Chapter 1
Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang. Kung may mga pangalan, lugar, o taong magkatulad sa bida ng kwentong ito, ito ay hindi sinasadya. May-akda: Inday Stories. --- Sky POV Nasa loob ako ng aking silid, pinapanood nang paulit-ulit ang mga video ng aking pamilya. Kung may makakita sa akin, tiyak na sasabihin nilang "para kang baliw," dahil tumatawa at umiiyak ako habang nag-iisa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" bulalas ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang kanilang pagkawala. Sariwa pa sa aking isipan ang mga trahedyang naganap, at sa kabila ng lahat, tila wala akong magawa. Nang matapos ang mga video, kinuha ko ang isang memory card na may nakadikit na papel na may nakasulat na "TRUE IDENTITY." Agad ko itong sinalang sa laptop, puno ng kuryosidad. "Anak, kung napanood mo ito, tiyak na may masamang nangyayari sa amin ng Mama mo. Kung may maghahanap o magtatanong, kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia. Ayaw kong matulad ka naming pumatay ng tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao. Ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon. Ako ay anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon. Naging hadlang ang iyong Lolo, ama ng iyong Ina, kaya't nagtago kami. Sana ay mabago mo ang kanyang pananaw sa buhay. Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sa mga salitang iyon, labis akong napaisip tungkol kay Greg Fernandez, ang aking Lolo. Base sa sinabi ng aking ama, tutol siya sa kanilang relasyon, dahilan kung bakit kami nagtago. "Kaya pala palipat-lipat kami ng tirahan noong bata pa ako. May tinataguan pala kami!" sabi ko sa aking isipan. Agad akong nagdesisyon na umalis sa mansyon at pumunta sa mall upang maibsan ang lungkot at pangungulila. "Manang, ich gehe zuerst, um die Dinge zu kaufen, die wir hier zu Hause brauchen," (Manang, aalis muna ako upang bumili ng mga kailangan natin dito sa bahay.) pagpaalam ko sa aking katiwala sa mansyon dito sa Germany. "Sei vorsichtig auf der Reise, Iha!" (Mag-iingat ka sa biyahe, Iha!) sagot niya sa akin. Kinuha ko ang susi ng kotse at agad na umalis. Sa hindi nagtagal, nakarating ako sa mall. Sa gitna ng aking pamimili, tumanggap ako ng tawag mula kay Elder Dark, ang pinuno ng DARK MOON, ang secret organization kung saan ako nagtatrabaho bilang assassin agent. Hindi madali ang training upang maging ganap na assassin. Naranasan kong magpaka-masipag sa mga pagsasanay, kaya’t lahat ng misyon ko ay matagumpay. Maraming tao ang kumukuha sa aking serbisyo, ngunit mahigpit akong nag-iingat. "Hello?" sabi ko sa kabilang linya. "May misyon akong ibibigay sa'yo. 10 million kung magawa mo nang maayos!" saad niya sa akin na malamig ang boses. "Tsk! Kailan pa ako naging palpak sa mga misyong binigay mo sa akin?" sagot ko. "Send me details!" idinagdag ko at pinatay ang tawag habang nagpapatuloy sa grocery store. Marami akong biniling karne at iba pang pangangailangan. Hindi ako nagtagal sa mall dahil kailangan kong pag-aralan ang bagong misyon. Pagkatapos kong magbayad, binalik ko ang cart at tinulak ito patungo sa parking area ng mall. Matapos kong maipasok ang mga pinamili sa back door ng kotse, umupo ako at itinali ang seatbelt. Pinagana ko ang makina at umalis na. Sinanay kong mamuhay nang mag-isa, dala ang bigat ng nakaraan. Pangarap ko nang maging alagad ng batas tulad ng aking yumaong ama, nakamit ko man ang aking pangarap bilang isang Agent sa NBI, ngunit ngayon, ako’y isang assassin sa isang secret organization at may sarili din kaming organisasyon ang Black Angel Assassin. Kahit na isa akong assassin ay hindi naman ako pumapatay ng mga inosenteng tao, labag sa aking golding rules. Bago ko kinuha ang kanilang mga buhay ay mag-imbistiga muna ako sa kanilang buhay. Marami ang lumalapit sa akin upang ipapatay ang kanilang kaagaw sa negosyo at iba pa. Malaki ang kanilang binayad sa akin kahit ganun pa man ay hindi ako basta o padalos-dalos sa aking disesyon. Dahil ayaw kong makapatay na inosenteng tao na walang kasalanan sa mundo. Lahat na mga krimen ay kabisadong kabisado ko na. Mga rapist, mangnanakaw, druglord, drug pusher at mga halang na kaluluwang nasa gobyerno nagta-trabaho. Mga taong nag balat-kayong mabait pero sa likod ng kanilang mukha ay may nakatagong mabangis na mukha. Habang nagmamaneho, napansin kong may isang sasakyan na sumusunod sa akin. Agad kong pinabilis ang takbo at kumubli sa mas maliit na daan, umaasang hindi nila ako mahahabol. Nakita ko itong lumampas sa aking kina kukublian kaya agad kong pinaandar muli ang aking kotse upang umalis na sa eskenita. Matapos ang ilang minuto, nakarating ako sa mansyon. Tinawag ko ang isa sa mga kasama sa bahay upang kunin ang mga pinamili. "Wo liegt Manang?" (Asan si Manang?) tanong ko sa isa kong kasama sa mansyon. "In der Küche, Madame!" (Nasa kusina, Senyora!) sagot naman niya sa akin. "Sag Manang, er soll mir Rindereintopf kochen!" (Sabihin mo kay Manang na ipagluto niya ako ng nilagang baka!) utos ko dito, bigla kasi ako nagutom at namimiss ko ang nilagang baka. "Bitte beachten Sie, Madame!" (Masusunod, Madame!) sagot nito. Agad akong pumasok sa aking silid at binuksan ang email ko upang tingnan ang mga detalye ng misyon. Pagbukas ko, sunod-sunod ang mga mensahe mula kay Elder. Sa kabila ng lahat, alam kong may mga desisyon akong kailangang gawin na makakaapekto sa aking buhay bilang isang agent at assassin.Chapter 2 Kaya't agad kong binasa ang mga detalye at pinag-aralan ito nang mabuti. Greg Lim. 45 taong gulang. Druglord at rapist. Most wanted. Dahil sa impormasyong ito, agad akong kumilos. Sinubukan kong hanapin sa internet ang lokasyon ng kanyang lungga, ngunit wala akong nakuhang sapat na impormasyon. Nang hindi na magtagumpay, hinack ko ang sistema ng NBI upang makuha ang mga detalye tungkol kay Greg Lim at ang kanyang kinaroroonan. Sa pagkuha ng mga kinakailangang impormasyon, masusing kong sinuri ang mga ito. Muli kong inisip ang bawat detalye upang maging handa sa susunod na hakbang na aking gagawin. Habang binabasa ko ang mga impormasyon tungkol kay Greg Lim, bumuhos ang galit at pananabik sa aking puso. Ang kanyang pangalang "Druglord at rapist. Most wanted" ay nagbigay sa akin ng higit pang lakas upang panagutin siya sa kanyang mga krimen. Mahalaga ang pagiging handa at maingat sa pagtupad ng aking misyon. Ang pagkuha ng wastong impormasyon ay isang mahalagang hakbang s
Chapter 3 Hinabol ko ito sa madilim na bahagi hanggang naabutan ko ito sa may dulo ng bakuran, at may kasama na itong tatlong mga tauhan. Malawak ang ngiti nitong nakatingin sa akin, parang nanalo ng lotto kahit hindi tumaya. "Wehre diejenigen ab, die es wagen, mein Territorium zu betreten!" (Sugurin nyo ang mapangahas pumasok sa aking teritoryo) sigaw nito. "Als nächstes, Boss!" (Masusunod, Boss!) sagot ng mga tauhan nito, hawak-hawak ang mga pamalo upang gawing sandata. "Yeaaaa......!" "Ahhhhh.....!" Yun ang sigaw ng dalawang kalaban na sumugod sa akin. Agad akong umilag na parang isang bihasang ninja. "Hahaha, ich fühle mich wie ein spielendes Kind," (Hahaha, para akong nakipaglaro sa isang bata) pang-aasar ko dito. "Töte sie!" (Patayin ninyo) sigaw ulit ng kanilang amo na si Greg. "Herr Greg Lim, nach ihnen bist du der Nächste," (Mr. Greg Lim, pagkatapos ko sa kanila ikaw naman ang isusunod ko) mapanganib kong sabi, dahilan upang namutla ito sa takot. Ang mga tauhan ni G
Chapter 4 Sa isang iglap, nahanap ko ang aking pagkakataon. Lumapit ako kay Kruger at binulungan siya, "Tavern Kruger!" tawag ko dito kaya lumingon ito sa akin. Ngunit hindi niya ako makilala dahil sa aking ayos. Nakatago ang aking pagkilanlan, tanging mata ko lamang ang kanyang makikita. Walang dalawang isip na pinutukan ko ito ng tatlong beses sa kanyang noo. Kailangan kong patayin agad dahil ito na ang last misyon na ibinigay sa aming lider. Sa bawat putok ng baril, naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad na bumaba mula sa aking mga balikat. Bumagsak si Kruger sa sahig, walang buhay. Nagdulot ito ng kaguluhan sa paligid, ngunit kailangan kong manatiling kalmado at mabilis na mag-isip. Agad akong umalis mula sa lugar, siniguradong walang makakakita sa akin. Sa gitna ng kaguluhan, nagawa kong makalabas ng hotel nang hindi napapansin. Tumungo ako sa isang madilim na eskinita at hinubad ang aking disguise, itinago ang aking mga sandata, at nagpalit ng damit. Habang naglalakad
Chapter 5 Lumipas ang mga araw ay ipinatawag kaming lahat na mga membro ng Dark Moon. Dahil may gaganapin itong isang palaro kung sino ang mananalo ay may premyong bakasyon nang apat na buwan. Tulad ng aking kagawian, balot ang aking katawan ng itim na damit, tanging mata ko lamang ang kanilang makikita kaya ang ibang mga assassin na kasamahan ko ay hindi nila ako kilala maliban lang kina Agent C, Agent T, Agent P, Agent R, at Agent A. Sila ang nasa ilalim ng aking pamumuno na Angel Black. Habang nagtitipon kami sa isang malaking silid, nagsimula ang Elder na magpaliwanag tungkol sa palaro. "Mga kasamahan, ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang inyong kakayahan at makakuha ng premyong bakasyon. Ang palaro ay isang serye ng mga pagsubok na susukat sa inyong talino, lakas, at kakayahan sa pakikipaglaban." Nakita ko ang excitement sa mga mata ng iba pang mga assassin. Ang pagkakataong makapagpahinga ng apat na buwan ay isang bihirang premyo sa aming mundo. Ngunit alam kong hindi
Chapter 6 Pagkatapos nang palaro ay agad akong umuwi sa aking mansyon dito sa Germany. Diritso-diretso pagdating ko ay agad akong pumasok sa loob ng aking silid at pabagsak humiga sa aking kama, dahil sa pagod ay nakatulong ako na hindi ko namalayan. Panaginip. . . Chapter 7 Pagkatapos nang palaro ay agad akong umuwi sa aking mansyon dito sa Germany. Diritso-diretso pagdating ko ay agad akong pumasok sa loob ng aking silid at pabagsak humiga sa aking kama. Habang nag muni-muni ako at nakatingin sa kisame ay hindi ko maiwasang maalala ang masasayang ala-ala naming ng aking magulang at bunsong kapatid noong nabubuhay pa sila. Naalala ko noon kung paano kami gisingin ng aming ina, napangiti na lamang ako ng mapait bahang inaalala ang lahat. Flashback Dahilan upang nagising ako dahil sa haplos ng aking buhok at mukha, alam ko na si Mama ito kaya napangiti ako sa nang palihim. Palaging ginawa ito ng aming Ina sa tuwing gigisingin kami ng aking kapatid na si Star. "Sky a
Chapter 7 "Mama!" tawag ko sa aning Ina habang hinihila ko ang kanyang kaylangang damit. Kaya mapahinto ito sa paglalakad saka lumingon ito. "Hmmm, bakit Sky?" malambing na sagot sa aking Ina sa akin. "Sino po sila?" takang tanong ko dito. "Ah, sila ba!" sabay turo sa unahan Kaya agad akong tumango. "Sila ang matalik na kaibigan ng iyong Ama. Yung nagkarga sa binatilyong iyong iniligtas ay si Mr. King Curtis at ang kanyang asawa na si Elizabeth yung isang lalake nag lakad ay si Damon Mondragon at yung isa ay si David Santiago ang iyong Ninong," sabi sa aking Ina. "Ah!" tanging sagot ko lamang kay Mama. Hanggang naglakad muli kami at sumunod na rin kami sa kanila. Hanggang makarating kami sa isang cottage kung saan ang hintay ang aking Ama. Hanggang napako ko ang paningin ko sa isang binatilyo na tahimik itong nakaupo sa may sulok na parang ayaw makipag-usap sa ibang ka edad nito kaya agad ko itong nilapitan at umupo sa kanyang tabi saka pinagmasdan ang kanyang mukha.
Chapter 8 APAT, apat na buwan na kaming nanirahan sa bagong bahay bagong kapitbahay at bagong ka-klase. Habang nasa loob ako ng bago kung silid ay di ko maiwasang ma-miss ang dati kung silid na puno ng poster nang Idol kung Angel Locsin at ni Anne Curtis. Hanggang tinawag na ako sa aking ina dahil mali-late na raw kami sa bago kung paaralan. Kaya agad kung inayos ang aking sarili saka lumabas sa silid. End Flashback "Anak, alam ko na hindi mo gustong lumipat ng bagong tahanan Kaya lang kailangan kasi kung asan ang iyong Ama ay andoon din tayo at saka ito na ang huling lipat natin Kaya wag kanang malungkot, okay!" pagpapaliwanag ni Mama sa akin." Ngumiti na lang ako upang hindi ito mag-alala. Hanggang tinawag na kaming dalawa ni Star upang idaan kami ni Papa sa bago naming paaralan. "Mga anak, kailangan ninyo alagaan ang inyong sarili, lalo kana Sky. Lagi mong tatandaan na kailangan mong maprotektahan ang iyong kapatid. Dahil hindi natin alam kung anong mangyayari sa kasu
Chapter 9 Bumalik lamang ako sa aking sarili ng tumunog ang aking phone. May nag bigay sa akin ng mensahe kaya agad ko itong tiningan. 'MAY IBIBIGAY KO SAYONG LAST MISYON, BAGO KO IBIGAY SAYO ANG IYONG PREMYO SA NAPANALUNAN APAT NA BUWANG BAKASYON.' -Yung ang nakalagay sa mensahe bago nag sunud-sunuran pumasok ang detalye ng aking misyon bago ko ipinikit ang aking mga mata. Fast Forward Kasalukuyang kaming nasa misyon kasama ng aking mga kasamahan na assassin sa ilalim ng aking pagmamando. “Agents, move!” pagmamando ko sa mga kasamahan ko nang makarating kami sa abandonadong gusali ng Red Street. Mabilis silang tumakbo papasok sa kalawanging pinto hawak ang kani-kanilang bàril. Nakarating sa kaalaman namin na kuta ito ng German druglords at ng mga galamay nila. Isang drug manufacturing facility kung saan nagaganap ang mga bigating transaks'yon ng bilihan ng pinagbabawal na gamot na siyang sinusupply nila sa iba't ibang parte ng Asia at America. Bilang lider ng nasab
Mahal kong mga Tagasubaybay, Isang taos-pusong pasasalamat ang nais kong iparating sa inyong lahat na sumubaybay at nagbigay suporta sa aking kwento. Ang bawat hakbang ng paglalakbay ng mga karakter, ang bawat tagumpay at pagsubok na kanilang hinarap, ay naging mas makulay at puno ng kahulugan dahil sa inyong mga mata at puso na tumutok sa bawat detalye. Hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kahalaga ang bawat mensahe, komento, at mga pag-suporta na inyong ibinigay sa akin. Ang bawat isa sa inyo ay may bahagi sa pagbuo ng kwentong ito—at sa bawat oras na kayo ay naglaan ng panahon upang basahin at subaybayan ang aking pagsulat, naramdaman ko ang inyong mga positibong enerhiya na nagbigay lakas sa akin upang ipagpatuloy ito. Sa kabila ng mga pagsubok, ang inyong suporta ay nagsilbing gabay na hindi ko kayang kalimutan. Sa bawat pahina, sa bawat kabanata, at sa bawat hakbang ng kwento, andiyan kayo bilang mga kasamahan ko sa paglalahad ng isang kwento ng pag-asa, tapang, at pagmamahal
Chapter 113Ngunit habang ang mga pwersang ito ay natapos, ang isang matinding katahimikan ang bumalot. Ang mga kalaban sa likod ng mga operasyon ni Drozdov at Volkov ay natapos na, at sa kanilang pagkawala, nawala rin ang mga panganib na banta sa buhay ng mga triplets at ng iba pang mga inosente. Sa kabila ng mga naiwang sugat at pagkatalo, natapos ang isang malaking yugto ng aming laban. "Agent T, natapos na," sabi ko habang tinitingnan ang mga dokumentong nagpatunay ng kanilang pagkatalo. "Wala na silang magagawa pa. Hindi na nila mababalik ang kanilang imperyo." Ngunit alam ko, sa ilalim ng lahat ng ito, may mga pwersang nanatili pa rin. May mga lihim na operasyon at mga bagong kalaban na nagmamasid, ngunit sa mga susunod na araw, natutunan ko na ang tunay na laban ay hindi palaging nasusukat sa lakas ng kalaban. Ang laban na tinatahak namin ay laban para sa kapayapaan—para sa mga buhay ng mga inosenteng tao na nagdusa. Ang pangalan ko at ng mga kasama ko ay magiging bahagi ng
Chapter 112Habang ang mga pangalan ng Volkov ay naglaho sa mga talaan, ang mga anino ng kanilang imperyo ay patuloy na sumasabay sa mga hangin. Wala kaming magawa kundi maghintay. Isang kakaibang katahimikan ang sumik sa aming operasyon. Walang bagong impormasyon, walang bagong hakbang, at wala ring makikitang kasunod na laban. Ngunit alam ko, hindi sa lahat ng oras ay magtatagal ang katahimikang ito. Isa lamang itong preparasyon bago ang susunod na pagsabog.“Agent T, kailangan natin maghanda,” sabi ko sa kanya isang umaga, habang pinagmamasdan ang mga bagong ulat mula sa aming mga pinagkakatiwalaang sources. “Hindi ako naniniwala na tapos na tayo. May ibang pwersa pa rin na gumagalaw sa likod ng mga kaganapang ito.”“Tama ka,” sagot ni Agent T, ang boses niya ay may bahid ng pag-aalala. “Ang mga operasyon ni Volkov ay isang piraso lang ng mas malawak na laro. Kung hindi natin makikita ang buong larawan, baka mapag-iwanan tayo.”Nagpunta kami sa isang ligtas na lokasyon upang mag-re
Chapter 111Nagpatuloy kami sa pagtutok sa mga pondo at operasyon na ipinapakita ng mga dokumento. Habang nagsasaliksik kami ng mga pangalan at koneksyon, napansin namin na ang ilan sa mga taong may kinalaman sa mga operasyon ng Volkov ay nagtatago sa likod ng mga negosyo at mga opisyal na posisyon sa politika. Tinututukan namin ang mga detalye, at natuklasan namin na ang mga operasyon ng Volkov ay may mga malalaking kasosyo sa loob ng mga institusyong politikal at militar sa buong Europa.“Agent T,” sabi ko habang pinagmamasdan ang mga bagong impormasyon, “Wala na tayong oras. Ang mga pwersang ito ay patuloy na nagpapalakas at nagpapalawak ng kanilang impluwensya. Kailangan natin silang harapin.”“Hindi ko inaasahan na madali,” sagot ni Agent T, ang boses niya ay matatag. “Pero hindi tayo pwedeng magpatalo. Hindi natin puwedeng hayaang magpatuloy ang kanilang mga operasyon.”Nagpatuloy kami sa paghahanap ng mga susunod na hakbang, ngunit habang nagpapatuloy kami, ramdam ko ang lumala
Chapter 110Habang nakatayo kami sa loob ng tahimik na silid sa mansion, naramdaman ko ang bigat ng mga dokumentong hawak namin. Ang mga pangalan at koneksyon sa loob ng mga papeles ay nagbukas ng pinto sa isang mas malalim na operasyon, isang pwersa na hindi basta-basta matitinag. Alam ko na ang laban ko ay hindi lang laban laban sa isang pangalan, kundi laban sa isang buong sistema ng kasamaan na nagpapalakas sa mga tao sa likod ng Volkov.“Agent T,” sabi ko, ang mga mata ko ay nag-i-scan ng mga dokumento, “Ipinapakita nitong mga pangalan na may mga koneksyon ang mga pwersang nagpapatuloy sa ilalim ng pangalan ni Greg Volkov. Hindi sila titigil.”“Malamang, hindi,” sagot ni Agent T, ang tinig niya ay puno ng pagka-determinado. “Kahit tapos na ang pangalan ng Volkov, ang mga operasyon na ito ay hindi titigil. At mas malupit ang mga susunod na hakbang.”Isang malamlam na pangitain ang gumugol sa isip ko habang iniisip ang susunod na hakbang. Kung ang mga pwersang ito ay patuloy na lum
Chapter 109Ang mga salitang iyon ay nagsisilbing hudyat na magsisimula ang tunay na labanan. "Tingnan natin kung sino ang magiging hadlang," sagot ko, ang aking tinig malamig at puno ng galit.Sa isang mabilis na galaw, inihagis ko ang isang smoke grenade, at ang buong pabrika ay napuno ng usok. Habang nagtatago kami ni Agent T sa ilalim ng mga makina, naririnig ko ang mabilis na mga galaw ni Drazhen at ng kanyang mga tauhan. Alam kong hindi na kami magtatagal dito.“Agent T, maghanda ka,” sabi ko, ang mga mata ko ay alerto sa bawat galaw. "Kailangan nating tapusin ito ngayon."Habang nagsimula ang engkwentro, ramdam ko ang tensyon sa hangin. Si Drazhen ay mabilis at may mga tauhan siyang bihasa sa laban. Ngunit ako, hindi ko binitiwan ang aking layunin. Ang bawat galaw ko ay isinagawa nang may layuning tapusin siya."Drazhen!" sigaw ko, sabay lakas ng putok mula sa aking baril. "Endlich wirst du für alles bezahlen, was du getan hast!" (Sa wakas, magbabayad ka na para sa lahat ng gin
Chapter 108Ang pagbagsak ni Dmitri Volkov ay isang tagumpay, ngunit ito’y isang maliit na bahagi lamang ng mas malaking labanan na patuloy na bumabalot sa akin. Ang pangalan ni Greg Volkov ay patuloy na nagbibigay ng takot at kapangyarihan, kahit na siya ay matagal nang patay. Habang pinapanday ko ang aking landas pabalik sa mga anino ng kanilang imperyo, ramdam ko na mas malalim pa ang ugat ng kasamaan na kailangan kong tunawin.Ang mga paggalaw ko ay naging mas maingat at mapanuri. Ang pagkatalo ni Dmitri ay nagbigay daan para makuha ko ang ilang mahahalagang impormasyon mula sa mga kagamitan niya—mga dokumento, codes, at mga pangalan na magdadala sa akin sa susunod na hakbang. Ngunit kahit anong patuloy na pagsusuri ko sa mga materyal na ito, isang bagay ang naging malinaw: Si Greg Volkov ay hindi lamang isang pangalan. Ang pangalan niyang iyon ay naging simbolo ng isang malupit na imperyo na nagpapatuloy sa mga operasyon gamit ang mga koneksyon at makinarya ng mga taong matagal n
Chapter 107 Ang pag-alis mula sa Hamburg ay mabilis at tahimik. Ang warehouse na pinasok namin ay nagbigay ng mahahalagang piraso ng impormasyon, ngunit hindi pa rin sapat. Ang mga Volkov ay may maraming tinatago, at mas mataas na pwersa ang nakatago sa likod ng kanilang operasyon. Kung hindi ko sila matutumbasan sa lugar na iyon, hindi ko rin matutumbasan ang buong sistema ng kasamaan na kanilang pinapalakas. Habang naglalakbay kami pabalik, iniisip ko kung anong susunod na hakbang. Alam kong ang gabay ay nagsisimula nang magbukas, ngunit ang mga koneksyon ni Dmitri Volkov, pati na rin ng kanyang ama na si Greg Volkov, ay humantong sa isang lugar na mas malupit—Germany. Doon, may mga ugat ng kanilang negosyo na kailangang durugin. "Agent T," sabi ko habang binabaybay namin ang kalsadang pauwi, "pupunta tayo sa Germany. Doon natin tututukan si Dmitri Volkov." Nakita ko sa mga mata ni Agent T ang isang seryosong pagkakasunduan. "Si Volkov ba ang target natin?" tanong niya, ang tini
Chapter 106 Ang dilim ng gabi ay tila bumabalot sa akin habang iniisip ko ang susunod na plano. Si Dmitri Volkov at ang kanyang ama, si Greg Volkov, ay hindi lamang simpleng kalaban—sila ay mga piraso ng isang masalimuot na puzzle na kailangan kong buuin. Isang piraso na kapag natumbok, magbibigay sa akin ng sagot sa lahat ng tanong ko. Kahit na patay na ito ay nagpapatuloy pa rin ang kanyang mga gawaing pamamagitan sa kanyang anak. Nagmumuni-muni ako sa mga dokumentong nakuha ko, at sa mga koneksyong unti-unting lumilitaw. Ang mga Volkovs ay hindi basta-basta—hindi nila kayang magtago sa ilalim ng radar ng mga pwersa ko. Kung ang buong operasyon nila ay nakaangkla sa mga arms syndicates at droga, dapat ay may mga koneksyon sila sa mga pangunahing pook ng kalakalan—mga lungsod, mga port, at mga lugar kung saan madaling magpasok at maglabas ng armas at droga. "Agent T," sabi ko, iniabot ang isang piraso ng papel na naglalaman ng pangalan ng isang lugar. "May isa pa tayong kaila