Lahat ng Kabanata ng One-night Stand Kasama Ang Bilyonaryo: Kabanata 81 - Kabanata 90

100 Kabanata

Kabanata 81

“Si Leo,” dagdag niya bago pa makabawi si Abby sa kanyang gulat.“Oh…” nanginig ang mga binti ni Abby habang naglalakad, mabuti na lang, nandoon si Lam para panatilihin siyang nakatayo.“Kailangan natin umalis dito, Abigail. Papunta na ang medical team. Huwag ka mag-alala, si Leo at mga bata ay magiging okay,” hinatak siya ni Lam pabalik sa kanyang mga bisig, sinisiguro siya.“Hindi… matatagalan sila bago dumating,” blangko ang mga mata niya habang bago ang kanyang mga luha, umiling-iling si Abby.“Nagtiwala ang mga bata sa akin, kailangan nandoon ako. Kailangan ko sila tulungan,” kinakain siya ng pagdurusa at nagulat si Lam dahil tumalikod siya bigla at tumakbo.Ngunit, hindi siya ganoon kabilis. Naabutan siya agad ni Lam bago pa siya makalayo mula sa kanya.“Abigail, hindi ka puwede doon. Delikado. May mga taong parating na para tulungan sila. Hayaan mo silang gawin ang kanilang trabaho,” sinubukan niya na kumbinsihin si Abigail habang nagpupumiglas siya sa kanyang kapit.“Hin
Magbasa pa

Kabanata 82

Nagpatuloy ang kaguluhan kahit na ilang mga doktor at medical staff ang dumating, nakasakay sila sa malaking mga trailer trucks. Hindi mula sa Santocildes General Hospital pero mula sa isang hindi malinaw na lugar.“Saang ospital konektado ang mga bagong dating na doktor?”“Saan galing ang mga doktor na ito?”“Baka ipinadala sila ng Steel Corporation?”“May dala silang ospital na de gulong.”Mahinang bulungan ang kumalat sa medical site ng dumating ang tulong.Dalawang trailer na may medical equipment na kailangan nila at ilang mga medical staff ang dumating dalawampung minuto matapos ang insidente.Walang nakakaalam kung saan sila galing at walang nakapagbigay ng magandang paliwanag sa kanilang presensiya. Dumating na lang sila at tumulong sa pag-aasikaso ng sitwasyon sa utos ni Dr. Abigail Marie Sandoval.Kahit na hindi makapaniwala at naguguluhan ang mga tao, inasikaso ng maayos ni Abigail ang lahat ng mga kaso bago sila ipinagkatiwala sa mga doktor.Mabuti na lang, nagawa
Magbasa pa

Kabanata 83

“Salamat, Lam.”Bago pa siya makalabas ng pinto, narinig niya ang boses na nagpatigil sa kanya mula sa paglalakad.“Iligtas mo siya, moppet ko,” humarap si Lam sa kanya at ngumiti.“Oo. Pero hindi ito magtatagal,” siniguro siya ni Abby at tumango.“Maghihintay ako, kahit na gaano pa katagal,” siguro niya bago isinara ang pinto sa likod niya.“Bantayan ang pinto. Siguruhin na walang makakapasok,” utos niya ng walang tinitignan kung hindi ang mga labi ng guho sa harap niya.“Nakuha na namin ang driver,” bulong ng isang lalake.“Mabuti. Aasikasuhin natin siya mamaya,” galit niyang sinabi.“Ipapaalam ba namin sa Boss?”“Hindi,” tanggi niya.“Ako ang aasikaso dito. Walang makikielam,” dagdag niya.“Ang Steel Corporation?” patuloy na tanong ng lalake.“Alam na ni Luther at Timothy kung anong gagawin. Wala munang magsasabi sa pamilya ko. Hindi ko gusto na mag-alala sila,” bumuntong hininga siya ng malalim sa paalala tungkol sa kanyang pamilya.Buong tanghali, kumalat ang balita s
Magbasa pa

Kabanata 84

“Ang driver ay hindi pa nahuhuli sa ngayon. Walang nakapansin kung saan siya tumakbo. Pero ang Santocildes police ay kasalukuyang nasa manhunt ngayon,” paliwanag ng representative.“Nakatakas?” sumingkit ang mga mata ni Justin sa sinabi ng representative.“Oo, kasalukuyan siyang hindi matagpuan, President Del Castillo. Pero ang Santocildes Police District ay siniguro na madadala siya sa hustisya,” tumango siya.Blangko na tinignan ni Justin ang representative, hind pansin ang pares ng mga matang nakatitig sa kanya.May panandaliang tensyon bago napansin ni Justin na may nakatitig sak anya.“Pero huwag tayong umasa na mahahanap pa natin ang driver. Sa tindi ng pinsala na naganap ngayon, nagdududa ako na gugustuhin niyang mahuli siya. Baka malayo na nga siya at hindi na siya mahanap,” sambit ni Lam ng hindi umaalis ang mga mata kay Justin.“Pero dapat siyang managot sa batas! Hindi natin siya puwede hayaan ng ganoon na lang! Kailangan siyang maparusahan para sa kapabayaan niya!” ga
Magbasa pa

Kabanata 85

Sagad sa buto ang pagod ni Abigail ng matapos siya sa opera kay Leo noong hating gabi. Sa oras na bumukas bigla ang pinto at nakita niya si Lam sa likod nito, bumagsak siya sa kanyang mga bisig.Ang karamihan sa mga tao sa paligid na nakikiusiyoso ay nakaalis na maliban sa mga may pasyente sa temporary emergency tent.Si Philip Sandoval ay sinubukan maghintay matapos malaman na si Abigail ay nasa isa sa mga malalaking trailer pero ang asawa niya ay nagreklamo sa kanya para umalis sila.Binuhat pauwi ni Lam si Abby, pinaliguan siya at dinamitan ng nightgown, at inihiga sa kama para matulog. Pagod na pagod siya at walang malay sa mundo habang inihahanda ni Lam ang kanyang pagtulog.Hating gabi na pero ang tulog ang hindi iniisip ni Lam sa ngayon. Nakatayo siya sa paanan ng kama ng makaramdam siya ng kilos mula sa likod niya.“Bakit ka nandito? mahigpit niyang tanong ng hindi humaharap sa direksyon. Hindi niya kailangan kumpirmahin kung sino ang tao.“Ang assume ko ay kailangan mo
Magbasa pa

Kabanata 86

“Nawalan ako ng trabaho noong isang linggo kaya kinuha ko ang pagkakataon. Sinabi niya na babayaran ako ng mabuti!”“At ganoon nga ang ginawa niya. Binigyan niya ako ng pera at sinabi sa akin ang gagawin,” napalunok siya ng malalim habang nagsasalita.“Hindi… hindi ko alam kung paano magmaneho… pero sinabi ng lalake sa akin na magmaneho ako ng truck. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kaya gawin pero pinilit niya na madali lang…” napalunok siya at tumigil matapos hindi makakuha ng reaksyon mula kahit na kanino.“Tinuro niya sa akin ang basics sa gear at kung paano lumiko ng pakaliwa o pakanan,” patuloy niya ng makakuha siya ng kaunting tango, inudyok siya para magpatuloy.“Ang trabaho lang ay iusog ang truck at tapos na ako. Puwede na ako umalis kapag nagawa ko na ito,” bulong niya.“Ginawa ko ang utos sa akin. Pero nawalan ako ng kontrol. Hindi ko alam na kumplikado pala. Bumilis ang truck paatras. Sinabi sa akin ng lalake pa paharap ito,” nanginig siya sa takot.“Alam ko na hindi d
Magbasa pa

Kabanata 87

“Malapit na matapos ang ospital. Hindi ko na ito magagawa ng mag-isa. Kakailanganin ko ng tulong. Kahit na sakit ka sa ulo, malaking tulong ka sa akin kasama ang iba pang mga sakit sa ulo sa Santocildes,” natawa siya kahit na walang nakuhang sagot.“Ang mga kalye ay hindi magiging katulad ng dati ng wala kayo. Kaya dapat ka magising. Ang mga bata ay hinihintay ka. Ang nanay mo ay nag-aalala, kaya kailangan mo umuwi, buddy ko,” ang mga mata niya ay maluha-luha habang pinapanood ang tulog na bata sa kama.Malagim ang paghihintay niya. Kung hindi magigising si Leo sa araw na ito o malalagay siya sa coma. Bangungot ito kung malalagay siya sa coma.Habang abala siya sa pag-aalaga sa mga pasyente niya, si Lam ay abala sa pag-ayos ng insidente kahapon.Kahit na may away sa pagitan nila at ng pamilya Del Castillo, patuloy silang nagtatrabaho sa tabi ng isa’t isa. Si Justin, kasama si Arnold at Philip, ay dumating sa construction site ng maaga at nakita si Lam na pinamumunuan na ang paglili
Magbasa pa

Kabanata 88

Tulad ng sinabi, nagpatuloy ang renovation ng Fuentebella District Hospital sa ilalim ng armadong pamumuno ng Steel Corporation.Kasama ng pagpapaganda sa ospital, si Abby ay nilalasap ang tagumpay ng magising si Leo bago ang bente-kuwatro oras na time limit na sinet niya para sa kanya.At ngayon ay nagkakaroon na ng magandang hulma ang ospital, lalo siya naging masaya. Sa loob na lang ng ilang linggo at magbubukas na ito para sa mga tao ng Santocildes. Wala na siyang mahihiling pa.Tulad ng gabi gabi, natutulog lang sila matapos magmahalan. Pero noong hating gabi, nagising si Lam sa pamilyar na ingay sa labas ng kuwarto nila.Tumingin siya sa gilid niya para tignan ang lagay ni Abby na malalim ang tulog. Napagod siya sa kanilang lovemaking.Maingat na kumilos si Lam, tumayo siya at nagdamit.Bago pa niya buksan ang pinto, tinignan niya muli si Abby. Payapa siyang natutulog habang yakap ang unan na inayos niya para sa kanya.Madali niyang nakita ang aninong nakaupo sa couch dah
Magbasa pa

Kabanata 89

“Kailangan ko umalis, Abigail Marie,” habang nakadikit sa mga basa niyang labi, sinabi ni Lam ng seryoso.“Saan ka pupunta?” nawala ang antok niya ng marinig ang sinabi ni Lam. Napatingin siya sa orasan sa tabi ng lamesa.“Hating gabi,” hindi siya makapaniwala ng makita ang oras. Magrereklamo na siya sana ng makita niya ang problemadong mukha ni Lam.“Anong problema?” Bigla naging seryoso si Abby. Naglaho ang natitirang antok niya. Nakahiga sila ng nakatagilid at kaharap ang isa’t isa. Ilang inches lang ang agwat nila sa isa’t isa.“Kailangan ko umalis at aabutin ng tatlong araw bago ako makabalik. Walang kahit na anong delay,” hinimas ni Lam ang mga labi at pisngi ni Abby, ipinaliwanag niya ng mahinhin.“Ganoon kalayo?” pakiramdam ni Abby gusto niyang umiyak pero sinubukan niyang hindi.“Oo, ganoon kalayo,” mapait siyang ngumiti.“Pauwi ba sa inyo?” nanginig si Abby kahit na pinipigilan niya ang kanyang sarili.“Hindi, hindi pa sa bahay namin. Pero sa taong mahalaga sa akin. I
Magbasa pa

Kabanata 90

“Well, baka may mga delay. Baka apat na araw siyang wala, baka nga lima pa, o kaya anim, o pito pa,” bumubulong siya sa kanyang sarili pero tumigil ng umabot na siya sa pito sa pagbibilang.“Hindi ba’t masyadong matagal iyon? Anong klaseng delay ang aabot ng anim o pitong araw?” ngumuso siya para magtampo pero wala siyang pagrereklamuhan.“Namimiss na kita agad,” reklamo niya habang nakanguso.Natapos siyang maligo pero habang nagboblowdry siya ng buhok, halos umiyak siya.“Siya ang nagsusuklay ng buhok ko at nag-eestilo nito,” reklamo niya habang nakikita ang maluha-luha niyang repleksyon.Hindi siya makapaniwala na hindi na niya magawa ang mga simpleng bagay ng hindi siya naalala.Matapos ang lahat ng mga alaala tungkol sa kanya sa morning routine niya, lumabas siya ng banyo habang humihikbi. Basa ang buhok niya at hindi nakatali.Kahit na ang pagsuot niya ng damit ay naiisip niya si Lam. Madalas tumutulong siya sa pagbibihis sa kanya. Siya ang magkakabit ng bitones o kaya mag
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status