All Chapters of HUSBAND FOR HIRE (The Luther's Empire Series): Chapter 21 - Chapter 30

37 Chapters

Chapter Twenty-One: Ruined

NANDILAT ang mga mata ni Infinity nang lumapat ang mga labi ni Teranus sa labi niya. It was just a simple kiss that sent chills to her system. And when his lips started teasing her lips, napapikit na siya. Naging agresibo pa si Teranus, marahan nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya dahilan para mapaawang ang bibig niya, and Teranus take the chance to slid his tongue inside her mouth. Napahawak si Infinity sa balikat ni Teranus nang lumalim pa ang paghalik nito. Hinawakan pa nito ang batok niya at iginigiya ang ulo sa tuwing iibahin nito ang anggulo ng labi nila. They were breathing heavily as their lips parted, ngunit hindi naman lumayo nang tuluyan sa kaniya ang binata. Nasa harap pa rin ng mukha niya ang mukha nito. Their nose touching each other, their lips were brushing. "Ang ganda, ganda mo," puri ni Teranus na naghatid ng kakaibang init sa bahagi ng dibdib niya. Humabol pa ito ng isang mabilisang halik pagkatapos ay bumuntonghininga bago ikinabit sa kaniya ang seatb
Read more

Chapter Twenty-Two: Madness

THE DATE that he prepared was ruined. At naiwang nakatulala si Teranusjulio sa kulay itim at gintong paperbag na iniwan ni Infinity. Hindi siya nanghihinayang sa mga nasayang na pagkaing kakaunti lang ang nagalaw. Natuloy pa rin naman ang dinner, ngunit hindi tulad ng inaasahan niya o ng gusto niyang mangyari. Nanghihinayang siya dahil ang inaasahan niya—makakasama niya nang matagal ang dalaga. Ngunit sumubo lang ito nang isa para lang masabing nagalaw ang pagkain, pagkatapos ay nagpaalam na. Siya rin ang dapat na maghahatid rito pabalik sa Hasson Tower, pero nagulat na lang siya na naroon na ang sasakyan nitong minaneho ng bodyguard-driver nitong si Anton. Bakit nga ba niya inasahang magiging maayos ang dinner nila? After what he had done. After Karla saw him in the mall with another woman, he still had the guts to act in front of Infinity that everything will be fine. But Karla was right. Kahit hindi ito magsumbong sa amo nito, malalaman at malalaman iyon ni Infinity. And it happ
Read more

Chapter Twenty-Three: Photos

INFINITY couldn't feel anything after the ruined dinner with Teranusjulio. Umuwi siya sa Hasson Tower na walang nararamdaman maliban sa kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya. And she couldn't name what is it. Never naman niyang naramdaman ang ganitong bigat tuwing nahuhuli niyang tino-two-time siya ng mga nanliligaw sa kaniya. She can easily ignore it. And she was trying to ignore this unnamed feelings. The ruined dinner was weeks ago. Mahigit tatlong linggo nang hindi nagpapakita sa kaniya ang binata. Ilang oras na lang, magki-Christmas eve na, at isang linggo na lang, magba-Bagong Taon na. Nakabakasyon na ang mga empleyado ng Hasson's, siya naroon sa opisina niya, isinusubsob ang sarili sa trabaho.Ayaw niyang maramdaman ang kalungkutan ng pag-iisa. First Christmas na hindi niya makakasama ang kaniyang ama. Hindi ito makakapunta dahil kailangan nitong asikasuhin ang mga kamag-anak nilang nagpasabi na doon sa kanila sa Slovenia magse-celebrate ng Christmas.Her dad invite
Read more

Chapter Twenty-Four: The Eldest Luther

'Tiffany' it was curved in Italic gold.“Iyan si Tifanny at ang batang lalaki ay si Johnny,” anang superyora na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya.Tumingala siya at sinundan ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi niya.“Sila ang pinakabatang natagpuan namin sa labas nitong ampunan. Sa tingin ko ay magdadalawang taon si Tiffany ng mga panahong iyon at si Johnny ay tatlo. Nauna ng isang buwan si Tifanny nang dumating dito. Simula noon, hindi na namin mapaghiwalay ang dalawang iyan. Kung hindi si Tifanny ang nakabuntot kay Johnny, si Johnny naman ang nakasunod kay Tifanny.” Inilipat ng madre ang pahina at tila inaalala ang k'wento sa nakaraan ng mga nasa larawang iyon.“Isang taon ang lumipas nang may umampon kay Johnny. Iyak nang iyak noon si Tifanny. Nahirapan kaming patulugin siya dahil hinahanap niya ang kaibigan niya. Tumatahan lang iyon kapag damit ni Johnny ang ipinapasuot namin sa kaniya,” nangiti ang superyora at maging siya ay bahagyang natawa. Akala niya
Read more

Chapter Twenty-Five: A Man In Front of the Door

TERANUSJULO rushed to the floor where Infinity's office was located. Umaasang maaabutan pa niya roon ang dalaga. Ang sabi ng guwardiya ay naroon pa raw ito. The door has a sensory door lock and he has the access. Ngunit gayon na lang ang pagkadismaya niya ng wala nang tao roon. Infinity has left. Marahas siyang napabuga habang mahigpit ang pagkakahawak sa regalong dala. Lumapit siya sa maayos na lamesa at inilapag doon ang hawak. He scanned the room. Wala nang bakas doon ang dalaga. Then, his eyes laid on the table. Infinity is a neat person. Nasa ayos ang mga gamit nito roon. Parang walang gumamit dahil wala ni isang kalat. Maliban sa kahon na naka-gift wrapped. Kunot ang noong inabot niya iyon at sinuri. He saw a small card attached on it and he read it. To: Mr. del Prado Happy Holidays and Godbless. From: Ms. Hasson Ang pormal ng pagbati, ngunit nagdulot ng ngiti sa kaniyang mga labi. He's n
Read more

Chapter Twenty-Six: Couple Attire

“Come in.” Natigilan si Ranus at muling nilingon si Infinity. Nakabukas na nang maluwang ang pinto at nakatayo ang dalaga sa gilid niyon. "Hindi ka pa kumakain." It wasn't a question, it was a statement. Kung naghintay ito roon nang ganoon katagal at nakatulog na, sigurado siyang hindi pa ito kumakain. At hindi naman siya masamang tao para hindi ito papasukin man lang sa tahanan niya. Nakagat nito ang pang-ibabang labi at bahagyang naningkit ang mga matang tila pinipigilan ang nadarama. "Are you sure?" "Kung ayaw mo ayos lang. Makakaalis ka na." "Hey, I just want to make sure. Hahaha." Hindi na nito napigilan ang pagtawa dahil sa tuwa nang iharang nito ang sarili sa papasarang pinto. "So, where did you spend your Christmas eve?" he asked. "Somewhere." Kinuha ni Infinity ang cellphone sa purse at nag-dial. "May I know who's with you?" alanganing tanong nito. Tinapunan ni Infinity ng tingin ang binata at inihalukipkip ang mga braso sa dibdib matapos na ibaba ang tawag. "Just
Read more

Chapter Twenty-Seven: Unexpected Visitors

"ARE YOU FOR REAL, TJ? You've spend your Christmas with her, and now, sasabihin mong sa kaniya ka rin sa New Year's eve? How about me?" nanggagalaiti sa galit si Shie nang sabihin ni Teranusjulio dito na hindi siya nito makakasama sa meja noche. Kausap lang niya ito sa phone kanina at ngayon nga ay nag-aalburuto itong sumugod saa opisina. Napapatiim-bagang siyang tiniklop ang binabasang papeles na nasa folder bago ito hinarap. Alam niyang mahabang argumento na naman ito. Knowing Shiela having her mental condition. "Look, honey. She already knew about us, right? Kaya alam ng babaeng iyon kung kanino dapat ang oras mo! Pinagbigyan na kita noong Christmas since you don't want to come with me in L.A, hinayaan kita. But this time, it's a NO!" "She's my wife now, Shie," tila balewalang tugon ni Teranus. "That 'stupid' is just your wife by papers! By laws, TJ! And I am your fianceè!" "She has a name, damn it! Don't call her that way!" Napatayo si Teranusjulio at naikuyom ang mga kamay n
Read more

Chapter Twenty-Eight:

Her smile didn't fade as the metal door closed, and her eyes were on Teranusjulio that was standing there, looking at her. Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi ni Infinity nang tuluyan nang sumara ang elevator, kasabay ng pagtakas ng mga luha niya sa mga mata, na mabilis niyang pinunasan. Hindi siya dapat nasasaktan. Hindi dapat siya umiiyak. Ang tali-talino niyang tao para lang masaktan sa isang lalaki. Minsan na siyang naisahan ng mga taong akala niya totoo sa kaniya, and now, hindi rin siya makapapayag na maisahan at masaktan ng katulad ni Teranusjulio. She heaved a deep sigh as she called Karla to cancel her meeting. Wala siya sa huwisyo para makipag-usap sa kahit na sino. Masiyadong sumisikip ang kaniyang dibdib at hindi niya iyon makontrol. Kasalanan naman niya. Noong una palang binalaan na niya ang kaniyang sarili. Pero hindi nakinig ang puso niya. Posible pala iyon. Posible palang mas manaig ang puso, kaysa sa isip. Ang buong akala niya, kayang pasunurin ng utak ang
Read more

Chapter Twenty-Nine: Jealous Husband

KAPWA walang imik ang mag-asawa habang lulan ng sasakyan ni Teranusjulio. Ipinagpapasalamat na lamang ni Infinity at mas ginusto ng ama na sa binili nitong bahay tumuloy at hindi sa condo niya. Hindi nila kailangang magpanggap na dalawa.Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng lalaki ng pinto nang i-park nito ang kotse sa basement parking. Nagpaumuna siyang bumaba at tuloy-tuloy na pumasok sa bumukas na pintong metal ng elevator. Ngunit sadyang mabilis si Teranusjulio. Pinigil nito ang tuluyang pagsasara ng metal door at pumasok sa loob.Nagtataka man si Infinity kung bakit pa ito naroon. Ang alam niya ay ihahatid lang siya nito at aalis na rin ito, pero hindi na siya nagtanong.Malalaki ang mga hakbang niyang lumabas ng lift nang bumukas iyon sa floor kung nasaan ang penthouse niya. Mabilis niyang in-enter ang code at pumasok sa loob. Ngunit gayon na lang ang gulat niya pagkakita sa tatlong malalaking maleta na nakabalandra sa maluwang na sala.
Read more

Chapter Thirty: Honeymoon in New Year's Eve

"ARE YOU SURE WITH THIS?" Nilingon ni Infinity ang asawa nang makaupo nang maayos matapos nitong ilagay sa compartment ang hand carry bag nila. Kasalukuyan silang nasa eroplano ngayon at ang destinasyon nila ay ang Davao. Ang hometown ng kaniyang asawa. Nasunod ang 'planong' sinabi nito sa kaniyang ama. At talagang hindi na siya nakahindi dahil doon condo niya pumirmi ang ama. "Absolutely, yes. Want to back out?" he answered. "How about Shie? Umaasa siya na makakasama ka niya sa New Year's eve." Matipid itong ngumiti saka nito hinawakan ang kaniyang ulo at kinintilan ng halik sa noo. "You are my wife now, Infinity. I'd rather spent my New Year's alone than not being with you," malambing ang tonong wika nito habang ikinakabit ang seatbelt niya nang mag-queue ang piloto. Pakiramdam niya ay nanaba ang puso niya sa sinabing iyon ni Teranusjulio. May hatid iyong kakaibang saya sa kaniya at hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi, kaya n
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status