“Ang lakas ng loob niya na kalabanin tayo! Siguradong hindi siya mag-isa dito. May tumutulong sa kanya. Pero sino? Sinong nagsabi na may kinalaman tayo sa krimen?” Si Simone ay malapit na mag hysteria habang mahigpit niyang hawak ang folder.“Sa ngayon, kailangan natin maging maingat. Susubukan natin na itanggi ang akusasyon. Halos lahat ng mga miyembro ng board ay nasa panig natin. Kailangan natin silang kumbinsihin na tanggihan ang motion,” sinubukan ni Arnold na pakalmahin ang taranta ng pamilya.“Dapat lang o baka tayo ang maging kawawa sa huli. Hindi natin puwede hayaan ang mapagplanong waiter na iyon na guluhin tayo ng ganito. Hinding-hindi ko hahayaan ang miserableng tao na iyon na kunin sa atin ang lahat ng ating pinaghirapan,” tinitigan ng masama ni Simone ang asawa niya.“Pagbabayaran niya ang ginawa niya,” sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Justin habang may mapanganib ba kinang ang mga mata niya. Delikado ang dating ng mga salita niya.Habang malala ang sitwasyon ng
Ang pagtakbo ng mga trabahador doon at malakas na sigawan ang gumambala sa kalmadong tanghali. Ang mga kalye ay napuno ng mga tao na nag-iimbestiga tungkol sa komosyon. Mabilis ang kilos ng lahat.“Ang mga bata! Kailangan ko alamin ang lagay ng mga bata!” nataranta siya ng mapagtanto na doon ang lugar kung saan nagtatrabaho ang mga bata kanina. Nagsimula siyang lumuha habang nakakaramdam ng matinding takot sa kanyang buong pagkatao.“Magpapadala ako ng mga tao na titingin,” nanatiling kalmado ang lalake kahit na natataranta na si Abby. Matapos makalayo mula sa construction site, binagalan niya.“Anong nangyari?” nanginginig niyang tanong habang nakatingin mula sa malayo sa kaguluhan.“Malalaman namin mamaya, Madame. Sa ngayon, maghintay tayo. Magiging ligtas ka dito,” Ang lalake, na nagkataong kapitbahay niya ay hinawakan siya sa pader habang pinoprotektahan habang ang iba sa mga lalake ay nakapalibot sa kanila.Alam na ni Abby na ang mga kapitbahay na nakatira sa kalapit na apart
“Si Leo,” dagdag niya bago pa makabawi si Abby sa kanyang gulat.“Oh…” nanginig ang mga binti ni Abby habang naglalakad, mabuti na lang, nandoon si Lam para panatilihin siyang nakatayo.“Kailangan natin umalis dito, Abigail. Papunta na ang medical team. Huwag ka mag-alala, si Leo at mga bata ay magiging okay,” hinatak siya ni Lam pabalik sa kanyang mga bisig, sinisiguro siya.“Hindi… matatagalan sila bago dumating,” blangko ang mga mata niya habang bago ang kanyang mga luha, umiling-iling si Abby.“Nagtiwala ang mga bata sa akin, kailangan nandoon ako. Kailangan ko sila tulungan,” kinakain siya ng pagdurusa at nagulat si Lam dahil tumalikod siya bigla at tumakbo.Ngunit, hindi siya ganoon kabilis. Naabutan siya agad ni Lam bago pa siya makalayo mula sa kanya.“Abigail, hindi ka puwede doon. Delikado. May mga taong parating na para tulungan sila. Hayaan mo silang gawin ang kanilang trabaho,” sinubukan niya na kumbinsihin si Abigail habang nagpupumiglas siya sa kanyang kapit.“Hin
Nagpatuloy ang kaguluhan kahit na ilang mga doktor at medical staff ang dumating, nakasakay sila sa malaking mga trailer trucks. Hindi mula sa Santocildes General Hospital pero mula sa isang hindi malinaw na lugar.“Saang ospital konektado ang mga bagong dating na doktor?”“Saan galing ang mga doktor na ito?”“Baka ipinadala sila ng Steel Corporation?”“May dala silang ospital na de gulong.”Mahinang bulungan ang kumalat sa medical site ng dumating ang tulong.Dalawang trailer na may medical equipment na kailangan nila at ilang mga medical staff ang dumating dalawampung minuto matapos ang insidente.Walang nakakaalam kung saan sila galing at walang nakapagbigay ng magandang paliwanag sa kanilang presensiya. Dumating na lang sila at tumulong sa pag-aasikaso ng sitwasyon sa utos ni Dr. Abigail Marie Sandoval.Kahit na hindi makapaniwala at naguguluhan ang mga tao, inasikaso ng maayos ni Abigail ang lahat ng mga kaso bago sila ipinagkatiwala sa mga doktor.Mabuti na lang, nagawa
“Salamat, Lam.”Bago pa siya makalabas ng pinto, narinig niya ang boses na nagpatigil sa kanya mula sa paglalakad.“Iligtas mo siya, moppet ko,” humarap si Lam sa kanya at ngumiti.“Oo. Pero hindi ito magtatagal,” siniguro siya ni Abby at tumango.“Maghihintay ako, kahit na gaano pa katagal,” siguro niya bago isinara ang pinto sa likod niya.“Bantayan ang pinto. Siguruhin na walang makakapasok,” utos niya ng walang tinitignan kung hindi ang mga labi ng guho sa harap niya.“Nakuha na namin ang driver,” bulong ng isang lalake.“Mabuti. Aasikasuhin natin siya mamaya,” galit niyang sinabi.“Ipapaalam ba namin sa Boss?”“Hindi,” tanggi niya.“Ako ang aasikaso dito. Walang makikielam,” dagdag niya.“Ang Steel Corporation?” patuloy na tanong ng lalake.“Alam na ni Luther at Timothy kung anong gagawin. Wala munang magsasabi sa pamilya ko. Hindi ko gusto na mag-alala sila,” bumuntong hininga siya ng malalim sa paalala tungkol sa kanyang pamilya.Buong tanghali, kumalat ang balita s
“Ang driver ay hindi pa nahuhuli sa ngayon. Walang nakapansin kung saan siya tumakbo. Pero ang Santocildes police ay kasalukuyang nasa manhunt ngayon,” paliwanag ng representative.“Nakatakas?” sumingkit ang mga mata ni Justin sa sinabi ng representative.“Oo, kasalukuyan siyang hindi matagpuan, President Del Castillo. Pero ang Santocildes Police District ay siniguro na madadala siya sa hustisya,” tumango siya.Blangko na tinignan ni Justin ang representative, hind pansin ang pares ng mga matang nakatitig sa kanya.May panandaliang tensyon bago napansin ni Justin na may nakatitig sak anya.“Pero huwag tayong umasa na mahahanap pa natin ang driver. Sa tindi ng pinsala na naganap ngayon, nagdududa ako na gugustuhin niyang mahuli siya. Baka malayo na nga siya at hindi na siya mahanap,” sambit ni Lam ng hindi umaalis ang mga mata kay Justin.“Pero dapat siyang managot sa batas! Hindi natin siya puwede hayaan ng ganoon na lang! Kailangan siyang maparusahan para sa kapabayaan niya!” ga
Sagad sa buto ang pagod ni Abigail ng matapos siya sa opera kay Leo noong hating gabi. Sa oras na bumukas bigla ang pinto at nakita niya si Lam sa likod nito, bumagsak siya sa kanyang mga bisig.Ang karamihan sa mga tao sa paligid na nakikiusiyoso ay nakaalis na maliban sa mga may pasyente sa temporary emergency tent.Si Philip Sandoval ay sinubukan maghintay matapos malaman na si Abigail ay nasa isa sa mga malalaking trailer pero ang asawa niya ay nagreklamo sa kanya para umalis sila.Binuhat pauwi ni Lam si Abby, pinaliguan siya at dinamitan ng nightgown, at inihiga sa kama para matulog. Pagod na pagod siya at walang malay sa mundo habang inihahanda ni Lam ang kanyang pagtulog.Hating gabi na pero ang tulog ang hindi iniisip ni Lam sa ngayon. Nakatayo siya sa paanan ng kama ng makaramdam siya ng kilos mula sa likod niya.“Bakit ka nandito? mahigpit niyang tanong ng hindi humaharap sa direksyon. Hindi niya kailangan kumpirmahin kung sino ang tao.“Ang assume ko ay kailangan mo
“Nawalan ako ng trabaho noong isang linggo kaya kinuha ko ang pagkakataon. Sinabi niya na babayaran ako ng mabuti!”“At ganoon nga ang ginawa niya. Binigyan niya ako ng pera at sinabi sa akin ang gagawin,” napalunok siya ng malalim habang nagsasalita.“Hindi… hindi ko alam kung paano magmaneho… pero sinabi ng lalake sa akin na magmaneho ako ng truck. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kaya gawin pero pinilit niya na madali lang…” napalunok siya at tumigil matapos hindi makakuha ng reaksyon mula kahit na kanino.“Tinuro niya sa akin ang basics sa gear at kung paano lumiko ng pakaliwa o pakanan,” patuloy niya ng makakuha siya ng kaunting tango, inudyok siya para magpatuloy.“Ang trabaho lang ay iusog ang truck at tapos na ako. Puwede na ako umalis kapag nagawa ko na ito,” bulong niya.“Ginawa ko ang utos sa akin. Pero nawalan ako ng kontrol. Hindi ko alam na kumplikado pala. Bumilis ang truck paatras. Sinabi sa akin ng lalake pa paharap ito,” nanginig siya sa takot.“Alam ko na hindi d
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s