Bianca's Point Of View."You really did that?" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan ko, si Nica. Napahinto pa siya sa pag-inom ng alak ng sabihin ko ang tungkol sa ginawa ko."Bakit? Tama lang na malaman ng mga tao na may mga ganoong klaseng tao ang nasa loob ng pinagmamalaki nilang shop," asar kong sabi, naiinis pa rin ako sa nangyari kanina. Muli kong sinubo ang sigarilyo sa aking kamay at binuga ang usok. "Ang kapal ng mukha niyang paalisin ako, akala niya ba papayag akong bastusin niya ako nang ganoon?" dagdag ko."Hindi mo naman kasi kailangang pumunta-punta pa sa shop niya... Tignan mo ngayon, ikaw itong naisstress," sagot niya. "Nagpropose na nga sa'yo si Elias, kaya bakit nabobother ka pa rin sa Dasha na 'yan? Maging masaya ka na lang, hindi ka nga niya ginugulo."Kumunot ang aking noo. "Anong hindi ginugulo? Kaya nga kami madalas mag-away ni Elias ay dahil sa kaniya, halata naman kasing hindi niya pa rin matanggap na ako ang pinili ni Elias kaysa sa kaniya," sabi ko."Eh a
Last Updated : 2025-01-13 Read more