Share

Kabanata 20

Tumango ng kaunti si Liam sa manager, at tumungo siya sa isa sa mga lamesa na may grupo ng mga middle-aged na babae para punuin muli ang baso nila. Kailangan niyang gawin abala ang isip niya.

“Siguradong disappointed si Madame Mariebel sa apo niya.”

Matapos marinig ang pangalan ng matriarch ng pamilya Fuentebella, nagbagla si Lam sa pagbuhos ng inumin ng mga babae.

“Simula pa noong bata siya, matigas na ang ulo ni Abigail pero hindi ko inaasahan na ganito siya kabaliw. Sakit lang sa puso ang dala niya sa Madame.”

“Ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay pagkakaroon ng ugnayan sa waiter. Hindi ba siya makahanap ng desenteng lalake? Marami tayong mga prominenteng pamilya sa lungsod maliban sa pamilya Del Castillo. Sa ganda at yaman niya, ang kahit na sinong lakake ay gugustuhin na mapasakanya.

“Ang bawat pamilya ay nagkakandarapang magkaroon ng koneksyon sa pamilya Fuentebella. Ang kailangan lang ni Abigail gawin ay maging matalino. Pero pinili niya ang waiter kaysa prominenteng lala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status