Home / Romance / Secretly Married To A Heartless CEO / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Secretly Married To A Heartless CEO: Kabanata 51 - Kabanata 60

68 Kabanata

Chapter 51

PINUWERSA na ni Yana ang kaniyang ina na umalis. Sumama naman ito pero walang tigil sa pagpalatak. Hinatid naman sila ni Jeo sa apartment.“Pasensiya ka na kay Mama. Ang hirap talaga niyang kontrolin kapag nalalasing,” aniya nang makarating sila sa garahe ng apartment.“It’s okay. Naintindihan ko.” Bumaba pa si Jeo at tinulungan siyang alalayan ang kaniyang ina na nakatulog.Nagising ito pero wala pa rin sa wisyo. Mabilis itong malasing sa imported na alak. Pagdating sa unit ay iniwan din sila ni Jeo. Siya na ang umalalay sa ginang papasok sa kuwarto nito. Nag-iingay pa ito kahit nakahiga na sa kama.Pumasok naman siya sa kaniyang kuwarto at naroon na si Alexis, nakahiga sa kama pero nakatutok sa cellphone.“What happened?” tanong nito sa malamig na tinig.“Nalasing si Mama kaya nagmadali kaming umuwi. Kung anu-ano na ang pinagsasabi niya kanina,” aniya. Tumalikod siya at naghubad ng damit.“Ano na naman ang pinagsasabi niya?”“Tungkol sa asawa ko.”“Naniwala naman si Jeo?”Kumibit-ba
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Chapter 52

NAKATULOG si Yana habang nanonood ng suspense movie sa kan’yang laptop. Sa couch pa siya nakahiga. Nagising lang siya nang may humilagpos na kung ano mula sa labas.Bumalikwas siya ng bangon at napatingin sa oras sa kan’yang cellphone. Alas dose na ng hating gabi. Na-drain na lang ang battery ng kaniyang laptop. Humilab ang kan’yang sikmura kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakapatay na ang ilaw sa lobby pero bukas ang sa kusina.Tiningnan niya ang lamesa sa dining. Naroon pa ang pagkain at natakpan. Napangiwi siya nang mapansing naroon din ang plato ni Alexis, konti lang ang nabawas sa pagkain.“Ang loko, hindi talaga siya kumain?” maktol niya.Pagpasok niya ng kusina ay nagulantang siya sa presensiya ng kaniyang asawa. Nagwawalis ng bubog ng baso si Alexis. Nakasuot na ito ng itim na night suit.“Ano’ng nangyari?” tanong niya.“I dropped the glass of milk,” turan nito.“Bakit hindi ka pa natulog? Hindi ka rin kumain?”“I told you, I won’t eat without you.”Tumawa siya nang pagak at nama
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa

Chapter 53

HINDI makapagpasya si Yana kung lalapitan niya si Jeo. Makikilala kasi siya ni Carina. Kahit hindi pa ito aware na siya ang asawa ni Alexis, hindi puwedeng magkaroon sila ng chance na magkalapit lalo’t close na ito kay Jeo.Umiwas siya sa puwesto nila Jeo at nilapitan ang kan’yang ina sa lamesang inukupa nito kasama si Matilda. Cocktail lang ang iniinom ng mga ito pero once nabitin ang mama niya sa inumin, maghahanap ito ng mas matapang na alak.“Oh, Yana, mabuti dumating ka,” bungad ni Matilda.“Magandang gabi po, Tita! Susunduin ko lang si Mama,” sabi niya.“Ano ka ba, Anak! Kararating mo lang, ah. At saka hindi pa ako nag-e-enjoy rito, suusnduin mo na ako?” angal ni Loisa. “Maupo ka muna at kumain.” Hinila siya nito sa kanang braso kaya siya napaupo.Nagtawag naman ng waiter si Matilda at nagpakuha ng pagkain para sa kan’ya.“Maaga pa naman, Yana. Mamaya na kayo umuwi. May mga palaro pang inihanda ang staff ng restaurant at may inimbitang sikat na singer si Jeo. Mag-enjoy ka muna r
last updateHuling Na-update : 2024-12-17
Magbasa pa

Chapter 54

NAPASINGHAP si Yana nang maglakbay ang mainit na hininga ni Alexis sa litid ng kan’yang leeg. Nagdulot iyon ng nakaliliyong sensasyon sa kan’yang sistema. Ipiniilig nito ang kan’yang ulo at pinaglakbay pa ang bibig. Humapang din ang mga kamay nito patungo sa kan’yang dibdib.Nakatitig siya sa salaming nasa harapan nila at pinapanood ang kanilang replika. Kinikilabutan siya sa ginagawa ng kan’yang asawa.“A-Alexis, ano’ng ginagawa mo?” manghang tanong niya.Tumigil ang bibig nito sa kan’yang earlobe. “I will make you pregnant,” paos nitong tugon.Lalo lamang siyang nangilabot. Desperado na ito na patunayan sa lolo nito na hindi peke ang relasyon nila. Dapat ay pabor iyon sa kan’ya ngunit bakit siya nasasaktan? Malinaw naman kasi na ginagamit lang siya ni Alexis.Akmang pipigilan niya ito ngunit itinulak siya nito kaya siya sumubsob sa salamin. Ikinulong siya ni Alexis sa bisig nito ay hinila ang kaniyang undies.“A-Alexis, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na patunayan ang rela
last updateHuling Na-update : 2024-12-18
Magbasa pa

Chapter 55

MAGSASALITA na sana si Alexis upang sagutin si Orlando pero inunahan ito ni Yana.“Nasabi rin po sa akin ni Alexis ang dahilan, Lo. Kasi nagkaroon ng polotical issue noon ang may-ari ng RSS, at ayaw ng daddy ni Alexis na madamay sila sa isyu,” sabi niya.Kunot-noong napatitig sa kan’ya si Alexis.“Ah, gano’n ba? Pero okay naman na ang imahe ng RSS dahil sa anak ng may-ari. Maganda ang pamamalakad niya at sobrang hands-on ni Carina,” ani Orlando.“Oo nga po. Sobrang bait pa niya,” gatong niya.“Anyway, kumusta ang ongoing plan for the collaboration with the RSS, Alexis?” pagkuwan ay tanong ng ginoo.“Natapos na po ang blueprint ng building at may final computation na po para sa construction,” ani Alexis.“Mabuti. Ibigay mo sa akin ang financial statement at nang maihanda ko ang shares natin sa budget. May nailaan na ako para sa project.”“Opo. Aasikasuhin ko lahat ng kailangan n’yo bago matapos ang linggong ‘to.”Tumango lang ang ginoo.Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam din sila sa
last updateHuling Na-update : 2024-12-18
Magbasa pa

Chapter 56

HINDI pa rin maka-get over si Yana sa sorpresang bulaklak ni Alexis. Kinalimutan na muna niya ang kung anong gumugulo sa kan’yang isip at ninamnam ang effort ng kan’yang asawa. Kasunod ng staff na naghatid ng pagkain ay pumasok ang lalaking may dalang violin. Tumugtog ito malapit sa kanilang lamesa.Noon ay sa nobela lamang niya nababasa ang ganoong eksena. Iba pala ang pakiramdam nito sa totoong buhay. Feeling niya ay special siya. Natakam din siya sa mga pagkaing elegante ang presentasyon. Hindi nga naman matatawag na five star hotel doon kung hindi maayos ang paghahanda ng pagkain at pasilidad.“Let’s eat!” nakangiting paanyaya ni Alexis.Tumango siya at sinimulang lantakan ang pagkain. Ginutom na rin siya.Mayamaya ay na-distract siya nang sumagi sa kaniyang isip ang nasabi ni Jeo tungkol sa partnership nito sa kompanya nila.“Uh, narinig mo ‘yong sinabi kanina ni Jeo sa elevator ‘di ba? Paano ‘yon?” sabi niya.“I heard it, but please don’t talk about it now. I want to spend the r
last updateHuling Na-update : 2024-12-19
Magbasa pa

Chapter 57

“SORRY, hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo, Jeo,” ani Yana matapos matintiya ang nalilitong puso.“Why? Am I not good enough for you? Hindi ka pa rin ba naniniwalang seryoso ako sa nararamdaman ko sa ‘yo?” usig nito.“Naniniwala ako, pero iba ang gusto ng puso ko.”“Are you serious about your lies? I know you lied to your mother that you were already married. Nagsinungaling ka rin kay Mommy na may boyfriend ka na.”“Ang lahat ng sinabi ko ay totoo, Jeo. I’m sorry.” Tumayo na siya at lumisan dala ang kaniyang bag ng pagkain.“Yana!” tawag ni Jeo ngunit hindi na niya nilingon.Bumalik siya sa locker room at itinago ang kaniyang gamit. Ngunit napasandal siya sa locker nang gupuin ng hindi mawaring emosyon ang kan’yang puso. Nakita niya ang sinserity ni Jeo sa kan’ya, at saksi naman siya sa effort nito para protektahan siya. She felt a sense of security with him, but everything seemed too late. Mahal na niya si Alexis.Kumislot siya nang biglang tumunog ang kan’yang cellphone na hawak n
last updateHuling Na-update : 2024-12-19
Magbasa pa

Chapter 58

HINDI na matahimik ang isip ni Yana. Pagdating niya sa condo ay naabutan niya si Alexis sa kusina, nagluluto. Himalang maaga itong umuwi.“Akala ko nasa opisina ka pa,” aniya.Nilapitan niya ito at humalik sa pisngi nito. Natigilan pa ito at hinabol siya ng tingin. Lumapit siya sa lamesa at pumitas ng ilang butil ng ubas na nasa bowl.“Maaga akong umalis ng opisina dahil nakipagkita ako sa lolo mo sa bangko n’yo,” anito.Marahas siyang humarap dito. “Bakit? May problema ba?” kabadong tanong niya.Napanatag din siya nang mapansin ang ngiti ng kan’yang asawa.“Nag-release ng one billion ang lolo mo for your investment. Saka na lang daw niya ibibigay ang one billion once nagawa ko ang kondisyon niya.”“A-Anong kondisyon?” Naghahalo ang kaba at excitement sa kan’yang puso.“He asked me for a grandchild. Nangako ako na mabibigyan natin siya ng apo.”Napapiksi pa siya at napamulagat sa asawa. “Pinagloloko mo ba ako, Alexis? Ang babaw ng kondisyon ni Lolo!” protesta niya. Alam kasi niya na m
last updateHuling Na-update : 2024-12-20
Magbasa pa

Chapter 59

BUMAGSAK sa kamay niya ni Alexis si Yana nang mawalan ng malay. Sumugod naman sa kan’ya si Jeo at akmang aagawin ang kan’yang asawa.“Get out on my way!” asik niya.“You can’t handle her,” anito.“Why not? She’s my wife!” walang abog niyang bulyaw dahil sa inis kay Jeo.Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanila ang staff na lumapit.“Finally! You confirmed it! Tama ang nakuha kong impormasyon.”Hindi na niya pinansin si Jeo at tuluyang binuhat si Yana. Patakbo siyang lumabas ng gusali at isinakay ng kotse si Yana. May malapit namang ospital kaya doon niya dinala ang kaniyang asawa. Ang driver ni Yana ang nagmaneho dahil hindi niya ito mabitawan.Sumunod naman sa kanila ang bodyguards. At habang nasa biyahe ay miu-monitor niya ang pulso ng kan’yang asawa. Saka lang din niya na-realize ang mga sinabi niya kay Jeo. He accidentally revealed his secret, but Jeo already knew it. It makes sense why Jeo is targeting his weak point.Pagdating sa ospital ay inapura niya ang staff at inasikaso
last updateHuling Na-update : 2024-12-20
Magbasa pa

Chapter 60

KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,
last updateHuling Na-update : 2024-12-21
Magbasa pa
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status