Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Fake Marriage With The CEO: Kabanata 51 - Kabanata 60

305 Kabanata

Chapter 51: Cuddle

“Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabela?” Nag-aalang tanong ni Manang Lora.Pinunasan niya ang bibig pagkatapos magmumog.Ipinilig niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili. Ang dali-dali niyang mahilo sa amoy ng bawang.Hinawakan niya ang tiyan at nailing sa sarili.“Ayos na po ako, Manang.” Sagot niya sa mababang boses.Pinadala ni Gretchen ang babae para tumulong sa kaniya ngayong gabi. Noon una, ayaw niya sanang tanggapin ang kasambahay dahil nakakahiya, pero ayaw nitong bumalik sa mansyon dahil siguradong sisisantehin ito ni Señor Gregory, o ni Gretchen mismo.Naawa naman siya sa babae. Ibinilin niyang pwede naman itong umalis pagkatapos siyang paghandaan ng pagkain at tulungan sa magagaan na gawain. Lalo pa't isa lang ang kuwarto sa kaniyang apartment, hindi niya kayang patulugin ang babae sa kaniyang sofa.“Nahilo lang ako kanina.” Dagdag niya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito.Huminga ito ng malalim.“Hindi ba natin tatawagan si Sir Greig, Ysabela?” Tanong nito.Mariin s
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 52: Warmth

Dumilim ang emosyon sa mga mata ni Greig. Tila bumaba ang temperatura ng silid sa lamig ng tingin nito.Hindi niya gustong makipagbangayan sa lalaki. Ayos lang sa kaniya kung sa sala na lamang siya matutulog, mas mabuti na iyon kaysa magkasama sila sa isang kama.Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa pinto pero bago niya pa mahawakan ang seradura nito ay nahawakan na ni Greig ang kaniyang bewang at iniangat siya sa sahig.Napatili siya kasabay ng pagkapit sa braso nito gamit ang kaliwang kamay.“Greig!” Gulat niyang sigaw.“You're not sleeping in the couch.” Malamig nitong saad.“Ibaba mo ‘ko!”Sinunod naman siya nito, ibinaba siya ng lalaki sa kama pero kinapos siya agad ng hininga nang hilahin siya nito pahiga at kubabawan.Parang ilang segundo rin na naputol ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa nito.“You told me you're already tired, why don't we rest?”Nasa tapat niya ang mukha nito. Namumungay pa rin ang mga mata nito dahil sa pagod, at marahil dahil sa alak.Sasagot na d
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 53: Breakfast

Magaan ang kaniyang katawan nang magising siya. Sa unang pagkakataon, parang ang himbing ng kaniyang tulog kagabi.Nang buksan niya ang mga mata, wala na si Greig sa kaniyang tabi. Hindi niya alam kung kailan ito umalis o kung saan ito natulog.Masyadong naging mahimbing ang kaniyang pagkakatulog kagabi para malaman pa ang nangyayari sa kaniyang paligid.Dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang tingin.Maliit lang ang kaniyang apartment. Sapat para sa isa hanggang dalawang tao.Hindi kagaya ng villa ni Greig, malawak iyon at maraming kuwarto ang bahay. Kahit bente katao pa ang tumira.Hinding-hindi masasanay ang lalaki sa maliit na espasyo. Siguro nang makatulog siya umalis ito agad.Pinuntahan siguro si Natasha? Mapait na bulong ng kaniyang isip.Huminga siya ng malalim, ayaw niyang sirain ang kaniyang umaga.Ano naman kung wala na si Greig? Dapat lang naman.Bumangon siya at inayos ang kama. Papasok na dapat siya sa banyo para gawin ang morning routine nang pumasok si Greig.Nati
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 54: Cheque

Kumatok si Manang Lora sa kaniyang kuwarto kaya pinagbuksan niya ito. Halata ang pangamba sa mga mata nito kaya nagtaka siya.“May bisita ka Ysabela.” Mababa ang boses na saad nito.Mabilis na bumaling ang tingin niya sa may pinto at nakita ang tinutukoy nitong bisita.Kumunot ang kaniyang noo.Ngumiti naman si Natasha at pumasok sa bahay kahit hindi naman niya inimbitahan. Marahan nitong inilibot ang tingin sa sala bago siya muling balingan ng tingin.“How's your wound, Ysabela?” Masuyo nitong tanong.Umasim ang kaniyang sikmura. Kahit anong pagpapanggap nitong maging maamo, alam na niya ang tunay na kulay nito.Tumuloy si Natasha sa kaniyang sofa at naglapag ng lunchbox sa maliit na mesa.Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng babae sa kaniyang apartment. Paano nito nalaman kung saan siya nakatira?Sinabi ni Greig?“What are you doing here?” Malamig niyang tanong sa babae.Ngumiti it ng matamis.“I was just worried about you, Ysabela. You look pitiful when we went in the hospita
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 55: Tired

Mapait siyang ngumiti. Ikinuyom niya ang kamay at nalukot naman agad ang cheque.Napaawang ang labi ni Natasha nang makita ang ginawa nito. Kita ang gulat sa mga mata nito sa ginawa niya.Akala talaga nito ay hindi niya matatanggihan ang pera?“Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera.” Itinapon niya sa dibdib ng babae ang lukot na cheque.Napamaang ito. Kita niya ang gulat at galit sa mga mata ni Natasha.“Tingin ko mas kailangan mo ng pera. Buy some manners.”Tinalikuran niya ito, ngunit mabilis itong kumilos at hinawakan ang kaniyang braso. Marahas siyang hinila pabalik at pinaharap.Dumapo sa kaniyang pisngi ang malakas nitong sampal.Napabaling siya sa kabilang direksyon dahil sa sampal nito. Malakas iyon na pakiramdam niya'y saglit na namanhid ang kaniyang mukha.Nang makabawi ay dahan-dahan niyang inayos ang sarili, humarap siyang muli sa babae at nakita ang matinding galit sa mga mata nito. Magsasalita pa lang sana si Natasha nang suklian niya ang sampal nito.Mabilis na napabali
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 56: Parking Lot

“As you can see the sales for this month is growing, Sir. We have plotted the future plans in order to—”“Sir.” Natigil ang pagsasalita ng representative ng finance team nang pumasok si Christoff at tinawag ang atensyon ni Greig.Seryoso ang mukha nito dahilan para maging kuryuso siya.Madalas niyang ibilin sa kaniyang assistant na huwag guguluhin ang kaniyang meeting, maliban na lamang kung importante ang dahilan.Lumapit ang lalaki at ibinigay sa kaniya ang telepono.Kinunutan niya ito ng noo.“The housemaid is trying to contact you, Sir.” Imporma nito.Tiningnan niya ang telepono at tumayo para kunin iyon.“I'll be back. Let's take a break for a few minutes.”Nanatili ang mga empleyado sa meeting room habang lumabas naman siya at inilagay sa tainga ang teleponong ibinigay ni Christoff.“Sir Greig.” Bati agad ni Manang Lora.“S-sir, pasensya na. Napatawag na ako kasi natataranta ako.”“Manang Lora?”Ito ang kasambahay na kasama ni Ysabela sa apartment.Bumagal ang tibok ng kaniyang
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

Chapter 57: Pares

“A-alhaj.” Utal niyang saad nang makita ang lalaki.Lumayo ito sa kaniya at hinagod siya ng tingin. Naghahanap ito ng galos at nang makita ang dumudugo niyang kamay ay mabilis na natigilan.“Your hand is bleeding.” Saad nito.Nagbaba siya ng tingin sa nakabendang kamay at nakitang dumudugo nga iyon. Kanina ay pinoprotektahan niya ang kaniyang tiyan kaya siguro dumugo iyon.“Ayos lang ako.” Nanghihina niyang sabi.Umiling ito at mabilis siyang binuhat. Napasinghap naman siya sa ginawa nito.“We have to see a doctor.”Naglakad ito habang buhat-buhat pa rin siya. Ngayon niya lamang napagtanto na dahil sa takot sa nangyari ay masyadong mabilis ang tibok ng kaniyang puso.Nanghihina rin ang kaniyang tuhod.Siguro kung hindi siya binuhat ng lalaki ay baka hindi siya nakapaglakad.Kaysa magreklamo ay natahimik na lamang siya. Nang makarating sila sa tapat ng emergency room ay agad siyang namukhaan ng nurse. Isa iyon sa madalas na tumingin sa kaniyang Lola.“Ma'am Ysabela?” Dumalo ito sa kani
last updateHuling Na-update : 2024-10-01
Magbasa pa

Chapter 58: Jealous Husband

Hawak pa rin ni Alhaj ang kaniyang kaliwang kamay para alalayan siya sa paglalakad.Kahit na kaya naman niyang maglakad na hindi inaalalayan ay wala naman siyang puso na pagbawalan ito sa pagtulong.Sanay naman siya na palaging nagmamagandang-loob ang lalaki.“I brought my car.” Saad nito.“Kukunin ko lang, just stay here and I'll pick you up.” Bilin nito sa kaniya.Mabilis siyang umiling, kaya naman niyang maglakad kaya sasama na siya.Nakakahiya na kailangan pa siyang pagsilbihan ng ganito ni Alhaj.“Sasama ako.” Aniya.Maliit itong ngumiti at tumango. Hawak pa rin ni Alhaj ang kaniyang braso nang maglakad sila papunta sa parking lot.Inilabas ng lalaki ang susi ng sasakyan at pinatunog ang isang itim na raptor. Napamaang siya. Malaki ang raptor at mukhang bago pa.O baka maganda lamang ang pagkaka-maintain ni Alhaj kaya nagmumukhang bago?Hindi pa siya natitigil sa paghanga sa sasakyan nito nang haklitin ang kanan niyang braso.Malakas ang paghila sa kaniya pero dahil hawak pa ni A
last updateHuling Na-update : 2024-10-02
Magbasa pa

Chapter 59: Dare to Ask

Nauntog ang kaniyang ulo sa leather cushion ng sasakyan nang siilin siya ng halik ni Greig.Huli na para tumutol siya dahil mariin ang bawat nitong halik. Tila isang parusa sa kaniya.Gamit ang kaliwang kamay, pilit niyang itinulak ang lalaki, pero malakas ito. Why would Greig harshly kiss her like this?Bakit pagdating sa kaniya ay napakawalang puso nito?Nakababa ang salamin sa bintana ng sasakyan kaya makikita sila ng kahit na sinong dumaan. Ngunit tila walang pakialam si Greig.Tila nauubos ang pasensya nito habang inaangkin ang kaniyang labi samantalang pilit siyang lumalayo. Bawat pag-iwas niya ay sinusundan siya nito.Ang tanging nagagawa na lamang niya ang impit na pagtutol.Mariin ang halik nito at bawat parte ng kaniyang labi ay inaangkin. Pilit naman niyang itinitikom ang bibig. She would even give him enough access to kiss her.Nalalasahan na niya ang dugo sa dulo ng kaniyang dila. At hindi na siya magtataka kung sugat-sugat na ang kaniyang labi.Hindi niya maramdaman na h
last updateHuling Na-update : 2024-10-04
Magbasa pa

Chapter 60: Monster

Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Ysabela.Bakit paiimbestigahan ni Greig si Alhaj?Alam niyang maliit lang ang porsyento ng mayayamang pamilya sa buong Pilipinas kumpara sa mga naghihikahos. Pero imposibleng magkakilala na si Alhaj at Greig noon pa man.Alam niya iyon. Dahil iba ang line of work ng dalawa.Tahimik silang pareho sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho ito. Mariin ang pagkakahawak ni Greig sa manibela at alam niyang galit pa rin ito.Pero ano ba ang ikinagagalit nito?Hindi niya pa rin lubos na maunawaan ang rason nito.Maybe it's his ego that's hurting? Tanong niya sa sarili.Sa bagay, hindi nga pala sanay si Greig na nakikita siya kasama ang ibang lalaki. Dahil noon pa man, iniiwasan na niyang maging malapit sa ibang lalaki.Palagi niyang iniisip na possessive si Greig. Kahit naman lihim lang ang kanilang relasyon, mapang-angkin pa rin ito sa kaniya.Why is it that he always act like a jealous husband but he's doing so much worse?Kinagat niya ang ibabang
last updateHuling Na-update : 2024-10-05
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
31
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status