Lahat ng Kabanata ng Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's: Kabanata 31 - Kabanata 40

56 Kabanata

Kabanata XXXI

GUSTO PA sanang magtagal pa sa pagtulog ni Deiah dahil sa hinihila ang kaniyang buong katawan ng malambot nitong kama, ngunit pilit naman siyang ginigising ng kanyang diwa sa natural na body clock niya ngayong alas-singko ng umaga.Dahil sa oras na ito, karaniwan na siyang nagluluto ng almusal para sa asawa, gano'n din kapag nasa mansiyon siya ng pamilya siya ng Thompson. Babangon ng maaga para ipagluto ang mga ito, at huling papasok sa kwarto just to make sure that everythings okay bago siya makatulog sa gabi.Ngayon, hindi na niya kailangang magluto, maghugas, maglaba o mag-alala sa kahit anu pa mang bagay para sa buong pamilya Thompson o sa asawa habang nalulunod sa usok, at hindi na rin niya kailangang magtiis sa masungit na tingin ng pamilya nito sa kaniya.Ang saya! Napakasarap pala ng pakiramdam ng hiwalay. Walang inaalalang pakikisamahan. Mabilis siyang bumangon at walang oras na sinayang. Matapos niyang gawin ang pang-araw-araw na ritwal niya sa sarili ay agad siyang nagpalit
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata XXXII

HINDI maiwasang mapailing ni Deiah sa nadiskubre, galit siya sa mga taong ang ginawa lang ay maging sakim at mapang-abuso sa posisyong ibinigay sa kanila. Batid niyang ang isang tao ay nagiging gahaman lang dahil sa nais mamuhay ng maayos at marangya, ngunit hindi ito tama para mangloko sa iba, at hindi din siya makakapayag kung ang maaapektuhan ay ang mga costumers nila na nagbabayad ng tama sa kanila."Sabihin niyo po sa akin Young Madam kung anong desisyon niyo po ngayon kay Mr. Lauro. Gusto niyo po bang magpameeting ako sa financial department at sabihin sa kanila ang tungkol dito para mabilis mapakalat sa mga empl--""Hayaan muna natin siyang kumilos. Kung gagawin kong masyadong marahas ang lahat, maaaring magkaroon ng mapanlaban na kaisipan ang iba pang mga senior executives ng hotel sa akin at traydurin ako ng patalikod. Bukod pa dito, si Senyor ang nagpromote kay Mr. Lauro sa pagiging bise nito at ayoko namang bastusin ang matanda." Aniya nito habang nakatuon ang atensyon sa l
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata XXXIII

"KUNG hindi ka naniniwala, maaari mong tingnan ang label sa loob ng laylayan ng suit na ito. Nakalagay do'n ang pangalan mo." Mabilis na hinubad ni Primo ang suit at itinapon ito sa sofa na para bang nasusunog siya dito. "Divored na kami. Wala na po akong interes pang alamin kung ano pa ang ginawa niya para sa akin. Mabuti pa po, magpahinga na po muna kayo sa silid, Yaya Rosing." "Bakit mo nga ba ginustong hiwalayan ang babaeng may ginintuang puso, hijo? Buong-buo ang pagmamahal niya sa iyo, at nakita ko iyon--""Buong-buo?" Nanunuyang tanong ni Primo sa matanda. "Buong-buo ba iyon Yaya? Pagkatapos lang niyang pirmahan ang papel ay umalis na parang bula sa bahay na ito at sumama na agad sa ibang lalaki? Iyon ba ang buo, iyon ba ang may ginintuang puso huh?""Pap-paanong magagawa iyon ni Young lady?" Gulat na wika ng matanda. "Iyon na nga po, kung totoo ngang may ginintuang puso iyan, ay bakit niya nagawa 'yon? Maniwala kayo sa hindi, Yaya Rosing. Totoo ang kasabihang hindi sasapat
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata XXXIV

NAPAPIKIT sandali si Primo bago kalmadong sinagot ang tawag ni Atasha. Pagkasagot pa lamang niya ay narinig niya na agad ang ingay sa kabilang linya na para bang pinagkakaguluhan si Atasha ng karamihan. Bigla siyang kinutuban, dahilan para tuluyan na siyang mag-alala dito."Tash? Where are you? Asan ka ngayon? Okay ka lang ba? Anong---""Pri-Prim, please--please help me. " Naiiyak na humihingi ng tulong si Atasha sa kabilang linya. "Nandito ako sa ibaba ng ko-kompanya mo. Si-sinalubong nila ako and na---naapapaligiran na nila ako ngayon. Masyadong maraming reporter, hindi ako makalusot. Please come down, help me. Natatakot ako, Prim." "Pupuntahan kita." Mabilis na ibinaba ni Primo ang phone . Mabilis niyang kinuha ang kaniyang jacket at nagmamadaling lumabas ng pinto nang wala man lang salitang binitiwan kay Eric na siyang nag-aalala na rin."Boss--teka lang!" Pagharang nitong sigaw ni Eric sa amo."Boss, makinig ka po sa akin, huwag po kayong magpadalos-dalos at magpadala sa nararam
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata XXXV

HINDI naman nagpahuli itong si Thyme at nagpadala rin ng mensahe sa grupo.Thyme: Mga kapatid, may natuklasan ako na siguradong pagpipyestahan ng lahat.Hindi man mukhang isang katiwa-tiwala sa panlabas na anyo ang kapatid nilang si Thyme, ngunit alam nilang lahat na ito ang pinakamagaling sa kanila pagdating sa hacking. Walang ligtas kapag ito ang binangga ng kalaban.Ilang mga litrato ang lumabas sa kanilang grupo na ikinagulat nilang lahat.Malinaw sa larawan ang mukha ni Atasha na masigasig na humalik sa isang mestisong lalaki na naka-pang sports wear ang pormahan. Sa ikalawang litrato, topless naman ito habang hinahaplos ng malaking kamay ng lalaki ang kaniyang katawan.Bagsak ang panga ni Deiah sa gulat ng bumungad sa kaniyang mga mata ang mga litrato. Hindi niya lubos maisip na kayang gawin ng babaeng iyon ang mga nakikita niya ngayon sa litrato. Paanong nakayang gawin ng babaeng iyon? Ito ba ang babaeng buong pusong ipinagmamalaki ni Primo sa kaniya? Ito ba ang sinasabing mas
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata XXXVI

DINALA ni Primo si Atasha sa opisina, wala na siyang pakialam kung may mga empleyadong naroroon.Pagkasara pa lang ng pinto ay agad ng bumuhos ang mga luha ni Atasha saka yumakap sa baywang ni Primo."Primo..buti na lang at si-sinundo mo ako do'n. Natakot ako. Ang dami nila. Ang daming katanungan. Natakot talaga ako kanina.."Ang madilim na mukha ni Primo ay tila kasing kapal ng tintang hindi matutunaw. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at ipinatong sa balikat ni Atasha at dahan-dahang itinulak ito papalayo sa kaniya."Pri-Primo.." Litong-lito si Atasha sa ginawa ni Primo habang nakatingin ito sa kaniya."Bakit mo ginawa ito? Tash," malamig ang tinig ng boses nito. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Bakit mo sinabi ang balitang ito sa medya?"Napakurap si Atasha, at muling napuno ng mga luha ang mga mata nito habang matiim na nakatitig kay Primo. "Aa-anong ibig mong s-sabihin Primo? W-wala akong a-alam diyan? W-wala akong sinabi si medya--hindi ko magagawa iyon sa iyo. Si-sinisiraan lan
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata XXXVII

"GRANDPA, huwag niyo pong pag-isipan ng masama si Atasha, wala po siyang kinalaman dito." Aniya nito sa kabilang linya, mas lalong sumakit ang ulo niya dahilan para hilahin niya ang windsor knot ng kaniyang kwelyo at dahan-dahang naupo sa sofa habang nakasuport sa pader.Dahil sa kaniyang pagsisinungaling sa matanda, nakaramdam tuloy siya ng matinding pagkakonsensya na parang may pait sa kaniyang lalamunan, ngunit wala siyang magawa sa kasalukuyan."Huwag mong ipagtanggol ang babaeng sisira ng pangalan mo, ng pamilya natin. Hindi ako makakapayag na iyang babaeng iyan ang pakakasalan mo at magiging parte ng pamilyang itinayo ko. Gusto kong balikan mo si Deiah." Walang paligoy-ligoy na saad ng matanda sa kabilang linya."Grandpa, ito ang napagkasunduan po natin. Pagkatapos ng tatlong taon, gagawin ko ang desisyon ko." Pawis na ang noo ni Primo na may bahagyang paghirap na din sa kaniyang paghinga. "Wala ng posibilidad pang magkabalikan kami ni Deiah. Si Atasha na po ang nakikita ko sa hi
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Kabanata XXXVIII

HABANG lumulubog ang araw, ang ginintuang liwanag ay sumisilip naman sa buong kaulapan na lalong nagbibigay ningning sa paligid.Pagod na nakaupo si Primo sa likod ng sasakyan habang ang mamahaling sasakyan ay papunta sa kanilang bahay na."Boss, naayos ko na po pala ang mga marketing accounts na nagpakalat ng mga tsismis kay Young Lady. Naiblock ko na din ang kanilang mga account at nakapagpadala na din po tayo ng liham mula sa ating abogado. Sa tingin ko, sapat na iyon para maparusahan natin sila. Ngunit ang tungkol sa balita ng kasal, hindi natin maibaba mula sa hot search. Napakahirap nito ayusin," may pagkabagabag na sabi ni Eric.Nakatitig si Primo sa bintana, malalim ang iniisip at madilim ang ekspresyon.Maraming beses niyang gustong tawagan si Deiah, ngunit naalala niya ang huli nilang pag-uusap na natapos sa hindi magandang usapan. At dumagdag pa sa isipan ang kailangan niyang pagdaan sa Jared na iyon para makipag-usap lang sa babaeng iyon, kaya’t nakaramdam siya ng kauntin
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Kabanata XXXIX

SA mga sandaling iyon, sa medyo tahimik na luxury card pack sa ikalawang palapag pumasok naman sina Onyx at Primo, dalawang nag-gwa-gwapuhang lalaki lang naman.Sa gabing ito, si Primo ay naka-suot pa rin ng malinis na suit. Tumingin si Onyx sa kanya at umiling, "Welded ba sa katawan mo ang suit mo? Alam ko na lumabas ka lang para magsaya, pero yung mga hindi nakakakilala sa'yo, iisipin nilang nandito ka para magpa-meeting sa iyong mga empleyado.""Ngayon, halos lahat ng nightclubs sa Pinas ay pabagsak na, nalulugi din taon-taon. Hindi naman masama kung sasabihin kong hindi sulit ang acquisition ng lugar mo." Umupo si Primo ng maayos."Haha, yung iba nalulugi, iniisip mo din bang nalulugi ako?""Hindi ka nalulugi?""Oo, nalulugi. Pero hindi ako natatakot, sumusugal ako lalo na kung alam kong mamahalin ako ng pangarap ko pagdating ng araw, hahaha!" Natawang saad ni Onyx habang pinipisil ang rim ng baso para kunin ang whiskey.Maya-maya lang ay tumingin sa ibaba habang umiinom.Suddenly,
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa

Kabanata XL

"F*** you b****! Ang lakas ng loob mong gawin sa akin ito? Kilala mo ba kung sino ako huh?" Nag-aapoy sa galit si Atlass sa ginawang pamamahiya sa kaniya ni Deiah, mabilis niyang pinunasan ng kamay niya ang basang-basa niya ng mukha."Wala akong pakialam kung sino ka mang herodis ka, ang pangit mo na nga pangit pa ang ugali mo, mukha pang puwit ang bibig mo. Akala mo ba hindi ko nakita? Pinipilit mong painumin ang mga babae ng alak na may nilalamang nakakalasong gamot. Tama ako hindi ba?" Kalmadong inangat ni Deiah ang mahahabang buhok at tumingin sa kanya ng seduktibo."Ah gano'n, matapang ka huh! Tingnan natin kung gaano ka ba talaga katapang."Nagalit si Atlass sa pambibistong ginagawa nito. Tinawag pa siya ng babaeng iyon na parang puwit ang bibig niya! Kung wala lang mga tao sa paligid nila na nakamasid ay siguradong na sampulan niya na ito, gustong-gusto niya ng sampalin ang babaeng ito!Dumating ang dalawang bodyguard ng pamilya Dela Fuente na kagagaling lang sa labas. Kumilos a
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status