyan mangyayari. Aayusin na natin ang kasal natin bukas.""Jared, gusto mo ba talaga akong pakasalan?" tanong ni Hannah.Bumalik na naman kasi siya roon sa araw kung saan narinig niya sina Jared at Roldan na nag-uusap. Alam niya kung ano talaga ang nasa loobin ni Jared."Kilala na natin ang isa't isa, di ba? Kilalang-kilala na halos ayaw mo na nga akong makatabi sa pagtulog, hindi ba?" dagdag ni Hannah."Hannah, joke lang iyon.
last updateHuling Na-update : 2024-11-05
Magbasa pa

Chapter 24

Dahil sa pagtango niya ay naging kampante naman ang mag-asawa na matutuloy ang kasal noong dalawa. Pagkatapos ng dinner na iyon ay hindi naman makaalis si Hannah. Kaya, pumunta siya sa kanilang kwarto ni Jared. Nagulat siya nang makita ang kanyang fiancee."Mag-shower ka na," may awtoridad na sabi ni Jared.Pupunta na nga sana sa shower room si Hannah kaya lang ay biglang nag-ring ang phone niya. Tumatawag si Liane. Kaya naman imbes na si Hannah ang unang maliligo ay pinauna na niya si Jared."Mag-shower ka na. Ako na ang bahala rito. Ako na ang sasagot ng tawag," sabi ni Hannah.Pagsagot ng tawag ni Hannah ng tawag ay nagulat siya sa direktang tanong ng kanyang kaibigan sa kanya."Hindi ka umuwi rito kagabi at ngayong gabi. Hindi ka naman siguro babalik sa mga Falcon, ano?" Hindi sumagot si Hannah kay Liane. Nakatingin lang siya sa malaking kama na nasa kwarto nilang dalawa ni Jared. Pagkatapos noon ay napabuntong hinga siya."
last updateHuling Na-update : 2024-11-06
Magbasa pa

Chapter 25

Pagbaba ni Hannah ng kwarto ay amoy na amoy niya ang niluluto ni Mrs. Falcon. Tuwang-tuwa siya dahil ready na pala ang breakfast nila ni Jared. Nagulat naman siya dahil napansin niyang nag-iba bigla ang cover ng sofa sa sala ng mga Falcon. Para bang ready na ready na talaga ito sa kasal na magaganap."Hannah, pagbalik ninyo galing sa pag-aayos ng kasal ninyo ay umuwi agad kayo ha? Ice-celebrate natin iyan at pag-uusapan na rin ang mga importanteng gagawin sa kasal ninyo ni Jared," sabi ni Mrs. Falcon."Okay po," sagot naman ni Hannah."Bagay na bagay sa 'yo ang suot mo, Hannah. Pero, mas okay sana kung red ang kulay ng dress mo," nakangiting sabi ni Mrs. Falcon kay Hannah."Ah, masyado po kasing agaw pansin ang kulay na red," nahihiyang sagot ni Hannah."Naku, huwag mo kaming susundin, Hannah. Iba na ang era ngayon. Pwede mo nang isuot kahit anong gusto mong damit. Huwag mo nang sundin si Emerald, ha?" sabi ni Mr. Falcon, napangiti naman si Hannah dahil doon.Hinila na lang ni Emerald
last updateHuling Na-update : 2024-11-06
Magbasa pa

Chapter 26

Sobrang saya na ni Hannah noon pero mas lalo pa siyang naging masaya nang buksan niya ang bahay. Lahat ng sulok ng bahay ay tiningnan niya. Hanggang sa hinuli niyang tingnan ang mga kwarto. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita ang isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita, si Jane ay nandoon. Bagong gising at naka-pajama pa."Miss Jane, bakit nandito po kayo?" tanong ni Sec. Martinez kay Jane. Pati siya ay nalilito kung bakit nasa bahay ni Jared Falcon si Jane.Agad na inayos ni Jane ang kanyang sarili bago tuluyang sumagot kay Sec. Martinez. "Ha? Bakit? Dito ako nakatira."Agad na napatingin si Jane sa susi na hawak ni Hannah. "Hindi ba kayo maalam kumatok sa pinto?""Ah, ang bahay na ito ay kay Mr. Jared Falcon at ibibigay niya ito kay Ms. Hannah," sabi ni Sec. Martinez. Pagkasabi niya noon ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para kausapin si Jared. Hiyang-hiya kasi siya kay Hannah dahil nagkamali siya. Aksidente pa niyang na-click ang speaker phone dahil sa pa
last updateHuling Na-update : 2024-11-07
Magbasa pa

Chapter 27

Dahil hindi nga mapaalis ni Jane si Hannah doon ay gumawa na lang siya ng paraan para umalis si Hannah. Kaya lang, ang hindi niya alam ay ready naman si Hannah kung sakali na ganoon nga ang sabihin ni Jane sa kanya."Hannah, hindi ba't ngayon kayo mag-aayos ng kasal ninyo ni Jared? Bakit hindi ka pa nag-aayos? Hala, baka late ka na, ha," may pang-aasar na sabi ni Jane."Well, oo. Sinabihan nga kami ni Mr. Chavez kanina. Sabi naman niya, after lunch daw iyon kaya okay lang kung mamaya pa ako mag-ayos. Kapag naayos na namin iyon, mabubuhay na kami nang masaya. May mga malulusog na anak at kung ano pa," pang-aasar din ni Hannah.Dahil doon ay nawala ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ni Jane. Alam niyang nang-aasar din si Hannah sa kanya at hindi naman kasalanan ni Hannah kung pikon siya.Kitang-kita ni Hannah ang inis sa mga mata ni Jane kaya kaya lalo pa siyang nang-inis dito. "Kapag naayos na namin ang kasal, asahan mo na ikaw ang unang pabibigyan ko ng invitation ha?" sabi ni Hann
last updateHuling Na-update : 2024-11-07
Magbasa pa

Chapter 28

Late na nang pumunta si Hannah sa bahay ni Mr. Chavez. Wala na si Jared doon pagpunta niya. Patay kasi ang cellphone niya kaya hindi niya alam kung ano na ang balita sa kanyang fiance. Expected naman na niya na hindi na niya makikita pa roon si Jared. Hindi talaga kasi kaya nito na maghintay nang matagal katulad niya. Nagulat na lang siya nang makita ang mga calla and text message ni Jared pagbukas ng phone niya."Hannah, nandito ka na ba? Bakit nakapatay ang cellphone mo?"""Hannah, ano bang nangyayari sa iyo, ha?"Hannah, mag-reply ka naman sa tawag at mga texts ko.""Hannah, sabi ni Mr. Chavez, after 20 minutes daw at wala ka pa rito ay magsasara na ang office niya. Nasaan ka na ba?""Hannah. niloloko mo lang ako, di ba?""Ang galing mo talaga, ano?Sa mga texts pa lang ni Jared, alam na ni Hannah na galit na galit ito dahil sa ginawa niya. Para naman sa kanya, tama lang iyon. Pakiramdam niya ay kahit paano ay nakaganti na siya sa lahat ng sakit na dinulot ni Jared sa kanya. Pagka
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa

Chapter 29

"Hannah, please. Kindly listen to my explanation," sabi ni Jared."Jared, wala naman nang kailangan pang i-explain sa akin. Na-explain mo na sa akin iyan lahat dati, hindi ba? Pagod na akong makinig sa mga explanations mo. Ubos na ubos na ako," sagot ni Hannah."Kaya kung pwede lang, itigil na natin ito," dagdag pa ni Hannah na lalong kinagalit ni Jared."Hannah naman!" sigaw ni Jared sa kabilang linya."Oo nga pala, inayos ko na ang mga files na kailangan mo. Pinasahan ko na ng email ang mga taong involved sa mga projects na iniwan ko at nag-send na rin ako ng kopya sa email mo," sagot ni Hannah, para bang nagpapaalam na siya kay Jared."Bakit? Anong ibig mong sabihin?" sagot ni Jared kahit may hula na siya kung ano ang ibigsabihin ni Hannah noon."Magbabakasyon lang ako," walang sigla niyang sagot."Sinadya mo iyon, ano?" tanong ni Jared.Hindi sumagot si Hannah kaya lalong nagalit si Jared sa kanya. Ramdam iyon ni Hannah kaya sumagot na siya."Mainit lagi ang ulo mo, di ba? Sige la
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa

Chapter 30

Naalala ni Hannah kung gaano kasaya si Mrs. Falcon noong umalis siya mula sa bahay nito, wala itong paglagyan. Kaya, sobrang sakit para kay Hannah dahil ang saya na iyon ay napalitan ng lungkot.“Tita,” mahinang tawag ni Hannah. Mahina dahil nahihiya siya at dahil din sa masakit na para sa kanya ang mga nangyayari.“Bakit Hannah? Sige, sabihin mo sa akin kung anong nangyari kasi naguguluhan ako,” sagot naman ni Mrs. Falcon sa kanya.“Tita, baka hindi talaga kami ang para sa isa’t isa,” sagot ni Hannah na kinagulat ng matanda.Hindi kayang sabihin ni Hannah na natalo siya ng isang babae, lalo na ng babaeng kamamatay lang ang asawa. Isa pa, ayaw din naman niyang siraan si Jared sa nanay nito dahil unfair naman iyon sa kanya.“Ha? Paanong hindi kayo ang para sa isa’t isa? Hannah, halos lumaki na kayong sabay ni Jared. Ang tagal-tagal niyo nang magkarelasyon. Mahal mo naman siya at mahal ka niya. Anong problema, anak?” nag-aala na talaga si Mrs. Falcon noon.Hindi na nakasagot si Hannah
last updateHuling Na-update : 2024-11-09
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status