Lahat ng Kabanata ng After Divorce : Marrying My First Husband Again: Kabanata 41 - Kabanata 50

60 Kabanata

Kabanata 41

Dasha's Point Of View.Mukha namang napaniwala ko si Elias sa rason kong iyon. Saglit lang naman ang naging pag-uusap namin dahil kaagad niya ring binaba ang tawag.Alam kaya ni Bianca ang ginagawa ni Elias na pagtawag sa akin? Siguro hindi. . . Dahil kung oo, hindi niya na sana ako tinatawagan. Ang isa pang pinagtataka ko ay kung bakit may pakialam na siya kay Dawn ngayon?Parang dati sinasabi niyang ipalaglag ko si Dawn, na wala siyang pakialam dito. Tapos ngayon ganito? Hindi pa naman kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari noon, hindi ko rin alam kung handa ba akong pag-usapan iyon.Kinabukasan ay bumisita sa akin si Angela, nakakatuwang magaling na talaga siya dahil pati ang kakulitan niya ay bumalik."Magmall na kasi tayo, ang tagal-tagal na ng huli nating gala," pamimilit niya, nasa kaniyang bisig si Dawn at tahimik lang na naglalaro ng stuffed toy na dala-dala ni Angela."Hindi nga puwede," pagtanggi ko. "Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?""Nakalabas ka na naman nang m
last updateHuling Na-update : 2024-12-22
Magbasa pa

Kabanata 42

Dasha's Point Of View."Jazz?" wika ko, nakasuot siya ng isang itim na polo at pants. Lumawak ang ngiti niya. "Don't tell me you thought I'm Elias again?"Hindi ako nagsalita kaya natawa siya. Don't tell me raw eh."Sabi ko na nga ba," dagdag pa niya at napakamot naman ako sa aking ulo."Sorry, sa susunod hindi na," sambit ko at napailang naman siya habang nangingiti, bumaba ang tingin ko sa hawak ng kaniyang kamay. Isa iyong panlalaking damit na pambata. "P-Para sa anak mo?" tanong ko at tinuro pa iyon.Napatingin naman siya roon at inangat pa para makita ko. "Yeah..." sagot niya ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang lungkot sa kaniyang boses. "He's now four years old. . . sana."Nanlaki ang aking mga mata. "Sana?" gulat kong sabi at malungkot siyang ngumiti sa akin."He died because of infection in blood when he was 5 months old."Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa damit, kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Pasensya na, hindi na lang sana ako nagtanong," kaa
last updateHuling Na-update : 2024-12-22
Magbasa pa

Kabanata 43

Dasha's Point Of View.Kahit umiwas na ako ng tingin kay Elias ay ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.Narinig ko ang pagtikhim ni Papa kaya lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang nakatingin kay Jazz. "Sandali lang naman ang magiging pag-uusap namin ni Atty. Macini, pwede bang dumiretso na lang kayo sa conference room?" sabi niya.Ngumiti si Jazz bago tumango. "Sure, no problem," tumingin siya sa akin. "Let's go, Dasha."Ngumiti ako pabalik, bago kami tuluyang umalis ay napatingin ako kay Elias ngunit madilim lang siyang nakatingin kay Jazz. Ano na namang problema niya?"Wow, totoo nga ang sinasabi ng mga taong intimidating siya," sambit niya sa gitna ng aming paglalakad. Natawa naman ako bago tumango bilang pagsang-ayon."Diba? Kamukha mo siya?""I don't think so... Hindi ko nakikita, pero parehas kami ng mga mata.""Basta para sa akin magkamukha kayong dalawa," sabi ko. "Kaso siya masungit at parang yelo, ikaw naman masayahin at palangiti.""Baka masiyahin din iyon, hindi niy
last updateHuling Na-update : 2024-12-23
Magbasa pa

Kabanata 44

Dasha's Point Of View.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, mabilis kong binuhat si Dawn at nagsalita."Hindi anak. . . Hindi siya ang Papa mo," sabi ko sa kaniya at pansin ko namang naguluhan siya."Siya pala ang anak mo," rinig kong komento ni Jazz kaya napalingon ako sa kaniya, nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi.Tumango ako bago muling tignan si Dawn. "Anak, siya si Kuya Jazz mo. . . Siya naman si Dawn, Jazz."Mas lumaki ang ngiti ni Jazz. "Hello, Dawn. Nice to meet you.""Excited siyang makita ka, nagmamadaling bumaba ng sasakyan."Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Lola, may dalawa rin siyang kasamang mga guard. Tumingin siya kay Jazz."You're Jazz Morales, right? The new investor from abroad?" tanong ni Lola at nakita ko namang ngumiti si Jazz bago tumango."It's a pleasure to meet you, Madame Valencia Hudson.""Likewise, Mr. Morales. I'm looking forward to working with you," sagot ni Lola bago tumingin sa kaniyang relo. "I have to go inside, maiwan ko na muna kayo."
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

Kabanata 45

Dasha's Point Of View.Nakapikit pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at kinuha ang aking cellphone na nasa gilid ko lamang.Nakita kong si Angela ang tumatawag, bakit naman siya napatawag ng ganito kaaga?Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tawag, nilagay ko ang cellphone sa aking tainga at nagsalita. "Angela? Bakit napatawag ka?" inaantok kong tanong."Oh my god, Dasha! Bakit ngayon mo lang sinagot?! Kanina pa ako tawag nang tawag!" mabilis sigaw na nagpakunot ng aking noo."Bakit ka nga ba tumatawag? Bakit sumisigaw ka?""I'm sure you haven't seen the article but you're all over the internet!" pagpapatuloy niya na nagpabangon sa akin mula sa pagkakahinga."Huh?! Anong article?!""Kayo ni Dawn nandoon kayo! Pati iyong Jazz Morales, sino ba iyon?!"Mabilis kong binaba ang tawag para kumpirmahin ang kaniyang sinabi, pagkabukas ko pa lang ng social media acc ko ay bumungad na kaagad sa akin ang hinahanap
last updateHuling Na-update : 2024-12-27
Magbasa pa

Kabanata 46

Dasha's Point Of View.Sinubukan kong tawagan ang number ni Elias ngunit nag riring lang iyon at walang sumasagot kaya sa huli ay umupo na lamang ako sa aking kama, sigurado ba talaga siyang pupunta siya rito? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip noong lalaking iyon.Inis akong tumayo at lumapit sa crib, tulog pa naman si Dawn dahil 6:30 pa lang ng umaga. Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan, nang buksan ko iyon ay isang maid ang bumungad sa akin."Ma'am, nasa garden po si Sir Elias at naghihintay sa inyo," wika niya, tumango naman ako at lumabas. Nagtoothbrush lang ako at nagsuklay ng buhok, halata pa rin siguro ang antok sa mukha ko.Hindi naman kasi kailangang pumunta pa rito.Naabutan ko siyang nakaupo sa bench at may kape sa may maliit na lamesa. Tumikhim ako kaya naman napalingon siya sa akin, nakausot lang siya ng simpleng polo at mukha pa rin siyang kulang sa tulog."Pwede naman kasing kausapin mo na lang ako sa call, hindi ba?" sabi ko a
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

Kabanata 47

Elias's Point Of View."Hinay-hinay lang naman sa alak, baka hindi ka na abutan ng araw sa ginagwa mo," rinig kong sabi si Joel sa aking tabi. I rolled my eyes before drinking again. Napaka-OA niya talaga kahit kailan. Nandito ako ngayon sa condo niya, gabi na at mukhang wala siyang balak mag-inom ngunit noong nagyaya ako ay napilitan siya."Teka, ano ba kasing problema mo? Hindi ka naman magyayayang uminom kung wala. . . Napakabusy mo nga tapos magkakaroon ka pa ng time sa ganito?"I looked at him. "I'm just frustrated.""Saan? Doon sa article?""Hmmm.""Eh nagsabi na nga diba si Dasha na siya na ang bahala, ano pang pinoporoblema mo?" tanong niya. "Hindi madadamay sina Bianca at ikaw. . . Oh nag-aalala ka lang talaga sa kaniya?"Umilang ako bago muling uminom ng alam. "I'm just frustrated because of that Morales. Hindi ko alam kung anong pakay niya kay Dasha."Narinig ko ang pagtawa niya bago nagbukas ng panibagong alak. "Pareho lang 'yon, Elias.""It's not like that—""Matagal mo
last updateHuling Na-update : 2024-12-28
Magbasa pa

Kabanata 48

Dasha's Point Of View."Bakit ganoon naman ang caption mo?" natatawa kong tanong kay Jazz, nakaupo siya sa harapan ko at umiinom ng juice. Nandito kami ngayon sa terrace ng mansyon, hindi ko alam kung bakit ang aga-aga niya pumunta rito. Ang sabi niya lang, gusto niyang pumunta dahil ang boring sa condo niya. Wala rin daw siyang trabaho ngayon, tinatamad siyang pumasok. Pwede palang tamarin ang isang CEO?Nagpicture kaming dalawa, ang akala ko ganoon ganoon lang pero ang lintik nahuli kong pinopost iyon sa Instagram account niya."May inaasar lang ako," nakangising sagot niya."Huh? Sino?"Umilang siya. "Wala."Napairap ako. "Bakit mo pa kasi pinost? Mas lalo tuloy iisipin ng mga taong ikaw nga ang Tatay ni Dawn at mag-asawa tayo," giit ko."Let them think what they want to think.""Oo nga... Pero diba? Hindi nga natin itatanggi iyong laman ng article na iyon, hindi tayo magsasalita, pero dahil doon sa post mo parang kino-confirm mo ngang may namamagitan sa atin," paliwanag ko.Bumun
last updateHuling Na-update : 2024-12-30
Magbasa pa

Kabanata 49

Dasha's Point Of View. Nanatiling nakaawang ang aking labi habang nakatingin sa kanila. Hindi ako makapaniwala. At mas lalong hindi ako makapaniwalang nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon! "Happy birthday, Dasha," nakangiting saad ni Lola habang naglalakad papalapit sa akin, may hawak siyang cake sa kaniyang kamay. "Let me guess... nakalimutan mong birthday mo ngayon 'no?" si Angela. Napalingon ako sa kaniya, may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Makakalimutan ko talaga, sa dami ba naman ng nangyari... Saka, hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday ko diba?" paliwanag ko. Totoo iyon, hindi talaga ako nagcecelebrate ng birthday ko. Naalala ko noon, si Mama lang talaga ang gustong-gusto na maghanda pa kami. Kahit anong sabi ko sa kaniyang huwag na dahil gastos lang, hindi naman siya nakikinig. Tapos noong wala siya, si Angela naman ang palaging nagyaya sa aking kumain kami sa labas para i-celebrate ang birthday ko. Ayaw niya naman magpaawat kaya hindi ko siya mapig
last updateHuling Na-update : 2025-01-01
Magbasa pa

Kabanata 50

Dasha's Point Of View.Kitang-kita ang kalikahan ng bakery shop—ko habang tinitignan naman ito mula sa labas, clear glass ang nakapalibot rito, maging ang pintuan ay clear glass din. Ang kabuoan ay pinaghalo ang kulay itim at puti na nagustuhan ko, ang kulay ng pintura ay itim at bumagay iyon sa clear glass."A-Ang ganda po," sambit ko kasabay noon ang pagtulo ng luha sa aking mata na mabilis kong pinunasan. Hindi ko inakalang isang araw, matutupad ang pangarap ko.Alam ko kasing impossible... Mahirap lang kami.Mabilis akong napayakap kay Lola at Papa, hindi ko na pigilan pa ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha habang yakap sila. "H-Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya ngayong araw," humihikbing sabi ko."Mahal ka namin, Dasha. Alam naming deserve mo ito," si Lola."Your Lola's right, so please don't be so hard on yourself," boses iyon ni Papa.Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha. "Salamat po ulit," nakangiting sabi ko, lumingon ako kay Jazz at
last updateHuling Na-update : 2025-01-01
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status