All Chapters of Arranged Marriage with the Ruthless CEO: Chapter 171 - Chapter 180

210 Chapters

KABANATA 171

Walang pag-aalinlangang lumabas si Natalie sa kwartong iyon. Hindi na niya naisara ang pintuan sa pagmamadali niya. Basta ang alam niya, ayaw niyang manatali kasama ang dalawang taong nasa loob. “Natalie!” Umalingawngaw mula sa likuran ang sigaw ni Mateo. Maging ang mga nurse na naroon ay napatigil dahil ang sigaw na iyon ay puno ng pigil na galit. “Huminto ka diyan at bumalik ka dito!” Sandaling tumigil ang mga hakbang ni Natalie, aminin man niya o hindi, nayanig siya ng sigaw na iyon. Tumigil lang siya ng saglit upang makiramdam at naglakad pabalik—ngunit hindi para sundin ang utos nitong bumalik siya sa loob---bumalik siya para isarado ang pinto. “Ang babaeng ‘yon! Kuhang-kuha niya talaga ang gigil ko!” Nanggagalaiti si Mateo sa sobrang galit.“Um…Mateo…” mahinang simul ani Irene. Nasa tabi siya ni Mateo at kitang-kita niya kung gaano ito kaapektado sa ginawa ni Natalie. “P-pasensya na. Kasalanan ko ito. Hindi na sana ako pumunta rito. Baka… baka iba ang inisip ni Doc Natalie
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 172

“Nat,” nanginginig ang boses ni Nilly na puno ng emosyon. “Pasensya ka na. Wala akong silbi bilang kaibigan. Hindi kita natulungan. Sana may nagawa ako.” “Tama na, huwag kang umiyak.” Bahagyang ngumiti si Natalie, sabay abot ng panyo para punasan ang luha ng kaibigan. “Ngayon na alam mo na ang lahat, mangako ka sa akin. Iisa lang ang hinihingi ko sayo. Please, huwag mong mababangit kay Chandon ang bagay na ito. Pareho nating nakita kung ano ang ginawa niya kay Irene at kung ano ang kinahinatnan ng ginawa niya. Huwag mo siyang hayaang gumawa muli delikadong bagay na ikakapahamak niya.” “Huwag kang mag-alala. Nangangako ako.” Naalala din nito ang dating gulong kinasangkutan ni Chandon at napakagat-labi ito. “Babantayan ko siya at titiyaking hindi na siya gagawa ng kung ano.” Pagkatapos, niyakap niya nang mahigpit si Natalie saka nagsalita. “Pero ikaw, mangako ka rin. Huwag mo nang dalhin mag-isa ang lahat ng ito. Pakiusap. May mga kaibigan ka, okay?” “Nangangako ako.” Matapos a
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 173

Alam naman ni Natalie na galit lamang ang nagtulak kay Mateo na magsalita nang ganoon. Ganoon pa man, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito naiinis. Pero wala rin siyang balak alamin pa sana ang puno’t dulo ng pagmamaldito nito.Pero mahalaga na maging maayos ang pagsasama nila sa araw na ito—wala siyang ganang harapin ang ugali nito buong araw. Ngumiti na lang siya na para bang wala lang sa kanya ang pagtaas ng boses nito. “Hindi puwedeng hindi ka kumain, makakasama ‘yan sa katawan mo. Titingnan ko sa kusina kung ano ang pwede mong kainin.” Bago pa ito makasagot, tumungo na siya sa kusina at mabilis na bumalik.“May lugaw, sabaw ng manok, at prutas Gusto mo bang initin ko para sa’yo?” Nakaupo pa rin si Mateo sa gilid ng kama, ang galit nito ay bahagyang lumamlam ngunit halata pa rin ang inis. “Nakakasawa na. Ayoko na ng mga ‘yan.” Hindi na ipinagtaka ni Natalie ang ugali nito. Hindi ito sanay na nag-uulit ng ulam kaya kahit na isang beses pa lang nitong kinakain ang mg
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 174

Hindi napigilan ni Mateo ang magkomento, “Nangangalahati pa lang ako. Sa susunod, lagyan mo ng toyo para may kulay. Tapos lagyan mo ng gulay sa ibabaw—plain noodles lang ba ang niluto mo?” Nagliwanag ang mga mata ni Natalie sa narinig at agad na itinuro ang plato. “Nandiyan sila! Nasa ilalim ang gulay! “Oh?” Tumawa nang mahina si Mateo, halatang naaaliw. “Hindi masama. Pero sa susunod, ilagay mo sa ibabaw para mas maganda tingnan.” “Sa susunod, ikaw na ang magluto. Ang dami mong reklamo. Sinabi na nga sayo na hindi ako magaling sa kusina.” May pagtatampo ang pagkakasabing iyon ni Natalie. Nakahalukipkip pa ito at mahaba ang nguso. Hindi na napigilan ni Mateo ang kanyang tawa. Isang malalim at masayang tawa ang bumalot sa silid na iyon. Halos maluha-luha siya sa kakatawa. Sa palagay niya ay matagal na panahon na nung huling tumawa siya ng ganoon kalakas. “Anong nakakatawa?” namumulang tanong ni Natalie, halatang naiinis. “Tigilan mo na! Hindi naman ganoon kasama!” Patuloy pa
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 175 

Eksaktong alas-tres ng bumalik si Natalie sa ospital, tamang-tama para maghanda para sa kanilang fitting ng wedding attire nila na nakatakda ng alas-kwatro. Ngunit tahimik ang kwarto—masyadong tahimik ng pumasok siya. “Mateo?” tawag niya, habang tumitingin sa paligid. Walang sumasagot kaya ininspeksyon niya ang bawat silid doon. Walang anumang senyales ng presensya ni Mateo o ng mga tauhan nito. Nagtaka si Natalie dahil hindi ugali ni Mateo na basta na lang umalis ng walang paalam, lalo na’t may mahalagang appointment na nakatakda para sa susunod na oras. Kinuha niya ang telepono sa bag niya at tinawagan ang kanyang asawa. ** Sa ibang bahagi ng ospital, nasa silid ni Irene si Mateo. Ang mga pinsala ng babae ay hindi naman malala—mga pasa sa ilang bahagi ng katawan lang at maaaring makalabas na ito ng ospital sa araw ding iyon. Ngunit bago ito tuluyang madischarge, nag-request si Irene ng isang full-body checkup. Doon natuklasan ang isang bagay na hindi inaasahan. “...yun
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 176

“Irene,” tiningnan pa ni Janet ang anak at sa unang pagkakataon, nakaramdam ito ng pangongosensya at takot sa binabalak ng anak. “S-sigurado ka ba dito? Alam naman nating pareho na hindi ka buntis. Malalaman ni Mateo ang totoo balang araw. Anong gagawin mo kapag nangyari ‘yon?” “Mama naman,” nakangisi si Irene. “Tsaka na natin problemahin ‘yan kapag dumating na ang araw na ‘yan. Sa ngayon, i-eenjoy ko muna. Hindi ako kayang iwan ni Mateo sa ganitong kalagayan ko. Diba, mama?” “Oo, tama ka.” Tumango na lang si Janet bago nanggagalaiti sa gigil. “Alam mo, wala sana tayong problema kung hindi lang eksenadora ‘yang si Natalie, eh.” Inabot niya ang kamay ng anak at pinisil iyon. “Huwag kang mag-alala, anak. Narito ako. Hindi ko hahayaang maagaw ng babaeng iyon ang kinabukasang para sayo---hindi siya kailanman magtatagumpay!”  Hindi binitawan ni Irene ang kamay ng ina. “Ma, pasensya na. Wala akong magagawa. Talagang gusto ko si Mateo. Hindi lang dahil sa mayaman siya at makapangyarih
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 177 

Ang laboratory class na iyon natapos ng mas maaga. Apatnapu’t limang minuto lang ngunit sapat na iyon para malibang si Natalie. Pagkatapos ng klase niyang iyon, muling nanumbalik ang kalungkutan niya. Muli niyang tinitigan ang larawang ipinadala sa kanya ni Irene. Hindi niya namalayang napapangiti siya pero hindi iyon dahil sa tuwa. Ang larawang iyon ang nagbalik sa kanya sa reyalidad ng sitwasyon niya. Kung hindi dahil sa larawan na iyon----baka sakaling naniwala na siya ng tuluyan sa lahat ng sinabi ni Mateo sa kanya kagabi. Sariwa pa sa isip niya ang mga katagang binitawan nito. “Nat, ayusin natin ang relasyon natin.” Paano nga naman magiging posible pa ang bagay na iyon sa kalagayan nila? Nakatayo lang siya sa gilid ng pintuan ng silid-aralan na ‘yon. Wala ng mga estudyante doon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulala. “Nat?” Boses iyon ni Alex. “Tapos ka na ba? Nakita ko kasing lumabas na ang mga estudyante, kaya pumunta na ako dito. Pwede na ba tayong umuwi
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 178

Sa halip na tumanggi, malumanay ang naging sagot ni Natalie. Nanatili itong nakasandal sa dibdib ni Mateo. “Sige, pupunta tayo.” Nagpatuloy ang kanilang umaga ng maayos---nagagahan sila, nagpatingin sa doktor at si Natalie na din ang nagasikaso ng mga sugat niya. Pagsapit ng hapon, tumulak sila papunta sa kilalang wedding atelier sa lungsod. Sinalubong sila ng manager ng may magiliw na ngiti. “Ah! Mr. and Mrs. Garcia! What an honor! Tuloy po kayo. Kailangan na po nating sukatin ng magkahiwalay ang groom at bride. Hindi naman matagal. Pagkatapos ay sabay na kayong mamili ng mga disenyo.” Pinisil ni Mateo ang kamay ni Natalie. “Mauna ka na, hihintayin kita dito.” “Sige.” Sagot ni Natalie. Medyo matagal ang pagsusukat sa kanya kaya paglabas niya, tapos na si Mateo. Ngunit abala ito sa pakikipag-usap sa telepono. Dinig na dinig ni Natalie ang boses ni Ed, mukhang nagaalala ito. [Mr. Garcia, sa tingin ko po, dapat pumunta kayo dito. Tatlong beses na pong sumusuka si Irene ngayon
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 179  

Hindi pa rin makapaniwala ang manager at staff sa nangyayari. “Mrs. Garcia?” Lumapit ang manager na may hawak na mga disenyo sa kanyang mga braso. “Handa na po ang mga disenyo. Gusto niyo po bang maupo para maipaliwanag ko sa inyo ang mga ito?” tanong niya, may halong propesyonalismo at pag-aalala sa boses. “Hindi na kailangan.” Umiling ng bahagya si Natalie. “May kailangan din akong asikasuhin. Kaya mabilis lang ito.” “Ho? Hindi ko po kayo maintindihan.” Napatigil sa gulat ang manager. Hindi ito pwedeng mangyari iyon.Mukhang hindi nasisiyahan si Mrs. Garcia sa serbisyo nila. Isa si Mateo Garcia sa mga VIP client nila at malaking pasasalamat nila na sila ang napili nitong gumawa ng susuotin nila sa araw ng kasal nila at kung aalis ang mapapangasawa nito ng hindi man lang tumitingin sa mga disenyo, baka mawala ang trabaho ng manager dahil sa galit ng kanyang amo. “Mrs. Garcia, mayroon po ba kaming nagawang hindi ninyo nagustuhan? Patawarin niyo po kami kung—” “Hindi, wala nam
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 180  

‘Sigurado ka ba? Hindi ka nakialam?’ Bahagyang yumuko si Irene, ang gilid ng kanyang labi ay bahagyang napangiti. Maingat niyang tina-type ang kanyang sagot. Mabilis namang nagreply si Ed sa mensahe niya. ‘Oo naman, hindi ako nakialam. Sinigurado ko na walang koneksyon ang paparazzi na kinuha ko para sigurado. Parang hindi mo ako kilala.’ Nagtatalon ang puso ni Irene. ‘Good job, Ed! Maasahan ka talaga. At dahil dyan, may bonus ka.’ Ibinaba n ani Irene ang telepono at sumandal sa upuan, dinadama niya ang bihirang katahimikan na bumalot sa kanya. Pagdating nila sa bahay nila muling binuhat ni Mateo si Irene mula sa sasakyan. Dumiretso siya sa pintuan at agad na umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto nito. Sumunod naman si Janet sa likuran niya. “Ay, Mateo, tulungan na kita.” “Hindi na kailangan.” Mariing umiling si Mateo. Maingat niyang inihiga si Irene sa kama at siya mismo ang nag-ayos ang kumot, at sinigurong komportable ang babae sa pagkakahiga. “Auntie,
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more
PREV
1
...
161718192021
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status