Semua Bab A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4): Bab 141 - Bab 150

196 Bab

Chapter 288

Nagpatuloy sa paghihintay ng resulta sina Javier habang napagdesisyunan naman ni Luke na kumain muna sa labas kasama si Alona at Jackielyn.Maririnig ang mababaw na pagbuntong hininga ni Jackielyn. "I'm sorry kung sinabi ko man sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. I just can't stand and do nothing while Kina's life is in... danger right now. That is something at least I could do. Ayokong magalit sa'tin ang pamilya niya oras na may mangyaring masama sa kanya na hindi man lang natin naipapaalam sa kanila ang nangyari sa kanya." pagpapaliwanag nito, partikular na nakatingin kay Luke."Like what, like Kina is dying?" taas ang isang kilay na pambabara ni Alona rito. Naiinis ito sa ginawa ni Jackielyn.Sumimangot si Luke. Nakapamulsa lang siyang naglalakad. "Pwede ba, itigil n'yo na 'yan. Hindi makakatulong kay Kina kahit na pagtalunan n'yo pa ang napakaliit na bagay na 'yan." paninita niya sa mga ito.Umirap nalang si Alona at humalukipkip. "Whatever."Gayon din si Jackielyn. Nakapagitan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-11
Baca selengkapnya

Chapter 289

"B-bakit sila tumatawa?" takang tanong isa, mahahalata ang takot sa boses nito dahil sa sinabi ng manager."Ha! Mga baliw ata sila. O baka hindi pa nila kilala kung sino si Mr. Malcov." pagalit na saad naman ng isa.Kung hindi pumunta doon sina Luke ay hindi sana magugulo ang payapa nilang pagkain doon. Ngayon ay pupunta pa ang may ari ng restaurant na iyon para lang parusahan ang mga ito dahil sa kapangahasan nilang pumunta roon.Mas lalong naasar ang manager sa inasta nina Luke. 'May gana pa kayong matawa? Puwes, subukan n'yong tumawa kapag dumating na si Mr. Malcov.' inis na sambit nito sa isip.Hinarap nito ang waitress. "Ikaw, sisante ka na! Sa susunod kung gusto mong magkaroon ng maayos na trabaho, matuto kang sumunod sa patakaran ng pinapasukan mo. Hindi 'yong may sarili kang sinusunod, bobita!" bulyaw nito.Napatungo nalang ang ulo ng waitress habang bagsak ang mga balikat nito. Gusto sana itong lapitan ng mga kasamahan nitong waitress na mga kapwa bago lang din upang sana ipa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-12
Baca selengkapnya

Chapter 290

"P-pasensya na sa tanong, p-pero kilala mo po ba sil—"Hindi natapos sa pagsasalita ang manager nang malakas itong sampalin ni Warren."Sila ba ang sinasabi mong nanggugulo rito? Ha?" pabulyaw na tanong nito na sinundan ng isa pang sampal.Naguguluhang napahawak sa pisngi ang manager, kaakibat niyon ay ang pagkasindak habang malikot ang matang nakatingin sa galit na mukha ni Warren.'Anong nangyayari? Bakit parang ako pa itong may kasalanan?' naitanong nalang nito sa isip.Kahit na mas matangkad ang manager kay Warren ay nanliliit ito. Panay atras ito habang panay abante naman si Warren hanggang sa napasandal ito sa mesa at doon na inundayan ng sampal ni Warren.Tinulungan pa ito ni Dylan kaya naman ay mangiyak-ngiyak nalang ang manager habang walang kalaban-labang sinasalo ang panggugulpi ng dalawa.Nahintatakutan nalang ang mga kustomer sa nasasaksihan, sa likod niyon ay labis na pagtataka kung bakit ang manager ang ginugulpi ng mga kasama ni Malcov.Binalingan ni Malcov ang waitres
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-12
Baca selengkapnya

Chapter 291

"Pasensya na po ulit sa nangyari, Mr. Cruise. Sa sobrang excited kong makapagtayo ng restaurant ay hindi ko nakilatis nang maayos ang itinalaga kong manager." paghingi ni Malcov ng paumanhin.Tinapik ni Luke ang balikat nito. "'Wag mo nang intindihin 'yon," Ibinulsa niya ang isa niyang kamay. Kasalukuyan silang naglalakad papuntang ospital.Agad na napakunot ang kanyang noo nang makita ang nagkukumpulan na mga reporter sa labas ng ospital."Anong meron?" tanong niya sa kanyang sarili.Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Zachary."Mr. Cruise, nandito po ngayon si Dr. Stewart upang tingnan din ang kalagayan ni Ms. Alanis." wika nito.Nagtatakang ibinaba niya ang tawag.'Dr. Stewart? Ang pinakatanyag na doktor sa buong mundo?' tanong niya sa kanyang isip.Ang lolo niya kaya ang nag-utos na pumunta ito rito ngayon? May koneksyon ba ito sa kanyang pamilya?Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pag-aalala nang may ibang pumasok na hinuha sa kanyang isip. Agad na tinawagan niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-13
Baca selengkapnya

Chapter 292

"May I know... who this young man is?" taas kilay na tanong ng doktor. "Siya ba ang kasintahan ng—""No," agad na putol ni Dominica sa doktor. "This man is a random trash from the street na napulot ng magaling kong asawa at kinupkop na parang alagang tuta. He's a total nobody. Don't mind him, doc. Just carry on, we'll go and pack our things." Binalingan nito si Caroline. "Carol, tara na."Aktong lalabas ng silid sina Dominica nang magsidatingan sina Malcov kaya napaatras pabalik sa loob ang dalawa, nagtatakang napatingin sa mga ito.Bakit nandito si Malcov? Anong ginagawa niya rito?Binalingan ni Dominica ng nagtatakang tingin si Luke. 'Ang lalaki na naman bang ito ang nagsama sa kanila?' tanong nito sa isip."Ha! Kaya pala ang lakas ng loob mong magwala rito dahil sa kasama mo si Mr. Malcov. Ibang klase ka talaga," naiiling sa galit na sambit ni Dominica."Dad, please, pwede mo ba silang itaboy? This a family matter. Walang karapatan ang lalaking 'yan na manghimasok sa atin." pakiusa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-13
Baca selengkapnya

Chapter 293

Nagpumiglas ang doktor sa pagkakahawak niya. "A-anong sinasabi mo? Bitawan mo ako kung ayaw mong ipaaresto kita!" pananakot nito. Mahahalata sa mukha nito ang kaunting tensyon kaya mas lalong naging kampante si Luke na may tinatago ito. "God damn it! Stop this nonsense now!" bulyaw ni Dominica. Aktong aawatin nito si Luke pero humarang si Malcov at binigyan ito ng blangkong tingin. Sapat na iyon para mahinto sa takot si Dominica at muling tumabi kay Caroline. "Javier, I'm telling you. Oras na may mangyaring masama sa apo natin dahil sa kabaliwan n'yong ito ng lalaking 'yan ay hindi lang 'yan ang pagdudusahin ko. Nagkakaunawaan ba tayo?" Hindi pinansin ni Javier si Dominica, nakatitig lang ito nang husto kay Luke at sa doktor. Ni hindi nga nito narinig ang sinabi ni Dominica. 'Totoo ba ang sinabi ni Mr. Cruise?' tanong nito sa isip. "W-what do you mean, Mr. Cruise? Sigurado ka bang... plano ng doktor na 'tong dukutin si Kina?" tanong nito. Nagkibit-balikat si Luke. "Sa nakikita
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-13
Baca selengkapnya

Chapter 294

Anong nangyayari? Sino ang lalaking iyon? Iyon ba ang tunay na katauhan ni Dr. Stewart? O pekeng Dr. Stewart lang ang nasa harapan nila ngayon?Iyon ang pare-parehas na katanungan sa isip ng mga tao roon.Bumilis ang paghinga ng pekeng doktor dahil sa kaba habang mas lalo pang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Luke. Hindi ito makapagsalita na animo ay nawalan ng boses kasabay ng pagbabago nito ng mukha.Iniharap ito ni Luke kina Dominica na nasa gulantang lang ngayong itsura. Tumaas ang balikat niya, makahulugan lang na pinagmasdan ang dalawa."T-this is u-unbelievable," usal ni Caroline sa utal na boses.Buong oras bang iyon ay naniniwala sila sa isang pekeng doktor?"Ikaw!" Nilapitan ni Javier ang lalaki at hinila ang manggas ng coat nito. "Plano mo ba talagang dukutin si Kina? Sino ka? Bakit mo ito ginawa?" pagalit na sigaw nito sa bahagyang namamaos na boses.Inilapag ni Luke ang lalaki at sinenyasan sina Cleo na hawakan ito.Magkabilaan si Larry at Cleo sa braso nito at tinabihan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-14
Baca selengkapnya

Chapter 295

Ilang minuto ang lumipas ay napuno ang pasilyo na kanilang kinaroroonan ng kapulisan. Ang imbes na sadya ng mga reporter na makapanayam ang mga kilalang indibidwal na taong nagpunta sa ospital na iyon, lalo na ang tanyag na si Dr. Stewart ay napalitan ng isang mas kapana-panabik at sa parehong pagkakataon ay misteryosong balita.Isang babaeng pulis ang lumapit sa nanahimik lang na si Luke. Nakatitig lang siya sa kanyang cellphone habang nakatayo sa may gilid ng pasilyo at nakasandal sa pader. Inagaw ng pagbuntong-hininga nito ang kanyang atensyon kaya napatingin siya rito.Tipid na nginitian siya nito. "Mukha atang padalas na nang padalas ang pagiging sangkot mo sa mga krimen ah." natatawang sambit nito.Napataas ang isa niyang kilay nang makilala ito. Ito ang tumulong sa kanya upang malusutan ang kaso niya nang makipaghabulan siya sa isang tauhan ni Jason na kasamahan ng mga assassin noon. Ito rin ang naghatid sa kanya pabalik sa New Clark Stadium."Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-14
Baca selengkapnya

Chapter 296

Isang linggo ang lumipas, kasalukuyang nasa parke sa likod ng paaralan sina Luke. Nakaupo lang siya sa damuhan sa ibabaw na bahagi ng parke, nilalaro ang dahon ng makahiyang kakapitas niya lang.Nakatanaw siya sa pahabang bangkong kinaroroonan nina Kina sa gilid ng lawa. Kasama nito si Alona at Jackielyn.Hindi niya alam pero simula nang magising si Kina ay anlaki ng pinagbago nito. Parang hindi ito ang Kina na nakilala niya na mahinhin at malumanay kung magsalita.Tahimik lang ito lagi at parang lagi ang mata ang ginagamit kapag nakikipag-usap. Sa tuwing magsasalita naman ito ay direkta lagi sa punto at hindi kakaringgan ng pag-aalinlangan. Parang naging mas matapang si Kina.Inihiga niya ang kanyang sarili sa damuhan at ginawang unan ang kanyang mga kamay. Syempre ay hindi lang siya ang nabigla sa kakaibang pinagbago nito.Naalala niya ang ginawa nitong pakikipagsagutan kina Dominica nang puntong ipinapahiya na naman siya ng mga ito sa ospital. Hindi niya inaasahan na didepensahan s
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-15
Baca selengkapnya

Chapter 297

Pagkarating sa kampo ng BPG ay magalang silang binati ng dalawang miyembro na nagbabantay sa may gate.Sinalubong sila ng grupo nina Cleo na naghihintay sa hindi kalayuan."Luke!"Masayang sinalubong ng yakap ni Joanna si Luke pero mabilis niya itong iniwasan. Napanguso ito."Stop acting childish, Joanna. Hindi ka ba nahihiyang nandito si Ms. McCollin?" sita rito ni Warren, halatang nagpapapansin din naman kay Natalia.Hindi ito pinansin ni Joanna sa halip ay humabol pa rin ito at tumabi kay Luke. Kinikilig ito habang kumakaway sa ibang miyembro ng gang na magalang na bumabati sa kanila.Napasimangot si Luke. Kaninong ideya ito? Bakit kailangang salubungin ng mga ito ang pagdating nila sa napakagalang na pamamaraan?Sumunod sila kina Cleo hanggang sa dalhin sila ng mga ito sa isang underground na pasilidad. Isa iyong malawak na kulungan."Mr. Cruise, You're here!" masayang salubong sa kanya ni Malcov. Mas lalo pa siyang nagtaka dahil sa kakaibang inaasta nito."Anong... meron?" tanong
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-15
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1314151617
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status