Share

Chapter 257

Author: Cathy
last update Last Updated: 2024-11-15 22:10:23

ANYANA POV

HINDI ko alam kung paano ako nakabalik ng kwarto pero namalayan ko na nalang na nakadapa na ako ng kama ngayun at patuloy sa pag-iyak! Ang huling natatandaan ko ay binibigyan na lang nila ako ng three days para lisanin ang bahay na ito!

Oo, sa akin daw ipinamana ni Lola Sylvia ang bahay na ito pero dahil ikinasal kaming dalawa ni Stephen nagiging conjugal property daw naming dalawa ito! Hindi ko alam kung nagulangan ba ako pagdating sa mga ari-arian pero wala na akong pakialam pa! Wala naman talaga akong pakialam sa pera! Wala nang halaga sa akin ang lahat kung tuluyang mawawala sa akin si Stephen!

Wala sa sariling napatitig ako sa debit card na ibinigay nila sa akin! Nakadeposit sa account na ito ang pera na na nagkakahalaga ng kalahating presyo ng bahay na ito! Kumbaga tuluyan nang binili ni Stephen ang kalahati at tuluyan na akong nawalan ng karapatan sa pamamahay na ito!

Ipapasok din daw nila sa card na ito ang bahagi ng kita sa beach resort kung saan may share
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Erlyn Briz Diaz
ano ba nman itong si Bianca at napaka konsintidor akla kobpa nman ay mabuti ang kalooban , kasura hindi muna inalam ang pangyayari.. at itong scarlet naman napaka walang hiya, may araw ka din ang karma nyo.. bwisit
goodnovel comment avatar
Remedios Villanueva Balboa
bkit ganitong kwento sama nman mxado ugali ng mga anak nila Bianca.. kasawa ng magbasa
goodnovel comment avatar
nagiePangani
tawagan m na KC c Gino. wag k ng mag pkatanga. Nang ggil nko sau
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 258

    ANYANA POV "Hindi totoo iyan! Naguguluhan lang si Stephen at pasasaan ba at maaayos din namin ito!" wala sa sariling bigkas ko sabay iling! Pigil ko ang sarili ko na maluha! "No Anyana, huwag ka nang umasa pa! Hindi na maniniwala sa iyo si Stephen dahil naka-plano na ang lahat! Once na ma-approved na ng korte at tuluyan nang mapawalang bisa ang kasal niyong dalawa ni Stephen, magpapakasal din naman kaagad silang dalawa ni Glaiza!" nakangisi niyang sagot sa akin. Pakiramdam ko bigla akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig! Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa kama at mabilis na nilapitan si Scarlett! "Makakaganti din ako sa iyo! Sa ngayun, maaring sa iyo pumapabor ang kapalaran pero pasasaan ba at babaliktad din ang mundo at ikaw naman ang iiyak at magdudusa Scarlett!' galit kong sigaw sa kanya! Kaagad namang nanlaki ang mga mata nito sa galit kasabay ng pag-angat ng palad niya at direcho iyung lumagapak sa aking pisngi! "Hindi ako naniniwala sa kar

    Last Updated : 2024-11-15
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 259

    THIRD PARTY POV ANYANA!'' sigaw na umalingawngaw sa bawat sulok ng bahay kasabay ng pagtama ng ulo ni Anyana sa railings ng hagdan na siyang dahilan kaya tuluyan itong natumba at nagpagulong-gulong sa bawat baitang ng hagdan pababa.Mabilis na napababa si Stephen at kaagad niyang dinaluhan ang dalaga na walang malay! Duguan ang ulo nito at hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya!"Anyana! Anyana! Gising!" tarantang bigkas ni Stephen habang hindi niya malaman kung hahawakan ba or hindi ang kanyang asawa! Ang kaninang galit na nararamdaman niya para kay Anyana ay biglang naglaho at napalitan iyun ng matinding pag-aalala.Samantalang si Scarlett ay parang ipinako sa kanyang kinatatayuan! Halata sa mukha niya ng guilt kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata."Hi-hindi! Hindi ko sinasadya!" mahina niyang sambit sabay titig sa nanginginig niyang kamay! Ngayung niya lang lubos na narealized kung ano ang nagawa niyang malaking pagkakamali! Ang gusto niya lang naman ay tuluyang

    Last Updated : 2024-11-16
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 260

    STEPHEN POV "BAKIT ang tagal?" mahina kong bigkas habang hindi mawala-wala ang matinding kaba sa puso ko! Kasalanan ko...yes, kasalanan ko kung bakit nahulog si Anyana kanina sa hagdan! Kung hindi lang sana ako padalos-dalos ng desisyon hindi sana nangyari ito! Kung napigilan ko lang sana si Scarlett sa pambubully kay Anyana kanina hindi sana siya nahulog sa hagdan na siyang dahilan kaya nasa hindi maayos na kalagayan siya ngayun! Muli akong napatitig kay Scarett! Kitang kita ko sa mukha nito ang matinding takot habang nakatitig din sa akin! Gustuhin ko man pagsalitaan siya ng masasakit pero hindi ko naman magawa dahil hindi na din naman maibabalik ang mga nangyari na! Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at muling napatitig sa pintuan ng emergency room! Hangang ngayun ginagamot pa rin si Anyana! Sana okay lang siya! Sana magiging maayos din ang lahat Mariin akong napapikit! Kaagad na lumitaw sa balintataw ko ang luhaang mukha ni Anyana! Ang paghihinagpis ni

    Last Updated : 2024-11-16
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 261

    STEPHEN POV "Stephen, sino sila? Bakit nila kinuha si Anyana?" kaagad naman akong dinaluhan ni Scarlett at inalalayan na makatayo! Kahit na medyo umiikot ang paningin pinilit ko pa ring makatayo para sundan ang grupo nila Gino na kumuha kay Anyana! Hindi pwedeng basta nalang ilayo si Anyana lalo na at may problema ito medical. Ni hindi pa nga yata sigurado kung ligtas na ba si Anyana sa panganib! Kasalukuyang ginagmot si Anyana sa loob ng emergency room nang bigla na lang silang dumating at walang pasabi na kinuha nila ang katawan ng asawa ko! Pagkatayo ko, tinabig ko ang kamay ni Scarlett at mabilis ang hakbang na kaagad na sinundan ang grupo nila Gino! Alam kong nasa paligid lang sila at maabutan ko pa ang mga iyun basta bilisan ko lang ang aking kilos! "Stephen....tigilan mo na iyan! Wala ka nang magagawa pa kundi hayaan na muna sila!" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang maawtoridad na boses ni Uncle Arnold! Mabilis ang hakbang na naglakad siya palapit sa akin a

    Last Updated : 2024-11-17
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 262

    STEPHEN POV "Mom! Hindi ko po sinasadya! Aksidente po ang pagkakalaglag ni Anyana sa hagdan at wala po akong kasalanan!" kaagad na bigkas ni Scarlett habang nakayakap siya kay Mommy Bianca! Ngayun ko lang napagmasdan ang kapatid ko at kitang kita ko ang pangangatog ng katawan niya dahil sa takot! Hindi ko naman malaman kung ano ang magiging reaction ko. Pinaghalong galit, takot at pag-aalala ang nararamdaman ng buo kong pagkatao,. Parang gusto ko nang iuntog ang sarili ko sa pader para matigil na ang lahat-lahat! Unang araw pa lang sa problemang ito pero parang gusto ko nang sumuko! Hindi kayang tangapin ng kalooban ko na napahamak si Anyana dahil sa akin! Dahil sa pagiging padalos-dalos ko. "Ano ba kasi ang nangyari? Scarlett, Stephen, sabihin niyo nga...kayo ba ang may kasalanan kaya nandito si ANyana ngayun sa hospital?" halata sa tono ni MOmmy Bianca ang tinitimping galit na tanong niya sa akin! Mabilis din siyang kumalas sa pagkakayakap ni Scarlett at namaywang! "Mom, hin

    Last Updated : 2024-11-17
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 263

    ANYANA POV "No! Hindi! Maawa kayo a akin.....huwaggggg!" hindi ko mapigilang sigaw habang patuloy sa pagtakbo! Hindi ko alam kung saan ako patutungo! Puro kadiliman ang nakikita ko at wala akong ibang gustong gawin kundi ang makalayo sa lugar na ito! Papatayin nila ako! Yes, papatayin ako ng sarili kong asawa! Galit sila sa akin, gusto nila akong mawala sa landas nila! Hindi ko na mapigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata! Gusto kong sumigaw para makahingi ng tulong kaya lang----------- "ANYANA! ANYANA! GISING!" narinig kong bigkas ng kung sino kaya naman wala sa sariling mabilis akong napabangon pero napahigang muli nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko! Masakit din ang buo kong katawan na para bang galing ako sa matinding pakikipaglaban! SA muling pagmulat ng aking mga mata isang hindi familiar na lugar ang kaagad na bumulaga sa akin! "Nasaan ako?" mahina kong tanong sabay pikit ng aking mga mata. Para namang pelikula na nag-uunahan sa bali

    Last Updated : 2024-11-17
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 264

    ANYANA POV PAGKATAPOS nang masinsinang pag-uusap namin ng nagpakilala kong ama mag-isa akong naiwan dito sa sa presidential suite ng hospital. Ngayun ko lang lubusang napagtoonanan ng pansin ang buong paligid! Para akong nasa isang mamahaling hotel na sa mga magazine ko lang nakikita! Siguro nga hindi basta-bastang tao ang aking ama! Ang ipinagtataka ko lang paano ako napunta dito? Nasaan na sila Stephen at Scarlett? Nangako si Daddy Draku sa akin na babalik daw siya kaagad! Na may kukunin lang daw siya at kapag may kailangan daw ako pipindutin ko lang ang isang button na nasa gilid na kama ko. Nabangit din niya sa akin na may mga bantay daw ako na nasa labas lang ng kwarto para masiguro ang kaligtasan ko sa lahat ng oras. Hindi ko pa masyadong kilala ang ama ko pero sigurado ako na hindi siya basta-bastang tao! Gayunpaman, alam ko at nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin! Alam ko din na magiging safe ako sa poder niya! Nang tuluyan na akong mapag-isa, ibayong katah

    Last Updated : 2024-11-18
  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 265

    ANYANA POV 'SHAINE, hawakan mo siya! Naku, bakit mo pa kasi nabangit sa kanya na nakunan siya!" narinig kong bigkas ng isa sa kanila! Patuloy ako sa pagpupumiglas at pilit na bumaba ng kama! Hindi ko mapapalagpas ang araw na ito at gusto kong puntahan sila Scarlett at Stephen at ibuhos sa kanila ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun! Sobra na! Sobrang-sobra na ang ginawa nila sa akin! SA kabila ng kabutihan at mga pabor na ibinigay ko sa kanila nagawa pa talaga nilang pagtangkaan ang buhay ko! Not once, but twice at ang masaklap pa kasama pa talaga ang baby na nasa sinapupunan ko! "Ano ang nangyayari dito?" isang baritonong boses ang biglang umalingawngaw sa buong paligid! Wala sa sariling napatitig ako sa may pintuan ng kwarto at sa nanlalabo kong mga paningin kitang kita ko ang imahenng isang taong nakatayo at namumula ang mukha sa galit. 'Daddy! Dad!" mahing kong bigkas! Mabilis naman siyang naglakad palapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I am sorry baby! I am s

    Last Updated : 2024-11-18

Latest chapter

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 424

    SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 423

    DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 422

    ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 421

    ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 420

    ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 419

    ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 418

    ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 417

    ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w

  • CHASING MY EX-WIFE   Chapter 416

    ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status