All Chapters of Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's: Chapter 41 - Chapter 50

56 Chapters

Kabanata XLI

SA ILALIM ng mga makukulay at nakakalulang ilaw, umiindayog si Deiah, iniikot ang kanyang makurbang baywang sa isang mapang-akit ngunit mapaglarong sayaw. Ang kanyang ngiti ay walang pakundangan at puno ng kumpiyansa, habang ang kanyang mga galaw ay parang isang mahiwagang diwata na nang-aakit. Ang mga liwanag na naglalaro sa kanya ay nagbigay ng mala-misteryosong ningning.Deiah was utterly drunk and completely lost in the moment!She had no idea what she was doing—she felt soaring like she was the wind, untamed and indescribable.Ngunit bigla siyang napahilig dahilan para mawalan siya ng balanse.Sa gitna ng kaniyang sigaw sa pagkakagulat, bumagsak siya sa isang matigas ngunit mararamdaman ang init ng yakap mula dito.Ilang sandali pa ay naaninag niya ang guwapong mukha ni Primo, seryosong nakatitig sa kaniya na puno ng galit. "Hi.' Nginitan niya lang ito na parang bata at nagsabi ng dalawang salit.""Nas-nasusuka ako."Mabilis na hinila ni Primo si Deiah papunta sa banyo ng mga la
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata XLII

MADILIM pa sa kwarto ni Deiah nang magising siya sa nakakairitang tunog ng pagbabasag mula sa ibaba. Halatang hindi siya handa sa paggising dahil mahapdi ang mga mata niya sa biglaang liwanag mula sa siwang ng kurtina. Napahawak siya sa sentido habang dahan-dahang bumangon. Halos hindi niya maramdaman ang kama at ang paligid dahil sa pagkahilo at nanlalambot din ang kaniyang katawan. Sa kabila ng lahat, halata ang iritasyon sa mukha niya habang nakikiramdam sa nakakagulong tunog.Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kanya si Manang Corazon na mukhang galing sa pagkataranta. May hawak pa itong panyo na tila pinangpapahid ng pawis sa noo. Ang mukha nitong may bahid ng pag-aalala ay parang nagsasabing malubha ang nangyayari sa ibaba."Manang Corazon?!" gulat na tanong ni Deiah, ang tinig ay may halong pagtataka at pagkainis, habang bahagyang nag-ayos ng sarili upang magmukhang kagalang-galang kahit bagong gising."Naku, pasensya na Lady Nana, mukhang nagising na po kayo sa ingay. Kakatuki
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata XLIII

"SA WAKAS! Kumusta ang alarm clock mo?" tugon ni Daisy, kasabay ng pagtatakip ng mga braso sa dibdib. Ang matalas niyang tingin kay Deiah ay tila espada na naghahamon ng labanan. Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti, mababakas ang pagkabahala sa mga pabango na hawak ng kanyang karibal. Ang tensyon sa pagitan ng dalawa ay lalong tumindi, na parang isang bombang malapit nang sumabog.Habang nagaganap ang tensyon sa itaas, nanonood sa baba sina Manang Corazon, Jes, at Indo—ang mga tauhan ng mansyon na nakasaksi sa halos lahat ng gulo sa pamilya. Ang kanilang mga mukha ay may halong kaba, inis, at bahagyang pagkatuwa habang tumitingala sa itaas kung saan nagbabangayan sina Daisy at Deiah."Juskopo, bakit nga ba si Lady Nana pa ang nilapitan ko?" Napapahawak sa dibdib si Manang Corazon, tila binibigyan ng lakas ang sarili habang inaasahan ang susunod na pagsabog mula sa itaas. Ang bawat tunog ng basag ay parang hampas sa kanyang puso. Napatingin siya sa langit, tila humihingi ng tulong na huw
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata XLIV

MALAYO PA LANG, agad na pumasok sa ilong ng triplets ang matapang at mabangong halimuyak na tila bumalot sa buong mansiyon. Napakunot ng noo si Sage habang paulit-ulit na sumisinghot ng hangin, tila sinusuri kung tama ang kanyang inaamoy.“Nagdilig ba si Indoy ng mga pabango sa mga halaman sa hardin o umulan ng pabango?” tanong niya, halatang litong-lito habang umaalis ng sasakyan.Si Thyme naman ay napailing, sabay takip ng ilong gamit ang panyo. “Nakanang! Anong mga amoy iyon? Ang sakit sa ilong,” reklamo niya, halatang nairita sa kakaibang sitwasyon.Habang nagkakatinginan ang magkakapatid, isang tunog ng basag na gamit mula sa loob ng mansiyon ang nagpatigil sa kanila. Nagkatinginan silang sabay-sabay, bakas ang kaba sa kanilang mga mata.“Nako, huwag naman sana,” sabi ni Sage na napalunok. Sa tono ng kanyang boses, halata ang pag-aalala na may hindi magandang nangyayari sa loob.“Mukhang hindi ito maganda,” ani ni Jared na biglang tumahimik, ang kanyang mukha’y puno ng seryosong
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata XLV

PUMASOK si Deiah sa opisina, bakas sa kaniyang mukha ang bigat ng hang-over na dala-dala pa rin niya. Bagamat bahagyang humupa ang galit na naramdaman niya kanina, tila nananatili pa rin ang init ng emosyon. Agad siyang bumagsak sa couch, para bang hinayaan niyang lunurin siya ng bigat ng damdamin at katawan. Tahimik siyang sinundan ng triplets, halatang nag-aalangan ngunit buo ang desisyon na sumunod."Kung sinundan niyo ako para pagsabihan akong mali ang ginawa ko kanina, mabuti pang magsibalik na kayo dahil wala kayong mapapala sa akin," ani ni Deiah. Pumikit siya at hinilot ang sentido, tila pilit nilalabanan ang sakit sa ulo at emosyonal na pagkaubos."Kung bakit mo naman kasi pinatulan pa?" reklamo ni Thyme, sabay abot ng malamig na tubig at gamot sa kaniya."Oo nga naman, alam mong kulang ng piyesa ang utak no’n, eh," dagdag ni Sage, napapailing pa.Napabangon ng kaunti si Deiah at mariing tumugon, "Para ano at hindi ko papatulan? Men, nakita niyo naman ang ginawa ng bobitang i
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata XLVI

NAPATINGIN si Deiah sa mga kasama, ngunit walang masabi. Namula ang kanyang mukha habang bumalik sa kanya ang malabo ngunit nakakahiya niyang alaala. Napasinghap siya, napapailing sa sarili. "...."Ngunit hindi pa tapos ang mga banat ni Thyme. Tumikhim ito bago muling nagsalita, malalim ang buntong-hininga ngunit halatang may bahid ng panunukso. "Ate, kung hindi ako dumating para iligtas ka, baka kung ano na ang nagawa ninyo do'n."Mabilis na tumugon si Deiah, pilit pinagtatanggol ang taong nasa isip niya. "No, no. No, hindi gano'n si Primo. Hindi niya kagaya 'yong Onyx na iyon." Hinawakan niya ang kanyang noo, halatang naiirita hindi lamang sa mga sinasabi ng mga kasama, kundi pati na rin sa kanyang sarili."Pinagtatanggol mo pa rin siya ngayon!" Ani ni Jared.Ngunit mabilis na sumagot si Deiah, halatang hindi magpapaawat, ang tono’y puno ng halo ng sarcasm at inis."Hindi ko siya pinagtatanggol. Bukod kasi sa pagiging malamig, walang pakiramdam, at halatang galit sa akin? Ay gentlema
last updateLast Updated : 2024-12-09
Read more

Kabanata XLVII

Kinagabihan, nang oras na pinakaabala ang internet—ang sandali kung kailan gising ang karamihan, nakatutok sa kani-kanilang screen—isang tahimik na balita ang biglang sumingaw. Walang anunsyo, walang pasakalye, ngunit sa loob lamang ng wala pang isang oras, ang simpleng ulat na ito ay naging sentro ng usap-usapan sa lahat ng social media.BRS Nag-terminate ng Kontrata sa Haven Home Co. dahil sa DelaFuentech Raw-M?Manila, Pilipinas – Opisyal nang tinapos ng BRS Group ang kanilang kontrata sa Haven Home Co., ang supplier ng mga produktong ginagamit sa kanilang mga hotel branches.Ang desisyon ay iniulat na bunga ng hindi sapat na kalidad ng mga materyales mula sa DelaFuentech RAW-M, na siyang pangunahing supplier ng Haven Home Co. Ang mga materyales na ito ay nagdulot ng paulit-ulit na problema sa produksyon at operasyon, na hindi lamang nakaapekto sa Haven Home kundi pati na rin sa mga proyekto at serbisyo ng BRS.Ayon sa tagapagsalita ng BRS, ang kanilang pasya ay hakbang upang masig
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Kabanata XLVIII

"HANNAH Montevista?" Isang pangalan—Hannah Montevista—ang paulit-ulit na umiikot sa kanyang utak. Parang narinig niya na ito dati, ngunit hindi niya matandaan kung saan o kailan.Habang pinipisil ang kanyang mga kilay, nagsalita siya nang mahina, parang nagbubukas ng pinto sa isang madilim na kwarto ng nakaraan."Hannah Montevista... Parang narinig ko na ang pangalang 'yan dati." Ang tono ng kanyang boses ay puno ng pagdududa, halos isang bulong na naglalaman ng mga tanong na hindi matukoy. Sa loob ng kanyang utak, ang pangalan na ito ay nagsisimulang magbukas ng isang tila malabo at nakakabagabag na alaala, ngunit hindi pa ito buo, at ang sagot ay tila nakatago pa."Nag-imbestiga ako nang masusi tungkol sa Miss Montevista na 'yan, Boss."Inisip ni Primo na sa wakas ay nagkaroon ng tamang pag-iisip ang sekretaryo niyang madalas palpak sa lahat ng bagay. Inisip niyang marahil ay napag-isipan na nito ang mga susunod na hakbang, kaya’t ang kanyang mga mata ay kumislap sa kasiyahan."Ano
last updateLast Updated : 2024-12-10
Read more

Kabana XLIX

ANG tahimik na opisina ni Preston ay biglang napuno ng tensyon nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Carmela, ang kanyang presensya ay tila nagpapabigat sa hangin, nagulat sa pagdating ng babae."What are you doing here? Baka makita ka ng anak ko? Baka magawi si Olivia dito." Ang kanyang boses ay mababa ngunit madiin, halatang pinipilit maging kalmado. Ang kanyang mga mata ay mabilis na tumingin-tingin sa paligid, tila naghahanap ng sinuman na maaaring makakita sa kanila.Ngunit hindi alintana ni Carmela ang pag-aalala nito. Sa halip, lumapit siya at lumingkis sa bisig ng lalaki, ang kanyang kilos ay puno ng kasiguraduhan at tila hindi naiilang sa sitwasyon. "Wag kang mag-alala, may lusot na ako diyan. Hindi ko lang matiis na hindi ka makita at mayakap."Agad siyang yumuko upang halikan si Preston, ngunit bahagya itong umiwas, marahan ngunit madiin niyang inilayo ang babae mula sa kanyang katawan saka tumayo. Ang kanyang ekspresyon ay nanatiling seryoso, habang ang kanyang tinig
last updateLast Updated : 2024-12-11
Read more

Kabanata L

SANDALING ipinikit ni Primo ang kaniyang mga mata, pilit na binabalikan ang malabong larawang tumatak sa kaniyang isipan. Hindi niya maalis ang katanungan sa sarili—bakit tila may kakaibang koneksyon siya sa batang iyon? Bagamat malabo ang larawan, may pamilyar na bagay tungkol dito na hindi niya maipaliwanag."Boss, nasa kabilang linya po si Ms. Atasha," ani Patricia, na agad nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.Mabilis na inayos ni Primo ang kaniyang pagkakaupo, sabay sapo sa noo na para bang sinusubukang burahin ang bigat ng iniisip. Napalitan ng pag-aalala ang mga tanong sa kaniyang isipan nang marinig ang pangalan ng kasintahan."Sige, sagutin mo," utos niya kay Patricia, ang boses ay mahina ngunit matatag. "Sabihin mong pupuntahan ko siya kaagad."Habang pinapanood niya ang assistant na inaasikaso ang tawag, mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan mula sa mesa. Wala nang ibang mahalaga sa ngayon kundi ang makita si Atasha at malaman kung ano ang nangyayari. Pipindutin na sana
last updateLast Updated : 2024-12-12
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status