Lahat ng Kabanata ng One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo: Kabanata 11 - Kabanata 20

100 Kabanata

Kabanata 11

Oo, nakita niya ang lahat at naintindihan ang ipinapahiwatig niya. Ang kahit na sinong lalake ay maiintindihan ito agad.Ito ang dahilan kung bakit tense si Lam sa kanyang kinauupuan habang sinusubukan ilulon ang nginunguya niya sa kanyang bibig.“Uhmm…” nilinaw niya ang kanyang lalamunan, kinuha niya ang inumin para maitulak ang pagkain pababa. Halos masamid siya.Habang pinapanood na hirap siya, hindi nawala ang ngiting tagumpay sa mukha ni Abby.“Masyado mo itong naeenjoy, ano?” umiling-iling si Lam at kinumpronta siya. Pero mahina at kalmado ang boses niya.“Oo, naeenjoy ko,” ngumiti siya ng matamis habang kaswal na dinidilaan ang basa niyang mga labi. Pangkaraniwang kilos lang ito para sa karamihan pero alam ni Lam kung anong ipinapahiwatig nito, para itong sipa sa kanyang sikmura.“Totoo ako sa ibig ko sabihin sa bawat mga salitang sinabi ko kanina,” dahil ang mood niya ay napupunta na sa pagiging seryoso, sinabi niya ito habang humihigop ng soda.Napansin niya agad ang bi
Magbasa pa

Kabanata 12

“Ikaw, Cartegana.”Labinglimang minuto bago magsimula ang shift niya, dumating si Lam sa hotel. Papasok na siya sa staff room para magbihis ng waiter uniform ng tinawag siya ng kitchen manager.“Magandang tanghali, Mr. Torres,” tumango siya ng magalang, nakatayo ng ilang dipa mula sa manager.“Dalhin mo ang mga kahon ng wine at supplies sa stockroom,” hindi binigyan ng pansin ang bati, nag-utos si Mr. Torres. Nakakasindak ang tingin niya pero pinili ni Lam na isawalangbahala ito.Ngunit, naguluhan siya sa utos. Ang kontrata niya ay waiter siya, hindi stockroom staff. May mga taong nakaassign para kunin ang stocks na dumadating sa hotel.“Ano pang hinihintay mo? Hindi mo ba narinig ang utos ko sa iyo?”Isang istriktong boses ang nagbalik sa kanya sa realidad at napagtanto niya, nakatitig sa kanya ng masama ang manager. Kaysa panghinaan ng loob, kalmado siyang nakipagtitigan sa manager.“Anong tinitingin-tingin mo? Bago ka lang dito at nagpapakita ka na ng ugali,” tumaas ang bose
Magbasa pa

Kabanata 13

Matapos makarating sa likod ng hotel, nakita niya ang truck ng may bagong deliver na mga supply.Isang grupo na ang nakahanda na ilipat ang anumang nasa loob ng malaking sasakyan gamit ang kanilang mga push cart. Napatingin ang mga tao sa kanyang presensiya habang napapaisip. Lalo pa ng magsimula siyang tumulong.“Tutulong ako sa paglipat,” bulong niya bago kumuha ng cart.Kahit na hindi makapaniwala, hindi nagsalita ang mga lalake. Nakita nila na seryoso siya kaya nagbigay siya ng mga kahon para buhatin niya.Habang dala ang mga kahon, pero nasa cart, mukha itong madaling trabaho, pero hindi. Hard labor pa din ito at kahit na sanay ang katawan niya, hindi sa ganoong lebel. Pero para sa baguhan, tulad ng iniisip ng lahat, madami siyang stamina.“Okay ka pa din ba?” Ang nagpapatong ng mga kahon sa mga cart ay nagtanong matapos makita ang kundisyon niya. Ang T-shirt na suot niya kanina ay inalis na niya.Matapos ang ilang pabalik-balik ng mga kahon sa stockroom at pabalik sa truck,
Magbasa pa

Kabanata 14

Pawis at gumagalaw na mga muscle ang dalawang bagay na hindi niya inaasahan na magugustuhan niyang makita. Pero ang panoorin siyang pinagpapawisan habang nagtatrabaho gamit ang mga cart na puno ng mabibigat na mga kahon ay nakakaapekto sa kanya sa masarap na paraan.Mukha siyang guwapo kahit na magulo ang itsura niya. Natutukso pa siyang tumabi agad sa kanya at punasan ang kumikislap niyang pawis sa dibdib niyang may tato.Pero kahit na maganda ang tanawin niyang nakikita, tumalikod siya at bumalik sa loob. Dumiretso siyang naglalakad sa walang taong hallway hanggang sa nakarating siya sa parteng gusto niyang puntahan.Hindi mapakali ang mga mata niyang tumitingin sa paligid hanggang sa makita siya. Pero bago siya makalapit, una siyang nakita ng lalake at lumapit sa kanya.“Magandang tanghali, Miss Abigail. May maitutulong ba kami sa iyo?” nababalisa siya sa presensiya ng tagapagmana.“Wala naman, Mr. Torres. Nabagot lang ako at napagdesisyunang tumingin sa paligid, kaswal niyang
Magbasa pa

Kabanata 15

“Excuse me, Miss Abigail?” hindi pa din niya naiintindihan ang ibig niyang sabihin, sinubukan ni Mr. Torres na makakuha ng paglilinaw. Hindi talaga niya alam kung anong sasabihin niya.“Linisin mo ang lahat ng kalat na ito, Mr. Torres,” kaswal niyang itinuro ang mga kalat sa sahig, sinisindak siya para sumunod.Ngunit, patuloy na nakatitig lang ang lalake at nakanganga sa kanya, hindi kumikilos sa puwesto niya. Kahit na paano niya intindihin ang sitwasyon, hindi niya mapagtanto kung anong ipinagagawa niya sa kanya.“Miss Abigail, may mga janitor tayo para sa trabaho. Natrain sila ng maayos para maglinis ng mabuti,” sinubukan niyang ipaliwanag kahit na bagot ang ekspresyon niya.“Sa tingin ko hindi mo sinusunod ang bagay na ito, Mr. Torres. Ikaw na manager, sa tingin mo malaya ka na utusan ang kahit na sino sa bagay na hindi nila trabaho. Kaya, puwede rin kita utusan bilang isa sa mga may-ari ng hotel. Tama ba ako, Mr. Torres?” mapanghamon ang ngiti niya at sumagot.Hindi pa rin si
Magbasa pa

Kabanata 16

“Hayaan ang janitor na linisin ang kalat. At huwag ka muna magpapakita kay Abby,” Minasahe ni Justin ang mga sentido niya at istriktong inutos. Anuman ang plano ni Abby, kailangan niya mag-ingat para hindi siya lalong matrigger.“Masusunod, sir,” tumango si Mr. Torres ng mabilis bago sumenyas sa mga janitor na magsimula na maglinis.Sa dining area, nakahanap ng upuan si Abby at naupo kahit na naiirita siya. Habang masama ang mood niya, tumingin siya sa paligid. Madaming tao sa restaurant at abala ang lahat ng mga waiter.“Miss Abigail,” humarap siya at nakita ang bote ng wine na ibinubuhos sa baso para sa kanya. Walang sabi-sabi niyang pinanood ang kulay dugong likido na bumubuhos sa baso.“Ang pagkain mo ay dadalhin dito sa loob ng ilang sandali, “Miss Abigail,” magalang niyang sinabi bago tumalikod at umalis.Pero nagulat siya at mga tao sa dining area, dahil ang bote ng wine ay maingay na bumagsak sa sahig kasama ang tunog ng pagkakabasag ng wine glass. Kumalat ang pulang likid
Magbasa pa

Kabanata 17

“Wala kang pakielam sa halaga niya sa akin,” ngumisi siya at galit na tumitig. Out of context ang dating ng tanong sa kanya. Sa tingin ni Abby hindi ito kailangan sa kasalukuyang sitwasyon.“Bago siya sa hotel, baka killer siya o kaya gold digger, anong malay natin.”“Talaga ba, Justin? Para sa presidente ng malaking korporasyon iyan lang ang kaya ng utak mo?” hindi na siya natutuwa sa panghuhusga niya at hindi napigilan na laitin siya.“Edi bakit, Abby? Kakakilala mo lang sa kanya kagabi at umaarte ka ng baliw sa pag-ibig, pinoprotektahan siya,” dahil gusto niyang malaman ang motibasyon niya, kinumpronta niya ng mapait si Abby.“Tulad ng sinabi ko, wala ka ng pakielam,” sagot ni Abby.“Dahil ba ito sa ginawa ko? Kung ganoon, panalo ka na, Abby. Itigil mo na ang kalokohang ito,” kahit na nagsalita na si Abby, pinipilit pa din ni Justin.“Kalokohan ang sinasabi mo, Justin. Ang finacee mo ay buntis sa anak mo. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?” hindi siya m
Magbasa pa

Kabanata 18

“Tungkol saan ito, Justin?”Sa oras na umalis si Abby, humarap si Alice sa kanya para kumprontahin siya.“Nagtatantrum lang siya. Walang bago,” sagot ni Justin para hindi na siya magtanong. Pero ang mga mata niya ay nakasunod kay Abby na paalis, nahirapan siya itago ang pangungulila sa mga mata niya.“Buntis ako sa anak mo at nakatingin ka sa kanya na parang tanga umiibig,” singhal niya habang pinapanood si Abby at kinamumuhian siya.Bumuntong hininga ng malalim si Justin at umiwas ng tingin kay Abby patungo sa sahig na sinimulang linisin ng mga janitor. Narinig niya na hindi natutuwa si Alice pero may mas mahalaga siyang problema na dapat asikasuhin.Pinagtitinginan sila ng mga bisita. Naabala ang kapayapaan ng mga bisita dahil sa eksena.“Pasensiya na sa inyong lahat. Magseserve kami ng mga desserts sa lahat. Sagot na namin ito,” humingi siya ng tawad at nakahinga ng maluwag ng positibo ng pagtanggap ng mga bisita sa alok niya.“Sumosobra na talaga ang paslit na iyon,” bulong
Magbasa pa

Kabanata 19

Kung nakakamatay ang matinding titig, matagal ng patay si Lam.“Hinahamon mo ba ako, Cartagena?” humakbang palapit si Justin at sinabi.“Hindi, sir. Hindi kita hinahamon. Pero alam ko kung paano depensahan ang sarili ko kung kinakailangan,” habang ipinaglalaban ang sarili, nanatiling hindi kumikilos si Lam.“Matapang ka, Cartagena. Dahil alam mo na poprotektahan ka ni Abigail,” suminghal si Justin habang sumisingkit ang mga mata niya.“Hindi ko kailangan ng kahit na sino para protektahan ang sarili ko, President Del Castillo. At pakiusap, kung anumang issue ang mayroon ako sa trabaho o sa iyo, sir, huwag natin idamay si Ms. Sandoval,” sinubukan niyang sabihin. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi siya kumportable idamay si Abigail sa mga problema niya. Sapat na ang dami ng mga problema niya at hindi na siya dapat madamay sa mga walang kuwentang bagay.“Sinasabi mo ba sa akin na si Abigail Marie Sandoval ay nagalit na lang bigla ng walang dahilan dahil sa pinagbuhat kita ng
Magbasa pa

Kabanata 20

Tumango ng kaunti si Liam sa manager, at tumungo siya sa isa sa mga lamesa na may grupo ng mga middle-aged na babae para punuin muli ang baso nila. Kailangan niyang gawin abala ang isip niya.“Siguradong disappointed si Madame Mariebel sa apo niya.”Matapos marinig ang pangalan ng matriarch ng pamilya Fuentebella, nagbagla si Lam sa pagbuhos ng inumin ng mga babae.“Simula pa noong bata siya, matigas na ang ulo ni Abigail pero hindi ko inaasahan na ganito siya kabaliw. Sakit lang sa puso ang dala niya sa Madame.”“Ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay pagkakaroon ng ugnayan sa waiter. Hindi ba siya makahanap ng desenteng lalake? Marami tayong mga prominenteng pamilya sa lungsod maliban sa pamilya Del Castillo. Sa ganda at yaman niya, ang kahit na sinong lakake ay gugustuhin na mapasakanya.“Ang bawat pamilya ay nagkakandarapang magkaroon ng koneksyon sa pamilya Fuentebella. Ang kailangan lang ni Abigail gawin ay maging matalino. Pero pinili niya ang waiter kaysa prominenteng lala
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status