Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S REVENGE: My Lady Mafia Boss / CHAPTER 5: THE ENCOUNTER(FIRST PART)

Share

CHAPTER 5: THE ENCOUNTER(FIRST PART)

“Ate!!!”, isang tawag ang bumasag sa aking katahimikan nakaupo kase ako ngayon sa isang bench na nasa rooftop ng call center building na pinagtatrabahuhan ko, boses iyon ni April.

“Why are you crying, mahinahon pero kinakabahang tanong ko.

“S-si mama ate!!! Huhuhuhu!, we need you!!!”, dugtong nito na kumawala na ang bugso ng damdamin sa pag iyak.

“A-anong nangyari?!!!”, asan siya?!”, dire-diretso kong tanong.

“Bigla nalang bumagsak si mama ate, itinakbo na siya ni Eliz sa hospital, susunod na ako ate nasa emergency room na sila doon mo kami hanapin”, detalyadong sagot nito habang umiiyak.

Nang maputol ang kabilang linya agad akong bumalik sa office room ko at mabilis na kinuha ang bag ko. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko, mga paano, bakit, at ano ang dahilan ng biglang pag bagsak ni mama, pilit akong bumabalik sa mga panahon na nakikitang nahahapo at madalas ang pagkahilo nito.

Madalas ding sumakit ang ulo nito at uminom ng painkillers, bukod pa rito lagi itong hinihingal at palaging sapo ang dibdib o di kaya naman ay ang batok nito. Lahat kami noon ay naniwala sakanya niya na dala lamang ng init at pagod ang nararamdaman niya o di kaya naman ay ang pag babago ng panahon.

May ilang beses din itong hinihimitay sa aming kitchen, or any part of the house, dahil sa pagtulong nito sa akin na makamit ang aming mga orders. Madalas din na si mama na lang ang nag dedeliver kasama ang aming driver na si Manong Clyde, pumikit ako ng mariin nakarating na din ako sa sasakyan ko, mariin kong hinawakan ng mahigpit ang pinto nito at malalim na bumuntong hininga.

Saglit akong nag dasal na sana okay lang si mama. Isang taon palang kase ang nakakalips ng iwan na kami ni papa ng tuluyan, ilang buwan ding ininda ni mama ang pagkamatay ni papa, nilamon siya ng lungkot at matinding depresyon.

Isa na rin ito siguro sa dahilan kung bakit unti-unting bumagsak ang katawan nito nang di naming namamlayan, masyado kase kaming naniniwala na okay lang ito pero ang totoo ay hindi. Masyado na din ang tinamo nitong pagod, siya kase ang punong abala sa lahat at sinisisi ko ang sarili ko dahil nagkulang ako sa pagmonitor sa kalagayan ng health ni mama, ako lang dapat ang sisi pero wala ehh kailangan kong kumayod para sa kanila.

Dahil sa matinding pagkataranta, ni hindi ko na naalalang magpaalam sa boss ko, I decided to make a call dialing his number, sinabi ko sakanyang lahat ng nangyayari, and he gives me a consideration regarding the matter.

Isang text message ang pumasok sa cellphone ko, tumambad ang pangalan ni Eliz tarantang binuksan ko ang message at tama nga ang hinala ko nasa emergency room na si mama. Agad naman akong sumakay sa kotse ko para puntahan ang aking mama.

Pag dating ko sa may centro, napansin kong di na gaanong umuusad ang mga sasakyan, tinawagan ko naman si April para i-update ito sa mga pangyayari, ilang minuto pa akong nakatunganga dito hanggang sa magpasya akong bumaba para tignan at alamin ang mga nangyayari.

Lumapit ako sa isang traffic enforcer, matangkad ito at matipuno ang katawan, bakat na bakat ang suot niyang uniform na siyang nag papaangat sa hubog ng matipuno nitong katawan, nakasuot din ito ng full cover facemask dahil sa alikabok at init.

“Kuya! Ano hong nangyayari?”, tanong ko. “Ayy ma’am may nag karambolang sasakyan diyan sa may Avenida Street Corner ng Tramo”, diretsong saad nito.

“Ho??!!! Naku eh nag mamadali pa man din ako”, sabi kong muli.

“Pasensya na ma’am hindi po namin kontrolado ang sitwasyon eh, sige po at kailangan na po ako doon”, magalang na pag sasabi nito.

Hindi naman ako mapakali sa nalaman, parang bumigat lalo ang aking dibdib sa mga pangyayari na mayroon ngayon. Tinignan ko ang wrist watch ko 2:47 pm na, ibig sabihin 30 minutes na akong nandito at hindi pa din gumagalaw.

Nagpasya akong tawagan ang dati kong katrabaho at kaibigan na si Jonas, makikiusap akong sunduin dito may motor kasi iyon na pwedeng sumingit-singit sa mga eskinita, twenty minutes nalang naman ang layo ko sa ospital.

Pumasok na ako sa sasakyan ko, hinanap ang isang phone ko para tawagan si Jonas.

“Rriiinnnnggggg!!!! Hello?!”, ani ng kabilang linya,

“Hello, Beks? Asan ka?!”, atubiling tanong ko, medyo nagpapanic na din kasi ako dahil di ko pa alam sa mga oras na iyon ang kalagayan ni mama.

“Kadadating ko sa bahay beks, bakit?”, malambing at agad namang sagot nito.

“I need a ride, naipit kasi ako sa traffic dito sa may Avenida Street Corner ng Tramo, itinakbo nila Eliz sa ospital si mama”, dire-diretsong sabi ko.

“My beauty will be there in ten minutes”, walang atubiling sagot nito at patuloy ng naputol ang kabilang linya. Tulad ng inaasahan ko, never na tumanggi or nag dahilan si Jonas at agad na tutugunan ang hiling ko, he didn’t even bother to ask for the full details of what is happening.

Mula ng makilala ko ito two years ago ay agad na nag click ang ugali namin at naging close kami sa isa’t-isa dahil madaming bagay ang pinagkakasunduan namin, hindi naman kase ako nag karoon or iilan lang ang naging kaibigan ko noong high school at college days ko.

At tulad din ng oras na sinabi niya, from his motto na time is a precious gold, he arrived at exactly ten minutes after naming mag usap, pero bago ako tuluyang umangkas, binuksan ko muna ang trunk ng kotse ko at kinuha ang aking helmet na regalo niya sa akin. Tumuntong naman ako sa hood ng saaskyan ko na ikinagulat ni Jonas,

“Hooyy!!! Bakla! What are you doing?!”, inopen niya ang tinted part ng helmet habang sinisita ako.

“Wait lang beki!”, sabi ko habang hinahanap ang traffic enforcer na kausap ko kani-kanina lang. Ilang segundo ko din itong hinanap habang sinusuyod ng aking mga mata ang kumpol ng tao at bumper to bumper ng mga sasakyan,hanggang sa makita ko ang tainted na bandana na nakatakip sa mukha nito.

Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang may suot ng bandanang iyon sa unahang bahagi kung saan nangyari ang aksidente.

“Beks! Wait lang, I can’t leave my car here”, sabi ko sabay talon sa hood ng kotse ko.

“Okay, do yah thing girl?’, saad nito ng umiirap pa ito ng bahagya sa akin at may halong panunukso.

Inirapan ko naman ito dahil napansin niyang matiim ko munang tinitigan at sinino ang traffic enforcer na hinanap ko at ngayon ay aking lalapitan.

“Sir!!!”, tawag ko sa lalaki habang nakikipagsiksikan sa kumpol ng taong nakikiusyoso sa aksidenteng naganap,

“Sir! Excuse me?!, Siiirr!!!”, patuloy kong sigaw at hawi sa mga nadadaanan kong kapwa tao. Mukhang hindi niya ako naririnig kaya nagpasya akong mas lumapit pa sa kinaroroonan niya.

Napansin naman ni Jonas na nahihirapan akong makipagkipagsiksikan sa lugar papalapit sa traffic enforcer kaya naman gamit ang motor niya agad niya akong nilapitan.

I then decided to put my helmet on habang nakikitang paaplapit si Jonas sa kinaroroonan ko, and I ride on Jonas’ motorcycle.

“Beeeppp! Beeeepppp! Beep! Beep!”, busina ni Jonas dahilan para mahawi ang taong nangagulat at mabigyan kami ng daan papunta sa target kong tao.

“Sirrr!!! Psst! Huy sir!”, sa mga oras na iyon ay nahuli ko na ang atensyon nito at nakakatitig na sa akin.

“Sir! Mawalang galang na nga po uli”, atubili kong sabi, nagulat naman ito ng muli akong makita. Matiim niya akong tinitigan dahilan para makita niya ako, itinaas ko naman ang and tinted part nito ng makilala na ako nung traffic enforcer.

“Oh! Ma’am, bakit ho?”, takang tanong nito.

“Ehhh! Sir! Talagang nagmamadali na po kasi ako kayo na po ang bahala sa kotse ko”, sabi ko sabay abot ng susi.

”Ho?!”, gulat at nagtataka na sagot nito.

“Yes sir”, ayuda naman ni Jonas, “Isinugod kasi sa ospital ang mama nitong diyosang friend ko ehh!”,sabay kindat at dagdag pa nito.

“Nandoon yung kotse sir kung saan ko kayo na-meet kanina”, sabi ko.

“Ehh!, paano po ninyo kukunin ang kotse “puzzled and worried na sabi ni sir.

“Saka ko na ho iisipin yon?” sagot ko.

“Thanks sir! See you soon!”, patili na sabi ni Jonas at sabay kindat muli sa enforcer saka mabilis na pinatakbo ang motorcycle na sinasakyan naming dalawa.

Tuluyan na naming iniwan ang enforcer na nagkakamot ng ulo habang iniisip kung ano ang gagawin. Natandaan ko naman na “Padilla” ang apelyido nito.

Sa lahat naman ng hustle na nangyari, narating na naming ni Jonas ang ospital, dire-diretso naman akong pumasok sa may information area, unaware na suot ko pa rin pala ang helmet ko.

“Hello Nurse, asan na po si Lumen Salviejo?”, tanong ko sa nurse na nasa information area.

“Sandali lang ma’am ahh, I’ll check lang po”, magalang na sagot nito.

Tinanaw ko naman si Jonas sa labas ng lobby, pinark niya kase ang motor niya pagbaba ko.

“Excuse me ma’am”, pagkuha ng nurse sa atensyon ko dahil sa nakadungaw ako sa labas ng lobby.

“Yes?”, agad kong tugon.

“Kasalukuyan pa pong nasa E.R si Mrs. Salviejo under operation pa po siya, doon na po kase ipinerform ang procedure gawa ng nasa critical state po siya ng isinugod po dito kanina”, tugon naman ng nurse.

“Which way is the E.R?”, tanong ko, pero bago nakasagot ang nurse ay siya namang pagpasok ni Jonas na nakataas ang kilay.

“Juuussskkoooo! Giiirlll!!! Imbierna hah! Ang hirap ng parking keme dito ahh, ganoon na ba kadami ang mga forsaken people!!!”, tili ng besty kong bakla.

Tinapik ko naman ito para tumahimik, “I’m sorry miss”, sabay senyas ko sakanya dahil sa ingay na dala ni Jonas, “Can you please repeat it”, kako sa nurse dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nito.

Natatawa naman ang nurse at muling sumagot ng magalang, “Straight left lang po tabi ng pharmacy tapat po ng cafeteria”, tugon nito.

“Thank you”, sabi ko at saka pumuunta na sa direksyon na itinuro nito.

“Girl, baka gusto mong tanggalin na ang helmet?!”, sarkastikong sabi nito.

Taranta ko namang tinanggal ang helmet at dumiretso na sa emergency room. Nang malapit na sa E.R., bigla namang kumabog ang dibdib ko dahilan para mapaupo ako.

“Ayy!!! Kamote!!!”, tili ni Jonas, “Are you okay?!”, alalang tanong nito.

“Wait here, I’ll get you some water”. Iniwan na ako ni Jonas para bumili ng tubig agad, habang pinapakalma ang aking sarili, ilang hakbang nalang ang E.R. pero parang ang layo layo pa nito. I guess I’m afraid sa outcome na maririnig ko.

Devastation creeps my whole body, anger and hate envelops my heart as the excruciating pain tore it into pieces, I don’t know what to do, nalilito ako, ilang minuto din akong nakayuko at impit na umiiyak, ang tahimik kong hagulgol dahil sa pagkatuliro at ang nais na makatulong sa pamilya ko lalo na ang pagdadasal ng mataimtim para sa recovery na sana ni papa.

I didn’t know who to blame, I also didn’t know why all this bullshit is happening sa pamilyang nagmahal sa akin. Madalas tuloy akong napapaisip kung bakit ang lahat ng ito ay nangyayari, I often asked myself what did I do wrong to this beautiful family.

Nag simula lang naman ang lahat ng ito ng ampunin ako at bigyan ng bagong pangalan ng pamilyang ito. I owe them every beautiful things that have happened to me pero bakit paghihirap at sakit naman ang kapalit, dahil ba sa mga maling desisyon ko na sinang-ayunan nila o dahil sa hindi ko sinunod ang lahat ng gusto nila considering the chaos that is continuously happening to our so-called family.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at tumingala sa taas tangan ang dibdib ko. Isang mabigat at malalim na buntong hininga na lang ang pinakawlalan ko. Miutes later, dumating na si Jonas dala ang bottled water na binili niya. Agad naman akong lumagok para mahimasmasan ang pakiramdam ko. Pinunasan ko naman ng palad ko ang aking mukha, saka ako tumayo at nagpatuloy na na pumasok ng Emergency room.

As I open the door, agad na bumungad sa akin ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa bench na nasa labas ng E.R operating area, sa bench nakaupo si April at tarantang palakad-lakad si Eliz at tila di mapalagay.

“Ate!!!”, bulalas ni April nang makita kaming papasok ni Jonas.

Mahigpit naman akong niyakap ni April kasunod ni Eliz.

“Tell me what happened?”, habang iginagaya sila paupo sa bench. Si April ang sumagot, “She was instructing Manong Clyde to put all the deliveries according to its delivery plan when she was suddenly fainted”, salaysay ni April habang humihikbing kinukwento ang mga pangyayari.

“I then called Eliz kase suddenly we ran out of disposables”, patuloy pa nito.

“Nasa taas kasi ako ate para ayusin ang iba pang orders nang biglang sumigaw si Manong Clyde”, hikbi nito.

“We’re sorry ate, we didn’t—I didn’t notice the signs”, si Eliz naman ang nag salita.

“Sssshhhhhh!”, pagpigil ko sa dalawang habang sinisi ang kanilang mga sarili nila sa nangyari kay mama. “It’s not your fault”, mariin kong sabi para aluin ang dalawa.

“Well then, whose fault it is ate?! Who!”, pasigaw na sagot ni Eliz, “It’s no one’s fault”, sigaw ko pero inaaalo ko pa rin ang mga ito.

“Can you please stop arguing?”, ani ko sa mahinahon na boses, huminga ako ng malalim at sa halip ay iniba ko ang topic, “How’s mama?”, kako, “Any news?”, umiling si Eliz, “45 minutes na sa loob si mama ate, but still no news from the doctors”, sabi ko at muling niyakap ang mga dito.

Nang mahimasmasan at kumalma sina April at Eliz, nilapitan ko naman si Jonas para magpasalamat, “Beki! Thank you hah!”, sabi ko at niyakap ko si Jonas.

“Everything for you my ever chakang friend”, sabi nito at nagbeso. Hinawakan ni Jonas ang kamay ko at inabot ang balumbon ng pera.

“No!”, tanggi ko, “Ahh ahh ahh! Don’t you dare, hindi ka maganda”, sabi nito, alam kong kailangan mo yan”, dagdag pa nito, kaya hindi na ako tumanggi pa bagkus ay niyakap ko itong muli.

“Girl! Thank you ng sobra sobra!!!!”, sabi ko.

”Anong thank you?!,” biro nito.

“I want the enforcer chos!! Hindi nga…If you need anything don’t hesitate to call or kahit na anong help pa yan! Alam mo namang madami akong kakilala”, sabi nito. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon at nagpaalam na ito at tuluyan ng umalis.

We have spent hours waiting for the doctors and the news about mama’s health state, Eliz has taken a nap and April decided to buy food for all us, pare-pareho kasi kaming hind pa kumakain, tinawagan ko naman si Manong Clyde para pauwiin at para may kasama si Aling Nancy na magdeliver, delayed na rin kasi ang mga deliveries at hindi pwedeng mapornada o ipagpabukas pa namin.

Ngayon pa na mukhang Malaki nanaman ang magagastos. April arrived with the food kaya naman sabay-sabay na kaming kumain. Pinapanood kong kumain ang dalawa kong kapatid nang mag ring ang cellphone ko.

Lumayo muna ako at saka ito sinagot, “Hello?”, sagot ko dahil sa unregistered number ito.

“Is this Quinn Nova Salviejo or should I call you “Nova”?”, sabi nang nasa kabilang linya,

“Yes speaking? What is it?”, magalang pero nagtatakang tanong ko.

“I am Ian Corell personal assistant of Mr. Daniel Powter your VIP last Tuesday at the Royal Club”, diretsong saad nito.

“Yes I remember him but you, I guess not”. diretsa at matipid kong sagot.

“Mr. Powter wants to meet you personally tonight, are you okay with that?”, sabi ni Ian. “No sir, I am so sorry it’s not a good time maybe Friday night at the Club?”, sabi ko.

“I have a family emergency right now?”, dagdag ko pa. “If that is the case, I will let Mr. Powter know the details, have a nice day and thank you”, at tuluyan ng naputol ang kabilang linya.

Siya namang pag labas ni Dr. Mendez at isa pang doctor sa E.R., “Doc! Kamusta si mama?”, atubili kong tanong.

“This is Dr. Fuentes, cardiologist at siya ang kasama kong nag opera sa mama ninyo”, sabi nito.

“As I was saying, your mama is out of danger, she had a mild stroke pero naagapan na ito, but due to her fall, a head trauma occur dahilan para isailalim siya sa isang brain surgery para matanggal ang namuong dugo sa utak niya, hindi naman ito delikado pero I suggest mas mainam na matanggal ito para hindi na mag cause ng another problem in the future, kailangan munang maobserbahan ng inyong mama dahil sa isinagawang “ablation”, hindi na kase nag rerespond sa medication ang puso ng inyong mama, she has arrhythmias kaya lagi siyang hinihingal, hapo, nagpapalpitate at ngayon naman ay stroke, after niyang makarecover sa heart operation na naisagawa na isusunod naman ang brain surgery niya para matanggal ang blood clot sa left cranial ng inyong mama”, sunod-sunod at detalyadong paliwanag ng mga doctor. “ililipat sa ICU si Mrs. Salviejo para mamonitor ang kanyang kalagayan”, sabing muli ng mga doctor.

Noong mga oras na iyon, napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig, I stayed there quietly, trying to comprehend and understand every bits of information that the doctor have told us regarding our mama.

Nang makita kong okay na at settled na ang dalawa kong kapatid, I chose to go out, nagtungo ako sa mini garden ng ospital, I sat on a bench and stayed there, thinking of the best way to save our mama. I prayed so hard.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status