Share

Chapter 29

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2024-11-27 13:15:03

HINDI magawang bitawan ni Yana ang kaniyang cellphone dahil hindi pa siya tapos sa pagtipa ng kaniyang reply kay Jeo.

Mayamaya ay inagaw ni Alexis sa kamay niya ang cellphone at inilapag sa mesita. Lalo lamang siyang natigilan nang higpitan pa nito ang pagkakayapos sa kaniyang baywang. Nang mahimasmasan ay pumiglas siya.

“Ano ba! Ang init!” reklamo niya.

Hindi siya nito pinakawalan. “Don’t move. Kabubukas ko lang ng air-con at mamaya ay lalamig na. Baka biglang papasok ang mama mo at mapansing hindi tayo okay matulog,” sabi nito.

“Hindi siya basta papasok dito. Nai-lock ko naman ang pinto.”

“Kahit na. Mas mabuti ng handa tayo.”

Sinimulan na ni Alexis ang pag-arte kaya nakaisip siya ng kapilyahan. Pumihit siya paharap sa kan’yang asawa. Bahagya itong nakayuko kaya nagbungguan ang mga noo nila. Nagulat ito at biglang dumestansiya.

“Oh, ngayon, takot ka namang magkalapit ang mga mukha natin,” angil niya.

“You’re abusing this chance, Yana. Nag-a-adjust ako kahit hindi ako sanay na may kat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Erlinda Pacardo
cge alexies more more
goodnovel comment avatar
josephine
hahaha naka sisid na c Alexis
goodnovel comment avatar
PrincessDenise Tobias
awiiiiiit haha.naka score na si Alexis may kasunud pa yana maghanda ka haha.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 30

    “AYAW kong magtrabaho si Mama. Bibigyan ko na lang siya ng puhunan para sa negosyong gusto niya,” sabi ni Yana para lang mapigil ang ina na mapalapit sa pamilya ni Jeo.“Wala pa akong maisip na negosyo, Anak,” ani Loisa.“Habang wala pa po kayong naisip na negosyo, magtrabaho muna kayo sa akin. Tuturuan ko rin kayo sa business,” sabad naman ni Jeo.Hindi na siya mapakali. May kakulitan pa naman ang mama niya, gusto lang nito ang masunod. Niyaya pa nito si Jeo na magmeryenda mabuti tumanggi ang binata.“Gabi na po, baka maabutan ako ng curfew ng apartment,” sabi nito.“Sige, hijo. Tawagan na lang kita para malaman kung kailan ako makapasok sa trabaho,” ani Loisa.Hinatid pa ng ginang sa labas ang binata.Samantalang pumipintig na ang sintido ni Yana sa stress. Nagsisi siya bakit kinuha pa niya ang ina. Pumasok na siya ng kusina at inasikaso ang pinamili ng mama niya.Mayamaya ay bumalik ang kaniyang ina, si Alexis naman ang kasama. Nataranta na siya.“Linisin mo muna ang isda, Anak. Ak

    Last Updated : 2024-11-28
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 31

    UPANG pagtakpan ang hindi magandang senaryo ay hinaplos ni Yana ang pisngi ni Alexis, kunwari may pinahid na pawis.“Pinagpapawisan ka na, honey. Naiinitan ka ba rito sa kusina? Buksan natin ang aircon,” sabi niya.Kumalma naman si Alexis at sumakay sa trip niya. “I’m fine. Nakabukas kasi ang oven kaya mainit. Electric fan na lang ang buksan mo,” sabi nito.“Sige.” Lumapit naman siya sa stand fan at binuksan. “Papasukin mo na lang ang guwardiya para madala ang groceries dito, Ma,” pagkuwan ay sabi niya sa ina.Nakatayo lang ang ginang sa bukana ng pintuan. “Sige, papasukin ko na,” anito. Bumalik ito sa lobby.Mayamaya ay pumasok ang dalawang lalaki buhat ang dalawang kahong groceries. Lumabas din ang mga ito. Binuksan na niya ang mga kahon at inilabas ang laman.“Ito ang ebidensiya bakit ako natagalan sa labas. Paranoid ka na, Alexis. Palibhasa gawain mong magloko,” palatak niya.Nilingon siya ni Alexis, masama pa rin ang mood. “I’m confidently not violating the marriage rules, Yana.

    Last Updated : 2024-11-29
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 32

    NIYUGYOG ni Yana ang braso ni Alexis para tumigil ito sa pan-uusig sa ina.“Ah, what are you talking about, Alexis? Nothing wrong with our family,” ani Alessandra. Halata pa rin ang pagkabalisa sa mukha nito.Magsasalita sana si Alexis pero sinubuan ito ni Yana ng tinalupan niyang hipon. “Kumain ka pa, honey. Baka abutin tayo ng hating gabi rito sa bagal mong kumain,” sabi niya.Tinitigan lang siya ni Alexis.“What’s the matter, Alexis? Are you questioning the reputation of our family?” sabad naman ni Delfin.“No, Grandpa. I’m just curious why some people hates our family. Hindi naman siguro magtatanim ng galit ang tao kung hindi napurwesyo,” ani Alexis.“I can’t blame you, but how come Yana’s mother hates our family?”“Maybe she experienced unpleasant treatment from one of our family members. Yana’s mother once worked with our company. At pinupuntera ng inis niya ay ako. Now, she favors her daughter’s decision to marry me. I can’t blame her, either. I just want to know why her hatred

    Last Updated : 2024-11-30
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 33

    “YANA?” tawag ni Alexis.Napakislot si Yana at nabitawan ang wallet size na picture na nakuha niya sa loob ng malaking flower vase. May nakatulos ditong artificial purple roses. Naisiksik niya sa bulsa ng kaniyang pants ang picture at hinarap si Alexis.“Aalis na ba tayo?” tanong niya.“Yes. Mauna ka na sa kotse. Magpapaalam lang ako kay Lolo,” anito.Tumango naman siya at nagpatiunang umalis. Palabas na siya nang muling nilingon ang kaniyang asawa. Inutusan nito ang kawaksi na itapon ang artificial na bulaklak.Nang lulan na siya ng kotse sa backseat ay muli niyang tiningnan ang picture na nakuha niya sa vase. Picture ito ni Alexis na may kasamang magandang babae. Masaya si Alexis sa picture. Hindi naman si Lexy ang babae. Hindi niya maintindihan bakit may munting kirot siyang nararamdaman sa puso habang nakatitig sa larawan.Naisip niya na maaring dating gilfriend ni Alexis ang babaeng kasama nito sa picture. Ibinulsa niyang muli ang larawan nang sumakay na rin si Alexis. Inutusan n

    Last Updated : 2024-12-02
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 34

    NAGULAT si Yana nang mabalitaang tinanggal sa pagiging OIC ng production department si Jenny. Inilipat ito sa admin office.“Sino ang nagtanggal kay Jenny?” tanong niya kay Salina nang patungo na sila sa locker room. Lunch break na at late na sila dahil tinapos ang unang batch ng processed meat.“Sabi ang CEO raw ang nagpalipat,” sabi naman ni Salira.Hindi niya alam kung matutuwa siya o kakabahan. At least nabasa ni Alexis ang sumbong niya at hindi niya akalaing aaksiyunan nito ang reklamo niya. Lihim siyang nagdiwang dahil sa wakas ay may concern na sa kan’ya ang kaniyang asawa.“Ibig sabihin ay walang nagawa si Ms. Lexy para depensahan si Jenny?” aniya.“Malamang wala. Ano ba ang laban niya sa CEO?”“Kung sa bagay.”Mayamaya ay siniko siya ni Salina sa balikat. Napaharap siya rito. “Bakit?” ‘takang tanong niya.“Nagtataka lang ako kasi kapag ikaw ang inagrabyado ng mga OIC, naaaksiyunan ng CEO o kaya ni Sir Jeo ang problema. Ang lakas mo sa kanila, ah. Gusto ko tuloy mainggit.”Nap

    Last Updated : 2024-12-03
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 35

    PAGDATING sa Archita mansion ay dumiretso sila sa dining area. Naghihintay na roon ang lolo ni Yana sa harap ng lamesang puno ng pagkain. Kagaad siyang nagmano sa ginoo at humalik sa pisngi nito.“Pasensiya na, natagalan kami, Lo. Late na rin kasi sinabi ni Alexis na may dinner tayo. Nag-overtime rin kasi ako sa trabaho kanina,” sabi niya nang makaupo sa harap ng pagkain katabi si Alexis.“It’s okay, hija. Wala naman akong ibang pinagkaabalahan kanina at ayos lang maghintay,” ani Orlando.“Ano po pala ang pag-uusapan natin?” pagkuwan ay tanong niya.“Uh, tungkol sa progress ng company’s rights. Ngayong naayos na ang papeles at ikaw na ang owner ng kompanya, gusto kong maglaan ka ng sapat na oras upang gampanan ang tungkulin mo. Huwag kang mag-alala, hanggat kaya kong magtrabaho, ako pa rin ang magdedesisyon. Our company needs more investors and stable partnerships with huge companies. Actually, I have three prospective partners from those famous investment companies. They have already

    Last Updated : 2024-12-04
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 36

    LINGGO ng hapon ay pinuntahan nila Yana at Alexis ang property na nabili nito. Sumama rin ang mama niya at excited makita ang lugar. Malapit sa ZT Holdings building ang property at dating bar at grill house. Luma na ang gusali kaya kailangang ma-renovate. Five hundred square metters ang lawak ng lupain.“Dito na tayo magtayo ng bahay, Anak, sa bandang likod. Malawak pa naman ang space,” sabi ng mama niya.Dalawang palapag ang lumang gusali at tabing kalsada.“Kayo po ang bahala. Mas maganda ata tibagin na lang ang lumang gusali kasi sabi ni Alexis ay maraming pitak sa dingding,” aniya.“Eh, malaki ang magastos.”“Huwag n’yo pong isipin ang gastos. May three million budget ako at magdagdag pa si Alexis. Sagot na niya ang manpower sa conctruction.”“Talaga? Eh, paano ang puhunan sa negosyo?”“Kami na po ang bahala. Once natapos na ang restaurant, saka tayo mamimili ng mga gamit.”“Huwag masyadong malaki ang restaurant, Anak. Gusto ko merong garden dinning area katulad niyong restaurant

    Last Updated : 2024-12-05
  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 37

    BINITAWAN din ni Alexis ang kamay ni Yana at dinipensahan ang maling hakbang. “Lexy was right. Your care for one employee might trigger another’s jealousy. It happens repeatedly in our company, and I won’t allow it to happen again. You caused trouble because you’re too warm to women,” anito.Tumawa nang pagak si Jeo. “You finally noticed your surroundings. If I triggered other women's jealousy, I wouldn’t feel sorry for them. My actions have nothing to do with them. I only care for people's choices, and you can’t dictate to me what to do. Isa pa, bakit ba kilos ko lang ang binabantayan n’yo? Mali bang magmalasakit ako sa mababang empleyado? Guilty kayo kasi hindi n’yo magawa ang nagagawa ko. Masyado kasi kayong entitled. I’m wasting my time here. Let’s go, Yana!”Napasunod si Yana kay Jeo pero bumitiw rin siya sa kamay nito. “Pasensiya na, Jeo. Kailangan ko na pumasok sa trabaho,” paalam niya.“Maaga pa. Kumain ka na ba?” anito.“Tapos na. Aagahan ko ang trabaho para marami akong mata

    Last Updated : 2024-12-06

Latest chapter

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 62

    TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 61

    NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 60

    KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,

DMCA.com Protection Status