Nawalan na ng gana si Mateo na bumalik sa opisina. Alam niyang sa kalagayan niya ngayon ay malaki ang tsansang mabubulyawan lang niya ang lahat ng makakasalamuha niya doon. Para maiwasan ito, napagpasyahan niyang umuwi na sa Antipolo. Tahimik ang bahay at dahil hapon na ay ang buong akala niya ay nasa kwarto ang lolo niya at nagpapahinga. Pagpasok na pagpasok niya sa sala, agad siyang sinalubong ng tanong ng lolo niya. “Ah. Nandito ka na pala. Si Natalie?” Hindi sumagot si Mateo at akmang aakyat na sana sa itaas. Bawat galaw niya ay kabisado ng matanda kaya agad nitong nabasa na may problema ang dalawa. Ang pag-iwas ni Mateo ay higit pa sa sagot na kailangan nitong marinig. “Nasaan siya? Mag-isa ka bang umuwi?” Tanong muli ni Antonio sa apo. Mula sa pagkakaupo nito sa paboritong silya sa sala ay tumayo ito. Maagap namang umalalay sa kanya si Manong Ben. Kahit na may tungkod itong gamit ay hindi ito naging dahilan para mabilis itong lumapit kay Mateo. Nakatitig sa kanya ang ma
Tumigil ang puso ni Natalie sa kaba dahil sa ibinalita ng katiwala ng mga Garcia sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Napuno siya ng nerbiyos, “Ano pong nangyari kay lolo?” Ikinuwento naman ni Ben ang nangyari kay Antonio. “Naiintindihan ko, Manong Ben. Maraming salamat.” Mahinang sagot ni Natalie. Matapos ang tawag, naupo si Natalie. Hindi niya mapigilang manlambot. Nag-isip siya ng mabuti. Humigit kumulang kalahating oras din siyang nanatili sa ganoong pwesto. Nang tumayo siya, may napagpasyahan na din siya. Sa kanyang pag-iisip, may mga ilang bagay na biglang naging malinaw sa kanya. Ang pagtanggi ni Mateo sa diborsyo—lahat iyon ay para kay Antonio. Mula pa noong simula, ang kasal nila ay isang kasunduan lamang, isang palabas para mapasaya ang matanda. At ngayon, sa kritikal na panahon na kailangang sumailalim si Antonio sa isang malaking operasyon, hiningi niya ang diborsyo at umalis sa kanilang bahay sa Antipolo. Natural, ng malaman ito ng matanda,
Habang palakas ng palakas ang buhos ng ulan, palakas ng palakas din ang pagtambol ng puso ni Natalie. Lumabas si Mateo! Ang hawak nitong payong ay para sa dalawang tao. Sa gitna ng ulan na iyon, wala ni isa ang gustong magsalita sa kanila. Tinititigan lang ni Mateo Natalie ng may halong kaswal na pagmamataas. Si Natalie naman ay basang-basa mula ulo hanggang paa. Pilit siyang ngumiti ng matipid. “D-dumating ka…” Sa isang tingin pa lang ni Mateo sa kanya, tila naglaho ang lahat ng galit niya sa babae. Kung hahayaan niya ang sarili niya, baka hindi na naman niya makontrol ang bibig niya at baka may masabi pa siya. Kaya inabot niya ang kamay nito at sinaksak ang payong dito.“Hawakan mo ‘to, magpayong ka!” “Ha…ah…o-okay…” Dumaan ang malakas na hangin kaya nanginig si Natalie habang mahigpit na hawak ang payong. Bago pa siya makapagsalita muli, tinanggal na ni Mateo ang kanyang jacket at ipinatong ito sa basa niyang ulo at balikat. May bahid pa din ng galit at inis sa mukha nito
Huminto na ang ulan pagdating nila sa university. Nauna na sa pagbaba si Mateo at hindi na siya hinintay pa. Nagmadali na din sa pagbaba si Natalie dahil papunta na sa dorm niya ang kasama. Wala pa rin siyang ideya kung bakit siya dinala ni Mateo doon. Ang alam lang niya, kailangan niyang sundan ito kaagad. “Bakit ang bagal mo? Bilisan mo!” Singhal nito sa kanya ng mapansing malayo pa siya. “Eto na nga, binibilisan na.” Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, hindi na din siya nagtangkang magpasaway pa kay Mateo. Tumigil sila sa tapat ng mismong kwartong tinutuluyan niya. Saglit na tumigil doon si Mateo. Pagkatapos ay tinanggal ang suot na jacket at inabot kay Natalie. Awtomatikong tinanggap iyon niya iyon kahit na litong-lito pa rin siya. Hindi pa rin nagsasalita, itinaas ni Mateo ang manggas niya. Tumambad ang mahaba at batak nitong mga braso. Napalunok si Natalie at iniwas ang tingin. “Puntahan mo ang dorm supervisor dito” utos nito. “Sabihin mong papa
Puno ng pag-aalangan si Natalie kung sasabihin ba niya kay Mateo ang bumabagabag sa isipan niya. Magpapalipas na naman ng isang gabi si Chandon sa loob ng kulungan at ang isiping iyon ay masakit para sa kanya dahil siya ang puno’t dulo ng lahat.“Ano kasi, Mateo…gabi na pala, ano?” Sasabihin na sana niya pero hindi na lang niya tinuloy. Tiningnan siya ni Mateo, may pilyong ngiti sa labi nito. “May sasabihin ka ba? Oo, gabi na. Nanlalagkit na nga ako. Ano, maligo na tayo? Gusto mo bang mauna, ako muna, o… sabay na lang?” “A-ako na lang muna siguro,” nauutal niyang sagot. Hindi na napigilan ni Natalie ang mamula at mag-init ang mga pisngi.“Ako na muna, ha?” Nagmadali siyang pumunta sa closet, kumuha ng mga damit, at tumakbo papunta sa banyo. Mabilis ang pagtibok ng puso niya, kasabay din nito ang gulo ng isip niya. Halo-halo na ang senaryong naglalaro sa isip niya. Sa loob ng banyo na lang niya eensayuhin kung papaano niya sisimulang sabihin ang tungkol sa kaibigan. Binuksan ni
Tumakbo na si Natalie papasok ng bahay bago pa siya mapigilan ni Mateo. Habang pinapanood ng lalaki kanyang papalayong pigura, napangiti si Mateo habang papasakay na siya ng sasakyan niya. “Hinalikan niya ako pero hindi niya man lang magawa ng maayos. Nakakainis, pwede pala yung ganon, inosente pero mapang-akit—“ nasabi na niya ang mga bagay na iyon ng may umusbong na kakaibang kirot sa kanyang dibdib. ** Alas diyes na ng umaga at nasa loob ng bago niyang study room si Natalie. Tumunog ang telepono niya at nakita niyang si Nilly ang tumatawag sa kanya. Ipinagdasal niyang magandang balita sana ang dahilan ng tawag na iyon bago sagutin ang kaibigan. “Nilly? Anong balita?” [Nat, nakalaya na si Chandon! Ayos na ang lahat!] Napabuntong-hininga si Natalie ng malalim. “Buti naman.” Batid niyang madalas ay sumpungin at mapilit si Mateo, isa siyang taong tinutupad ang kanyang mga salita. Napatunayan na niya iyon ng ilang beses. Niyaya siyang makipagkita ni Nilly subalit tinanggih
Ilang minuto pa lang mula nang magsimula ang kanilang date, pero ang pagkakamali ng server ay agad nang sumira sa mood ni Mateo. May sasabihin pa sana siya pero pinigilan siya ng kasama. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niya. “Hayaan mo na. Maliit na bagay lang iyon. Gutom na ako… umorder na tayo.” Yaya ni Natalie sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Ang selos ay natural na reaksyon para sa mga babae, pero bakit wala siyang makitang selos sa reaksyon ni Natalie? “Kasalanan ko, dinala ko kasi si Irene dito dati.” Dahil nabuksan na ang paksa, nagpasya siyang maging tapat. “Pero matagal na iyon at kami pa noon…” Naputol ang mga salita niya, tila nahihirapan siyang tapusin ang sinasabi. “Huwag mo nang ipaliwanag,” Putol ni Natalie sa kanya at ngumiti. “Okay lang, naiintindihan ko.” Ang pagiging kalmado ni Natalie ay kabaligtaran ang epekto kay Mateo. Hindi niya masiguro kung saan siya hindi komportable. Ang tila walang pakialam na reaksyon ni Natalie ay lalong nagpagulo sa kalooba
Isang malakas na dagundong ng kulog ang umalingawngaw sa kalangitan. Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Kumunot ang noo ni Natalie at sinabihan si Mateo, “Dapat ka nang magmadali. Sa ganito kalakas na ulan, mas mahihirapan kayong hanapin siya.” Wala siyang galit, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi tuloy alam ni Mateo kung dapat ba siyang maantig o mainis dahil sa ipinapakitang pag-aalala para kay Irene. Sa dami ng naging atraso nito kay Natalie, nagaalala pa rin siya dito. Tumayo na si Mateo at nakakunot ang kanyang kilay. “Aalis na ako. Kumain ka nang maayos, at huwag magmadali, baka hindi ka matunawan.” “Alam ko,” sagot ni Natalie na may bahagyang ngiti habang tumango. “Sige na.” Gayunpaman, hindi mapigilan ni Mateo na magbigay ng isa pang utos. “Sina Alex na ang maghahatid sa iyo pauwi.” Alam ni Natalie kung sino ang tinutukoy nito. Sila ang mga bodyguard nito, palaging tahimik na sumusunod kahit pa siya mismo ang nagmamaneho. Nasa labas lam
Hindi alam ni Natalie kung paano niya tatanggihan o tatanggapin ang alok nito sa kanya.Kahit na hindi pa sila pormal na hiwalay ni Mateo, para sa kanya, kakalaya lang niya sa isang hindi malusog na pagsasama—-pagkatapos ay babalik na naman siya sa parehong bangungot?Nakita ni Antonio ang mga senyales ng pangamba at pag-aalinlangan niya kaya napabuntong-hininga ito ulit. Ang matatalas ngunit mabait na mga mata ay bahagyang lumambot habang nagsasalita ito. Mabagal at maingat ang bawat salita.“Hindi mo kailangang sumagot ngayon, apo. Mahalagang desisyon ito at alam kong kailangan mong pag-isipang mabuti. Tama ba ako?”Binigyan ni Natalie ng isang tipid at makahulugang ngiti ang matanda dahil alam na kaagad nito ang isasagot niya bago pa man siya magsalita.“Ganito, bibigyan kita ng dalawang araw. Pagkatapos, sabihin mo sa akin angs agot mo.” Sandaling tumigil si Antonio bago nagpatuloy, mas maingat na ang mga salita. “Sa ngayon, ano man ang perang kailangan mo ay ibibigay ko. Wala kan
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon