ホーム / Romance / After Divorce : Marrying My First Husband Again / チャプター 91 - チャプター 100

After Divorce : Marrying My First Husband Again のすべてのチャプター: チャプター 91 - チャプター 100

166 チャプター

Kabanata 91

Jazz's Point Of View.Dahil sa kabang nararamdaman ko ay mabilis kong pinindot ang end ng call namin. Kaagad kong tinabi ang aking cellphone at umupo sa dulo ng kama ko, tulala at hindi alam ang gagawin.Narinig ko ang pagtunog mula ng cellphone ko at nakitang tumatawag ulit si Elias. "Damn it, anong gagawin ko? Ang tanga ko naman kasi bakit ko ba na send iyon?" asar na sabi ko sa sarili habang pinapanood lang na tumunog ang cellphone ko.Paano ko ipapaliwanag kay Elias iyon? Sabihin ko na lang ba sa kaniya ang totoo?Pero hindi naman ganoon kadali iyon, pero paano ko ipapaliwanag iyon? Alam kong iniisip niya ngayon na mukha akong stalker! Well... Totoo naman pero for my own good reasons din naman iyon.Sa huli, napagpasya kong sagutin ang tawag niya dahil mukhang kung hindi ko pa sasagutin ang tawag niya ay magfifile na siya ng warrant of arrest sa akin para puntahan ako rito sa condo."E-Elias... Napatawag ka," kinakabahang sabi ko, sa isip-isip ko ay tinatawag ko na lahat ng santo
last update最終更新日 : 2025-02-16
続きを読む

Kabanata 92

Jazz's Point Of View.Ilang minutong namayani sa amin ang katahimikan, pagkatapos noon ay narinig ko ang kaniyang boses."What the hell are you talking about... I don't even know your mother.""Well, hindi ko naman talaga siya nanay dahil galing ako sa bahay ampunan. Alam ko na iyon simula bata pa lang ako," sagot ko. "Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit parang tinatago niya sa akin na may kapatid ako, base rin iyon sa pagkakarinig ko sa kausap niya. Narinig ko rin na tinawag niya iyong kausap niya ng Sir... Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Mamita na alam ko na ang totoo.""You're saying that I'm your twin, what's your proof?"Napangiti ako ng marinig iyon, alam kong tatanungin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Isa siyang lawyer, hinding-hindi ko siya makapaniwala sa isang bagay hangga't wala akong pinapakita sa kaniyang proweba.Nilabas ko ang isa ang envelope at pinakita sa kaniya ang siblings dna test naming dalawa at nagpapakitang magkapatid nga talaga kami. "S
last update最終更新日 : 2025-02-19
続きを読む

Kabanata 93

Dasha's Point Of View.Nagpatuloy ang buhay ko sa impyernong lugar na 'to, habang tumatagal ay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko dahil sa takot na hindi na ako makaalis pa rito... At isa pa, naawa rin ako sa mga taong nandito. Binubulag sila ni Tita Selena at pinagtatrabaho, pinapaniwala nila ang mga inosenteng tao rito sa mga maling bagay.Kapag talaga nakalabas ako ng lugar na 'to, sisiguraduhin kong makukulong ang lahat ng taong may kinalaman sa mga kalokohang ito.Malakas akong napabuntong hininga bago pinagpatuloy ang pagbubungkal ng lupa na tataniman ng mga halaman. Bukod sa pagbubuhat namin ng mga troso, iyong lupang pinagtanggalan ng mga puno ay tinataniman naman namin.Hindi ko rin maintindihan kung anong halaman itong tinatanim namin, ang sabi lang ng mga guards ay itanamin namin itong mga kulay itim na buto. Lahat naman kami ay pare-parehas ang nakuha, pero iba ang pakiramdam ko, may parte sa akin ang nagsasabing illegal na halaman ito.Grabe naman ang kagustuhan nilang
last update最終更新日 : 2025-02-21
続きを読む

Kabanata 94

Dasha's Point Of View.Hindi ako matahimik habang nasa likod kami ng truck, iniisip ko yung sinabi ng mga lalaki kanina. Bakit naman inutos ni Tita Selena na magturok ulit? Alam niya na bang hindi ako tinatablan no'n?Mas lalo akong nakaramdam sa kaba dahil sa mga iniisip, sana nga hindi niya pa alam dahil mawawala ang katiting na pag-asa kong makakaalis pa sa lugar na 'to. Hindi ako mapakali at halatang nararamdaman na iyon ni Emma pero hindi lang siya nagtatanong, wala akong malay noong tinurukan ako ng kung anong gamot pero ngayon na may malay na ako... hindi ko maiwasang pangilabutan habang iniisip iyon kahit na wala pa naman.Nang makabalik kami sa impyernong tinutuluyan namin ay hindi nila kami dinala sa mga kulungan namin."S-Saan daw tayo dadalhin?" mahinang bulong ko kay Emma habang naglalakad kasabay nila, may ideya na ako kung saan ngunit gusto kong makumpirma iyon.Nakita ko naman ang pagngiti niya. "Sa clinic, tuturukan daw tayo ng vitamins," sagot niya na nagpawala ng k
last update最終更新日 : 2025-02-25
続きを読む

Kabanata 95

Dasha's Point Of View.Limitado lang ang naging pag-uusap namin ni Dr. Naomi, ang sabi niya ay baka makahalata ang mga taong nagbabantay. Nilagyan niya lang ako ng band aid sa may braso ko para magmukhang may tinurok siya sa aking kung ano. Tinanong ko rin siya kung tinuturukan niya ba ng AQW3 iyong kasama ko ngunit ang sabi niya ay hindi raw, totoong vitamins ang tinuturok niya dahil sinabi niya sa aking may masamang madudulot ang palagiang pagturok ng AQW3.Dapat daw ay AQW3 ang tinuturok niya dahil iyon ang utos ni Tita Selena ngunit ang sabi niya, kapag iyon ang tinurok niya ay maaring magkaroon ng problema sa mga taong matuturukan kaya palihim niyang tinuturukan ang mga ito ng vitamins para lumakas ang kanilang kalusugan.Natuwa naman ako ng sabihin niya iyon, kahit alam niyang delikado ang ginagawa niya ay pinagpapatuloy niya pa rin. Hindi ko naman hahayaan na mapunta lang sa wala ang mga ginagawa niya dahil handa akong tumulong kahit ano pa ang kaniyang plano.Pagdating ko sa c
last update最終更新日 : 2025-02-25
続きを読む

Kabanata 96

Jazz's Point Of View.Hindi pa rin mahanap si Dasha.Sa bawat araw na lumilipas ay nagiging abala kami ni Elias sa pagtrack kung kanino ba talaga nanggaling ang huling death threat na natanggap ni Dasha.Muli kong kinuha ang death threat na nakapatong sa center table, litrato iyon ni Dasha habang naghihintay sa mall na kung saan magkikita sana kami. Sa likod ng litrato ay nakasulat ang katagang "one mistake, and it will make you lose everything."Nakuha ang death threat na iyon sa flower plot sa labas ng shop ni Dasha, si Angela ang nakapansin noon, isang araw ang lumipas ng mawala si Dasha. At hanggang ngayon ay nagsstand by kami kung nagpapadala pa ba ng death threats pero hanggang ngayon ay wala pa naman."Pakiramdam ko talaga pamilya ni Samuel ang may kagagawan nito," sambit ko at mabilis naman akong sinamaan ng tingin ni Elias na nasa harapan ko lang at may kinakalukot sa kaniyang laptop."I told you, hindi ka dapat nagbabanggit ng pangalan lalong-lalo na kung wala ka namang sapa
last update最終更新日 : 2025-02-25
続きを読む

Kabanata 97

Jazz's Point Of View."What?" tanong niya sa kabilang linya."Hindi ba sinabi ko sa'yong may kikitain ako ngayong araw kaya busy ako?" sabi ko. "Nandito na nga ako sa restaurant na kung saan magkikita kami ng kabusiness partner ko, tapos nakita ko ang future wife mo at si Selena Valdez... Nandito sila sa vip area at nag-uusap."Namayani sa amin ang ilang sandaling katahimikan, akala ko nga nabwisit siya sa sinabi kong future wife pero muli siyang nagsalita. "Hindi ko alam na close sila... Wala rin namang nababanggit sa akin si Bianca. At wala rin akong alam na pwedeng maging dahilan kung bakit sila magkausap ngayon.""Malay mo business?""I don't know... Cosmetics ang business ni Bianca habang si Mrs. Valdez naman ay isang real estate company. Ano namang pag-uusapan nila?""Hindi ganyang business ang sinasabi ko. Alam mo na dapat ang tinutukoy ko," pagkaklaro ko at muli naman siyang natahimik. "Tulad nga ng sinabi mo, hindi sila close. Kaya sobrang weird na makitang nag-uusap sila nga
last update最終更新日 : 2025-03-01
続きを読む

Kabanata 98

Dasha's Point Of View."Pero hindi mo naman kailangang saktan ang sarili mo," sagot niya habang dahan-dahang inaalis ang tela sa sugat ko, napakagat na lamang ako sa ibabang labi dahil sa nararamdamang sakit. "This could be the cause of your death, you know?"Kahit nasasaktan ay sumagot pa rin ako. "Desperado na ko, Doc. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to.""Oo na, sasabihin ko na sa'yo ang plano ko. Pero lilinisin ko muna itong sugat mo."Ganoon nga ang nangyari, nilinis niya ang sugat ko at pinipilit ko na lang na hindi sumigaw ng malakas noong tanggalin niya ang kahoy sa braso ko, ramdam na ramdam ko ang sakit kahit na tinurukan niya ako ng anesthesia. Doon ko lang napagtanto na muntikan ko ng mapatay ang sarili ko dahil sa lalim ng pagkakabaon ng kahoy, dagdag peklat na naman iyon sa punong-punong peklat na braso ko.Pagkatapos niyang malinisan ang sugat ko ay binalutan niya na ito ng bandage. Nang matapos ay muli akong nagsalita."Ano na? Sabihin mo na sa akin ang plano mo," sa
last update最終更新日 : 2025-03-01
続きを読む

Kabanata 99

Dasha's Point Of View."Ngayon ko lang nalaman na may station 2 pala... Sa tagal kong nakakulong sa lugar na 'to, hindi ko inakalang marami pala kaming nagdudusa dahil kay Dr. Selena," saad ni Caroline. "Delikado ang gagawin mo, sigurado ka ba talagang kaya mo?"Kahit ako ay tinatanong din ang tanong na iyon sa aking sarili—at ang tanging nakukuhang sagot ko ay hindi. Pero sa tuwing iniisip ko si Dawn, si Elias at ang mga kaibigan kong alam kong alalang-alala na sa akin ngayon. Sa tuwing iniisip ko ang mga taong hindi na makakaramdam pa ng paghihirap kapag nakaalis sila, nabubuhayan ako ng loob at pakiramdam ko ay kayang-kaya ko."Kaya ko... Pero sana lang talaga ay pumayag si Selena na ilapat ako ng station," sambit ko.Nang sumapit na nga ang weekend ay nagkaroon ng pilian, at sa hindi ko inaasahan, tinawag ni Selena ang pangalan ko sa mga kasamang ililipat sa station 2. Pinilit kong hindi ipakita ang gulat sa aking mga mata habang naglalakad papunta sa unahan, palapit sa mga taong
last update最終更新日 : 2025-03-01
続きを読む

Kabanata 100

Dasha's Point Of View.Matinding antok ang nararamdaman ko habang naglalakad kami palabas, hinihintay na raw kami ng truck na sasakyan namin papuntang station 2. Ngunit nabura ang antok na iyon noong makita ko si Selena na mukhang naghihintay din sa amin sa labas.Pinapila niya kami bago siya pumunta sa unahan at magsalita. "Alam kong hindi niyo pa alam ang mga gagawin sa station 2 pagdating niyo roon kaya ipapaliwanag ko na sa inyo para hindi na magsasayang pa ng oras si Dr. Reyes na magpaliwanag sa inyo," seryosong saad niya at nilibot ang paningin sa amin, nang magtama ang aming mga mata ay pinilit kong hindi umiwas ng tingin kahit na basang-basa ko ang panggagalaiti sa kaniya. "Hindi katulad dito na kailangan niyong magbuhat ng mga mabibigat na kahoy, doon sa station 2 ay tanging pagtatanim lang ang gagawin niyo."Pagtatanim ng mga pinagbabawal na gamot? Gusto kong isigaw iyon ngayon pero pinigilan ko ang aking sarili dahil baka mawala na ang pag-asang makaalis pa kami rito.Nayay
last update最終更新日 : 2025-03-01
続きを読む
前へ
1
...
89101112
...
17
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status