“Oo, Madame. Rumerenta kami sa katabing kuwarto ng iyo. Masaya kami dahil nakahanap kami ng mura sa tabi ng lungsod,” ngumiti ang lalake.“Oo, mababa ang singil ni Mr. Ruiz sa renta niya. Kung may mga problema ka sa kuwarto ninyo, huwag ka mag-alinlangan na lumapit sa kanya. Magaling siyang tao. Mabilis niyang inaayos ang mga problema at reklamo,” lalo siyang naging kumportable ng malaman na mga kapitbahay nga talaga sila.“Ahm, tungkol sa kahapon. Hindi kita napasalamatan sa tulong mo. Maraming salamat,” ngumiti siya.“Walang anuman, Madame. Ako ang pinakamalapit sa iyo ng subukan kang atakihin ng babaeng iyon. Hindi ako puwedeng tumayo lang doon at manood, matapos makita ang baliw niyang itsura,” nagkibit balikat ang lalake.“Gusto ko din humingi ng tawad para sa ugali ng asawa ko. Ang galit niya ay hindi sa inyo. Nagkataon lang na natrigger siya,” habang nakatingiti, sinubukan niyang ipaliwanag ang malamig na ugali ni Lam sa lahat kahapon.Kahit na ganoon, hindi inaasahan ni Ab
Magbasa pa