NAGULAT si Yana nang mabalitaang tinanggal sa pagiging OIC ng production department si Jenny. Inilipat ito sa admin office.“Sino ang nagtanggal kay Jenny?” tanong niya kay Salina nang patungo na sila sa locker room. Lunch break na at late na sila dahil tinapos ang unang batch ng processed meat.“Sabi ang CEO raw ang nagpalipat,” sabi naman ni Salira.Hindi niya alam kung matutuwa siya o kakabahan. At least nabasa ni Alexis ang sumbong niya at hindi niya akalaing aaksiyunan nito ang reklamo niya. Lihim siyang nagdiwang dahil sa wakas ay may concern na sa kan’ya ang kaniyang asawa.“Ibig sabihin ay walang nagawa si Ms. Lexy para depensahan si Jenny?” aniya.“Malamang wala. Ano ba ang laban niya sa CEO?”“Kung sa bagay.”Mayamaya ay siniko siya ni Salina sa balikat. Napaharap siya rito. “Bakit?” ‘takang tanong niya.“Nagtataka lang ako kasi kapag ikaw ang inagrabyado ng mga OIC, naaaksiyunan ng CEO o kaya ni Sir Jeo ang problema. Ang lakas mo sa kanila, ah. Gusto ko tuloy mainggit.”Nap
PAGDATING sa Archita mansion ay dumiretso sila sa dining area. Naghihintay na roon ang lolo ni Yana sa harap ng lamesang puno ng pagkain. Kagaad siyang nagmano sa ginoo at humalik sa pisngi nito.“Pasensiya na, natagalan kami, Lo. Late na rin kasi sinabi ni Alexis na may dinner tayo. Nag-overtime rin kasi ako sa trabaho kanina,” sabi niya nang makaupo sa harap ng pagkain katabi si Alexis.“It’s okay, hija. Wala naman akong ibang pinagkaabalahan kanina at ayos lang maghintay,” ani Orlando.“Ano po pala ang pag-uusapan natin?” pagkuwan ay tanong niya.“Uh, tungkol sa progress ng company’s rights. Ngayong naayos na ang papeles at ikaw na ang owner ng kompanya, gusto kong maglaan ka ng sapat na oras upang gampanan ang tungkulin mo. Huwag kang mag-alala, hanggat kaya kong magtrabaho, ako pa rin ang magdedesisyon. Our company needs more investors and stable partnerships with huge companies. Actually, I have three prospective partners from those famous investment companies. They have already
LINGGO ng hapon ay pinuntahan nila Yana at Alexis ang property na nabili nito. Sumama rin ang mama niya at excited makita ang lugar. Malapit sa ZT Holdings building ang property at dating bar at grill house. Luma na ang gusali kaya kailangang ma-renovate. Five hundred square metters ang lawak ng lupain.“Dito na tayo magtayo ng bahay, Anak, sa bandang likod. Malawak pa naman ang space,” sabi ng mama niya.Dalawang palapag ang lumang gusali at tabing kalsada.“Kayo po ang bahala. Mas maganda ata tibagin na lang ang lumang gusali kasi sabi ni Alexis ay maraming pitak sa dingding,” aniya.“Eh, malaki ang magastos.”“Huwag n’yo pong isipin ang gastos. May three million budget ako at magdagdag pa si Alexis. Sagot na niya ang manpower sa conctruction.”“Talaga? Eh, paano ang puhunan sa negosyo?”“Kami na po ang bahala. Once natapos na ang restaurant, saka tayo mamimili ng mga gamit.”“Huwag masyadong malaki ang restaurant, Anak. Gusto ko merong garden dinning area katulad niyong restaurant
BINITAWAN din ni Alexis ang kamay ni Yana at dinipensahan ang maling hakbang. “Lexy was right. Your care for one employee might trigger another’s jealousy. It happens repeatedly in our company, and I won’t allow it to happen again. You caused trouble because you’re too warm to women,” anito.Tumawa nang pagak si Jeo. “You finally noticed your surroundings. If I triggered other women's jealousy, I wouldn’t feel sorry for them. My actions have nothing to do with them. I only care for people's choices, and you can’t dictate to me what to do. Isa pa, bakit ba kilos ko lang ang binabantayan n’yo? Mali bang magmalasakit ako sa mababang empleyado? Guilty kayo kasi hindi n’yo magawa ang nagagawa ko. Masyado kasi kayong entitled. I’m wasting my time here. Let’s go, Yana!”Napasunod si Yana kay Jeo pero bumitiw rin siya sa kamay nito. “Pasensiya na, Jeo. Kailangan ko na pumasok sa trabaho,” paalam niya.“Maaga pa. Kumain ka na ba?” anito.“Tapos na. Aagahan ko ang trabaho para marami akong mata
MARIING kumuyom ang kamao ni Alexis habang hinahabol ng tingin si Jeo kasama si Yana. He felt disgusted with himself for not doing anything to protect his wife. He’s almost lost his sanity these few days when he was distracted by something from the past.Lumabas din siya at bumalik sa kaniyang opisina. Sinundan siya roon ni Lexy na nanggagalaiti pa rin.“Hindi ka ba naaalarma sa pinaggagawa ni Jeo, Alexis? He’s ruining the rules!” anito.“Jeo was right. Yana’s issue is not a big deal.”“Ano? Pati ba naman ikaw naniniwala sa sinungaling na babaeng ‘yon? She intended to take home the existing patties!”Hinarap niya ang babae at tuluyang uminit ang bunbunan niya. Gigil na nga siya kay Jeo, dumagdag pa ito.“How dare you accuse the woman who can buy the entire ZT Holdings?” he said without thinking about the consequences.“What did you say?” gilalas na untag ni Lexy.Nahimasmasan din siya. “Nothing. You may leave now. Asikasuhin mo ang delayed delivery ng processed meat. I need the positi
HINDI pinansin ni Yana ang sinabi ni Jeo. Niyaya na niya ito palapit sa engineer na kausap ng Mama niya. Natibag na ang lumang establishment at sisimulan na rin ang bagong construction.Ayaw paawat ng kaniyang kaba dahil hindi pa umaalis si Jeo. Kausap ito ng kaniyang ina. Alas sais na ng hapon, tiyak na parating na roon si Alexis. Hindi ito sumasagot sa tawag niya pero may chat. Nasa opisina umano ito ng kompanya nila at may tinapos na paperwork.Hindi ito bumalik sa ZT office, naroon pala sa kompanya nila. Todo dasal siya na sana’y huwag maabutan ni Alexis si Jeo. Niyaya pa sila ng binata na maghapunan sa restaurant nito.“Kayo na lang ni Mama ang kumain. May pupuntahan lang ako,” sabi niya.“Oo nga pala, pupunta ka sa lolo mo,” ani Loisa.Napatingin sa kan’ya si Jeo. “Narito ba sa Maynila ang lolo mo, Yana?” tanong nito.Nataranta na naman siya. “Ah, oo, nagbakasyon,” mabilis niyang sagot.Bago mabulabog ang kasinungalingan niya ay nagpaalam na siya sa ina. Nag-chat siya kay Alexis
HABANG tumatagal ay lalong lumalalim ang talab ng alak sa katawan ni Yana. Uminit na ang kaniyang pakiramdam.“Ugh! Ang init!” sigaw niya habang nagpupumiglas sa bisig ni Alexis.“You take a bath first,” anito.Dahil sa impluwensiya ng alak ay naging malikot ang kaniyang isip, naisip din ang mga bagay na bumabagabag sa kaniyang damdamin.“Alexis, alam ko mahal mo pa rin siya,” sabi niya.Patungo na sila sa kaniyang kuwarto.“What are you talking about?” anito.“Alam ko na may babae kang minahal noon. Kaya ayaw mo ng strawberry at purple dahil sa babaeng ‘yon, ano? Hindi ko alam kung bakit kayo naghiwalay, pero natitiyak ko na sobrang mahal mo siya kasi ayaw mo na magmahal ulit. Ibig sabihin, hindi mo siya kayang palitan.”“You’re talking nonsense.”Kinapa niya ang mukha ni Alexis at natigil ang kamay niya sa bibig nito. “Sss, huwag ka na magkunwari. Hindi ako umaasang mamahalin mo ako kasi may laman pa ang puso mo, at hindi mo siya kayang kalimutan. I know hating someone sometimes bec
WALANG dalang scooter si Yana kaya nag-abang siya ng jeep sa waiting shed sa labas ng ZT Holdings. Kaya naman niyang lakarin hanggang apartment ngunit tinatamad na siya. Napagod siya sa ilang batch na mixture ng patties. Umupo siya sa bench at nagtipa sa cellphone. Nag-chat siya kay Alexis at sinabing naghihintay siya sa labas. Nag-reply naman ito.Alexis: “Mag-taxi ka na lang. May tatapusin akong paperwork. I will be late.”Nakasimangot siyang tumayo at lumabas ng waiting shed. Papara na sana siya ng taxi nang may itim na kotseng huminto sa tapat niya. Kumabog ang dibdib niya nang malamang si Jeo ang sakay ng kotse. Bumaba ang bintana sa tabi ng driver.“You’re still here, Yana. I’ll drive you home. May ibibigay rin ako sa mama mo,” sabi nito.Nagatungan ang kaniyang kaba. “Uh…. salamat pero pupunta pa akong palengke. Baka matagalan ako.”“Walang problema. Sasamahan kita.”“Huwag na!” mariing tanggi niya.Bumaba pa si Jeo at nilapitan siya. Sumandal ito sa gilid ng kotse at humalukip
ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le
TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria
NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,
DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth
AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs
TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na
TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na
NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam
KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,