ANYANA POV "SURE ka na ba na ayos ka na?" seryosong tanong sa akin ni Gino! Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap kanina pumayag na din siyang makauwi na ako! Wala sa sariling napatango ako "Oo, ayos na ako! Salamat Gino ha? Sa kabila ng mga nangyari, masaya pa rin ako dahil may kaibigan pala ako! Sa loob ng anim na buwan, wala kasi akong ginawa kundi ang manatili sa loob ng bahay at sundin ang lahat ng nais ni Stephen eh!" nahihiya kong sagot sa kanya. Ewan ko ba! Ibang iba ang pakikitungo sa akin ni Gino kumpara sa mga nakakasama ko! Para akong isang prinsesa kung ituring niya! Basta, parang may something sa kanya na hindi ko maintindihan! "Gago talaga ang Stephen na iyan! Ano ang akala niya sa iyo, tao-tauhan? Ni hindi ka man lang inilabas at ipakilala sa lahat? Nagawa niyang ipagsigawan sa buong mundo ang relasyon niya sa isang starlet tapos iyang sa iyo itinago niya lang sa bahay?" nagtatagis ang bagang na sagot ni Dino! Mapait naman akong napangiti. Hindi ko siya pwedeng
Terakhir Diperbarui : 2024-11-14 Baca selengkapnya