Pinagtaksilan siya ng kanyang fiancee. Hindi na malapit sa kanya ang ama niya dahil sa walang hiyang golddigger na asawa. Wala siyang propesyon sa kanyang hometown. Ang lola niya ay matanda na, at naghihintay na lang ng kamatayan. Sa edad na dalawamput siyam, wala ng mawawala pa sa kanya.Puwede niya piliin na maglaro na lang at maging malaya. O kaya bumalik siya sa abroad kung saan niya nahanap na mahalaga siya. Pero mayroon na siyang Lam ngayon. May rason na siya para manatili.Hindi pa niya ito matawag na pag-ibig pero nangungulila siya sa kanya. Magsisimula siya doon.“Si Lam Cartagena ay isang waiter, hindi nararapat sa mga mata ng lahat. Pero siya ang lalakeng kailangan ni Abigail.”“Ang tingin ko kaya niya si Abigail Marie higit pa sa kahit na sinong lalake sa lungsod. Tulungan mo siya sa kahit anong problema sa kumpanya,” dagdag niya, nakuha ang atensyon ni Lam.Sa buong oras na ito, walang ekspresyon si Lam sa mga salita ng matriarch, tumingin siya sa sinserong mga mata n
May kakaibang katahimikan habang magkatitigan sila. Walang ipinakita si Lam na indikasyon na nasisindak siya sa matinding titig ng matriarch ng Fuentebella. Nakipagtitigan si Lam sa mga mata niyang malamig habang magalang ang dating.Walang maisip si Abby na aasahan mula kay Lam. Kung tatanggi siya sa dokumentong pinirmahan nila pareho, irerespeto niya ito.“Inabala na ako ni Abigail Marie Sandoval. Oo, sakit siya sa ulo. Pero magiging responsable ako sa mga kilos ko.”“Wala man akong alaala sa gabing inangkin ko siya pero responsable ako dito,” matapos ang matagal na katahimikan, nagsalita si Lam.“Pumirma ako ng hindi pinipilit. Ganoon din si Abigail Marie. Hindi ko ito babawiin kung iyon ang inaasahan mo. Ikinasal na sa akin si Abigail Marie Fuentebella sa araw na ito.” Ngumiti siya ng masama.“Sana napagtanto mo na mahigit pa sa nailigtas ko ang pamilya ninyo sa isang iskandalo, ang tagapagmana ng Fuentebella ay ikinasal sa akin na waiter. Isang kung sino lang.”Habang nagsas
“Oras na para sa ating honeymoon,” masayang sinabi ni Abby habang sabik na naglalakad.Matapos ang seryoso at emosyonal na pag-uusapa kasama ang kanyang lola, pareho na silang nakaalis at maganda ang mood.“Ginawa na nga natin ito in advance,” bulong ni Lam habang umiiling-iling sa sabik ni Abby.“Aba naman, ang nangyari dalawang gabi na ang nakararaan ay hindi honeymoon,” tumitig si Abby ng masama kay Lam at humarap sa kanya. Tumigil din si Lam at sinakyan ang mood ni Abby.“Free taste lang iyon. Ang honeymoon ang main course,” seryosong paliwanag niya.“Walang main course. Okay na ako sa free taste,” lumapit siya pero bago nagkadikit ang mga mukha nila, tumigil siya at bumulong.Nanlaki ang mga mata ni Abby ng maintindihan kung anong ibig sabihin ni Lam. Agad siyang hindi makapaniwala sa ideya.“Kasal na tayo. Nakalimutan mo na ba?” ngumisi siya at tumigil habang nakapamewang.“Hindi ko pa nakakalimutan. Pero walang honeymoon,” kaswal na sinabi ni Lam bago nagpatuloy sa pagla
Hanggang ngayon, sinusubukan pa din niya sa isip niya na makipagkumpormiso sa katotohanan kasal na siya. May asawa na siya na tatlong araw pa lang niyang kilala. Pero kahit na kakaiba ang sitwasyon nila, gusto niya na ibigay kay Abigail ang buhay na nararapat sa kanya.Parte niya ay gusto ng tapusin ang kalokohang ito, pero napapaisip siya sa kung anong maibibigay ng Santocildes sa kanya. Lalo na at may kinalaman na siya sa pamosong tagapagmana at mga taong nakapalibot sa kanya.Gustohin man niya o hindi, gusto pa niyang matutunan ang tungkol sa lungsod at mga tao dito. Lalo na ang babaeing pinakasalan niya at pamilya nito. Interesante sila at gusto niyang manatili pa ng matagal dito.“Hahanap ako ng desenteng lugar para sa atin,” dagdag niya habang nakafocus sa kalsada.“Pakiusap, sana isa lang ang kuwarto. Wala tayo nasa drama kaya huwag ka umarteng mahiyain sa akin at huwag na huwag mo iisipin na kailangan ko ng privacy, hind ko ito kailangan,” pagod niyang binigyan diin.“Pero
”Grabe ka talaga magbiro,” nagtampo si Abby habang nakanguso. Nagkrus ang mga bisig niya at tumalikod siya kay Lam para humarap sa bintana.Tahimik siyang pinanood ni Lam pero wala siyang sinabi. Masyado pang maaga para sabihin kay Abigail Marie na hindi siya magiging Mrs. Cartagena. Hindi siya maaaring mabuhay sa ganitong sikreto ng matgal. Hindi magtatagal at uuwi siya. At kahit na natanggap na niyang sakit siya sa ulo, siguradong gusto siyang makilala ng nanay niya.Dumating sila sa apartment pero walang kumilos mula sa sasakyan.“Nagbago na ba agad ang isip mo?” sinubukan niya na magbiro habang hindi siya kumikilos sa puwesto niya. Umiwas pa siya ng pagtingin sa kanya.“Siyempre hindi,” natawa siya sa sinabi niya.Pinanood siya ni Lam na magtanggal ng seatbelt at humarap sa kanya.“Hindi magtatagal at magiging akin ka din,” determinado siyang nakangiti ng nagtapat siya ng pag-ibig.“Ano ba ang gagawin ko sa iyo, Abigail Marie,” bulong niya habang binubuksan ang pinto para lu
Naglakad siya patungo sa balkonahe at sumilip mula sa kurtina.“May mga halaman ka dito,” bulong niya habang tinitignan ang mga paso.“Ahm, gusto ko ang paghahardinero. Wala lang akong malawak na lugar,” nahihiya siyang napakamot ulo.Pakiramdam niya hinuhubaran siya, sinusuri ni Lam ang paligid. Ang kanyang sanktuaryo. Ang mga bagay na hindi niya isinisiwalat sa mundo ay nakatago dito sa kanyang haven.“Magaling ka mag-alaga ng mga halaman,” habang nakapamulsa, humarap si Lam kay Abby.Nararamdaman ni Abby na namumula siya sa papuring hindi niya inaasahan na makukuha mula sa kanya.“Magpahinga kan a. Aalis ako sandali para kumuha ng mga gamit ko sa bahay ko,” sinuri niya muli ang kanyang lugar bago tumungo sa pinto.“Hindi ako ganoon kapagod. Pero kung plano mo akong pagurin mamaya, magpapahinga ako,” ngumiti si Abby dahil nagkaroon siya ng pagkakataon muli na biruin siya.“Baliw,” umiling-iling si Lam habang natutuwang bumulong.“Ahhh…” Napasigaw si Abby ng buhatin siya bigl
“Ipaphotocopy mo ang mga ito. Tig sampung kopya ang bawat isa.”Nakatitig si Lam sa bulto ng mga papel na iniabot ng babae sa kanya. Sa utos ng Fuentebella matriarch, sinimulan niya ang training niya sa kumpanya.Kaya, maaga pa lang at tumungo na siya sa opisina ng F&D.“May kailangan ka pa?” tinitigan siya ng babae noong hindi siya kumilos mula sa kinatatayuan niya.“Hindi sila maglalakad patungo mag-isa sa copier machine,” sarcastic niyang idinagdag habang nakatingin sa mga dokumento sa tuktok ng lamesa niya.“Huwag mo sabihin na hindi mo ito alam gawin?” daggad niya habang galit.“Ito ang unang beses ko na magphotocopy, Miss Zita,” mahina niyang bulong habang nakatitig sa mga dokumento. Abala ang isip niya sa pag-iisip ng paraan kung paano niya gagawin ang iniuutos sa kanya.“Sasayangin ko ba ang mahalaga kong oras para turuan ka? Sarcastic niyang sagot.“Kung hindi mo kayang gawin ang simpleng bagay, bumlaik ka na sa hotel at isuot ang miserable mong waiter uniform,” dagdag
Malapit na ito, Ma. Gusto pa din ni Justin ang babaeng iyon at hindi niya ito itinatago,” humarap si Alice sa nanay niya habang matalim ang pagtitig.“Siyempre. Hindi ko puwede hayaan ang babaeng iyon na pumasok ulit sa buhay ni Justin. Nagpakahirap tayo ng husto hanggang sa puntong iyo. Hindi tayo puwede mabigo.” Siniguro niya ang kanyang anak.“Kaya alagaan mo ang dinadala mong bata sa sinapupunan mo. Ito ang pinakamalakas nating armas para may Justin at pamilya Del Castillo. Iyang bata ang tagapagmana ng F&D,” nakangiti si Karen ng hinawakan ang tiyan ni Alice na flat.“Mabilis na tumatanda ang matandang Fuentebella at malapit na maging mag-isa si Abigail. Kung wala ang lola niya, gagastusin na lang niya ang bawat perang makukuha niya. Hindi magtatagal, mawawala ang share niya,” dagdag niya habang nakangiti siya ng masama.“Kapag nangyari iyon. Bibilhin ng pamilya Del Castillo ang shares niya,” ngumiti ng malapad si Alice.“O kaya, puwede natin bilhin ang shares sa pangalan nat
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s