Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S REVENGE: My Lady Mafia Boss / CHAPTER 1 QUINN NOVA’S PAST LIFE

Share

CHAPTER 1 QUINN NOVA’S PAST LIFE

Twenty-five years ago, mula ng makilala ko ang pamilya nila Mama Lumen at Papa Edgar, isa kasi ang pamilya nila sa mga volunteers dito sa orphanage kung saan nila ako inampon.

Nakailang foster homes na din ako mula noon at ni isang bahay na tinirahan ko ay wala akong nakitaan ng tunay na pag mamahal, ang ilan pa nga ay nanakit at madadamot.

Bago ko sila nakilala, nanggaling ako sa isang foster family kung saan ko naranasan ang di dapat maranasan ng isang onse anyos na babae, mayaman ang pamilya na iyon at may dalawa itong mga anak, isang binatilyo at isang dalagita.

Malupit ang mommy nila at ang anak na babae nito, ginawa nila akong utusan, tagalinis, tagaluto, tagalaba, sa madaling salita “katulong”, yan ang trato nila sa akin. Isa sa mga naalala ko ay ang madalas na pag hila ng mag ina sa buhok ko,

“Hoy! Tonta!”, sigaw ng anak na babae, “Hindi ba’t sinabi ko na sayong ingatan mo ang paglalaba ng mga dress at jeans ko! Original ang mga ito!”, sigaw nito habang inihahampas sa mukha ko isa isa ang mga damit.

“Denise! Denise! Demonya ka asan ka bang boba ka?!”, sigaw nito na nakaupo sa poolside sa labas ng kanilang veranda.

“P-po, andito po ako!”, pag mamadali kong lumabas kungnassaan ang babae. Isang malutong na sampal ang sumalubong sakin, pumutok ang bibig ko noon

Ilan lang yan sa mga naranasan ko sa kamay nila, ang pinaka matindi na nangyari sa akin ay ang paghalay ng mag ama sa akin paulit ulit, naaalala ko noon isang maulang hating gabi.

Kakatapos ko lang ng mga gawain at nag ayos nan ang sarili, malapit na akong makatulog noon at naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko, dahan dahan na nawala sa mura kong katawan ang kumot na ibinalot ko sa aking katawan.

Nakita ko ang mag ama na pumasokng kwarto na iyon, ang isa sa kanila ay pumatong sa akin nang akma kong susubukang sumigaw ay sinikmuraan ako ng anak na lalaki ng pamilyang iyon, nag tagumpay sila.

Halos hindi ako makagulapay pag katapos nilang gamitin ang buo kong katawan. Nang makaipon ng lubos na lakas, kinalap ko ang aking mga gamitat lumayas sa impyernong iyon.

Napilitan akong lumayas sa bahay nila ilang linggo din akong nagpalaboylaboy sa kalye bago ako natagpuan ng mga pulis at social worker, ibinalik nila ako sa orphanage at mula noon hindi na ako nakihalubilo sa kahit kanino, nanatili akong tahimik, mag-isa at malayo sa iba pang bata.

Hindi naman ako sinukuan ng ilang madre lalo na si Sister Dahlia, sakanya lang ako matippid na nakikipausap. Sa matagal na panahon, mula ng nangyari ang insidenteng iyon hindi na ako nakisali sa adopt-a-family program ng orphanage.

Ang event sa St. Therese Orphanage na iyon ang nag bukas ng pinto para hayaan kong muli ang aking sarili na maging anak ng isang pamilya.

“Sister”, tawag ni Mama Lumen sa isa sa mga madre na nag aalaga sa amin.

“Talaga bang tahimik ang batang iyon?’, sabay turo sa akin.

“Nako! Ma’am Lumen, hindiii!, dating masayahin si Denise “, sabi nito.

“Mula ng bumalik ang batang iyan dito ay ganyan na siya, hindi na siya nakikisalamuha sa ibang bata at malimit na din ngumiti, nawalan na din yan ng ganang kumain kaya iyan bumagsak ang katawan.” Dugtong ni sister.

“Ano kaya ang nangyari sa kanya sister?”, tanong muli ni Mama Lumen.

“Hay!”, nag sign of the cross ito, “Ang batang yan ay natrauma dahil sa huling foster family na umapon diyan!, pinagsamantalahan at binugbug ang batang iyan kaya nagkaganiyan.”, dagdag pa ni sister

Masuyo naming na nakatingin si Mama Lumen noon, lingid sa kanyang kaalaman malimit ko silang obserbahan kasama ang kanilang dalawang anak na babae lalo na pag namamasyal ang mga ito dito sa orphanage.

Si Papa Ed naman ay malambing na tao, malayong malayo sa mga foster father na nakagisnan ko. Naalala ko pa nung una niya akong nilalapitan. Nasa swing ako noon sa may playground at tahimik na nilalaro ang luma kong manika, isa pala pulis si Papa Ed hepe siya dito sa munisipyo namin.

“Hello?” sabi nito sabay abot ng isang malaking lollipop. Tinignan ko lang yun at ibinalik ang atensyon sa pag lalaro ng manikang hawak ko. Ilag pa din kase ako sa tao lalo na ang mga lalaki.

“Sige, kung ayaw mo nitong kendi ibaba ko nalang dito.” Sabi ni Papa Ed at umupo sa isa pangswing tatluhan kasi ito.

Matagal kong tinitigan ang lollipop na nasa gitna naming, napansin ko naman na masuysuy na nakatitig sakin ang matandang lalaki. Ilang minuto din niya akong sinamahan ng ganito sa playground at kapag bumabalik sila ni Mama Lumen ay palagi niya akong hinahanap para samahan at dalhan ng kahit anong pasalubong.

Ang mga anak naman nila Mama Lumen at Papa Ed na sila Eliz at April ay naging mabuti din sakin, naalala ko noon na pilit din akong sinuyo, kinakausap at lagi akong kinukulit ni April, bunsong anak nila Papa at Mama.

Si Eliz naman ay medyo masungit pero palakaibigan, siya ang unang nakahuli ng loob ko, hindi nagtagal nakikipaglaro na ako sa mag kapatid at napadalas ang dalaw ng mag anak dito sa orphanage.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay ko, kinausapang mag asawa ang mga madre para ampunin ako, dalawang taon din ang nakalipas at dahil sa pagtitiyaga nila bumalik ang dating ako.

Ilang taon na din ang lumipas mula nang tagpo na iyon. Ngayon masaya na kaming namumuhay, nasa fourth year na ako sa kurso kong accountancy.

Medyo late na akong nakauwi, at dahan-dahang umakyat sa aking kwarto baka kasi nandito na si papa baka pagalitan ako kase gabi na akong umuwi. Pag pasok ko sa kwarto, nagulat ako ng buglang pumasok si April.

“Ate Quinn!” Tawag ni April sa akin, ito na ang bago kong pangalan mula noong inampo ako nila mama, kadadating ko lang din naman galing school dahil sa report na tinapos at organization meeting, president kase ako ng school council namin.

“Ohh bakit bunso?” malambing na tanong ko kahit nagulat.

“Hinahanap ka ni Papa.” Sabi nito. Agad naman akong nagbihis at hindi na tinanong kung bakit kasi alam ko na ang mangyayari.

“Halika na”. pag aya ko kay April at lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Eliz at Mama na nag hahanda ng hapunan. “Ma, si Papa?”, tanong ko.

“Nasa kwarto anak, kanina ka pa inaabangan”, sagot naman ni mama. Nasa sala ito at nanunuod ng paborito nitong teleserye.

Umakyat naman ako para tignan si Papa, wala siya sa kwarto nila kaya pumunta ako saibrary at tinigna siya doon. Hindi ngaako nagkamali, naabutan ko si papa na nakaupo sa kanyang study table.

“Pa,” inabot ko naman ang kamay niya para mag mano. “Pasensya na pa, ginabi ako”. Sabi ko sa pagaakalang papagalitan ako nito dahil hindi ako agad nakauwe. Hindi naman kinibo ni Papa ang sinabi.

“Umupo ka.” Sabi nito na agad ko naming sinunod ng kinakabahan. Binuksan niya ang kanyang drawer sa may left side at may iniabot sakin na puting envelop.

“Basahin mo.” Sabi niya at agad ko namang binuksan ang envelop na inabot niya sakin. Habang binabasa ang laman ng envelop, unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Matagal ko siyang tinitigan bago tuluyang nakapagsalita.

“P-pa, M-may c-cancer ka?!”. Gulat at nanginginig na boses na sambit ko.

“O-oo, ngayong alam mo na kailangang malaman ng mga kapatid at mama mo ito sa lalong madaling panahon.” Sabi nito. Niyakap ko si Papa at may ilang minuto din na nasa ganoong posisyon kami.

Makalipas ang ilan pang sandali, kalmado kaming lumabas ni Papa sa Library at ako naman ay umakyat sa third floor ng bahay para tawagin ang dalawa kong kapatid. Tinabihan naman ni Papa si Mama sa couch sa sala.

“Eliz! April! Where are you guys? Papa is asking for both of you!”, sabi ko agad namang lumapit ang dalawa sa akin. “What is it, ate?”, takang tanong ni Eliz.

“Just get down its important.” Sabi ko ng di siya tinitignan sa mata.

“Where is April?”. Tanong ko.

“Here ate.” Sagot naman nito.

“Let’s go. Papa is waiting”. Sabi kong muli sa dalawang kapatid bago kami tuluyang bumaba.

Naabutan naman naming humahagulgul si Mama. Palagay ko ay sinabi na ni Papa ang dahilan. Hindi ko namang mapigilan ang aking luha na nag uunahang umagos mula sa dalawa kong mata.

“Ate??, what’s wrong?!, Tanong ni Eliz. “Ma. Pa?”. baling niya sa aming magulang. Nakatulala naman si April na takang taka at halatang nagugulahan sa nangyayari.

Si papa ang nag salita, “Girls, come here. Take a seat.” Agad naman sumunod ang dalawa at ganoon din ako. Hinawakan naman ni mama ang kamay ng dalawa kong kapatid, tumingin siya sa akin na tila ba kumukuha ng lakas ng loob.

Hindi ko na napigilan ang aking luha at umiyak na ako ng umiyak. Ibinaling ko ang aking mukha sa ibang direksyon. Sa mga oras na iyon naring kong nag salita si mama.

“Y-your Papa has a cancer”. Sabi ni mama at hindi na napigilan ang paghagulgol. Ganoon din ang aking dalawang kapatid. Habang pinag mamasdan sila ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ang lahat para matulungan ang pamilyang ito na nag mahal at kumupkop sa akin.

“Don’t worry”, sabi ni Papa, “We’ll ge through this”. Pag papalakas ng loob ni papa sa amin. Niyakap naming si papa at si mama. Nanatili naman kami sa ganoong posisyon para pakalmahin ang kalooban ng isa’t-isa.

Ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari aalalayan ko ang pamilyang nag paramdam sakin ng totoong kahuluguhan ng salitang pamilya. Matiim kong tinignan ang bawat miyembro ng pamilyang niyakap ako ng buo at hindi kalian man kinuwestyon angpagkataong mayroon ako.

Napapikit nalang ako at nagpasalamat ng mataimtim sa Panginoong diyos dahil alam kong nakagabay siya saamin lalo na sa akin kaya ako andito ngayon. Utang ko sakanila ang lahat kaya gagawin ko ang lahat para makatulong sakanila lalo na kay papa at mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status