Semua Bab THE SEX CONTRACT 2: ANNA AND JARED : Bab 101 - Bab 110

122 Bab

STRANGERS AGAIN

ANNA POV: “Gaano katagal ang iba pang impormasyon pagkatapos ng initial investigation?”“Two weeks, pinakamabilis na yon sa tulong ng kuha ng mga recorded CCTVs mo. Alam mo naman dito sa atin, tayo ang pinakahuli sa lahat. Ang diyaryo bago umabot dito sa atin balutan ba lang ng tinapa at tuyo. At ang internet connections, pawala-wala rin kahit may ilan ng cell sites noon pa man. Luma at bulok na at hindi na napalitan. Madalas din ang brown out kaya kailangan namin ng mas mahabang panahon." Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ako ang nagdala ng gulo at kamasalan sa bayan na ito.Gaya rin noon.“Ahm, Anna,” sa akin humarap si Liam, at sa sandaling pagtitig nito sa akin naalala kong konektado ito sa dating asawa ni Diego na matagal na rin akong walang balita. Matangkad, matipuno at may matalinong mata, nasa early 60s. “Puede ba kitang makausap sandali?”Sumama ako agad. Pumakabila kami sa isa pang nakaparadang sasakyan. Naiwan si Jared na hindi mapakali. Sumusulyap kay Marco sa lo
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-01
Baca selengkapnya

WORRIES

JARED POV: Abot kamay ko pa rin siya pero bumalik siya sa dating Anna na manhid at parang walang kakayahang magmahal. Yong babaing parang bato at walang pakiramdam.Dala ng sobrang pagmamahal ko sa kanya, tinangka kong hawiin ang buhok niya na nakakalat sa sentido niya pero naikasa agad niya ang baril sa loob lang ng dalawang segundo at naitutok sa mukha ko nang hindi kumukurap.“J-Jared?” Nagbuntong-hininga siya nang makitang hindi ako kalaban. “Bakit hindi ka pa natutulog?”Naglandas sa mukha niya ang mga mata ko. Nasasaktan na agad ako kahit kasama ko pa siya. Paano ko ito kakayanin kapag tuluyang niyang pinili na iwan ako? “Pagkatapos nang nangyari paano ko yon magagawa?” Ang gusto ko talagang sabihin ay mag usap kami.Isalba namin ang sinimulan naming dalawa. Na handa akong mag settle sa kahit tira-tirang oras niya. Kung babalik siya sa organisasyon, sasamahan ko siya kahit saan.Tapusin na namin ang habulan.Gusto ko siyang makasama hanggang sa huli.Siya na lang ang kaligaya
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-01
Baca selengkapnya

ROAD BLOCK

ANNA POV: Napatitig ako sa kanya. “Hindi ka ganon, Jared.” Tutol ko, umiiling. Nasasaktan para sa kanya “Huwag mong pilitin ang sarili mo na pumasok uli sa mundo ko. Alam nating iba na ang sitwasyon ngayon. Public figure ka na. Tinitingala. Nirerespeto. Successful. Hinahangaan. At ako—”“Fuck your excuses,” agaw niya sa iba ko pang sasabihin. “Ako ang magdedesisyon ngayon sa bagay na yan. I’m running my own empire to get what I want. At sinabi ko na sa yong ikaw ang priority ko. Kung hindi ka naniniwala, be my guest. I’m more than willing to show you what I’m capable of.”Umatras ako ng isa pa. “Sa tingin ko may dahilan si Marco na i-hostage ang info na yon kung hindi yon mahalaga. It was more than enough to ruin what we have, Jared.”“Wala akong nakikitang dahilan kahit totoo pa ang mga assumptions natin sa nakaraan. We have our own life to give a fuck. Wala na silang lahat. At tayo na lang ngayon ang dapat nating pag usapan.”“Mali ka,” itinulak ko siya. At umatras pa ako ng dal
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-02
Baca selengkapnya

STAINED SOULS

“Alam mo, bibigyan kita ng assignment kung gusto mo akong tirahin uli sa ibabaw ng kama mo, Jared.” Gulat na gulat siya biglang pagbabago sa timbre ng boses ko. Pigil na pigil ang galit na kung nakakapatay ang panginginig ng tinig ko, nanigas na siya sa harap ko en punto. “Humanap ka ng rape victim sa angkan mo. Kung wala, maghanap ka sa buong San Luis. Kailangan around 14 to 15 years old tapos naanakan o baka mas bata pa sa edad na yan..”“A-Anna…”“Patapusin mo ako, putang ina ka!” Umalon ang dibdib ko sa galit. At sa totoo lang hindi lahat ng tao kinakausap ko pa o hinihingian ng paliwanag kapag gabito katindi ang init ng ulo ko. “Ang panoorin mo ay buhay no’ng anak niya. Yong bunga ng pananamantala. At tingnan mo kung magagawang mahalin ng nanay niya. Sabi mo noon, naawa ka sa akin nang marinig mo sa dati ninyong kasambahay na binubugbog ako ni Erin. At nag iisa niya akong kapatid kaya para sa yo ay mas masakit at hindi mo maintindihan dahil ganon din ang tunay mong ama. Sa ti
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-02
Baca selengkapnya

THE PAST

ANNA POV: (flashback) Nang hindi pa rin siya makasagot, mabilis kong idinugtong. “Mula ngayon, mabuhay ka na parang wala kang kapatid. Ituring mo akong hangin dahil ganon din ang gagawin ko sa yo. Sawang sawa na akong magpaliwanag sa mga tao na sinungaling ka! Paano mo nasasabi sa kanila na hindi mo ako kaanu-ano ganyang magkamukhang magkamukha tayong dalawa!” Hindi siya nakasagot. “Ah, alam ko na. Yan ang namana mo sa magaling mong ina. Na hindi ako kinikilala dahil hindi puedeng dalawa ang anak niya sa una. Kailangan kagalang galang kayong dalawa sa mata ng mga taong wala namang pakialam sa inyo!” “Anna, kumalma ka,” si Ida ang humarang sa harap ko. “Ang ate mo, marami ring pinagdadaanan kaya palaging mainit ang ulo.” “Katwiran ba yan?” Sikmat ko. “Marami rin akong tinitiis pero kahit ikaw di ko kayang ikaila sa iba na hindi kita tunay na ina. Magsama kayong dalawa tutal kayo ang mas nagkakaintindihan.” Mas naging makapal ang pader sa pagitan naming dalawa ni Erin. At kung ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-02
Baca selengkapnya

THE TRAGEDY

ANNA POV: (flashback)“Hindi kita makalimutan, Anna.” Masyadong masakit sa pandinig ko kahit ang paghinga niya. Nagmamakaawa ang tinig niya. Pero wala akong maibibigay na kahit ano sa kanya. “Hindi ko maramdamang buhay ako kapag wala ka.”“Nasa isip mo lang yan.” Sopla ko, walang awa. “Mabuhay ka nang tahimik sa piling ng ibang babae na bagay sa yo.”“At ikaw, may ibang lalaki na ba sa buhay mo?”“Sa tingin mo, may oras ako sa mga ganyang kabaliwan?” Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tinabig ko siya sa kontroladong lakas para makawala ako sa kanya.“Mahal pa rin kita, Anna. Sasama ako sa yo kahit saan. Huwag mo na akong iwan.”Hindi na ako sumagot. Inilagay ko sa palad niya ang phone number ko na nakasulat sa papel. “Tawagan mo ako kapag may balita na. At kung puede lang, huwag mo akong isali sa mga walang kuwentang bagay.”Naglakad ako palayo sa kanya pero humabol pala siya at niyakap ako mula sa likod, mahigpit.“Hayaan mo lang ako.” Nakasubsob siya sa pagitan ng uka ng leeg ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-02
Baca selengkapnya

DAMAGED BULLETS

ANNA POV: (present time)MATAPOS naming magtalo ni Jared sa kusina ng bahay, naligo agad ako at nagbihis. Tinawagan ko ang rider na kakilala ni Marco at nagpahatid ako sa bayan. Pumasok ako sa lumang parlor at habang waiting na asikasuhin ako ng nag iisang beautician, nag-wired ako ng pera sa Gcash para sa mga taong nasagasaan ko noon dahil sa mga maling job orders ni Diego. Lalo na ang tatlong magkakapatid na hindi na nakapag aral at mga bata pang nagsipag asawa dahil napatay ko ang tatay nila.Regular ko itong ginagawa kahit gaano ako ka-busy.Matapos kong ilagay sa handbag ko ang phone, napatitig ako sa salamin at bumalik sa akin ang pakiramdam na totoong nasa San Luis ako, hindi talaga panaginip.Noong bata pa ako, kapag sinasaktan ako ni Diego at minumura ako ni Erin, iniisip kong mabuti kung ano ang kasalanan ko. Saan ako nagkamali?Pero nahirapan akong hanapin ang sagot hanggang sa pinili kong maging manhid at kalaunan isinalba ko ang sarili ko sa pamamagitan ng katigasan ng u
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-03
Baca selengkapnya

INVISIBLE GUN

ANNA POV: (present time)Saka lang kumalma ang babae. Nahihiyang dinampot ang sobre. Sisilipin sana ang laman niyon pero inawat ko.“Saka ninyo buksan kapag nakaalis na ako.”Tulala pa rin ang ginang nang lumabas ako ng pintuan, naiiyak.Alam kong puede niya akong habulin sa labas kapag nakita niyang 100 thousand pesos ang perang yon kaya sumakay ako ng tricycle at nagpunta sa bus station. Sa malas, wala pa ring serbisyo ng taxi sa bayan namin dahil maliit ang populasyon at remote ang lugar. Kalahating oras ang layo ng kasunod na bayan at doon ako magpapa-SPA and full body massage.Dadating ako sa hotel na isang kumpletong bombshell na ready sa pagsabog ano mang oras. Ginagawa ko talaga ito kapag malungkot ako at sobrang gulo ng isip.Matapos kong iwan si Jared kanina at sinabihan ko ng masasakit, pakiramdam ko, gumuho rin ang mundo ko.At ayoko ng ganitong pakiramdam. Ang makasakit kapag nasasaktan. Para akong nagpainom ng lason at pagkatapos ay mas marami ang tinungga ko.Isa y
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-03
Baca selengkapnya

HARD WAY TO DIE

ANNA POV: Bigla akong nangilabot pagkatapos.Baka masamang pangitain yon?Ang leader ng maliit na grupo na gaya ni Marco sa loob ng BB ay hindi ko puedeng maliitin. Bago ipagkatiwala sa kanya yon ni Cat, siguradong mahusay siya sa unarmed combat, martial arts, fire arms, marksmanship, explosives, espionage, assassination at infiltration. Kung desidido siyang gawan ako ng masama lalo na si Jared, matagal nang may nangyari sa aming hindi maganda idagdag pa na napakayaman niya.Pababa na ako ng bus na sinakyan ko pabalik ng San Luis at naglalakad na ako sa gilid ng kalsada papunta sa hotel nang may sumabay sa akin, naghahabol at hinihingal.“Anna Medrano?”Nagtaas ako salamin para magulat—si Carlos Rosales.“Ikaw nga!” Totoo ang pagkamangha niya. Hinagod ako nang tingin. Iba na ang attire ko. Simpleng itim na t-shirt at white pants. May hawak akong malaking paper bag maliban sa handbag kung saan nakalagay ang hinubad ko. Huminto siya sa harap ko. “Puede ba kitang yakapin?”Ngumisi ako
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-03
Baca selengkapnya

SUNSHINE IN THE RAIN

ANNA POV: “Anna…” nangatal siya. Parang kamatayan sa kanya ang sinabi ko gaya ng inaasahan ko. Ni hindi niya magawang makakilos sa kinauupuan at awatin ako habang tumatayo na ako at palayo na sa kanya. “Huwag…” halos bulong iyon, naghihirap. Umabot sa pandinig ko pero binalewala ko lang. Ilang hakbang pa bago niya nagawang sumigaw. “Huwag kang umalis, Anna!” Para yong kulog na sumakop sa buong bar kaya napatingin sa amin ang lahat ng naroon.Mula sa magkakaibang seating area sa malawak na espasyo, parang iisang tao na lumingon sa amin ang mahigit isang dosenang guests. Kumislap ang CCTV sa sulok ng pintuan kung saan ako nakatingin para umalis na sana kaagad pero sa huli hindi ko pa rin natiis si Marco.Binalikan ko siya bago pa lumaki ang eskandalo.Hinawakan ko siya sa braso. At hinagkan ko sa pisngi bilang pamamaalam. Bumulong ako sa kanya, walang awa, kahit alam kong yon ang kailangan niya. “Simula ngayon, dalawa lang ang choices na meron ka: ituturing mo uli akong boss o itu
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-03
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status