MARIING kumuyom ang kamao ni Alexis habang hinahabol ng tingin si Jeo kasama si Yana. He felt disgusted with himself for not doing anything to protect his wife. He’s almost lost his sanity these few days when he was distracted by something from the past.Lumabas din siya at bumalik sa kaniyang opisina. Sinundan siya roon ni Lexy na nanggagalaiti pa rin.“Hindi ka ba naaalarma sa pinaggagawa ni Jeo, Alexis? He’s ruining the rules!” anito.“Jeo was right. Yana’s issue is not a big deal.”“Ano? Pati ba naman ikaw naniniwala sa sinungaling na babaeng ‘yon? She intended to take home the existing patties!”Hinarap niya ang babae at tuluyang uminit ang bunbunan niya. Gigil na nga siya kay Jeo, dumagdag pa ito.“How dare you accuse the woman who can buy the entire ZT Holdings?” he said without thinking about the consequences.“What did you say?” gilalas na untag ni Lexy.Nahimasmasan din siya. “Nothing. You may leave now. Asikasuhin mo ang delayed delivery ng processed meat. I need the positi
HINDI pinansin ni Yana ang sinabi ni Jeo. Niyaya na niya ito palapit sa engineer na kausap ng Mama niya. Natibag na ang lumang establishment at sisimulan na rin ang bagong construction.Ayaw paawat ng kaniyang kaba dahil hindi pa umaalis si Jeo. Kausap ito ng kaniyang ina. Alas sais na ng hapon, tiyak na parating na roon si Alexis. Hindi ito sumasagot sa tawag niya pero may chat. Nasa opisina umano ito ng kompanya nila at may tinapos na paperwork.Hindi ito bumalik sa ZT office, naroon pala sa kompanya nila. Todo dasal siya na sana’y huwag maabutan ni Alexis si Jeo. Niyaya pa sila ng binata na maghapunan sa restaurant nito.“Kayo na lang ni Mama ang kumain. May pupuntahan lang ako,” sabi niya.“Oo nga pala, pupunta ka sa lolo mo,” ani Loisa.Napatingin sa kan’ya si Jeo. “Narito ba sa Maynila ang lolo mo, Yana?” tanong nito.Nataranta na naman siya. “Ah, oo, nagbakasyon,” mabilis niyang sagot.Bago mabulabog ang kasinungalingan niya ay nagpaalam na siya sa ina. Nag-chat siya kay Alexis
HABANG tumatagal ay lalong lumalalim ang talab ng alak sa katawan ni Yana. Uminit na ang kaniyang pakiramdam.“Ugh! Ang init!” sigaw niya habang nagpupumiglas sa bisig ni Alexis.“You take a bath first,” anito.Dahil sa impluwensiya ng alak ay naging malikot ang kaniyang isip, naisip din ang mga bagay na bumabagabag sa kaniyang damdamin.“Alexis, alam ko mahal mo pa rin siya,” sabi niya.Patungo na sila sa kaniyang kuwarto.“What are you talking about?” anito.“Alam ko na may babae kang minahal noon. Kaya ayaw mo ng strawberry at purple dahil sa babaeng ‘yon, ano? Hindi ko alam kung bakit kayo naghiwalay, pero natitiyak ko na sobrang mahal mo siya kasi ayaw mo na magmahal ulit. Ibig sabihin, hindi mo siya kayang palitan.”“You’re talking nonsense.”Kinapa niya ang mukha ni Alexis at natigil ang kamay niya sa bibig nito. “Sss, huwag ka na magkunwari. Hindi ako umaasang mamahalin mo ako kasi may laman pa ang puso mo, at hindi mo siya kayang kalimutan. I know hating someone sometimes bec
WALANG dalang scooter si Yana kaya nag-abang siya ng jeep sa waiting shed sa labas ng ZT Holdings. Kaya naman niyang lakarin hanggang apartment ngunit tinatamad na siya. Napagod siya sa ilang batch na mixture ng patties. Umupo siya sa bench at nagtipa sa cellphone. Nag-chat siya kay Alexis at sinabing naghihintay siya sa labas. Nag-reply naman ito.Alexis: “Mag-taxi ka na lang. May tatapusin akong paperwork. I will be late.”Nakasimangot siyang tumayo at lumabas ng waiting shed. Papara na sana siya ng taxi nang may itim na kotseng huminto sa tapat niya. Kumabog ang dibdib niya nang malamang si Jeo ang sakay ng kotse. Bumaba ang bintana sa tabi ng driver.“You’re still here, Yana. I’ll drive you home. May ibibigay rin ako sa mama mo,” sabi nito.Nagatungan ang kaniyang kaba. “Uh…. salamat pero pupunta pa akong palengke. Baka matagalan ako.”“Walang problema. Sasamahan kita.”“Huwag na!” mariing tanggi niya.Bumaba pa si Jeo at nilapitan siya. Sumandal ito sa gilid ng kotse at humalukip
MULING uminom ng tubig si Yana upang mapakalma ang kaniyang kaba. Pagkuwan ay tumayo siya at hinarap si Alexis.“Uhm, tumawag ang tito ko, kinukumusta si Mama,” palusot niya.Inusig pa rin siya ng tingin ni Alexis. “Do you have fresh milk?” pagkuwan ay tanong nito.“Meron, kabibili ko lang kanina. Sandali, kukuha ako ng gatas at ipapainit sa microwave. Hintayin mo na lang ako sa kuwarto.”Walang imik namang lumabas si Alexis.Nagsalin siya ng gatas sa dalawang baso at ipinasok sa microwave upang uminit. Iinom din siya nito upang mabilis siyang makatulog. Nang mainit ang gatas ay inubos muna niya ang sa kan’ya. Pagkuwan ay dinala niya ang isang baso sa kuwarto at ibinigay kay Alexis.Nakaupo na ito sa kama at hawak ang cellphone. Umupo siya sa tabi nito at mas malapit. Pasimple niyang sinisilip ang cellphone nito. Kumabog ang dibdib niya nang mapansing nakabukas ang social media account ni Alexis. Napa-paranoid na siya.“Updated ka ba sa showbiz balita, honey?” tanong niya.“I’m not in
KATATAPOS lang pumirma ni Alexis sa maraming papeles at nanakit ang kaniyang kamay. Hindi siya nakakain nang maayos kaya lumabas siya ng opisina upang magpaluto ng meryenda sa cafeteria.May iilang empleyadong naka-break sa cafeteria. Alas tres na rin kasi ng hapon. Lumapit siya sa counter at nagpaluto ng pasta. Hindi pa nakauwi ang cook kaya nautusan niya.“Paki-deliver na lang sa office ko,” sabi niya sa staff.“Yes, sir,” tuwan naman ng babae.Palabas na siya nang mapansin ang nag-uumpukang admin staff sa iisang lamesa. Abala ang mga ito sa pagtutok sa mga cellphone habang nagbubulungan. Narinig niya ang pangalan ni Yana kaya natukso siyang lumapit.“Totoo ba ‘to? Talaga palang nililigawan ni Sir Jeo si Yana?” sabi ng isang babae.“Totoo, umamin na si Sir Jeo after ng trending post ng showbiz news. Nagdi-date na raw sila,” gatong naman ng bakla.“OMG! Heartbroken ang mga bakla!”“May magwawala na naman nito.”Pumanting ang tainga niya at hindi nakapagtimpi, inabala ang mga tsismosa
HINDI mapakali sa upuan si Yana at hindi alam kung paano kakausapin si Alexis. Todo kapit siya sa upuan dahil halos paliparin na ng kaniyang asawa ang sasakyan. Mariin siyang pumikit.“Dahan-dahan lang, please,” samo niya.Bumagal lang ang takbo nila nang mapunta sa traffic. “You allowed this to happen. Now, only you can fix the mess,” sabi nito.“Ano? Hindi ko kontrolado si Jeo. Ilang beses ko nang sinabi sa kan’ya na magkaibigan lang kami.”“You’re a fool! Sinabi ko na sa ‘yo na hindi makikinig sa ‘yo si Jeo! Gusto lang niyaa ng masunod. He’s obsessive, at hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya! The best thing to do, iwasan mo siya. Ang tigas din kasi ng ulo mo!”“Oo na, kasalanan ko na! Bakit ba galit na galit ka na para bang ikaguguho ng mundo mo ang nangyari?”“I’m reaching that point, Yana. Jeo wasn’t just ruining my plan, but he’s about to steal you from me!”Natitigilang tumitig siya kay Alexis. “P-Paano mo nasabi ‘yan? Hindi pa naman alam ni Jeo na apo ako n
KALALABAS lang ni Alexis sa opisina at nakailang tawag na siya kay Yana. Hindi ito sumasagot. Pagdating sa lobby ay pumasok ang driver nito.“Where’s Yana?” tanong niya.“Hindi pa po siya lumalabas, sir,” turan ng lalaki.“What?”Alas sais pasado na, wala namang overtime ng Friday sa production area. Ginupo na siya ng kaba. Namataan niya si Jeo na tumakbo papasok ng production building, may kasunod na guwardiya.Tumakbo na rin siya pasunod ito. Tinatawag ni Jeo si Yana. Nawalan ng kuryente sa gusali kaya madilim. Hindi siya makatakbo nang mabilis dahil sobrang dilim. Tinawagan niya ang engineering department at pinaayos ang linya ng kuryente.Nang makapasok siya sa meat processing area ay biglang bumalik ang ilaw. Namataan niya si Jeo na lumabas ng storage room karga si Yana, walang malay. Sumugod siya rito at akmang aagawain ang kaniyang asawa ngunit naitulak siya ni Jeo.“What are you doing? Get out on my way!” asik nito.“Leave her to me!” aniya. Nawala na sa isip niya ang pinuprot
ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le
TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria
NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,
DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth
AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs
TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na
TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na
NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam
KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,