Lahat ng Kabanata ng A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4): Kabanata 151 - Kabanata 160

198 Kabanata

Chapter 298

Maya-maya lang ay tumawa ito. "Alam mo na pala kung gano'n ang gusto kong mangyari." sambit nito sa kanya.Kinuha ni Natalia ang upuan at idinistansya iyon kay Razid saka ito eleganteng naupo. "But of course, before that ay kailangan mo munang sabihin sa'min ang mga plano ni Jason Zheng. Kung anong mga nalalaman mo sa binabalak niyang gawin." wika nito habang may blangkong tingin lang kay Razid.Tumayo siya sa tabi nito at pinagmasdan din si Razid. "Hindi na mahalaga pa kung anong mga nalalaman ni Razid. Sigurado akong lahat ng iyon ay planong nakasulat sa berdeng pisara samantalang ang tunay na plano ni Jason ay nasa puting pisara."Mapaglarong itinuro-turo ni Razid si Luke, may paghanga sa mukha nito habang nakatawa. "Tumpak ka d'yan," sambit nito sa mapaglaro ding boses. Ginaya nito ang paraan ng pag-upo ni Natalia. "Pero, alam ko kung nasaan ang hide-out ni Mr. Zhe— ang ibig kong sabihin ay ang hinayupak na Jason na 'yon. Wala siyang ideya na mayroon akong pinanghahawakang alas la
last updateHuling Na-update : 2024-11-15
Magbasa pa

Chapter 299

Pagkagising ni Luke ay maaga siyang nagpunta sa subdibisyon upang tingnan ang napiling apartment para sa kanya ni Zachary. Pagkarating doon ay nakita niya itong naghihintay sa may labas ng mismong gusali."Mr. Cruise," magalang na bati nito. "Alam kong hindi n'yo gusto ng magarang apartment kaya ito ang pinili ko para sa inyo. Pero nasa sa inyo na rin po 'yon kung gusto n'yong piliin ang kabilang apartment." wika nito sabay turo sa katabing gusali.Mas malaki iyon at halatang mas mahal.Pinagmasdan ni Luke saglit ang hindi kalakihang apartment sa harap niya pagkatapos ay tinapik sa balikat si Zachary."Okay na ako rito. Salamat." sambit niya.Kailangan niya na rin namang magtipid sa ngayon lalo pa at naka-froze ang bank account niya. Maging ang card na ibinigay niya kay Alona ay binawi na rin ng Light Metrobank.Naaamoy niya nang magiging isa na siyang ganap na miyembro ng lower class.Makikita ang biglang paglungkot sa mukha ni Zachary. "Mr. Cruise, bilang huling tulong ko sa inyo, b
last updateHuling Na-update : 2024-11-16
Magbasa pa

Chapter 300

Simula pagkaalis ay nakatitig lang siya kay Kina. Nginitian siya nito nang mapansin siya nito.Tumaas ang kilay nito. 'Bakit?''Wala. Masaya lang ako.' tugon niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito.Pumaunahan ang katawan ni Alona at ipinatong ang ulo nito sa sandalan ng pagitang upuan para pagmasdan sila."Hey lovebirds, that's a foul. Hindi pa nananalo si Luke sa kompetisyon." pabirong sambit nito habang dinudungaw ang magkahawak nilang kamay.'Alam kong siya ang mananalo.' Basa niya sa iniisip ni Kina habang nakatingin ito kay Alona.Marahan niyang hinila ang kamay nito para muling angkinin ang atensyon nito. 'Hindi ka niya maiintindihan. Hayaan mo lang siya.' natatawa niyang sambit sa isip."Ha, akala mo hindi ko malalaman ang iniisip mo? Sinasabi mo ba kay Kina na 'wag niya akong pansinin?" nakabusangot na ani nito. Natawa sila parehas ni Kina."By the way, talaga bang nagagawa n'yong mag-usap sa pamamagitan ng inyong mga isip? You're both acting weird simula nang magising si
last updateHuling Na-update : 2024-11-16
Magbasa pa

Chapter 301

"Babe, kilala mo sila?" tanong kay Tiffany ng lalaking kasama nito.Pumailanlang ang mataray na tawa ni Tiffany sa kahabaan ng palapag. Lahat ng tao roon ay nakuha nito ang atensyon. Pinalibutan sila ng mga ito."This is so funny, and annoying at the same time," sambit nito habang nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Kina.May blangkong ekspresyon lang sa mukha si Kina nang puntong iyon habang nakatingin sa saradong boutique, hindi interesadong makipag-usap kay Tiffany."Tiffany, ayaw namin ng gulo." sambit ni Jackielyn na humarang sa pagitan ni Tiffany at Kina, nag-aalala na baka bigla nitong saktan si Kina.Sa pagkakakilala niya kay Tiffany ay hindi ito nagdadalawang isip sa anumang gusto nitong gawin. Kung gugulpihin nito ang gusto nitong gulpihin ay gagawin nito kahit pa nasa harap ng maraming tao.Tinaliman ni Tiffany ng tingin si Jackielyn. "Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya umalis ka d'yan—"Pagkasabi niyon ay akto sanang sasampalin ni Tiffany si Jackielyn pero mabilis n
last updateHuling Na-update : 2024-11-17
Magbasa pa

Chapter 302

Natawa si Tiffany at mapaglarong niyakap si Logan sa bisig. "Akala siguro ng lalaking 'yan ay kalebel lang ng gang n'yo ang Blazing Phoenix Gang. Baka nga pati mismo ang gang ni Mr. Malcov ay wala nang pakialam sa kanya. Ang lakas pa ng loob n'yang utusan ka?" Mapanudyong binalingan nito ng tingin si Luke. "Stop acting cool. I know that deep inside ay natatakot ka na ngayon. Kahit gaano ka pa kahusay sa martial arts ay hindi mo kakayanin ang buong gang ni Logan." nakangising sambit nito.Makaraan ng ilang saglit na pananahimik ni Luke ay seryosong pinagmasdan niya si Logan. "Kung tutuusin ay ang babaeng kasama mo ngayon ang may malaking atraso kay Kina. Dapat lang na parusahan ko siya nang dahil doon. Pero kung kakampihan mo siya ay magpasensyahan nalang tayo. Nakita mo na rin naman siguro ang kumakalat na larawan ngayon. Totoong ako ang may gawa n'on sa Night Bandos at kayang-kaya kong gawin 'yon sa buong Deathstalker Gang." wika niya sa may pagbabantang tono.Ayaw niyang kalabanin s
last updateHuling Na-update : 2024-11-17
Magbasa pa

Chapter 303

"B-babe!" Mabilis na dinaluhan ni Tiffany si Logan upang tulungan itong makatayo. "A-anong ginagawa mo?" takang tanong nito.Hindi nagsalita si Logan. Tuluyan nang nanginginig ang katawan nito sa takot habang nakatingin lang kay Luke.Parang mayroon itong gustong sabihin pero hindi nito maibuka ang bibig nito na nangangatal na rin."Babe!" muling tawag ni Tiffany.Tinabihan ni Alona si Luke. "Magkakilala na ba kayong dalawa? Bakit parang takot na takot siya sa'yo?" usisa nito.Natawa si Luke. "Siguro ay nasindak lang siya sa ikwinento mo." tugon niya.Pero batid niya ang totoong dahilan ng pagkasindak ni Logan. Mukhang madali nalang para sa kanyang makumbinsi ito upang pumanig ito sa kanya."Ah, oo nga pala. Ayaw niya na palang makagalit ang White Dragon Knights." Tumawa si Alona saka tumayo sa harapan ni Tiffany. "Ms. Haliparot, mukhang tumiklop na kaagad ang ipinagmamalaki mong knight in shining armor. Paano ka na niya
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

Chapter 304

"I-I'm sorry for w-what I did to you..." napipilitang sambit ni Tiffany, nakatungo lang ang ulo nito."Ano? Pakilakasan?" Yumuko si Alona sa tabi ni Tiffany. "Is that it? Paghingi na ba ng sorry ang tawag d'yan? Saka saan ka humihingi ng sorry? Sa paa niya?" mapang-uyam na sambit nito. Nagsitawanan ang ilang nakikiusisa.Nakatitig lang kay Tiffany si Kina. Nanlalaban sa kanyang kalooban ang kagustuhan niyang patawarin nalang ito at hayaan itong umalis at ang kagustuhan niyang parusahan ito.Lalo na kapag naiisip niya ang mga ginawa nito sa kanya simula nang ligawan siya ni Lance.Hindi niya na mabilang sa kanyang daliri ang mga pagkakataong lagi siya nitong binu-bully at paminsan-minsang sinasaktan. Ang pamamahiya nito sa kanya lalo na sa tuwing magkikita sila sa labas ng campus.Katulad nalang ng minsang nasa part time job siya noon at naging kustomer nila ito. Malinaw pa sa kanyang alaala ang ginawa nitong pagbuhos sa kanya ng kopa na p
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

Chapter 305

Mabilis na lumapit sa kanila si Joaquin at pinaghiwalay ang magkahawak nilang kamay pagkatapos ay masama nitong tiningnan si Luke."May gana ka pa ring magliwaliw matapos kang tanggalin sa angkan n'yo? At tsinatsansingan mo pa talaga si Kina!" bulyaw nito.Lumapit at tumabi si Randolph kay Joaquin. "Its just a holding hands, there's no big deal about it. As far as I know ay magkaibigan si Mr. Cruise at si Ms. Alanis." nakangiting sambit nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin kay Luke at Kina. Inakbayan nito si Joaquin. "Stop acting like that in front of Ms. Alanis. Baka ma turn off siya sa'yo. You're losing your cool, along with your points." dagdag na sambit nito.Gumuhit naman ang pagkabahala sa mukha ni Joaquin, nadala sa sinabi ng kanyang ama. "K-Kina, I didn't mean to think that way. I... I'm not jealous or something. Nag-aalala lang akong baka simasamantala ng lalaking 'yan ang pagiging magkaibigan n'yo para makapang-tsan—""It's fine," wika lang ni Kina, hindi interesadong m
last updateHuling Na-update : 2024-11-18
Magbasa pa

Chapter 306

Mag-aalas diyes na ng umaga nang makarating si Luke sa mansyon ng pamilya Alanis. Eksaktong kakasimula pa lang ng seremonya para sa ikalawang yugto ng kompetisyon.Pasimpleng nakipagsiksikan siya sa mga kalahok sa may likurang bahagi ng patyo. Napansin niyang parang kumaunti ang mga ito.'Nagback-out ba ang iba?' takang tanong niya sa kanyang isip."Ang nangungunang lima sa listahan para sa unang yugto ng kompetisyon ay sina Zeo Sullivan, na nagmula sa pamilya Sullivan at nakakuha ng labing dalawang puntos," wika ni Joey na siyang may hawak ng mikropono habang nakatayo sa gitna ng maliit na entablado.Nasa likuran nito ang buong pamilya Alanis maliban lang kay Kina na nasa may beranda ngayon, kasama sina Alona at Jackielyn.Pinapalibutan ang mga ito ng mga security personnel.Umingay ang paligid dahil sa bulungan ng mga kalahok. Mangilan-ngilan lang ang nag-atubiling pumalakpak para kay Zeo."Hindi ba't si Luke Cruise ang nagdomina sa martial arts competition?" dinig niyang nagtatakan
last updateHuling Na-update : 2024-11-20
Magbasa pa

Chapter 307

"What is dad thinking? Kapag pinabawi niya ang mga naitulong ng mga kalahok sa atin ay tiyak na mas mabilis pa sa paglubog ng araw ang pagbagsak ng ating pamilya." saad ni Nolan sa gitlang mukha."Dad, bawiin n'yo ang sinabi ninyo sa kanila. Your company is going to go bankrupt again kapag pinabawi mo sa kanila ang pera nila," nag-aalalang saad din ni Caroline."M-Mom," sinubukang humarang ni Joey kay Dominica na galit na lumapit kay Javier."Give me the mic!" agaw nito si mikropono pero hindi iyon ibinigay ni Javier sa halip ay itinago nito iyon sa likod nito."What is said cannot be unsaid. May karapatan silang bawiin ang mga naitulong nila kung hindi naman talaga tulong ang kahulugan n'on. They helped because they want to join the competition at sumugal sa kapalarang hindi naman talaga nila makukuha sa huli." wika nito."What the hell are you trying to say?" singhal ni Dominica sa naguguluhang mukha. "Lahat sila ay pumayag na lumahok sa kompetisyon kapalit ng pagtulong sa ating pam
last updateHuling Na-update : 2024-11-20
Magbasa pa
PREV
1
...
1415161718
...
20
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status