Home / Romance / Unexpected Wife of a Billionaire / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Unexpected Wife of a Billionaire: Chapter 51 - Chapter 60

77 Chapters

51. Malinaw na usapan

Ngumiti lang si Jethro, halatang nag-eenjoy sa reaksiyon ni Danica. Ngunit alam niyang kailangan nilang maging seryoso sa mga bagay na kinakaharap nila, lalo na’t may mga anak na silang pareho ang inaalagaan. "Pero seryoso, Danica," biglang naging mas seryoso ang tono ng boses ni Jethro, "alam kong hindi madali para sa'yo ang sitwasyong ito. Pero sana magtiwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat para sa atin."Tumango si Danica. Bagaman may mga alinlangan pa rin sa kanyang puso, gusto niyang magtiwala. Gusto niyang maniwala na kaya ni Jethro ang mga pangako nito. Ngunit ang realidad ng kanilang sitwasyon—ang pagiging hindi pa kasal, ang posibilidad na magbago ang lahat anumang oras—ay nananatiling mabigat sa kanyang isipan."Alam ko naman na hindi madaling magdesisyon sa ganitong mga bagay, lalo na kung hindi pa tayo handa," sagot ni Danica. "Pero sana, kung darating ang panahon na magdesisyon ka na tungkol sa atin, isama mo ako. Ayoko lang na maramdaman na
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

52. Ang kalagayan ni Danica

"Aaah.. ang.. ang sakit.." daing niya habang hawak hawak ang tiyan na kasalukuyang tumitigas. "Ha?" nagpanic bigla si Jethro, "ikaapat pa lang na buwan ng iyong pagbubuntis...a-anong nangyayari?" "Masakit!!!" napapaiyak na siya sa nararamdamangmsakit na iyon na halos pumugto sa kanyang paghinga. Ang kanyang balakang ay parang mapuputol at ang kanyang mga paa ay namamanhid. "Dadalahin kita sa ospital!" kaagad siyang pinangko ng lalaki at inilabas ng bar. ñNapansin ng mga kasama nila ang nangyayari at nagmamadaling sumunod sa kanila palabas. "Anong nangyayari?" medyo nagpapanic na rin si Siren pagkakita sa maputlang mukha ni Danica, "Ba-bakit ka namumutla?" "Sobrang sakit ng tiyan niya.. Vinz, kunin mo ang kotse!" utos ni Jethro sa kaibigan na nagkukumahog namang sumunod. "Kunin mo ang bag natin," sabi ni Siren kay Vohn, "susunod tayo.." Kaagad isinakay ni Jethro si Danica sa sasakyan na inaalalayan naman ni Vinz. Maingat nilang naipasok si Danica sa loob. "Ikaw na ang
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

53. Pag uwi sa tahanan

Nagkatinginan sina Danica at Jethro, at sa mga mata nila’y makikita ang tiwala at pagmamahalan na kanilang pinanday sa gitna ng lahat ng pagsubok. Hawak pa rin ni Danica ang isa sa kanilang mga anak, at si Jethro naman ay bahagyang yumuko upang haplusin ang noo ng isa pa."Ang pangalan ng panganay ay 'Hope,'" sabi ni Danica, mahina ngunit puno ng pagmamahal. "Dahil siya ang nagbigay sa atin ng pag-asa sa kabila ng lahat ng hirap."Tango ng tango si Jethro, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-apruba. "At ang pangalawa," dagdag niya, "ay si 'Faith.' Dahil kung hindi tayo naniwala na kaya natin ito, hindi tayo makakarating dito."Napalunok si Siren, damang-dama ang lalim ng mga pangalan ng kambal. "Hope at Faith," bulong niya, halos natutunaw sa saya. "Napakagandang mga pangalan, angkop na angkop sa inyong pinagdaanan.""Bagay na bagay," sang-ayon ni Vohn, habang binuksan ang dalang regalo—isang pares ng maliliit na damit pambata na piniling mabuti nila ni Siren.Tahimik na ngumiti s
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

54. Ang bisita.

"Bisita? sino?" napakunot ang kanyang noo sa narinig. "Si Ma'am Lovely po.." sagot ni Meding habang nakatingin sa kanya. "Wala ho akong kilalang Lovely, bago lang ho ako dito.." tugon niya. "Kaibigan ho iyon ni Sir.. dating tomboy.." Lalo siyang nacurious at pinuntahan kung sino ang Lovely na sinasabi nito. Pagkakita niya sa babae, nakasuot iyon ng magandang dress, na may kulot na buhok. Nakatingin sa mga frame na nasa dingding. "Yes?" nag aalinlangan ang kanyang tinig ng tawagin ang pansin nito. Humarap sa kanya si Lovely, at labis siyang nabigla dito. Napatigil si Danica sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig kay Lovely, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Napakagandang tomboy naman nito," bulong niya sa sarili, tila naguguluhan sa mga inaasahan niyang makikita. Ang kanyang mga mata ay mabilis na naglakbay mula sa eleganteng damit ni Lovely hanggang sa perpektong pagkakakulot ng buhok nito."Hello," bati ni Lovely, may ngiting tila ba komportable na sa bawat sitwasyon.
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

55. Ugnayan kay Jethro

Nagulat si Danica nang marinig ang tanong mula kay Lovely. Agad siyang lumingon at nakita ang babae na nakatayo sa pinto, nakatingin sa kanyang mga anak na masayang naglalaro sa kama.“Oo,” sagot niya nang may halong kaba, hindi pa rin nawawala ang pagdududa sa intensyon ng bisita. "Dalawa na sila.""Ang cute nila," sabi ni Lovely habang nakangiti, ngunit tila may kakaibang emosyon na gumuhit sa kanyang mukha. Napatingin siya sa mga bata na parang may pinipigil na damdamin, bagay na hindi nakaligtas kay Danica. “Sobrang bilis ng panahon, no? Parang kailan lang, magkakasama pa kami sa college nina Jethro... walang iniintinding mabigat na bagay."Hindi sumagot si Danica. Napansin niyang nagbago ang tono ni Lovely, at ramdam niyang may hindi pa ito sinasabi. Tumahimik silang pareho, nagpatuloy ang ingay ng mga batang naglalaro habang bumabalot sa kanila ang tensyon.“Alam mo, Danica,” biglang sabi ni Lovely, na tila iniisip ang mga susunod niyang salita, “hindi ko inaasahang magkikita t
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

56. Sorpresang pagbisita.

"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Jethro ng makita ang kaibigan na naglalakad palapit sa kanya. "Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito. Ang mga labi ng kaibigan ay abot hanggang tenga ang pagkakabanat, "hindi mo man lang ba ako sasalubungin?" itinaas pa nito ang mga braso. Nagmamadaling tumayo si Jethro upang yakapin ang kaibigan na ilang buwan din nawala. Mahigpit ang yakapang naganap sa kanila. Umalis si Lovelly sa Pilipinas na parang isang tomboy, at bumalik na isang magandang babae. "Nagparetoke ka ba?" tanong niya dito. Biglang itinulak ni Lovely ang kaibigan at sinuntok sa balikat, "gago.." Tawa naman ng tawa si Jethro saka bumalik sa upuan, "alam ba nina Vinz at Santi ha nakauwi na? "Hindi pa. Ikaw pa lang ang una kong pinuntahan. Actually, galing ako sa bahay mo. Naroon si Danica," naupo siya sa harapan ng kaibigan, "ilang buwan lang akong nawala, pero may anak ka na agad?" "Halos isang taon kang nawala.. mahabang kwento ang tungkol kay Danica. Nasabi ko na naman no
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

57. Panaghili ni Lovely

Walang pagsidlan ng tuwa si Lovely matapos muling makita ang mga kaibigan. "Halos isang taon kang nawala ah," sabi ni Vinz sa kanya, "kumusta ang tate?" "Yun, puro mga puti pa rin," saka siya humagalpak ng tawa na ikinatawa din ng lahat. "So, alam mo na, na nag asawa na si Jethro?" taanong ni Santi sa kanya. Huminga ng malalim si Lovely, halatang nalulungkot ang awra ng mukha nito. "Alam na niya," sagot ni Jethro na bumalik sa upuan na may dalang meryenda. "Bakit may mga pagkain ka sa opisina mo?" tanong ni Vinz na bahagyang nakamasid kay Jethro. "Mukhang masarap yan," kaagad kumuha ng isang tinapay si Lovely saka kinagat, "ang galing ng blend ng mga gulay, sino ang gumawa nito?" "Si Danica," nakangiting wika ni Jethro. Agad napasimangot sinLovely at natigilan sa narinig. "Ah, medyo matabang ang timpla ng mayo. Halatang galing lang sa supermarket " pagbawi niya sa kanyang sinasabi. "Ha? akala ko ba, masarap? bigla mong binawi?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro sa
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

58. Aliwin si Lovely

Kinabukasan, nagising si Lovely na tila ba pasan ang mundo. Habang nakahiga, iniisip niya ang nagdaang araw. Masaya siyang muli niyang nakita ang mga kaibigan, pero hindi niya maikakaila ang bigat ng kanyang nadarama simula ng malaman niyang may asawa na si Jethro. Alam niyang hindi naman naging sila, pero bakit ganoon? Bakit tila hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing maririnig ang pangalan ni Danica? Bakit parang hindi naramdaman ni Jethro na mula pa noon ay gusto na niya ito? Nagdesisyon si Lovely na bumangon at harapin ang araw na iyon na mas positibo. Hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng kanyang emosyon. Isa pa, nais niyang ipakita sa mga kaibigan niya na okay lang siya, kahit sa loob-loob niya ay alam niyang hindi pa siya ganap na nakakabangon. Nang mag-almusal si Lovely, narinig niya ang tunog ng kanyang telepono. May mensahe dito mula kay Vinz. Vinz: "Lovely, may lakad tayo mamaya. Kami ni Santi, gusto ka namin isama. Kailangan mo 'to, promise!" Napabunton
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

59. Ang pasanin ni Lovely

Pagkalipas ng ilang araw mula nang magpunta sina Lovely sa kanilang tambayan na rest house, bumalik na naman ang kanyang isipan sa mga dating alaala. Bagaman nakatulong ang bonding nila nina Vinz at Santi, alam niyang hindi pa tuluyang natatapos ang mga tanong at damdaming bumabalot sa kanya—lalo na tungkol kay Jethro. Isang gabi, habang nag-iisa siya sa kanyang silid, naisipan niyang buksan ang kanyang telepono at tingnan ang mga litrato nila noong college. Doon nakita niya ang mga larawan nila ni Jethro, kasama ang kanilang grupo. Magkaakbay sila, at halatang masaya. Hindi niya maiwasang mapangiti, pero agad ding naramdaman ang sakit na dulot ng mga alaala. Tumigil siya sa isang larawan: birthday ni Jethro, at nasa tabi siya nito, may hawak na maliit na cake. “Paano naging ganito kalabo ang lahat?” bulong ni Lovely sa sarili. Naisip niyang tanungin si Vinz at Santi kung may oras sila upang muling magkita. Kailangang makausap niya ang mga ito. Pakiramdam niya’y napipigilan pa rin s
last updateLast Updated : 2024-10-20
Read more

60. Pagtatapat ni Lovely

"Kumusta ka na ba talaga!0?" nahihiyang tanong ni Jethro sa kaibigan, "anong nais mong sabihin sa akin at pinapunta mo ako dito?" "Hmmm.. maaarin ba tayong.. maglakad lakad sandali?" nagdadalawang isip si Lovely kung sasama ito sa kanya, subalit ang kanyang alalahanin ay napawi ng kaagad itong sumang ayon sa kanyang hinihiling. Naglakad lakad sila sa may parke na malapit sa restaurant kung saan sila nagkita. "Natatandaan mo pa ba noon? kung bakit hindi ako tumatanghap ng manliligaw?" huminga ng malalim si Lovely at tiningnan sinJethro na diretsong nakatingin sa daan, "dahil iyon sayo.." Noon pa man, ramdam na ni Jethro na may pagtatangi sa kanya ang babae, subalit ayaw niya itong bigyan ng isang magandang pagtingin dahil ayaw niya itong umasa, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanilang pagkakaibigan. "Mahal ko ang mag iina ko," naglalakad siya ng mapansing hindi na naglalakad si Lovely. Naupo na lang ito sa bench. Nilapitan niya ang kaibigan at sinabihan, "akala ko ba, nais mong
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status