Nagulantang ang lahat sa narinig mula kay Soleil. Ang mga mata ng kanyang ama ay nanlaki sa gulat, habang si Ginang Divina, ina ni Lysander, ay napanganga sa rebelasyon. Ngunit ang gulat sa kanyang mukha ay mabilis na napalitan ng tuwa. "Bueno! This is great! I didn't know Lysander is going to get married soon! Bakit mo naman sinekreto sa amin, anak? Ilang beses ka na naming pinipilit na magpakasal! Sinurpresa mo naman kami, son," tuwang-tuwang wika ng ginang, hindi mapigilan ang saya sa kanyang tinig. Samantala, si Lysander ay tila napako sa kinatatayuan, hindi alam kung paano tatanggapin ang mga nangyayari. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Soleil, na nagpatuloy sa kanyang sinabi na para bang ito ay isa lamang pangkaraniwang bagay. "Totoo ba, Sol?" tanong ng kanyang ama, halatang hindi makapaniwala sa narinig. "Yes, Dad," sagot ni Soleil habang may matamis na ngiti sa kanyang labi. Napatingin sa kanya ang lahat, maging ang mga taong nasa paligid nito, na kanina pa sumusubaybay
Magbasa pa