Share

Chapter 320

Author: Zaligma
last update Huling Na-update: 2024-11-26 19:39:27

"Ah, the cunning Private, Luke... Cruise," wika ng heneral, mahahalata ang pagkasarkastiko sa boses nito.

Naglakad ito papalapit sa kanya habang nasa likod ang mga kamay. Nakapaskil sa mukha nito ang kakaibang ngisi na agad pinalitan ng pagkurbada ng ilalim na labi habang sinisiyasat nito ang katawan niya.

"Anlaki na ng pinagbago mo bata ah," puri nito sa mapang-uyam na tono.

'Hanggang ngayon ba ay galit pa rin ito sa'kin?' naitanong nalang ni Luke sa kanyang isip habang natatawa.

"Major Osmeña, long time no see! Kayo din naman, anlaki na ng pinagbago n'yo,"

Pinagmasdan niya ang insigniya nito sa balikat at gitnang dibdib. Apat na nakabordang bituin.

"Grats." sambit niya, syempre sa nang-uuyam ding tono.

Nagsalubong ang kilay ng brigadier pagkatapos ay lumapit ito kay Luke sa naglalakihang hakbang. "Show respect to the general!" mahinang singhal nito. "Isang four star general ang nasa harapan mo ngayon kaya ayusin mo ang pananalita mo!"

Pagkasabi nito ay bahagya pa nitong iniyuko ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 321

    Naramdaman ni Luke ang presensya nito kaya mabilis na nilingon niya ang bukana ng gubat, pero walang tao roon."What's wrong?" tanong ni Alona na huminto pa para lang balikan siya ng tingin."Wala," wika niya lang saka nauna na ritong umakyat sa bus.Dahil sa dalawang bus nalang ang natira, isa para sa pamilya Alanis at ang isa ay para sa mga security personnel, napagpasyahan niyang makisabay sa bus ng pamilya Alanis.Para na rin syempre makasabay niya si Kina.Pero mabilis na hinarang siya ni Caroline. "Wait a minute, you are not supposedly be in this bus. Ano ka, siniswerte? Doon ka sa bus ng mga guwardya!" mahinang singhal nito sa mataray na mukha.Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Javier nang marinig ang sinabi ni Caroline. "Caroline, tumigil ka! Si Luke ang pumrotekta sa anak mo, tapos pagsusupladahan mo siya? Ni hindi ka pa nga nagpapasalamat sa kanya!" singhal nito na ikinatahimik ng buong bus.Maging ang driver na hindi naman nila kaanu-ano ay pasimple nalang na tumitingin s

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 322

    Nagsalubong nalang ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ni Dominica. Hindi naman niya talaga kailangang patunayan ang kanyang sarili sa mga ito. Sa katunayan ay ayaw niya rin naman nang ipaalam pa sa mga ito ang nangyari sa kanila sa loob ng gubat na iyon.Pero dahil sa dami ng pares ng matang nakasaksi ay hindi niya makokontrol ang sitwasyon. Kakalat at kakalat ang kwentong iyon. Ebidensya lang ang nawala na hindi niya alam kung ikakatuwa niya ba o hindi.Saan napunta ang mga bangkay ng mga halimaw na iyon? Hindi, ng mga demonyo palang iyon.Ibinalik na ba ang mga katawan ng mga ito ni Luciana sa ibang dimensyon?Magkasalubong ang kilay ni Kina na umalis ito sa kinapipwestuhan nito at lumapit kay Luke. "Let's go," wika nito sabay hatak sa kamay niya palabas sa bus.Hindi na nakayanan pa ni Kina ang walang kabuluhang pangmamaltrato ng kanyang ina at lola kay Luke. Kung ayaw nilang doon si Luke, madali lang naman siyang kausap."K-Kina, where are you going?" gulat na napatayo si Dominica

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 323

    Pagkatapos maligo ay nagmamadaling nagbihis si Luke. Pagkagising niya kanina ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Danny na ngayon ang simula ng panibagong kompetisyon na ikinatataka niya nang husto.Hindi ba at napagdesisyunan ng pamilya Alanis na ipagpaliban muna ang susunod na hamon sa kanila dahil sa nangyari sa kanila kahapon?Nang maisip na baka pinagtitripan lang siya ni Danny ay tinanong niya mismo si Javier at sinabi nitong nandoon nga ang mga young masters ngayon at mukhang ang mga ito pa mismo ang nagdesisyon na ipagpatuloy ang kompetisyon."Anong pumasok sa isip nila? bulong na tanong niya sa sarili habang sinusuklayan ang buhok sa harap ng salamin.Gano'n ba sila kaatat na makipagkompetensya sa kanya? Hindi pa ba malinaw sa kanila na may relasyon na sila ni Kina? At mas lalong hindi pa ba malinaw sa kanila kung anong kaya niyang gawin?Pinagmasdan niya muna ang silid ng kanyang apartment na napakagulo pa. Dahil sa pagmamadali niya kahapon ay pinaglalapag niya lang sa sa

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 324

    Magkahawak ang kamay habang naglalakad si Luke at Kina sa tahimik na kalsada sa loob ng subdibisyon. Mabagal habang maliliit lang ang mga hakbang na ginagawa nila, dinadama ang preskong simoy ng hangin ng papalapit na gabi.Naramdaman ni Luke ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak ni Kina sa kanyang kamay. Nilingon niya ito, nakatingin ito sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay."Hindi talaga ako makapaniwala sa inaasta nila," wika nito sa galit at iritableng boses. "They still think you're just a... a charity case. Matapos ng ginawa mo kahapon, iligtas kami, ako, it's like they don't see how genuine our story was. Iniisip nilang kalokohan lang ang nangyari kahapon."Saglit itong huminto upang ilabas ang inis sa pamamagitan ng pagdabog ng mga paa. Mahina siyang natawa habang pinagmamasdan ito. Para siyang nahuhulog dito nang paulit-ulit dahil sa kung gaano ito kaganda kahit na galit ito.Kanina, bago sila umalis ng mansyon ay nakipagtalo na naman ito kina Dominica. O mas mainam

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 325

    "T-teka, sigurado ka bang..."Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya nang biglang bumagal ang takbo ng oras habang tinititigan niya lang ito at bawat indayog ng buhok nito.Ang pagkakataong iyon, napakapamilyar niyon. Kung noon ay siya ang may hawak-hawak sa kamay nito habang inaalo palabas ng bar na iyon, si Kina naman ito ngayong humihila sa kanya papasok.Parang nakikita niya ang isang panibagong umpisa nila kasabay ng kakaibang pakiramdam ng pagbabalik nila sa lugar na iyon. Napangiti nalang siya.Nagbalik lang sa normal ang lahat pagkapasok nila ng bar. Hindi katulad ng dati, ngayon ay may banayad lang na tugtog na nagmumula sa pianong pinatutugtog sa may entablado ang pumupuno sa atmospera ng silid ng bar.Ang mga sumasayaw sa may gitna ay halos puro magkasintahan, karaniwang mga estudyante lang din ng dalawang kalapit na unibersidad."Luke!"Parehas na nahinto sila ni Kina nang salubungin sila nina Andrie. Naglulundag ito sa tuwa pagkalapit nito sa kanila."Hah! You naughty

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Volume 3 - Domination Of Poor Son-In-Law

    Chapter 326 Pagkagising, magluluto ng kanilang almusal, maglilinis, maglalaba, mamalengke, magluluto na naman, at kung anu-ano pang gawaing bahay ang inaatupag ni Luke. Sa hapon naman ay paminsan-minsan siyang makikitang nakahilata sa sopa habang nanonood ng telebisyon, nagbabasa ng diyaryo sa may balkonahe, naglalaro ng snake sa kanyang cellphone kapag sobrang nababagot, minsan naman ay natutulog. Pagkagising ay umpisa na naman ng gawaing bahay hanggang sa dumating ang kanyang asawa na ngayong si Kina, pagod galing sa trabaho. Iyan ang buhay niya ngayon bilang manugang ng pamilya Alanis sa nakalipas na isang buwan. Pagkatapos ng kanilang graduation ay nagpakasal sila sa munisipyo, na hindi naman talaga... masasabing kasal. Dahil sa wala iyong kabuhay-buhay. Isa pa ay wala rin silang masyadong bisita dahil pasekreto ang araw ng naging kasal nila. Na walang ibang nagdesisyon kung hindi si Dominica mismo. Lahat ng nakakakilala sa kanila ay nabigla nalang nang malamang Misis Cruise n

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 327

    Nailing-iling nalang si Luke na sinundan ng pabuntong hininga. "Sige 'pa, pupunta na ako." pagkasabi niya niyon ay pinatay niya ang tawag pagkatapos ay agad na nagpadala ng mensahe kay Natalia.Makalipas ng ilang saglit ay dumating ito na may seryoso at tila iritableng ekspresyon ng mukha. Nanunuluyan ito sa isang apartment hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan.Mabilis na nag-iwas siya ng tingin dahil sa nakasuot lang ito ng pajama at fit at manipis na sando. Talagang humuhubog ang kurbada ng katawan nito at bahagyang nakikita ang suot nitong bra na lumalagpas sa suot nitong sando.Kahit na natatakpan ng sando ay kitang-kita ang disenyo niyon.Bakit hindi muna ito nagpalit ng damit bago lumabas? Talaga bang kaswal na dito ang ilantad sa iba ang magandang hubog ng katawan nito?"Napaka-konserbatibo mo naman. Parang hindi ka pa nakakakita ng katawan ng babae," Naging mapanukso ang mukha nito. "Hindi mo pa ba nakikita ang katawan ni Kina? Mas maganda ba ang katawan ko kaysa sa kanya?"P

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 328

    "M-Mr. Santiago, a-ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ni Caroline, kahit na malinaw naman ang kahulugan ng sinabi ni Rodeo at kung anong gusto nitong mangyari."Mr. Santiago, please, hayaan n'yo kaming makauwi. Pangakong babalik ako dala ang tatlong milyon." pakiusap naman ni Ferdinand sa kinakabahang boses.Ang gawing pamalit ang kanilang anak para lang pautangin sila nito ay isang malaking kahibangan. Mas gugustuhin pa ni Ferdinand na putulin ni Rodeo ang kanyang mga kamay kaysa sa gawin ang bagay na iyon.Hindi pinansin ni Rodeo si Ferdinand. Diretso lang itong nakatitig sa mukha ni Caroline na alam nitong maaaring bumigay sa kanyang inaalok.Hindi na rin iyon masama. Isang gabi lang naman ang hinihingi niya."Alam kong nauunawaan mo ang gusto kong mangyari," Nagkibit balikat si Rodeo. "Kayo lang ang inalok ko ng ganito kaya... pasalamat pa nga kayo."Umayos ito ng upo at humawak sa sinturon ng pantalon nito. Kumurbada ang gilid ng labi nito hanggang sa maging isa iyong mapanudy

    Huling Na-update : 2024-11-29

Pinakabagong kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 343

    Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 342

    Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 341

    "May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 340

    Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 339

    "This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 338

    "Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 337

    Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 336

    "Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 335

    Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t

DMCA.com Protection Status