Lahat ng Kabanata ng One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo: Kabanata 71 - Kabanata 80

100 Kabanata

Kabanata 71

“Kakatakutan ko ba si Madame Sandoval?”Nagulat ang lahat dahil tumawa si Timothy Steel. Pero walang sumabay sa kanya. Walang makasukat kung natutuwa ba talaga siya o naiinis.“Nasasa iyo na iyon, Mr. Steel. Pero huwag mo ako tignan ng ganyan. Hindi ako mapakali,” kalmadong sagot ni Abby.“Matapang ka. May naalala ako sa iyo,” habang masaya ang dating, bumulong siya.“Pakiusap, sana hindi ex mo,” bulong niya. Pero narinig ito ni Timothy Steel at tumawa siya muli.“Hindi, hindi ex ko,” sumagot siya sa kanya at nagulat ang lahat maliban kay Lam.Naiinis si Alice habang si Simone ay napapagod sa kanyang lakas ng loob.“Hindi ako makapaniwala na ang mga magkakapatid na ito ay pareho ng taste sa babae,” mahinang bulong ni Timothy Steel habang umiiling-iling.“Pasensya na, Mr. Steel? Anong sinabi mo?” sinubukan ni Abby na linawin matapos hindi maintindihan ang sinabi niya.“Ang mga pinsan ko ay may parehong mga taste pagdating sa mga babae,” nagsalita siya ng mas malakas para sa akn
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 72

Ilang linggo na simula ng bumisita ang grupo ni Timothy Steel sa F&D. Pero walang balita sa kalalabasan ng proposal na isinumite nila. Mukhang bumisita lang ang lalake para bumati.Hindi kinausap ni Abby si Lam tungkol sa inis na kumakain sa kaluluwa niya. Sinimulan niyang kuwestiyunin ang kanyang sarili sa ugaling ipinakita niya sa lalake. Pero wala na siyang magagawa dito. Bukod pa doon, hindi siya magkukunwari para lang sumangayon ang isang tao.Madalas siyang bumibisita kay Lam, umaasa na makakarinig ng magandang balita. Desperado siyang makakuha. Ang pondo niya ay paubos na at hindi na nito masusustentuhan ang ospital ng matagal.Makalipas ang ilang linggo, tumigil na siya kakaasa. Nakakawalan ng gana, pero at least sinubukan niya.Patuloy niyang sinamahan si Lam sa opisina. Hindi lang para mag-aksaya ng oras pero para mag-ensayo din. Itinuturo ni Lam sa kanya ang mga tungkol sa kumpanya at kahit na wala siyang background sa kahit na anong business dealings, nagulat si Abby ku
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 73

Habang nagtatalo sila sa privacy ng opisina ng chairman, ang lobby ay nagkakagulo ng dumating ang mga bisita.Si Justin kasama ng kanyang ama at si Philip Sandoval ang mga naunang mga opisyal na naghihintay para sa mga bisita. Si Simone, Karen at Alice ay nasa likod ng mga lalake kasama ng iba.Sa oras na bumukas ang pinto ng sasakyan, nagkaroon ng bulungan sa loob ng lobby.Isang lalake na matangkad at napakaguwapo ang lumabas ng pinto kasama ng mabagsik na mga security.“Napakaguwapo ni CEO Steel,” gulat ang boses ng isa sa mga opisyal habang bumubulong siya.“Inaasahan nga naman ito. Ang kapatid niyang bumisita noong huli ay guwapo din. Nasa lahi siguro nila ito.”“Nakakatakot. Mukhang hindi niya alam kung paano ngumiti.”“Pangarap ko na lang ang magkaroon ng perpektong nilalang. Mayaman at guwapo.”“Ang akala ko si Mr. Timothy Steel ang huling pinakaguwapong lalake na nakita ko sa F&D. Hindi ako handa para sa kapatid niya,” bulong ng babaeng staff na narinig ni Alice at san
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 74

Nakita ng lahat kung paano ang presidente nila ay hindi nabigyan ng pansin at natanga sila. Kung ang CEO ay nakakasindak, ang asawa niya, si Dr. Amara Rechner-Steel ay nakakagimbal. Ang nakakapanindig balahibo niyang lamig ay nakakapagpanerbyos. Kahit ang paraan ng pagtitig niya nakakatakot.Nahiya si Justin at ibinaba ang kanyang kamay habang naiilang na humarap sa iba para ipakilala ang mga opisyal ng F&D. Hindi pa siya nakakaengkuwentro ng malamig na galit at hindi niya inaasahang magmumula ito sa magandang babae sa harap niya.Si Alice ay Karen ay nakatitig kay Dr. Amara. Higit kanino man, gusto nilang makuha ang pabor niya.Naganap ang palitan ng batian at kahit na nangangamba sila sa maaaring mangyari dahil sa asawa ng CEO, tagumpay itong welcome sa grupo ng Steel Corporation.“Hello, Dr. Amara,” lumapit si Alice habang malapad ang ngiti niya kung saan ang natanggap niya ay walang ekspresyon na titig.“Ako si Alice Ocampo, isa sa mga directors ng F&D at fiancee din ni Presid
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 75

“CEO Steel, ito ang aming bagong chairman, si Chairman Lam Cartagena,” mabilis si Justin na ipakilala ang lalake. Umaasa na madistract ang mga bisita mula sa atensyon nila kay Abigail Marie.“Welcome sa F&D, CEO Steel,” iniabot ni Lam ang kamay niya, hindi nabagabag sa kaguluhan sa paligid.“Salamat, Chairman Cartagena. Marami akong narinig tungkol sa iyo mula kay COO Steel,” nagsalikop ang mga kamay nila, madiin na kamayan ang ginawa nila habang nakatitig sa mga mata ng isa’t isa.Nanatili si Abby as likod ni Lam kahit na hawak siya nito. Alam niya na tinitignan siya ng kakaiba ng lahat dahil sa suot niyang damit at nakakadagdag ito sa hindi mapakali niyang pakiramdam. Hindi siya nagkaroon ng pakielam sa kung anong tingin sa kanya ng ibang tao, pero natinag siya sa presensiya ni CEO Steel. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang out of place siya sa F&D building.Lalong nadagdagan ang problema niya ng libong beses ng mapansin niya ang magandang abbae sa tabi ni CEO Steel. Kumpara
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 76

Kung napansin ng CEO na natatakot siya na baka may masamang mangyari, wala siyang paraan para malaman. Matapos niya bitawan ang kanyang kamay, kaswal siyang humarap sa kanyang asawa at ngumiti ng malambing.“Madame, ipinapakilala ko ang dyosa ng buhay ko, si Amara Steel,” ipinakilala niya ang kanyang asawa ng hindi umiiwas ng tingin mula sa asawa niya.Pinanood ni Abigail ang magkasintahan na nakatitig sa isa’t isa. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng CEO sa kanyang asawa na parang molten lava mula sa sumasabog na bulkan. Hindi ito maitatanggi at naintindihan niya kung bakit wala siyang ipinakitang reaksyon sa chivalry ng kanyang asawa sa ibang babae.“Hello, Madame Abigail Marie,” gamit ang sobrang tamis na ngiting hindi inaasahan ng lahat, humarap siya kay Abby.Nagulat ang lahat ng makita ang bihirang ngiti na ipinapakita niya, si Abby ay hindi nagulat. Lingid sa kaalaman niya ang lamig na ipinakita ng doktor kanina sa lahat.Higit pa doon, napagtanto niya ang walang sawang pagmamaha
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 77

“Kung maaari lamang, kaninong pagtatrabaho, Miss Ocampo?” kalmadong tanong ni Dr. Amara.“Sa iyo ba?” dagdag niya ng magkasalubong ang mga kilay. Tinitigan niya ng malamig si Alice bago siya umiwas ng tingin at tinignan ang iba.“Empleyado ka ng F&D Group of Companies, higit pa sa pagiging fiancee ni President Del Castillo, Miss Ocampo. Kaya inaasahan ka na magtrabaho ng mabuti para kumita ng ikabubuhay mo. Anumang pera ang nakukuha ni Madame Abigail mula sa kumpanya ay nararapat lang sa kanya bilang major stockholder. Hindi siya nagnanakaw ng kahit na ano mula sa inyo,” habang malamig ang ngiti, sinuri ni Dr. Amara ang mga tao sa paligid bago napatitig muli kay Alice.Lumunok ng madiin si Alice, ininda niya ang nakabibinging tibok ng kanyang puso dahil sa malamig na mga matang nakatitig sa kanya.“Itama mo ako kung mali ako, President Del Castillo. May ninakaw ba na kahit na ano si Madame Abigail Marie Sandoval mula sa kumpanya at mga empleyado nito?” Humarap si Dr. Amara kay Just
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 78

Nakaramdama ng panganib ang mga tao empleyado ng F&D sa babala ni Lam Cartagena. Kahit si Justin ay natakot sa paraan ng pagsasalita ng waiter. Malinaw na mabigat ito.Nakadagdag ang pananakot sa bagay na hindi ikinatuwa ng board matapos ianunsiyo ni CEO Steel ang commitment ng Steel Corporation para irehabilitate ang Fuentebella District Hospital. Para dagdagan pa ang inis ng board, ang proyekto ay direktang hahawakan ng ipisina ng Chairman. Bilang parte ng gusto ng kasunduan ng Steel Corporation.“Hindi mo puwedeng hayaan na insultuhin tayo ng ganito ng isang waiter, Justin!” galit na sinabi ni Simone sa loob ng opisina ng presidente.“Anong gusto mo na gawin ko, Ma? Punahin ang Steel Corporation dahil pinili nila irehabilitate ang ospital kaysa sa hotel at resort project?” kontra ni Justin. Siya din ay naiinis sa kinalabasan pero wala siyang magawa. Mukhang hindi siya makakilos sa paraan tulad ng dati dahil sa pakikielam lagi ng Chairman.Ang rehabilitation ng ospital ay nagsimu
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 79

“Ang lakas ng loob niya na kalabanin tayo! Siguradong hindi siya mag-isa dito. May tumutulong sa kanya. Pero sino? Sinong nagsabi na may kinalaman tayo sa krimen?” Si Simone ay malapit na mag hysteria habang mahigpit niyang hawak ang folder.“Sa ngayon, kailangan natin maging maingat. Susubukan natin na itanggi ang akusasyon. Halos lahat ng mga miyembro ng board ay nasa panig natin. Kailangan natin silang kumbinsihin na tanggihan ang motion,” sinubukan ni Arnold na pakalmahin ang taranta ng pamilya.“Dapat lang o baka tayo ang maging kawawa sa huli. Hindi natin puwede hayaan ang mapagplanong waiter na iyon na guluhin tayo ng ganito. Hinding-hindi ko hahayaan ang miserableng tao na iyon na kunin sa atin ang lahat ng ating pinaghirapan,” tinitigan ng masama ni Simone ang asawa niya.“Pagbabayaran niya ang ginawa niya,” sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Justin habang may mapanganib ba kinang ang mga mata niya. Delikado ang dating ng mga salita niya.Habang malala ang sitwasyon ng
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 80

Ang pagtakbo ng mga trabahador doon at malakas na sigawan ang gumambala sa kalmadong tanghali. Ang mga kalye ay napuno ng mga tao na nag-iimbestiga tungkol sa komosyon. Mabilis ang kilos ng lahat.“Ang mga bata! Kailangan ko alamin ang lagay ng mga bata!” nataranta siya ng mapagtanto na doon ang lugar kung saan nagtatrabaho ang mga bata kanina. Nagsimula siyang lumuha habang nakakaramdam ng matinding takot sa kanyang buong pagkatao.“Magpapadala ako ng mga tao na titingin,” nanatiling kalmado ang lalake kahit na natataranta na si Abby. Matapos makalayo mula sa construction site, binagalan niya.“Anong nangyari?” nanginginig niyang tanong habang nakatingin mula sa malayo sa kaguluhan.“Malalaman namin mamaya, Madame. Sa ngayon, maghintay tayo. Magiging ligtas ka dito,” Ang lalake, na nagkataong kapitbahay niya ay hinawakan siya sa pader habang pinoprotektahan habang ang iba sa mga lalake ay nakapalibot sa kanila.Alam na ni Abby na ang mga kapitbahay na nakatira sa kalapit na apart
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status