“Nat,” nanginginig ang boses ni Nilly na puno ng emosyon. “Pasensya ka na. Wala akong silbi bilang kaibigan. Hindi kita natulungan. Sana may nagawa ako.” “Tama na, huwag kang umiyak.” Bahagyang ngumiti si Natalie, sabay abot ng panyo para punasan ang luha ng kaibigan. “Ngayon na alam mo na ang lahat, mangako ka sa akin. Iisa lang ang hinihingi ko sayo. Please, huwag mong mababangit kay Chandon ang bagay na ito. Pareho nating nakita kung ano ang ginawa niya kay Irene at kung ano ang kinahinatnan ng ginawa niya. Huwag mo siyang hayaang gumawa muli delikadong bagay na ikakapahamak niya.” “Huwag kang mag-alala. Nangangako ako.” Naalala din nito ang dating gulong kinasangkutan ni Chandon at napakagat-labi ito. “Babantayan ko siya at titiyaking hindi na siya gagawa ng kung ano.” Pagkatapos, niyakap niya nang mahigpit si Natalie saka nagsalita. “Pero ikaw, mangako ka rin. Huwag mo nang dalhin mag-isa ang lahat ng ito. Pakiusap. May mga kaibigan ka, okay?” “Nangangako ako.” Matapos a
Alam naman ni Natalie na galit lamang ang nagtulak kay Mateo na magsalita nang ganoon. Ganoon pa man, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito naiinis. Pero wala rin siyang balak alamin pa sana ang puno’t dulo ng pagmamaldito nito.Pero mahalaga na maging maayos ang pagsasama nila sa araw na ito—wala siyang ganang harapin ang ugali nito buong araw. Ngumiti na lang siya na para bang wala lang sa kanya ang pagtaas ng boses nito. “Hindi puwedeng hindi ka kumain, makakasama ‘yan sa katawan mo. Titingnan ko sa kusina kung ano ang pwede mong kainin.” Bago pa ito makasagot, tumungo na siya sa kusina at mabilis na bumalik.“May lugaw, sabaw ng manok, at prutas Gusto mo bang initin ko para sa’yo?” Nakaupo pa rin si Mateo sa gilid ng kama, ang galit nito ay bahagyang lumamlam ngunit halata pa rin ang inis. “Nakakasawa na. Ayoko na ng mga ‘yan.” Hindi na ipinagtaka ni Natalie ang ugali nito. Hindi ito sanay na nag-uulit ng ulam kaya kahit na isang beses pa lang nitong kinakain ang mg
Hindi napigilan ni Mateo ang magkomento, “Nangangalahati pa lang ako. Sa susunod, lagyan mo ng toyo para may kulay. Tapos lagyan mo ng gulay sa ibabaw—plain noodles lang ba ang niluto mo?” Nagliwanag ang mga mata ni Natalie sa narinig at agad na itinuro ang plato. “Nandiyan sila! Nasa ilalim ang gulay! “Oh?” Tumawa nang mahina si Mateo, halatang naaaliw. “Hindi masama. Pero sa susunod, ilagay mo sa ibabaw para mas maganda tingnan.” “Sa susunod, ikaw na ang magluto. Ang dami mong reklamo. Sinabi na nga sayo na hindi ako magaling sa kusina.” May pagtatampo ang pagkakasabing iyon ni Natalie. Nakahalukipkip pa ito at mahaba ang nguso. Hindi na napigilan ni Mateo ang kanyang tawa. Isang malalim at masayang tawa ang bumalot sa silid na iyon. Halos maluha-luha siya sa kakatawa. Sa palagay niya ay matagal na panahon na nung huling tumawa siya ng ganoon kalakas. “Anong nakakatawa?” namumulang tanong ni Natalie, halatang naiinis. “Tigilan mo na! Hindi naman ganoon kasama!” Patuloy pa
Eksaktong alas-tres ng bumalik si Natalie sa ospital, tamang-tama para maghanda para sa kanilang fitting ng wedding attire nila na nakatakda ng alas-kwatro. Ngunit tahimik ang kwarto—masyadong tahimik ng pumasok siya. “Mateo?” tawag niya, habang tumitingin sa paligid. Walang sumasagot kaya ininspeksyon niya ang bawat silid doon. Walang anumang senyales ng presensya ni Mateo o ng mga tauhan nito. Nagtaka si Natalie dahil hindi ugali ni Mateo na basta na lang umalis ng walang paalam, lalo na’t may mahalagang appointment na nakatakda para sa susunod na oras. Kinuha niya ang telepono sa bag niya at tinawagan ang kanyang asawa. ** Sa ibang bahagi ng ospital, nasa silid ni Irene si Mateo. Ang mga pinsala ng babae ay hindi naman malala—mga pasa sa ilang bahagi ng katawan lang at maaaring makalabas na ito ng ospital sa araw ding iyon. Ngunit bago ito tuluyang madischarge, nag-request si Irene ng isang full-body checkup. Doon natuklasan ang isang bagay na hindi inaasahan. “...yun
“Irene,” tiningnan pa ni Janet ang anak at sa unang pagkakataon, nakaramdam ito ng pangongosensya at takot sa binabalak ng anak. “S-sigurado ka ba dito? Alam naman nating pareho na hindi ka buntis. Malalaman ni Mateo ang totoo balang araw. Anong gagawin mo kapag nangyari ‘yon?” “Mama naman,” nakangisi si Irene. “Tsaka na natin problemahin ‘yan kapag dumating na ang araw na ‘yan. Sa ngayon, i-eenjoy ko muna. Hindi ako kayang iwan ni Mateo sa ganitong kalagayan ko. Diba, mama?” “Oo, tama ka.” Tumango na lang si Janet bago nanggagalaiti sa gigil. “Alam mo, wala sana tayong problema kung hindi lang eksenadora ‘yang si Natalie, eh.” Inabot niya ang kamay ng anak at pinisil iyon. “Huwag kang mag-alala, anak. Narito ako. Hindi ko hahayaang maagaw ng babaeng iyon ang kinabukasang para sayo---hindi siya kailanman magtatagumpay!” Hindi binitawan ni Irene ang kamay ng ina. “Ma, pasensya na. Wala akong magagawa. Talagang gusto ko si Mateo. Hindi lang dahil sa mayaman siya at makapangyarih
Ang laboratory class na iyon natapos ng mas maaga. Apatnapu’t limang minuto lang ngunit sapat na iyon para malibang si Natalie. Pagkatapos ng klase niyang iyon, muling nanumbalik ang kalungkutan niya. Muli niyang tinitigan ang larawang ipinadala sa kanya ni Irene. Hindi niya namalayang napapangiti siya pero hindi iyon dahil sa tuwa. Ang larawang iyon ang nagbalik sa kanya sa reyalidad ng sitwasyon niya. Kung hindi dahil sa larawan na iyon----baka sakaling naniwala na siya ng tuluyan sa lahat ng sinabi ni Mateo sa kanya kagabi. Sariwa pa sa isip niya ang mga katagang binitawan nito. “Nat, ayusin natin ang relasyon natin.” Paano nga naman magiging posible pa ang bagay na iyon sa kalagayan nila? Nakatayo lang siya sa gilid ng pintuan ng silid-aralan na ‘yon. Wala ng mga estudyante doon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulala. “Nat?” Boses iyon ni Alex. “Tapos ka na ba? Nakita ko kasing lumabas na ang mga estudyante, kaya pumunta na ako dito. Pwede na ba tayong umuwi
Sa halip na tumanggi, malumanay ang naging sagot ni Natalie. Nanatili itong nakasandal sa dibdib ni Mateo. “Sige, pupunta tayo.” Nagpatuloy ang kanilang umaga ng maayos---nagagahan sila, nagpatingin sa doktor at si Natalie na din ang nagasikaso ng mga sugat niya. Pagsapit ng hapon, tumulak sila papunta sa kilalang wedding atelier sa lungsod. Sinalubong sila ng manager ng may magiliw na ngiti. “Ah! Mr. and Mrs. Garcia! What an honor! Tuloy po kayo. Kailangan na po nating sukatin ng magkahiwalay ang groom at bride. Hindi naman matagal. Pagkatapos ay sabay na kayong mamili ng mga disenyo.” Pinisil ni Mateo ang kamay ni Natalie. “Mauna ka na, hihintayin kita dito.” “Sige.” Sagot ni Natalie. Medyo matagal ang pagsusukat sa kanya kaya paglabas niya, tapos na si Mateo. Ngunit abala ito sa pakikipag-usap sa telepono. Dinig na dinig ni Natalie ang boses ni Ed, mukhang nagaalala ito. [Mr. Garcia, sa tingin ko po, dapat pumunta kayo dito. Tatlong beses na pong sumusuka si Irene ngayon
Hindi pa rin makapaniwala ang manager at staff sa nangyayari. “Mrs. Garcia?” Lumapit ang manager na may hawak na mga disenyo sa kanyang mga braso. “Handa na po ang mga disenyo. Gusto niyo po bang maupo para maipaliwanag ko sa inyo ang mga ito?” tanong niya, may halong propesyonalismo at pag-aalala sa boses. “Hindi na kailangan.” Umiling ng bahagya si Natalie. “May kailangan din akong asikasuhin. Kaya mabilis lang ito.” “Ho? Hindi ko po kayo maintindihan.” Napatigil sa gulat ang manager. Hindi ito pwedeng mangyari iyon.Mukhang hindi nasisiyahan si Mrs. Garcia sa serbisyo nila. Isa si Mateo Garcia sa mga VIP client nila at malaking pasasalamat nila na sila ang napili nitong gumawa ng susuotin nila sa araw ng kasal nila at kung aalis ang mapapangasawa nito ng hindi man lang tumitingin sa mga disenyo, baka mawala ang trabaho ng manager dahil sa galit ng kanyang amo. “Mrs. Garcia, mayroon po ba kaming nagawang hindi ninyo nagustuhan? Patawarin niyo po kami kung—” “Hindi, wala nam
Hindi alam ni Natalie kung paano niya tatanggihan o tatanggapin ang alok nito sa kanya.Kahit na hindi pa sila pormal na hiwalay ni Mateo, para sa kanya, kakalaya lang niya sa isang hindi malusog na pagsasama—-pagkatapos ay babalik na naman siya sa parehong bangungot?Nakita ni Antonio ang mga senyales ng pangamba at pag-aalinlangan niya kaya napabuntong-hininga ito ulit. Ang matatalas ngunit mabait na mga mata ay bahagyang lumambot habang nagsasalita ito. Mabagal at maingat ang bawat salita.“Hindi mo kailangang sumagot ngayon, apo. Mahalagang desisyon ito at alam kong kailangan mong pag-isipang mabuti. Tama ba ako?”Binigyan ni Natalie ng isang tipid at makahulugang ngiti ang matanda dahil alam na kaagad nito ang isasagot niya bago pa man siya magsalita.“Ganito, bibigyan kita ng dalawang araw. Pagkatapos, sabihin mo sa akin angs agot mo.” Sandaling tumigil si Antonio bago nagpatuloy, mas maingat na ang mga salita. “Sa ngayon, ano man ang perang kailangan mo ay ibibigay ko. Wala kan
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon