All Chapters of Secretly Married To A Heartless CEO: Chapter 21 - Chapter 30

68 Chapters

Chapter 21

“HI! Sorry, I’m late, na-trap ako sa traffic. Late na tuloy ang dinner mo. It’s for you,” sabi ni Jeo sabay abot ng paper bag sa kan’ya.Matabang siyang ngumiti ngunit kinuha ang paper bag. “Salamat pero hindi ka na sana nag-abala pa. Ang totoo kasi ay kumain na ako. Nagluto ako kanina,” aniya.“No problem. Puwede mo namang ipainit ang food bukas. May ref ka naman.”“Oo. Pasensiya na, hindi kita maimbitang makapasok, narito na kasi ang roommates ko. At saka gabi na, baka magalit ang namamahala ng apartment.”“Naintindihan ko. Hindi mo kasi ako pinagbigyan sa dinner invitation ko kaya naisip kong dalhan ka na lang ng food.”“Salamat. Pasensiya na rin. Ang dami ko kasing labahin at katatapos ko lang maglaba.”“Gano’n ba? Magpahinga ka na pala. See you tomorrow. Good night!”“Good night! Ingat ka.”Tumango lang ang binata saka lumisan.Kaaagad niyang isinara ang pinto. Pagkuwan ay napatingin siya kay Alexis na nakatayo lang sa gilid ng pintuan at humalukipkip, masama ang tingin sa kan’ya
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Chapter 22

UMINIT ang bunbunan ni Alexis nang maaktuhan si Lexy na pinapakialaman ang kaniyang cellphone. Sinagot nito ang tawag para sa kan’ya. Katatapos lang niyang maligo sa banyo ng hotel suite na inukupa niya. Nilapitan niya ang babae at inagaw rito ang cellphone.“Get out!” pagtataboy niya rito.Ito ang nag-book ng hotel suite niya at may access ito dahil dalawang card ang binigay ng staff ng hotel. May sarili naman itong suite.Lumapit pa ito sa kan’ya at marahang pinaglandas ang mga daliri sa nahantad niyang dibdib. He just wrapped his lower body with towel.“Why are you so mean to woman, Alexis. Para namang hindi ka na-in love. Napagod tayo sa maghapong pakikitungo sa mga kilyentente, why not save this night to relax? I missed speding the night with you,” anito.Hinuli niya ang kamay nito at marahas na naitulak. “I need to go back to Manila. You can stay here if you want,” aniya. Iniwasan niya ito.“Hindi na kita maintindihan. May itinatago ka ba sa akin? O baka naman may nakilala kang
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more

Chapter 23

“MOM! Why are you here all of a sudden?” iretableng tanong ni Jeo sa ina. Nilapitan nito ang ginang.”“What kind of question is that, Jeo? You brought a woman here, another woman! I told you to stop flirting woman!” palatak ng ginang.Napabuga ng hangin ang binata. “Ayan na naman kayo, eh. Kailan n’yo ba ako titigilan?”“Kapag nakapili ka na ng babaeng deserving. Puro ka kasi laro, eh.”“Mom, I’m not flirting anymore. I’m seriously dating a woman.”Pagkasabi nito’y muling nahagip ng paningin ng ginang si Yana. Sinuyod pa siya nito ng tingin na may panghuhusga.“You’re wasting your time, hijo. Saan mo naman nakilala ang babaeng ‘yan?” anito.“She’s an employee from the ZT Holdings. Don’t judge her, please.”Tumawa nang pagak ang ginang at namaywang. “You’re kidding, right? Pababa nang pababa naman ata ang standard mo sa babae?”Umigting ang panga ni Jeo. “Mom, please!”Tumikwas naman ang isang kilay ni Yana pero pinakita pa rin ang respeto sa ginang.Hinila ng ginang sa kanang braso si
last updateLast Updated : 2024-11-20
Read more

Chapter 24

HINDI matahimik ang isip ni Yana at naglalaro lang sa mga sinabi ni Alexis. Malinaw sa pag-intindi niya na okay lang kay Alexis na magkaanak sila. Siya naman itong nataranta at hindi makumbinsi ang sarili kung handa na ba siyang magkaanak. Malayo pa kasi iyon sa plano niya.Nakahiga na siya sa kama ngunit nalipasan na siya ng antok. Nang pumasok si Alexis ay mariin siyang pumikit, nagkunwaring tulog. Pinakiramdaman lang niya ang kilos nito. Pumasok na ito ng banyo.Ginugupo na siya ng antok nang biglang lumundo ang kama sa kaniyang tabi. Pipihit pa lamang sana siya sa likuran nang maramdaman ang presensiya ni Alexis sa kaniyang tabi. Nagkunwari na lamang siyang tulog kahit tila sasabog ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.“Let me try if I can sleep with you,” bulong nito sa kan’yang tainga.Umungol siya sabay pihit paharap sa asawa. Isinampa niya ang isang paa sa mga hita nito at yumakap dito. Ang bangu-bango nito. Dinig niya ang paghinga nito.“Yana….” sambit nito, til
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more

Chapter 25

HINDI malaman ni Yana ang gagawin nang tuluyang pinapasok ng mama niya si Jeo. Todo asikaso pa ito sa binata.“Tutal ay narito ka na rin, sabay na tayong maghapunan. May baon kaming ulam,” sabi nito.Wala namang angal si Jeo at tila gusto pa ang ginagawa ng mama niya.“T-Teka lang, may trabaho po si Jeo, Ma. Hindi siya puwedeng magtagal dito,” apela niya.“Ano ba? Linggo ngayon, no! Bakit hinahayaan mong magtrabaho ang asawa mo, eh dapat nagpapahinga siya. Halika na rito at ako’y nagugutom na,” ani Loisa.Naiinis siya dahil hindi man lang itinama ni Jeo ang maling akala ng kaniyang ina. Enjoy na enjoy pa itong pinagsisilbihan ng mama niya.“Pamilyar sa akin ang mukha mo, hijo. Ikaw ba ‘yong model na nasa reality show tuwing Sabado?” usisa ni Loisa.“Yes, po. Part-time host po ako ng show at nagmomodel ako sa fashion brands,” ani Jeo.“Wow! Sabi ko na nga ba, eh! Ikaw talaga, Yana!” Natapik ng ginang ang braso ng anak. “Hindi mo naman sinabing sikat at napakapogi pala nitong asawa mo.”
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more

Chapter 26

“PUWEDE kang pupunta sa apartment ko pero huwag ka roon matutulog. Wala kang matutulugang iba,” ani Yana nang mahimasmasan.“Don’t tell me kasama mo sa kuwarto ang mama mo,” ani Alexis.“H-Hindi. Pero kung doon ka matutulog, obligado tayong magtatabi sa kama kasi magdududa si Mama. Isa pa, kailangan mong umarte na mabait ka sa akin at maasikaso kasi kung hindi, pipilitin ni Mama na hiwalayan kita.”Napailing si Alexis. “Why are you still defending on your mother’s decision?” angal nito.“Eh, gano’n talaga. Alam ni Mama na arranged marriage ang kasal natin, kaya mag-e-expect siya na hindi tayo nagmamahalan siyempre. Kailangan nating ipakita na masaya tayo sa kasal.”“That’s not a problem.”“Ano’ng hindi problema? Kaya mo bang maging sweet sa akin?”“I will try.”“Nako! Wala akong tiwala sa I will try mo na ‘yan.”“Just trust me, Yana.”Inirapan niya ang asawa habang nilalantakan ang pagkain. Mayamaya ay may naisip siyang ideya.“Ah, Alexis, kung gusto mong magustuhan ka ni Mama, mag-pr
last updateLast Updated : 2024-11-23
Read more

Chapter 27

“ARE you done eating?” tanong ni Lexy nang makalapit kay Alexis. “Tikman mo itong mango cake na binili ko, sobrang sarap,” anito.“Thanks,” ani Alexis.Nai-imagine ni Yana na tinanggap ni Alexis ang pagkain mula kay Lexy. Sa inis niya’y pinisil niya ang kanang hita nito.“Ugh!” daing nito. Pumiksi ito at ibinaba ang isang kamay para lang tapikin ang kamay niya.“What’s wrong?” natataranta namang tanong ni Lexy.“Nothing. May langgam na kumagat sa binti ko.”“Langgam? Hindi ata nalinis nang maayos ang office mo,” sabi ni Lexy.“Ipapalinis ko na lang mamaya.”Lalong nairita si Yana at pinanindigan na langgam nga siya. Kinurot niya ang hita ng kaniyang asawa. Nagulat pa ito at kamuntik na siyang masipa. Naiwaksi siya ng isang hita nito pero mabilis siyang kumapit sa binti nito.“Salamat sa cake. I will eat it later,” pagkuwan ay sabi ni Alexis sa kausap.“Mukhang kinagat ka na naman ng langgam. Let me help you clean your table,” ani Lexy.“N-No need! You may leave!” Nagtaas na ng tinig s
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 28

BUMALIKWAS ng tayo si Yana nang maisip na baka si Jeo ang bisita. “Ah, sandali lang,” aniya. Tumakbo na siya patungong lobby ngunit nabuksan na ng mama niya ang pinto.Napawi ang kaniyang kaba nang makitang driver ng lolo niya ang dumating, may dalang itim na paper bag, na malamang ay pagkain ang laman.“Magandang gabi po, ma’am!” bati ng ginoo.“Ikaw pala, Kuya Larry,” aniya.“Sino siya, Anak? Huwag mo sabihing manliligaw mo rin ‘yan,” sabad naman ni Loisa.Nasiko niya sa tagisilan ang ginang. “Mama naman. Driver siya ni Lolo, naghahatid palagi ng pagkain sa akin galing kay Lolo.”Inabot sa kan’ya ng lalaki ang bag. “Mauna na po ako,” paalam nito.“Sige po, salamat!”Hinila na niya papasok ang kaniyang ina pero hindi kaagad sila bumalik sa kusina.“Ma, huwag n’yo pong babanggitin si Jeo kapag kaharap si Alexis. Magagalit ‘yon at magseselos,” bulong niya sa ina.Nanlaki ang mga mata ng ginang at natutop ng palad ang bibig. “Nawala sa isip ko, Anak. Ibig mo bang sabihin, hindi alam ng
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 29

HINDI magawang bitawan ni Yana ang kaniyang cellphone dahil hindi pa siya tapos sa pagtipa ng kaniyang reply kay Jeo.Mayamaya ay inagaw ni Alexis sa kamay niya ang cellphone at inilapag sa mesita. Lalo lamang siyang natigilan nang higpitan pa nito ang pagkakayapos sa kaniyang baywang. Nang mahimasmasan ay pumiglas siya.“Ano ba! Ang init!” reklamo niya.Hindi siya nito pinakawalan. “Don’t move. Kabubukas ko lang ng air-con at mamaya ay lalamig na. Baka biglang papasok ang mama mo at mapansing hindi tayo okay matulog,” sabi nito.“Hindi siya basta papasok dito. Nai-lock ko naman ang pinto.”“Kahit na. Mas mabuti ng handa tayo.”Sinimulan na ni Alexis ang pag-arte kaya nakaisip siya ng kapilyahan. Pumihit siya paharap sa kan’yang asawa. Bahagya itong nakayuko kaya nagbungguan ang mga noo nila. Nagulat ito at biglang dumestansiya.“Oh, ngayon, takot ka namang magkalapit ang mga mukha natin,” angil niya.“You’re abusing this chance, Yana. Nag-a-adjust ako kahit hindi ako sanay na may kat
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 30

“AYAW kong magtrabaho si Mama. Bibigyan ko na lang siya ng puhunan para sa negosyong gusto niya,” sabi ni Yana para lang mapigil ang ina na mapalapit sa pamilya ni Jeo.“Wala pa akong maisip na negosyo, Anak,” ani Loisa.“Habang wala pa po kayong naisip na negosyo, magtrabaho muna kayo sa akin. Tuturuan ko rin kayo sa business,” sabad naman ni Jeo.Hindi na siya mapakali. May kakulitan pa naman ang mama niya, gusto lang nito ang masunod. Niyaya pa nito si Jeo na magmeryenda mabuti tumanggi ang binata.“Gabi na po, baka maabutan ako ng curfew ng apartment,” sabi nito.“Sige, hijo. Tawagan na lang kita para malaman kung kailan ako makapasok sa trabaho,” ani Loisa.Hinatid pa ng ginang sa labas ang binata.Samantalang pumipintig na ang sintido ni Yana sa stress. Nagsisi siya bakit kinuha pa niya ang ina. Pumasok na siya ng kusina at inasikaso ang pinamili ng mama niya.Mayamaya ay bumalik ang kaniyang ina, si Alexis naman ang kasama. Nataranta na siya.“Linisin mo muna ang isda, Anak. Ak
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status