BUMABA ng hagdan si Alexis mula rooftop. Naaktuhan niya si Yana na pumasok ng elevator, ngunit nabaling ang tingin niya kay Jeo na lumabas mula sa itim na kotse. It’s one of his cars parked there.Bumalik siya sa rooftop nang mapansing patungo sa kan’ya si Jeo. Naabutan siya nitong papasok ng penthouse.“Nakita ko si Yana bumaba rito kanina. What is she doing here?” tanong nito. Gumala ang tingin nito sa paligid.“She’s exploring the area and unaware that I’m here,” he said. Hinarap niya ang pinsan.“Really?” Pumasok na rin ito ng penthouse. Napatitig ito sa center table.Napansin niya ang naiwang headband ni Yana na pink at merong tainga ng pusa. Suot ito ng asawa niya pagpunta roon. Naunahan siya ni Jeo sa pagpulot ng headband.“She came here and left this stuff,” anito habang nakatitig sa headband.“I left the door open, and I just found Yana entered and sat on the couch. Akala niya walang tao. Pinaalis ko rin siya at pinagsabihan na bawal ang empleyado rito.”Pilyong ngumiti si Je
ILANG sandaling tulala si Yana habang nakatitig pa rin sa gulat ding mukha ni Matilda. Wala na siyang kawala. Hindi na rin nakapagsinungaling ang lolo niya, marahil ay nawala na rin sa isip ang usapan nila.“Ah, oo, siya si Yana, ang nag-iisa kong apo,” pakilala pa ng ginoo.Animo nabuhusan ng malamig na tubig ang ginang, naging uneasy. “Apo n’yo pala siya. Kaibigan siya ng anak ko,” ani Matilda.Napatitig sa kan’ya ang ginoo, napapaisip din.“Excuse me po sandali, kakausapin ko lang ang lolo ko,” apela niya. Hinila niya palayo ang wheelchair ng lolo niya.“Ano’ng problema, Apo?” tanong ng ginoo.Lumapit pa siya rito at bumulong. “Lo, nakalimutan n’yo na ba na anak ni Lolo Delfin si Matilda? Hindi dapat niya malaman na ikinasal ako kay Alexis. At saka baka pilitin niya kayo na pakasalan ako ng anak niya.”Napahilot sa sintido nito ang ginoo. “Sorry, I forgot, hija. Huwag kang mag-alala. Kahit anong mangyari, hindi ako kakagat sa business proposal ni Matilda. Sasabihin ko na lang na ma
NAPAKO ang mga paa ni Yana sa sahig nang makitang nakayakap si Lexy salikuran ni Alexis. Tumalikod siya at bumalik ngunit nakailang hakbang pa lamang siya ay may humawak sa kanang braso niya. Si Alexis pala at hinila sila papasok sa opisina nito.Iniwaksi niya ang kamay nito.“I fired Lexy. Si Jenny ang mastermind sa pag-trap sa ‘yo at dinampot na siya ng mga pulis,” sabi nito.Hinarap naman niya ito at awtomatikong kumalma ang kaniyang sistema. “Bakit tinanggal mo si Lexy? Kasama ba siya sa nag-trap sa akin?” aniya.“No, but she’s supporting Jenny. She made more terrible mistakes since she started working here.”“Ano’ng kasalanan?”“She framed my ex-girlfriend before to ruin our settled wedding.”Napatitig siya kay Alexis na may munting sakit sa damdamin. Naisip niyang usigin na ito tungkol kay Carina.“I see. Aware ako sa nangyayari. Kilala ko rin ang ex-girlfriend mo. Siya si Carina, ang CEO ng RSS Corporation?”“How did you know?” manghang tanong nito.“Matagal ko ng alam, Alexis
PINUWERSA na ni Yana ang kaniyang ina na umalis. Sumama naman ito pero walang tigil sa pagpalatak. Hinatid naman sila ni Jeo sa apartment.“Pasensiya ka na kay Mama. Ang hirap talaga niyang kontrolin kapag nalalasing,” aniya nang makarating sila sa garahe ng apartment.“It’s okay. Naintindihan ko.” Bumaba pa si Jeo at tinulungan siyang alalayan ang kaniyang ina na nakatulog.Nagising ito pero wala pa rin sa wisyo. Mabilis itong malasing sa imported na alak. Pagdating sa unit ay iniwan din sila ni Jeo. Siya na ang umalalay sa ginang papasok sa kuwarto nito. Nag-iingay pa ito kahit nakahiga na sa kama.Pumasok naman siya sa kaniyang kuwarto at naroon na si Alexis, nakahiga sa kama pero nakatutok sa cellphone.“What happened?” tanong nito sa malamig na tinig.“Nalasing si Mama kaya nagmadali kaming umuwi. Kung anu-ano na ang pinagsasabi niya kanina,” aniya. Tumalikod siya at naghubad ng damit.“Ano na naman ang pinagsasabi niya?”“Tungkol sa asawa ko.”“Naniwala naman si Jeo?”Kumibit-ba
NAKATULOG si Yana habang nanonood ng suspense movie sa kan’yang laptop. Sa couch pa siya nakahiga. Nagising lang siya nang may humilagpos na kung ano mula sa labas.Bumalikwas siya ng bangon at napatingin sa oras sa kan’yang cellphone. Alas dose na ng hating gabi. Na-drain na lang ang battery ng kaniyang laptop. Humilab ang kan’yang sikmura kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakapatay na ang ilaw sa lobby pero bukas ang sa kusina.Tiningnan niya ang lamesa sa dining. Naroon pa ang pagkain at natakpan. Napangiwi siya nang mapansing naroon din ang plato ni Alexis, konti lang ang nabawas sa pagkain.“Ang loko, hindi talaga siya kumain?” maktol niya.Pagpasok niya ng kusina ay nagulantang siya sa presensiya ng kaniyang asawa. Nagwawalis ng bubog ng baso si Alexis. Nakasuot na ito ng itim na night suit.“Ano’ng nangyari?” tanong niya.“I dropped the glass of milk,” turan nito.“Bakit hindi ka pa natulog? Hindi ka rin kumain?”“I told you, I won’t eat without you.”Tumawa siya nang pagak at nama
HINDI makapagpasya si Yana kung lalapitan niya si Jeo. Makikilala kasi siya ni Carina. Kahit hindi pa ito aware na siya ang asawa ni Alexis, hindi puwedeng magkaroon sila ng chance na magkalapit lalo’t close na ito kay Jeo.Umiwas siya sa puwesto nila Jeo at nilapitan ang kan’yang ina sa lamesang inukupa nito kasama si Matilda. Cocktail lang ang iniinom ng mga ito pero once nabitin ang mama niya sa inumin, maghahanap ito ng mas matapang na alak.“Oh, Yana, mabuti dumating ka,” bungad ni Matilda.“Magandang gabi po, Tita! Susunduin ko lang si Mama,” sabi niya.“Ano ka ba, Anak! Kararating mo lang, ah. At saka hindi pa ako nag-e-enjoy rito, suusnduin mo na ako?” angal ni Loisa. “Maupo ka muna at kumain.” Hinila siya nito sa kanang braso kaya siya napaupo.Nagtawag naman ng waiter si Matilda at nagpakuha ng pagkain para sa kan’ya.“Maaga pa naman, Yana. Mamaya na kayo umuwi. May mga palaro pang inihanda ang staff ng restaurant at may inimbitang sikat na singer si Jeo. Mag-enjoy ka muna r
NAPASINGHAP si Yana nang maglakbay ang mainit na hininga ni Alexis sa litid ng kan’yang leeg. Nagdulot iyon ng nakaliliyong sensasyon sa kan’yang sistema. Ipiniilig nito ang kan’yang ulo at pinaglakbay pa ang bibig. Humapang din ang mga kamay nito patungo sa kan’yang dibdib.Nakatitig siya sa salaming nasa harapan nila at pinapanood ang kanilang replika. Kinikilabutan siya sa ginagawa ng kan’yang asawa.“A-Alexis, ano’ng ginagawa mo?” manghang tanong niya.Tumigil ang bibig nito sa kan’yang earlobe. “I will make you pregnant,” paos nitong tugon.Lalo lamang siyang nangilabot. Desperado na ito na patunayan sa lolo nito na hindi peke ang relasyon nila. Dapat ay pabor iyon sa kan’ya ngunit bakit siya nasasaktan? Malinaw naman kasi na ginagamit lang siya ni Alexis.Akmang pipigilan niya ito ngunit itinulak siya nito kaya siya sumubsob sa salamin. Ikinulong siya ni Alexis sa bisig nito ay hinila ang kaniyang undies.“A-Alexis, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na patunayan ang rela
MAGSASALITA na sana si Alexis upang sagutin si Orlando pero inunahan ito ni Yana.“Nasabi rin po sa akin ni Alexis ang dahilan, Lo. Kasi nagkaroon ng polotical issue noon ang may-ari ng RSS, at ayaw ng daddy ni Alexis na madamay sila sa isyu,” sabi niya.Kunot-noong napatitig sa kan’ya si Alexis.“Ah, gano’n ba? Pero okay naman na ang imahe ng RSS dahil sa anak ng may-ari. Maganda ang pamamalakad niya at sobrang hands-on ni Carina,” ani Orlando.“Oo nga po. Sobrang bait pa niya,” gatong niya.“Anyway, kumusta ang ongoing plan for the collaboration with the RSS, Alexis?” pagkuwan ay tanong ng ginoo.“Natapos na po ang blueprint ng building at may final computation na po para sa construction,” ani Alexis.“Mabuti. Ibigay mo sa akin ang financial statement at nang maihanda ko ang shares natin sa budget. May nailaan na ako para sa project.”“Opo. Aasikasuhin ko lahat ng kailangan n’yo bago matapos ang linggong ‘to.”Tumango lang ang ginoo.Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam din sila sa
ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le
TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria
NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,
DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth
AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs
TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na
TATLONG araw bago nakalabas ng ospital si Yana. Dumiretso na sila sa mansiyon ng kan’yang lolo. Kinuha naman ng kaniyang ina ang gamit niya sa condo ni Alexis.“Wala si Alexis sa condo niya pero pinayagan naman ako ng guwardiya na makapasok. Nagamit ko ang access card mo,” sabi ni Loisa.Ipinasok nito sa kan’yang kuwarto ang kaniyang mga gamit. “Ano na po ang nangyari, Ma?” aniya. Umupo siya sa kama.“Saan? Kay Alexis?”“Sa lahat.”“Ah, tungkol pala sa annulment ninyo ni Alexis, pinaasikaso na ng lolo mo sa abogado. Iyong ambag ni Alexis sa pagpapatayo ng restaurant ko, ibinalik ng lolo mo. Babawiin na rin niya ang investments mo sa ZT Holdings, pati ang partnership sa kompanya. Ibang klaseng magalit ang lolo mo. Pati ba naman ang collaboration investment sa RSS Corporation ay pina-void niya ang contract at ipinasa sa ibang kompanya. Ganoon pala kalakas ang impluwensiya ng lolo mo, Anak.”Nasorpresa rin siya. Aware siya sa ugali ng lolo niya pero mas malala itong magalit nang siya na
NAGISING si Yana na nakahiga na siya sa kama ng ward sa ospital. Namataan niya si Jeo na kausap ang doktor. Mariin siyang pumikit nang maalala ang nangyari. Na-trigger ang emosyon niya dahil sa intensidad ng pag-uusap nila ni Jeo, at lumala dahil sa pinakita nitong larawan nina Alexis st Carina.Nang lapitan siya ng binata ay itinaboy niya ito. “Iwan mo na ako rito,” nanghihina niyang sabi.“Pero wala ka pang kasama. I called your mother but she’s in Quezon City, bumili ng kitchen equipment. Male-late siya ng dating. I called Alexis, too, but his line is busy,” anito.“Wala akong pakialam! Gusto kong mapag-isa!” humihikbing sigaw niya.“Okay. Calm down. I’m sorry. I didn’t meant to hurt you. Gusto lang kitang tulungan.”“Tulungan? Para ano? Para iwan ko si Alexis at piliin kita?”“That’s not my intension, Yana. I’m juts telling the truth to help you realize that your relationship with Alexis is just one-sided. You deserve better.”“Salamat sa concern mo, pero hindi na kailangan. Alam
KINABUKASAN ng umaga ay pinayagan na rin ng doktor si Yana na umuwi. Talagang hindi siya iniwan ni Alexis, binantayan siya magdamag.“Papasok ka pa ba sa trabaho?” tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse.Hindi na niya pinapunta sa ospital ang mama niya dahil wala naman na itong gagawin.“After lunch na ako papasok,” anito.“Mabuti para makatulog ka pa.”“Papupuntahin ko muna ang isang katulong nila mama sa condo para may kasama ka.”“Okay lang ako.”“No. You need someone to stay around you. Nagsisimula na ang morning sickness mo kaya hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging okay.”“Boring naman kung wala akong gagawin sa bahay.”“Mag-aral ka. May binigay na module ang tutor mo para kahit wala siyang schedule na turuan ka ay meron kang aaralin.”“Paano pala si Mama? Malapit na matapos ang restaurant, kailangan niya ng alalay.”“We can visit her sometimes. Darating naman daw ang kumare niya mula Pangasinan, may katuwang na siya.”“Mabuti naman.”“Kung okay sana sa mama mo,