Chapter 1 Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang. Kung may mga pangalan, lugar, o taong magkatulad sa bida ng kwentong ito, ito ay hindi sinasadya. May-akda: Inday Stories. --- Sky POV Nasa loob ako ng aking silid, pinapanood nang paulit-ulit ang mga video ng aking pamilya. Kung may makakita sa akin, tiyak na sasabihin nilang "para kang baliw," dahil tumatawa at umiiyak ako habang nag-iisa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" bulalas ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang kanilang pagkawala. Sariwa pa sa aking isipan ang mga trahedyang naganap, at sa kabila ng lahat, tila wala akong magawa. Nang matapos ang mga video, kinuha ko ang isang memory card na may nakadikit na papel na may nakasulat na "TRUE IDENTITY." Agad ko itong sinalang sa laptop, puno ng kuryosidad. "Anak, kung napanood mo ito, tiyak na may masamang nangyayari sa amin ng Mama mo. Kung may maghahanap o magtatanong, kailangan mong itago
Huling Na-update : 2024-09-07 Magbasa pa