Chapter 326 Pagkagising, magluluto ng kanilang almusal, maglilinis, maglalaba, mamalengke, magluluto na naman, at kung anu-ano pang gawaing bahay ang inaatupag ni Luke. Sa hapon naman ay paminsan-minsan siyang makikitang nakahilata sa sopa habang nanonood ng telebisyon, nagbabasa ng diyaryo sa may balkonahe, naglalaro ng snake sa kanyang cellphone kapag sobrang nababagot, minsan naman ay natutulog. Pagkagising ay umpisa na naman ng gawaing bahay hanggang sa dumating ang kanyang asawa na ngayong si Kina, pagod galing sa trabaho. Iyan ang buhay niya ngayon bilang manugang ng pamilya Alanis sa nakalipas na isang buwan. Pagkatapos ng kanilang graduation ay nagpakasal sila sa munisipyo, na hindi naman talaga... masasabing kasal. Dahil sa wala iyong kabuhay-buhay. Isa pa ay wala rin silang masyadong bisita dahil pasekreto ang araw ng naging kasal nila. Na walang ibang nagdesisyon kung hindi si Dominica mismo. Lahat ng nakakakilala sa kanila ay nabigla nalang nang malamang Misis Cruise n
Last Updated : 2024-11-28 Read more