Twenty-five years ago, mula ng makilala ko ang pamilya nila Mama Lumen at Papa Edgar, isa kasi ang pamilya nila sa mga volunteers dito sa orphanage kung saan nila ako inampon. Nakailang foster homes na din ako mula noon at ni isang bahay na tinirahan ko ay wala akong nakitaan ng tunay na pag mamahal, ang ilan pa nga ay nanakit at madadamot. Bago ko sila nakilala, nanggaling ako sa isang foster family kung saan ko naranasan ang di dapat maranasan ng isang onse anyos na babae, mayaman ang pamilya na iyon at may dalawa itong mga anak, isang binatilyo at isang dalagita. Malupit ang mommy nila at ang anak na babae nito, ginawa nila akong utusan, tagalinis, tagaluto, tagalaba, sa madaling salita “katulong”, yan ang trato nila sa akin. Isa sa mga naalala ko ay ang madalas na pag hila ng mag ina sa buhok ko, “Hoy! Tonta!”, sigaw ng anak na babae, “Hindi ba’t sinabi ko na sayong ingatan mo ang paglalaba ng mga dress at jeans ko! Original ang mga ito!”, sigaw nito habang inihahampas sa mukh
Read more