“Excuse me, Miss Abigail?” hindi pa din niya naiintindihan ang ibig niyang sabihin, sinubukan ni Mr. Torres na makakuha ng paglilinaw. Hindi talaga niya alam kung anong sasabihin niya.“Linisin mo ang lahat ng kalat na ito, Mr. Torres,” kaswal niyang itinuro ang mga kalat sa sahig, sinisindak siya para sumunod.Ngunit, patuloy na nakatitig lang ang lalake at nakanganga sa kanya, hindi kumikilos sa puwesto niya. Kahit na paano niya intindihin ang sitwasyon, hindi niya mapagtanto kung anong ipinagagawa niya sa kanya.“Miss Abigail, may mga janitor tayo para sa trabaho. Natrain sila ng maayos para maglinis ng mabuti,” sinubukan niyang ipaliwanag kahit na bagot ang ekspresyon niya.“Sa tingin ko hindi mo sinusunod ang bagay na ito, Mr. Torres. Ikaw na manager, sa tingin mo malaya ka na utusan ang kahit na sino sa bagay na hindi nila trabaho. Kaya, puwede rin kita utusan bilang isa sa mga may-ari ng hotel. Tama ba ako, Mr. Torres?” mapanghamon ang ngiti niya at sumagot.Hindi pa rin si
“Hayaan ang janitor na linisin ang kalat. At huwag ka muna magpapakita kay Abby,” Minasahe ni Justin ang mga sentido niya at istriktong inutos. Anuman ang plano ni Abby, kailangan niya mag-ingat para hindi siya lalong matrigger.“Masusunod, sir,” tumango si Mr. Torres ng mabilis bago sumenyas sa mga janitor na magsimula na maglinis.Sa dining area, nakahanap ng upuan si Abby at naupo kahit na naiirita siya. Habang masama ang mood niya, tumingin siya sa paligid. Madaming tao sa restaurant at abala ang lahat ng mga waiter.“Miss Abigail,” humarap siya at nakita ang bote ng wine na ibinubuhos sa baso para sa kanya. Walang sabi-sabi niyang pinanood ang kulay dugong likido na bumubuhos sa baso.“Ang pagkain mo ay dadalhin dito sa loob ng ilang sandali, “Miss Abigail,” magalang niyang sinabi bago tumalikod at umalis.Pero nagulat siya at mga tao sa dining area, dahil ang bote ng wine ay maingay na bumagsak sa sahig kasama ang tunog ng pagkakabasag ng wine glass. Kumalat ang pulang likid
“Wala kang pakielam sa halaga niya sa akin,” ngumisi siya at galit na tumitig. Out of context ang dating ng tanong sa kanya. Sa tingin ni Abby hindi ito kailangan sa kasalukuyang sitwasyon.“Bago siya sa hotel, baka killer siya o kaya gold digger, anong malay natin.”“Talaga ba, Justin? Para sa presidente ng malaking korporasyon iyan lang ang kaya ng utak mo?” hindi na siya natutuwa sa panghuhusga niya at hindi napigilan na laitin siya.“Edi bakit, Abby? Kakakilala mo lang sa kanya kagabi at umaarte ka ng baliw sa pag-ibig, pinoprotektahan siya,” dahil gusto niyang malaman ang motibasyon niya, kinumpronta niya ng mapait si Abby.“Tulad ng sinabi ko, wala ka ng pakielam,” sagot ni Abby.“Dahil ba ito sa ginawa ko? Kung ganoon, panalo ka na, Abby. Itigil mo na ang kalokohang ito,” kahit na nagsalita na si Abby, pinipilit pa din ni Justin.“Kalokohan ang sinasabi mo, Justin. Ang finacee mo ay buntis sa anak mo. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Hindi ka ba nahihiya?” hindi siya m
“Tungkol saan ito, Justin?”Sa oras na umalis si Abby, humarap si Alice sa kanya para kumprontahin siya.“Nagtatantrum lang siya. Walang bago,” sagot ni Justin para hindi na siya magtanong. Pero ang mga mata niya ay nakasunod kay Abby na paalis, nahirapan siya itago ang pangungulila sa mga mata niya.“Buntis ako sa anak mo at nakatingin ka sa kanya na parang tanga umiibig,” singhal niya habang pinapanood si Abby at kinamumuhian siya.Bumuntong hininga ng malalim si Justin at umiwas ng tingin kay Abby patungo sa sahig na sinimulang linisin ng mga janitor. Narinig niya na hindi natutuwa si Alice pero may mas mahalaga siyang problema na dapat asikasuhin.Pinagtitinginan sila ng mga bisita. Naabala ang kapayapaan ng mga bisita dahil sa eksena.“Pasensiya na sa inyong lahat. Magseserve kami ng mga desserts sa lahat. Sagot na namin ito,” humingi siya ng tawad at nakahinga ng maluwag ng positibo ng pagtanggap ng mga bisita sa alok niya.“Sumosobra na talaga ang paslit na iyon,” bulong
Kung nakakamatay ang matinding titig, matagal ng patay si Lam.“Hinahamon mo ba ako, Cartagena?” humakbang palapit si Justin at sinabi.“Hindi, sir. Hindi kita hinahamon. Pero alam ko kung paano depensahan ang sarili ko kung kinakailangan,” habang ipinaglalaban ang sarili, nanatiling hindi kumikilos si Lam.“Matapang ka, Cartagena. Dahil alam mo na poprotektahan ka ni Abigail,” suminghal si Justin habang sumisingkit ang mga mata niya.“Hindi ko kailangan ng kahit na sino para protektahan ang sarili ko, President Del Castillo. At pakiusap, kung anumang issue ang mayroon ako sa trabaho o sa iyo, sir, huwag natin idamay si Ms. Sandoval,” sinubukan niyang sabihin. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi siya kumportable idamay si Abigail sa mga problema niya. Sapat na ang dami ng mga problema niya at hindi na siya dapat madamay sa mga walang kuwentang bagay.“Sinasabi mo ba sa akin na si Abigail Marie Sandoval ay nagalit na lang bigla ng walang dahilan dahil sa pinagbuhat kita ng
Tumango ng kaunti si Liam sa manager, at tumungo siya sa isa sa mga lamesa na may grupo ng mga middle-aged na babae para punuin muli ang baso nila. Kailangan niyang gawin abala ang isip niya.“Siguradong disappointed si Madame Mariebel sa apo niya.”Matapos marinig ang pangalan ng matriarch ng pamilya Fuentebella, nagbagla si Lam sa pagbuhos ng inumin ng mga babae.“Simula pa noong bata siya, matigas na ang ulo ni Abigail pero hindi ko inaasahan na ganito siya kabaliw. Sakit lang sa puso ang dala niya sa Madame.”“Ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay pagkakaroon ng ugnayan sa waiter. Hindi ba siya makahanap ng desenteng lalake? Marami tayong mga prominenteng pamilya sa lungsod maliban sa pamilya Del Castillo. Sa ganda at yaman niya, ang kahit na sinong lakake ay gugustuhin na mapasakanya.“Ang bawat pamilya ay nagkakandarapang magkaroon ng koneksyon sa pamilya Fuentebella. Ang kailangan lang ni Abigail gawin ay maging matalino. Pero pinili niya ang waiter kaysa prominenteng lala
Maingat na tinignan ni Abby si Lam na tahimik sa kanyang tabi.Tanghali na ng makatanggap siya ng message mula sa mansyon. Ipinatawag siya ng kanyang lola.Ngunit, nagulat siya ng makita niya ang kanyang ama at pamilya niya doon. Sila din ay ipinatawag. Lalong tumindi ang gulo sa isip niya ng dumating si Lan pagkatapos niya. Siguradong na pareho sila ng problema ng kanyang ama. Pero hindi siya naglakas loob na basagin ang katahimikan.Kating-kati na siyang itanong kay Lam kung anong ginagawa niya sa mansyon ng Fuentebella pero napipigilan siya ng malamig niyang dating.Ang ama niya ay hindi mapakali sa upuan habang ang dalawang babae, sina Karen at Alice na nakaupo at naninigas sa tabi niya.Bihira lang ipatawag ni Mariebel Fuentebella ang lahat kung hindi ito importante. May kutob si Abby sa ang dahilan ng pagpapatawag sa pagpupulong pero isinantabi niya ito habang naghihintay kasama ang lahat.Ang matagal nilang paghihintay ay natigil ng dumating ang isang matanda pero elegante
Matapos makita na kumalma siya ng kaunti, humarap si Mariebel sa mga lalake sa tabi niya habang nasa wheelchair.“Ibigay sa kanila ang mga dokumento,” senyas niya, bagay na sinunod agad ng mga abogado niya.“Ngayon, si Abigail Marie Fuentebella Sandoval ay ikakasal kay Lam Cartagena.”Halos hindi makahinga si Abigail sa deklarasyon ng matriarch. Napanganga siya habang hindi makapaniwala, ang gulat niyang ekspresyon ay tinignan ng lola niya habang kalmado.Pakiramdam niya nababaliw siya. Nanlamig siya at manhid.Kahit ang ama niya ay nagulat sa utos ng kanyang nanay. Walang umaasa na ito ang mangyayari. Si Alice at Karen ay nagulat noong una pero matapos maintindihan ang ibig sabihin nito, tagumpay silang ngumiti sa isa’t isa.Habang tulala ang lahat, si Lam ay nanatiling walang ekspresyon sa upuan niya. Ang mukha niya ay hindi nagpakita ng ekspresyon sa kung anong iniisip niya.“Mama…” sinubukan magsalita ni Philip pero tumigil siya ng makita ang matalas na titig ng nanay niya.
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s