NADATNAN ni Primo si Atasha na walang malay, hinimatay ito sa kalagitnaan ng kanyang pagwawala dahil sa mga negatibong komento na natatanggap mula sa mga tao."Kumusta siya, Doc?" tanong ni Primo, bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata."Ayos na siya ngayon. Kailangan lang niya ng oras para makapagpahinga," sagot ng doktor habang inaalis ang kanyang stethoscope."Primo, maraming-maraming salamat sa pagpunta mo. Hindi na namin alam ang gagawin, nagkakagulo na. Ang totoo niyan, nakisuyo ako sa kapatid ko, kay Carmela, na puntahan ka para kausapin tungkol dito. Hindi kami makalabas; maaga pa lang nagkakagulo na ang mga reporters sa labas ng bahay, dahilan para lalong mag-panic si Atasha. Kilala mo naman ang anak ko, ayaw na ayaw niya ang napapahiya siya," sabi ng ina ni Atasha, halata sa kanyang mga mata ang halo-halong emosyon—pagod, takot, at pag-aalala."Huwag po kayong mag-alala, gagawan ko ho ito ng paraan. Sa ngayon, mas mabuti po munang manatili kayo sa loob ng bahay. Alam kong
Last Updated : 2024-12-18 Read more