ILANG sandaling tulala si Yana habang nakatitig pa rin sa gulat ding mukha ni Matilda. Wala na siyang kawala. Hindi na rin nakapagsinungaling ang lolo niya, marahil ay nawala na rin sa isip ang usapan nila.“Ah, oo, siya si Yana, ang nag-iisa kong apo,” pakilala pa ng ginoo.Animo nabuhusan ng malamig na tubig ang ginang, naging uneasy. “Apo n’yo pala siya. Kaibigan siya ng anak ko,” ani Matilda.Napatitig sa kan’ya ang ginoo, napapaisip din.“Excuse me po sandali, kakausapin ko lang ang lolo ko,” apela niya. Hinila niya palayo ang wheelchair ng lolo niya.“Ano’ng problema, Apo?” tanong ng ginoo.Lumapit pa siya rito at bumulong. “Lo, nakalimutan n’yo na ba na anak ni Lolo Delfin si Matilda? Hindi dapat niya malaman na ikinasal ako kay Alexis. At saka baka pilitin niya kayo na pakasalan ako ng anak niya.”Napahilot sa sintido nito ang ginoo. “Sorry, I forgot, hija. Huwag kang mag-alala. Kahit anong mangyari, hindi ako kakagat sa business proposal ni Matilda. Sasabihin ko na lang na ma
Terakhir Diperbarui : 2024-12-14 Baca selengkapnya