All Chapters of Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's: Chapter 21 - Chapter 30

56 Chapters

Kabanata XXI

ISANG MALAMIG na titig ang ipinukol ni Deiah kay Atasha na nakangiti ng wagas habang papalapit kay Primo.Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Atasha nang mahagip ng kaniyang mga mata ang katabi ni Primo, si Deiah. Nagtataka man ang mga titig niya sa kung bakit ito naririto ay mas binilisan pa niya ang paghakbang papalapit kay Primo ng nakangiti. "Why are you here?" Gulat na tanong ni Primo dito.Hindi pa man natatapos ang tanong ay naipulupot na nito ang mga kamay sa bewang ni Primo habang si Deiah ay napayuko na lamang. "Hmmm, nabalitaan ko ang nangyari kay lolo Sebastian. Bakit naman hindi mo agad sinabi sa akin? Para namang iba ako sa iyo. Magtatampo na pa naman sana ako sa iyo no'n dahil sa walang sundong dumating sa akin sa labas ng kompanya. Muntik na kami magpalit ni Manong guard ng mukha sa sobrang tagal. Kung hindi ko pa nakita si Patricia na bumaba hindi ko malalaman ang nangyari kay Lolo." Aniya nito na nangungusap ang mga matang nakatitig kay Primo."Ihina
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Kabanata XXII

ANG MATANDANG may sakit ay tila nabuhayan ng sigla nang matanaw ang bultong papasok. Isang malapad na ngiti ang ibinungad agad niya sa kaniyang grand-daughter-in-law.'Oh, apo ko. Hija." Naibulalas niya habang nakangiti ng malapad. Sa eksenang iyon pa lamang ay mabilis ng napalambot ang kaninang galit at matigas na puso ni Deiah. Parang otomatikong bumalik ang personalidad ng Deiah na kilala ng mga ito."Halika apo, dito ka maupo sa tabi ko." Wika ng matanda na may pagkampay pa sa kamay palapit sa kaniya habang pinipilit na bumangon."Nako lolo, huwag na po kayong bumangon. Hindi pa po kaya ng katawan niyo." Agad na lumapit si Deiah para tulungan sana ang matanda ngunit mabilis na itong nakaupo."Apo, ayos na ayos ang lolo. Kinagat lang ng langgam ang puso ko pero hindi naman dapat ipag-alala pa." Ani ng matanda na kinukumbinsi ang sarili na nasa mabuting kalagayan.Hindi mapigilang malungkot ni Deiah na makita ang matandang nakahiga sa isang ospital bed na kung tutuusin ay dapat malu
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Kabanata XXIII

NAPAPADYAK ang mga paa at iritableng nagpapabalik-balik sa harapan ng pintuan si Atasha, mahigit kalahating oras na kasi siyang nasa labas lang at naghihintay na iluwa si Primo mula sa pintuang iyon. Sinubukan niyang pihitin ang door knob kanina sa yamot ngunit naka-lock ito dahilan para madagdagan ang isipin niya sa mga posibleng mangyari sa loob.Napahinto siya at napahilot sa kaniyang sintido. Aminado siyang hindi siya mapakali sa mga oras na ito. Kinakabahan siya."Relax Tash,." Kasabay ang malalim na paghinga. "You know how the old man operates. That old man can't hold Primo back forever, all you need is to hold Primo's heart tightly, which would be enough. Hanggang nasa saiyo ang puso ni Primo hindi siya basta-basta makukumbinsi ng matanda." Bulong niya sa sarili, batid niya no'n pa man ang pagkadisgusto ng matanda sa kaniya, sa pamilya niya kaya sigurado siyang gagawin ang lahat ng makakaya nito para hindi mapunta sa kaniya si Primo. Natitiyak niyang kung hindi siya kikilos, ma
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more

Kabanata XXIV

NAPANGITI si Atasha nang marinig ang tunog ng pagpihit sa door knob, naisip niyang si Primo na ito at papapasukin na siya. Ngunit sa kasamaang palad, mabilis na napalitin ng inis ang mga ekspresyon ng mukha niya ng iluwa ang bulto ni Deiah sa pintuang iyon. At ang agad na nakapukaw ng atensyon niya ay ang ang bracelet nito na kumikintab sa ganda sa kamay nito.Hindi niya nakitang nakasuot ito ng papasok sa kuwartong iyon kanina kaya nakakasigurado siyang bigay ng matanda iyon.Napataas ang isa niyang kilay nang may maisip siya.Mabilis niyang sinalubong si Deiah at nang matapat siya dito ay nagpanggap siyang matitisod. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay nito kung saan naroon ang bracelet na iyon ay siyang mabilis namang nailihis ni Deiah ang direksyon ng kaniyang paghakbang, na naging dahilan upang matuluyan si Atasha sa pagkakatalisod at pagkawalag balanse na ikinabagsak nito sa sahig.Sa lakas pa nga ng pagbagsak ang isa niyang kamay ang naidiin sa sahig na tuluyang ikinabasag
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Kabanata XXV

PRIMO approached Deiah with big steps."Is there any problem, Mr. Thompson?" Malamig ang mga matang nakatitig kay Primo. "Ah! I knew it." Napapatangong saad niya sa sarili. "Alam ko na. Kung nag-aalala pa din talaga si Ms. Dela Fuente sa kaniyang relos na nabasag, pakisabi na lang sa kaniya na huwag ng mag-alala at ako na ang bahala. Padadalhan ko siya ng isang trak na mga antique na relo bukas." Sambit niya saka tinitigan nito si Primo na sandaling napatulala.Sa mga oras na iyon, tila may sariling ring light ang ganda ni Deiah na hindi mawari ni Primo.Her attire accentuated her physique, while her long hair cascaded down, emitting a captivating fragrance with every gentle sway. Her naturally thin lips, now adorned with crimson lipstick, complemented her doll-like eyes and chocolate-brown irises, which mesmerized with their lengthy lashes, hinting at an understated elegance.Akmang tatalikod na sana si Deah nang bigla-bigla na lamang hawakan ang kaniyang kamay ni Primo."Mr. Thompso
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Kabanata XXVI

NANG mahawakan ni Deiah ang manibela ng sasakyan gamit lamang ang isang kamay ay wala siyang pag-aalinlangang patakbuhin ito ng mabilis sa kalsada. Ganadong-ganado siyang sabayan ng kanta ang tugtuging paborito niya, ang "Crossing the Finish Line" isang track song ng anime na paborito niya. Sa mga oras na iyon, hindi siya natatakot na imbestigahan siya ni Primo.Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ang isang lalaking nagtrato sa kanya tulad ng hangin at pinagtiisahan siya nang tatlong taon ay biglang na lamang naging kyuryos sa pagkatao niya ngayon, ngayon pang malapit na silang maghiwalay.Well, katulad ng inaasahan, ang mga lalaki nga naman ay pare-pareho. Lahat sila walang pagkakaiba.Kapag sinundan mo sila, kapag hinabol ng hinabol mo makakatanggap ka ng kasuklam-suklam na trato mula sa kanila, magmumukhang kaawa-awa. At kapag pinabayaan mo naman at itrato silang basura ay ikaw pa din ang magiging masama. Walang pinagkaiba.Bigla siyang napatingin sa salamin sa likod at
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Kabanata XXVII

NAKALUBOG na si haring araw nang makarating ng mansyon si Deiah. Malapad ang mga ngiti nitong bumaba sa kaniyang paboritong motorsiklo, pakiramdam niya sa mabilis niyang byahe na iyon nailabas niya ang tatlong taong pagkakakulong niya sa boring na katauhan ng isang Deiah Thompson.Mabilis niyang ibinulsa ang susi ng kaniyang motorsiklo matapos niyang igarahe ito sa tabi ng mga nakahanay na magagarang sasakyan ng kanilang pamilya saka tinungo ang direksiyon ng likod mansyon upang duon na lamang dumaan.Sa maliwanag na dirty kitchen, natanaw na agad niya ang triplets, nakatunganga itong pinagmamasdan ang kawalan na tila ba'y malalalim ang iniisip."Oh manang, anong ganap po? Bakit nasa dirty kitchen ang tatlo? Anong nangyari po sa tatlong iyon? Bakit para yatang pinagsakluban ng mga kawali ang pagmumukha." Usisa niya dito sa babaeng nasa singkwenta na ang edad.Agad naman siyang nginitian nito. "Nako, malulungkot ang mga iyan at nagugutom.""Nagugutom? Sa dami ng pera ng pamilya, nagugut
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

Kabanata XXVIII

TINUNGO ni Deiah ang direksyon ng dirty kitchen habang nilalaro ang isang lollipop sa kaniyang bibig, at mula sa maliwanag na kusina ay abot tanaw niya na abala ang dalawa sa triplets sa paghihiwa ng karne, habang si Sage ay naglalaro sa cellphone."Victory!" Sigaw ni Sage na may pagtaas pa ng isang kamay sa hangin."Ako naman." Mabilis siyang humakbang saka hinablot ang cellphone na hawak ni Sage mula sa likuran nito."Snatch--pambihira, anong ginagawa mo dito. Bawal ka dito ah." Singhal ni Sage habang ang dalawang kapatid ay napalingon naman sa kanilang dalawa."Anong bawal? Kailan pa ako naging bawal sa sarili kong pamamahay na bisitahin ang kitchen na ito." Aniya ni Deiah habang nakapokus na ang mga mata sa screen saka lumuhod sa upuan na nakalapat ang mga braso sa lamesa, habang nilalaro laro pa din ng kaniyang bibig ang lollipop nito."Makasigaw ng victory, ang baba naman pala ng score mo sa team." Natatawang inalis ni Deiah ang lollipop."Hoy, ang yabang mo naman. Maglaro tayo
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Kabanata XXIX

SA KABILANG PANIG, sa Villa Thompson, nakarating si Primo na nananatiling lutang ang isipan matapos ang pag-uusap nila ni Deiah sa kabilang linya kanina. Nakauwi na siya sa pamamahay niya ngunit pakiramdam niya naiwan ang kaluluwa niya sa opisina sa hindi malamang dahilan.Oo, nakausap niya ang babae at sa numero ng lalaking iyon na naman niya nakontak.Tinawagan niya ito nang makaalis si Eric kanina sa opisina, pinauna niya kasi itong umuwi dahil tumawag si Atasha upang ipaalam na nasa labas ito ng kaniyang pamamahay na no'n wala namang katao-tao na.Wala naman siyang choice kung hindi patuluyin ito kaysa umuwi sa kanila ng gano'ng oras na ng walang kasama. Naisip na lamang niyang sumunod kay Eric sa pag-uwi pagkatapos niyang tawagan si Deiah.Nang makausap niya ang babaeng iyon ramdam niyang napakadesidido at malamig na kung makipag-usap ito sa kaniya, kabaliktaran sa dati nitong pagkakakilala niya dito. Ang dating malumanay makipag-usap at nagmamakaawa sa kaniyang huwag itong hiw
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Kabanata XXX

PAGDATING ni Primo, bumulaga sa kaniya ang mga nagkakalat na gamit sa sahig. "Tash, anong ginagawa mo?" Kunot-noong tanong na ni Primo habang isa-isang tinitingnan ang mga gamit na kasalukuyang nasa sahig at sira na. Bagsak ang balikat niya nang matanaw ang ilang mga paintings na nakasabit ngunit sira na."Ayoko ng kahit anumang bakas ng babaeng iyon dito Primo, dito sa pamamahay mo. Ayoko ng amoy niya. Ayoko, Primo." Muling umiyak si Atasha nang matitigan si Primo, “Kung hindi dahil sa kanya...hindi sana mawawala sa atin ang tatlong taon na pinuno na natin ng mga plano. Siya ang sumira ng lahat, siya ang sumira sa dapat posisyon ko ngayon sa buhay mo. Pero bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan ngayon. Bakit ako ang nagmumukha ng kabit, kung ako, ako ang nauna sa buhay mo. Kung ako naman talaga ang para sana sa iyo, una pa lang. Inagaw niya lang naman niya no'ng mga panahong iyon sa akin, dahil alam niyang may mas prayuridad pa akong dapat unahin no'ng mga panahong iyon. Bakit? Ba
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status