All Chapters of Arranged Marriage with the Ruthless CEO: Chapter 151 - Chapter 160

223 Chapters

KABANATA 151

Sa puntong iyon, hindi alam ni Natalie kung ano ang gagawin niya. Bigla niyang naalala ang isang kasabihan. Naging paborito niya ang kasabihang, ‘Tanging ang nagkabit ng buhol ang makakalas nito’. Dahil doon, nagpasya siyang muling puntahan si Irene.Naisip niya rin kasi na mahal na mahal ni Mateo si Irene—kung may hihilingin si Irene sa kanya, sigurado si Natalie na pagbibigyan agad ito ng lalaki. Hindi siya sigurado kung gagana ang plano niya, ngunit kailangan niyang subukan. Agad siyang nagmadaling pumunta sa affiliated hospital nila at dumiretso sa VIP ward.Naitulak na ni Natalie ang pinto nang mapagtanto niyang hindi pala siya nakakatok. Ang eksenang bumungad sa kanya ay labis niyang ikinagulat—gustuhin man niyang umalis ay napako na siya sa kinatatayuan.Hindi inakala ni Natalie na naroon din si Mateo. Nagulat din ang dalawa sa pagdating niya. Pero mabilis na iniwas ni Mateo ang paningin mula sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama ni Irene, habang binabalatan ang isang mansana
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 152  

Nang makaalis na si Mateo, nawala na din ang ngiti sa labi ni Irene. Agad itong napalitan ng malalim na kunot sa noo. Napakaraming tanong ang naglaro sa isipan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Mateo na makulong si Chandon. Gustuhin man niyang isipin na ginagawa ito ng lalaki para makamit ang hustisya para sa kanya—hindi niya magawa. May bahagi sa utak niya na nagsasabing may mas malalim na dahilan si Mateo. Alam na nito marahil na malapit na magkaibigan sina Natalie at Chandon. May mga pagkakataon namang mabait si Mateo kay Natalie kaya hindi niya maunawaan kung bakit wala ni katiting na konsiderasyon at awa ngayon ang lalaki. Marahil ay may nagawa itong hindi kapata-patawad. Kaya ganoon na lang ang galit ni Mateo kay Natalie. Pabor ito sa kanya. “Ha. Kapag sinuswerte ka nga naman. Mukhang ubos na ang maliligayang araw mo, Natalie.” Kinuha ni Irene ang mga nahiwang prutas na inihanda ni Mateo para sa kanya kanina. Pumili siya ng mapulang
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 153

Nawalan na ng gana si Mateo na bumalik sa opisina. Alam niyang sa kalagayan niya ngayon ay malaki ang tsansang mabubulyawan lang niya ang lahat ng makakasalamuha niya doon. Para maiwasan ito, napagpasyahan niyang umuwi na sa Antipolo. Tahimik ang bahay at dahil hapon na ay ang buong akala niya ay nasa kwarto ang lolo niya at nagpapahinga. Pagpasok na pagpasok niya sa sala, agad siyang sinalubong ng tanong ng lolo niya. “Ah. Nandito ka na pala. Si Natalie?” Hindi sumagot si Mateo at akmang aakyat na sana sa itaas. Bawat galaw niya ay kabisado ng matanda kaya agad nitong nabasa na may problema ang dalawa. Ang pag-iwas ni Mateo ay higit pa sa sagot na kailangan nitong marinig. “Nasaan siya? Mag-isa ka bang umuwi?” Tanong muli ni Antonio sa apo. Mula sa pagkakaupo nito sa paboritong silya sa sala ay tumayo ito. Maagap namang umalalay sa kanya si Manong Ben. Kahit na may tungkod itong gamit ay hindi ito naging dahilan para mabilis itong lumapit kay Mateo. Nakatitig sa kanya ang ma
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 154  

Tumigil ang puso ni Natalie sa kaba dahil sa ibinalita ng katiwala ng mga Garcia sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Napuno siya ng nerbiyos, “Ano pong nangyari kay lolo?” Ikinuwento naman ni Ben ang nangyari kay Antonio. “Naiintindihan ko, Manong Ben. Maraming salamat.” Mahinang sagot ni Natalie. Matapos ang tawag, naupo si Natalie. Hindi niya mapigilang manlambot. Nag-isip siya ng mabuti. Humigit kumulang kalahating oras din siyang nanatili sa ganoong pwesto. Nang tumayo siya, may napagpasyahan na din siya. Sa kanyang pag-iisip, may mga ilang bagay na biglang naging malinaw sa kanya. Ang pagtanggi ni Mateo sa diborsyo—lahat iyon ay para kay Antonio. Mula pa noong simula, ang kasal nila ay isang kasunduan lamang, isang palabas para mapasaya ang matanda. At ngayon, sa kritikal na panahon na kailangang sumailalim si Antonio sa isang malaking operasyon, hiningi niya ang diborsyo at umalis sa kanilang bahay sa Antipolo. Natural, ng malaman ito ng matanda,
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 155

Habang palakas ng palakas ang buhos ng ulan, palakas ng palakas din ang pagtambol ng puso ni Natalie. Lumabas si Mateo! Ang hawak nitong payong ay para sa dalawang tao. Sa gitna ng ulan na iyon, wala ni isa ang gustong magsalita sa kanila. Tinititigan lang ni Mateo Natalie ng may halong kaswal na pagmamataas. Si Natalie naman ay basang-basa mula ulo hanggang paa. Pilit siyang ngumiti ng matipid. “D-dumating ka…” Sa isang tingin pa lang ni Mateo sa kanya, tila naglaho ang lahat ng galit niya sa babae. Kung hahayaan niya ang sarili niya, baka hindi na naman niya makontrol ang bibig niya at baka may masabi pa siya. Kaya inabot niya ang kamay nito at sinaksak ang payong dito.“Hawakan mo ‘to, magpayong ka!” “Ha…ah…o-okay…” Dumaan ang malakas na hangin kaya nanginig si Natalie habang mahigpit na hawak ang payong. Bago pa siya makapagsalita muli, tinanggal na ni Mateo ang kanyang jacket at ipinatong ito sa basa niyang ulo at balikat. May bahid pa din ng galit at inis sa mukha nito
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 156

Huminto na ang ulan pagdating nila sa university. Nauna na sa pagbaba si Mateo at hindi na siya hinintay pa. Nagmadali na din sa pagbaba si Natalie dahil papunta na sa dorm niya ang kasama. Wala pa rin siyang ideya kung bakit siya dinala ni Mateo doon. Ang alam lang niya, kailangan niyang sundan ito kaagad. “Bakit ang bagal mo? Bilisan mo!” Singhal nito sa kanya ng mapansing malayo pa siya. “Eto na nga, binibilisan na.” Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, hindi na din siya nagtangkang magpasaway pa kay Mateo. Tumigil sila sa tapat ng mismong kwartong tinutuluyan niya. Saglit na tumigil doon si Mateo. Pagkatapos ay tinanggal ang suot na jacket at inabot kay Natalie. Awtomatikong tinanggap iyon niya iyon kahit na litong-lito pa rin siya. Hindi pa rin nagsasalita, itinaas ni Mateo ang manggas niya. Tumambad ang mahaba at batak nitong mga braso. Napalunok si Natalie at iniwas ang tingin. “Puntahan mo ang dorm supervisor dito” utos nito. “Sabihin mong papa
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 157

Puno ng pag-aalangan si Natalie kung sasabihin ba niya kay Mateo ang bumabagabag sa isipan niya. Magpapalipas na naman ng isang gabi si Chandon sa loob ng kulungan at ang isiping iyon ay masakit para sa kanya dahil siya ang puno’t dulo ng lahat.“Ano kasi, Mateo…gabi na pala, ano?” Sasabihin na sana niya pero hindi na lang niya tinuloy. Tiningnan siya ni Mateo, may pilyong ngiti sa labi nito. “May sasabihin ka ba? Oo, gabi na. Nanlalagkit na nga ako. Ano, maligo na tayo? Gusto mo bang mauna, ako muna, o… sabay na lang?” “A-ako na lang muna siguro,” nauutal niyang sagot. Hindi na napigilan ni Natalie ang mamula at mag-init ang mga pisngi.“Ako na muna, ha?” Nagmadali siyang pumunta sa closet, kumuha ng mga damit, at tumakbo papunta sa banyo. Mabilis ang pagtibok ng puso niya, kasabay din nito ang gulo ng isip niya. Halo-halo na ang senaryong naglalaro sa isip niya. Sa loob ng banyo na lang niya eensayuhin kung papaano niya sisimulang sabihin ang tungkol sa kaibigan.  Binuksan ni
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 158

Tumakbo na si Natalie papasok ng bahay bago pa siya mapigilan ni Mateo. Habang pinapanood ng lalaki kanyang papalayong pigura, napangiti si Mateo habang papasakay na siya ng sasakyan niya. “Hinalikan niya ako pero hindi niya man lang magawa ng maayos. Nakakainis, pwede pala yung ganon, inosente pero mapang-akit—“ nasabi na niya ang mga bagay na iyon ng may umusbong na kakaibang kirot sa kanyang dibdib. ** Alas diyes na ng umaga at nasa loob ng bago niyang study room si Natalie. Tumunog ang telepono niya at nakita niyang si Nilly ang tumatawag sa kanya. Ipinagdasal niyang  magandang balita sana ang dahilan ng tawag na iyon bago sagutin ang kaibigan. “Nilly? Anong balita?” [Nat, nakalaya na si Chandon! Ayos na ang lahat!] Napabuntong-hininga si Natalie ng malalim. “Buti naman.” Batid niyang madalas ay sumpungin at mapilit si Mateo, isa siyang taong tinutupad ang kanyang mga salita. Napatunayan na niya iyon ng ilang beses. Niyaya siyang makipagkita ni Nilly subalit tinanggih
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 159

Ilang minuto pa lang mula nang magsimula ang kanilang date, pero ang pagkakamali ng server ay agad nang sumira sa mood ni Mateo. May sasabihin pa sana siya pero pinigilan siya ng kasama. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niya. “Hayaan mo na. Maliit na bagay lang iyon. Gutom na ako… umorder na tayo.” Yaya ni Natalie sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Ang selos ay natural na reaksyon para sa mga babae, pero bakit wala siyang makitang selos sa reaksyon ni Natalie? “Kasalanan ko, dinala ko kasi si Irene dito dati.” Dahil nabuksan na ang paksa, nagpasya siyang maging tapat. “Pero matagal na iyon at kami pa noon…” Naputol ang mga salita niya, tila nahihirapan siyang tapusin ang sinasabi. “Huwag mo nang ipaliwanag,” Putol ni Natalie sa kanya at ngumiti. “Okay lang, naiintindihan ko.” Ang pagiging kalmado ni Natalie ay kabaligtaran ang epekto kay Mateo. Hindi niya masiguro kung saan siya hindi komportable. Ang tila walang pakialam na reaksyon ni Natalie ay lalong nagpagulo sa kalooba
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

KABANATA 160

Isang malakas na dagundong ng kulog ang umalingawngaw sa kalangitan. Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Kumunot ang noo ni Natalie at sinabihan si Mateo, “Dapat ka nang magmadali. Sa ganito kalakas na ulan, mas mahihirapan kayong hanapin siya.” Wala siyang galit, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi tuloy alam ni Mateo kung dapat ba siyang maantig o mainis dahil sa ipinapakitang pag-aalala para kay Irene. Sa dami ng naging atraso nito kay Natalie, nagaalala pa rin siya dito. Tumayo na si Mateo at nakakunot ang kanyang kilay. “Aalis na ako. Kumain ka nang maayos, at huwag magmadali, baka hindi ka matunawan.” “Alam ko,” sagot ni Natalie na may bahagyang ngiti habang tumango. “Sige na.” Gayunpaman, hindi mapigilan ni Mateo na magbigay ng isa pang utos. “Sina Alex na ang maghahatid sa iyo pauwi.” Alam ni Natalie kung sino ang tinutukoy nito. Sila ang mga bodyguard nito, palaging tahimik na sumusunod kahit pa siya mismo ang nagmamaneho. Nasa labas lam
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status