STEPHEN POV "Stephen, sino sila? Bakit nila kinuha si Anyana?" kaagad naman akong dinaluhan ni Scarlett at inalalayan na makatayo! Kahit na medyo umiikot ang paningin pinilit ko pa ring makatayo para sundan ang grupo nila Gino na kumuha kay Anyana! Hindi pwedeng basta nalang ilayo si Anyana lalo na at may problema ito medical. Ni hindi pa nga yata sigurado kung ligtas na ba si Anyana sa panganib! Kasalukuyang ginagmot si Anyana sa loob ng emergency room nang bigla na lang silang dumating at walang pasabi na kinuha nila ang katawan ng asawa ko! Pagkatayo ko, tinabig ko ang kamay ni Scarlett at mabilis ang hakbang na kaagad na sinundan ang grupo nila Gino! Alam kong nasa paligid lang sila at maabutan ko pa ang mga iyun basta bilisan ko lang ang aking kilos! "Stephen....tigilan mo na iyan! Wala ka nang magagawa pa kundi hayaan na muna sila!" natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang maawtoridad na boses ni Uncle Arnold! Mabilis ang hakbang na naglakad siya palapit sa akin a
STEPHEN POV "Mom! Hindi ko po sinasadya! Aksidente po ang pagkakalaglag ni Anyana sa hagdan at wala po akong kasalanan!" kaagad na bigkas ni Scarlett habang nakayakap siya kay Mommy Bianca! Ngayun ko lang napagmasdan ang kapatid ko at kitang kita ko ang pangangatog ng katawan niya dahil sa takot! Hindi ko naman malaman kung ano ang magiging reaction ko. Pinaghalong galit, takot at pag-aalala ang nararamdaman ng buo kong pagkatao,. Parang gusto ko nang iuntog ang sarili ko sa pader para matigil na ang lahat-lahat! Unang araw pa lang sa problemang ito pero parang gusto ko nang sumuko! Hindi kayang tangapin ng kalooban ko na napahamak si Anyana dahil sa akin! Dahil sa pagiging padalos-dalos ko. "Ano ba kasi ang nangyari? Scarlett, Stephen, sabihin niyo nga...kayo ba ang may kasalanan kaya nandito si ANyana ngayun sa hospital?" halata sa tono ni MOmmy Bianca ang tinitimping galit na tanong niya sa akin! Mabilis din siyang kumalas sa pagkakayakap ni Scarlett at namaywang! "Mom, hin
ANYANA POV "No! Hindi! Maawa kayo a akin.....huwaggggg!" hindi ko mapigilang sigaw habang patuloy sa pagtakbo! Hindi ko alam kung saan ako patutungo! Puro kadiliman ang nakikita ko at wala akong ibang gustong gawin kundi ang makalayo sa lugar na ito! Papatayin nila ako! Yes, papatayin ako ng sarili kong asawa! Galit sila sa akin, gusto nila akong mawala sa landas nila! Hindi ko na mapigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata! Gusto kong sumigaw para makahingi ng tulong kaya lang----------- "ANYANA! ANYANA! GISING!" narinig kong bigkas ng kung sino kaya naman wala sa sariling mabilis akong napabangon pero napahigang muli nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko! Masakit din ang buo kong katawan na para bang galing ako sa matinding pakikipaglaban! SA muling pagmulat ng aking mga mata isang hindi familiar na lugar ang kaagad na bumulaga sa akin! "Nasaan ako?" mahina kong tanong sabay pikit ng aking mga mata. Para namang pelikula na nag-uunahan sa bali
ANYANA POV PAGKATAPOS nang masinsinang pag-uusap namin ng nagpakilala kong ama mag-isa akong naiwan dito sa sa presidential suite ng hospital. Ngayun ko lang lubusang napagtoonanan ng pansin ang buong paligid! Para akong nasa isang mamahaling hotel na sa mga magazine ko lang nakikita! Siguro nga hindi basta-bastang tao ang aking ama! Ang ipinagtataka ko lang paano ako napunta dito? Nasaan na sila Stephen at Scarlett? Nangako si Daddy Draku sa akin na babalik daw siya kaagad! Na may kukunin lang daw siya at kapag may kailangan daw ako pipindutin ko lang ang isang button na nasa gilid na kama ko. Nabangit din niya sa akin na may mga bantay daw ako na nasa labas lang ng kwarto para masiguro ang kaligtasan ko sa lahat ng oras. Hindi ko pa masyadong kilala ang ama ko pero sigurado ako na hindi siya basta-bastang tao! Gayunpaman, alam ko at nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin! Alam ko din na magiging safe ako sa poder niya! Nang tuluyan na akong mapag-isa, ibayong katah
ANYANA POV 'SHAINE, hawakan mo siya! Naku, bakit mo pa kasi nabangit sa kanya na nakunan siya!" narinig kong bigkas ng isa sa kanila! Patuloy ako sa pagpupumiglas at pilit na bumaba ng kama! Hindi ko mapapalagpas ang araw na ito at gusto kong puntahan sila Scarlett at Stephen at ibuhos sa kanila ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayun! Sobra na! Sobrang-sobra na ang ginawa nila sa akin! SA kabila ng kabutihan at mga pabor na ibinigay ko sa kanila nagawa pa talaga nilang pagtangkaan ang buhay ko! Not once, but twice at ang masaklap pa kasama pa talaga ang baby na nasa sinapupunan ko! "Ano ang nangyayari dito?" isang baritonong boses ang biglang umalingawngaw sa buong paligid! Wala sa sariling napatitig ako sa may pintuan ng kwarto at sa nanlalabo kong mga paningin kitang kita ko ang imahenng isang taong nakatayo at namumula ang mukha sa galit. 'Daddy! Dad!" mahing kong bigkas! Mabilis naman siyang naglakad palapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "I am sorry baby! I am s
ANYANA POV "BAKIT ganiyan ka makatingin sa akin? Kung may gusto kang malaman, huwag ka nang mahiya pang magtanong! You can ask whatever you want hangang willing pa akong sumagot!" muling bigkas ni Gino habang inaalalayan niya akong makasandal sa aking higaan! Sa totoo lang, sobrang nagulat ako sa mga rebelasyon na binitiwan niya! Akalain mo, kay liit talaga ng mundo dahil hindi man lang talaga sumagi sa isipan ko na posibleng kadugo ko pala ang taong naging karamay ko noong nag-aaral pa ako! "Paanong naging tiyuhin kita? Paano nangyari iyun? Tsaka talagang Tatay ko ba talaga si Draku Monteverde Atienza?" kaagad kong tanong sa kanya! Isang malakas na pagtawa ang kaagad na namutawi sa bibig niya sabay iling "Sinasabi ko na nga ba eh! Kahit ako hindi makapaniwala na may anak nang dalaga ang kapatid kong iyun!" natawa niyang bigkas! Kaagad naman akong napasimangot! Kung tutuusin wala naman sanang nakakatawa sa tanong ko pero bakit kay babaw ng kaligayahan niya? "Maniwala ka m
ANYANA POV "Haysst, bakit ngayun lang kayo?" narinig kong bigkas ni Gino! Mula sa pagkakaupo tumayo siya at isa-isang nilapitan ang mga bagong dating! "Kumusta ang pakiramdam ng prinsesa ko?" kagad kong binawi ang tingin ko sa apat na gwapong mga kalalakihan nang biglang nagsalita si Daddy Draku! Curious ako kung sino sila pero mas masaya ako dahil nandito na ulit si Daddy! Alam kong sa lahat ng mga nandito sa loob ng kwarto, si Daddy lang ang may pinaka may kakayahan para ipagtangol ako sa lahat ng bagay "Ayos na ako Dad! Medyo magaan na ang pakiramdam ko!" mahina kong sagot sa kanya! Kahit na malaki ang kwarto ko dito sa hospital para bang sobrang sikip ng buong paligid! Katulad nila Gino at Daddy Draku, walang reject kung kapogian at tindig ang apat na kalalakihan na nandito ngayun kung ang pag-uusapn at lahat sila ay nakatitig sa akin! "Good to hear that! Mamaya kakausapin ko ang Doctor mo at isa-suggest ko na kung pwede ay sa bahay ka na lang magpagaling! Masyadong bori
ANYANA POV Pagkatapos kong makilala ang mga tiyuhin ko isa-isa na din naman silang nagpaalam! Nangako naman sila na dadalaw-dalawin nila ako palagi which is ayos lang sa akin at least naramdaman din ng puso ko na may pamilya pala ako! Imagine, may lima akong makikisig na tiyuhin, may ama ako at may Lolo din ako na excited ko na ding makita at makilala sa personal! Nasa US daw kasi ang senador kong Lolo dahil sa kondisyon medical pero babalik din daw kaagad next week at excited na akong makaharap siya! Hangang ngayun hindi ko pa rin lubos na maisip ng bigatin pala ang mga pamilyang pinagmulan ko! Isang senador ang Lolo ko at anak din ako ng isang bachelor! Imagine, hindi pa pala nag-asawa si Daddy at nangako siya sa akin na babawi siya! Na susulitin niya ang mga panahon na hindi niya ako nakasama. Napakabait din talaga na kapalaran sa akin! Kung kailan pasuko na ako tsaka naman sila dumating sa buhay ko! Hindi ako nag iisa at may mga taong handa akong damayan at alagaan kaya h
SCARLETT POV SIX YEARS LATER YES, ganoon kabilis ang paglipas ng taon! Anim na taon ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat! Wala na sila Scarlett at Stephen at nandito pa rin ako ngayun! Nakatayo sa harap ng kanilang puntod at kakatapos lang mag-usal ng maiksing panalangin! Sariwa pa rin ang sugat sa puso pero kailangan tangapin ang katotohanan na wala na sila! Na kailangan nang mag-moved-on dahil iyun ang nararapat! Alam kong tahimik na din naman sila! Na masaya na sila kung nasaan man sila naroroon! Sayang nga lang dahil hindi naging masaya ang naging buhay nila noong nandito pa sila sa mundong ito pero sana, kung totoo man ang reincarnation, magiging masaya na sana sila sa susunod nilang buhay! Kahit kailan, mananatili sila sa puso ko! Hinding hindi ko sila makakalimutan! Wala sa sariling napatitig ako sa larawan ni Anyana! Napakaganda niya talaga! Buhay na buhay ang ngiti sa kaniyang labi! Sayang nga lang at hindi siya lumaban! Alam kong m
DRAKU MONTEVERDE ATIENZA RESIDENCE SCARLETT POV "YAYA, kumusta ang mga bata? Tulog na ba sila?" seryosong tanong ko sa isa sa mga yaya's ng mga anak naming dalawa ni Draku! Tanghali na at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako hindi mapalagay. Hindi din maalis-alis sa isipan ko si Anyana! Sobra kasi talaga akong naaawa sa kalagayan niya ngayun! Alam kong masyado nitong dinamdam ang biglaang pagkamatay ni Stpehen pero hindi lang naman siya ang nagluluksa! Buong pamilya namin ay nagluksa din sa biglaang pagpanaw ng kakambal ko at hangang ngayun hindi pa rin matatangap ng mga magulang ko na wala na siya! IYun nga lang, dumagdag pa talaga sa dagok ang muling pagkakasakit ni Anyana! Sa hindi malamang dahilan, napag-alaman ng mga Doctor nito na lumulaki na naman pala ang puso ni Anyana which is hindi magandang senyales! Kaparehong kapareho ang kondisyon ng sakit niya noong bata pa siya! Wish ko lang na sana malagpasan niya lahat iyun! Hindi ko alam kung kaya pa bang tangapin nami
ANYANA POV DALAWANG linggo ang matulin na lumipas na wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa loob ng aking kwarto kapag araw at sa gabi naman makikita ako sa garden na tahimik na nagmumuni-muni! Araw-araw din ako kung dalawin ni Daddy para masiguro ang kaayusan ng kalagayan ko! Minsan na din akong dinalaw ng mga Uncles ko sa bahay na ito at masasabi ko na masaya ako dahil ramdam ng puso ko kung gaano ako kahalaga sa kanila! Nakakalungkot isipin na alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal! Sa bawat araw na nagdaan, ramdam ko na lalo akong humihina! May mga pagkakataon pa nga minsan na nahihirapan na akong bumangon sa umaga at kaunting galaw lang naghahabol na din ako sa aking paghinga! Dinadalaw din ako ng Doctor ko pero wala na akong energy pa para magtanong kung ano na ba ang sitwasyon ko! Ramdam ko din naman na alam na nilang lahat na alam ko na din kung ano man ang sitwasyon ko ngayun pero kagaya noon, wala talagang ni isa sa kanila ang gustong mag-open up tun
ANYANA POV 'ARE you sure, ayos ka lang dito?" seryosong tanong sa akin ni Daddy! Ayaw niyang pumayag na lumabas ako ng hospital pero wala na din silang nagawa pa nang ako na mismo ang nagpumilit pa! Ayaw man nilang direktang sabihin sa akin ang kalagayan ko alam ko sa sarili ko na kaunting oras na lang ang natitira sa akin at ayaw kong sa hospital ako bawian ng buhay! Pasalamat na lang talaga ako dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng Doctor ko dahil mukhang wala talagang balak si Daddy na sabihin sa akin ang tunay kong kalagayan! '"Okay, sasamahan ka nila Ate Divina at Manang Grasya sa bahay na ito! Kung bakit naman kasi gusto mo dito gayung mas palagay ang loob ko kung doon ka na lang muna sa bahay namin titira!:" seryosong sagot ni Daddy! Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid! Nandito kami sa bahay kung saan ako lumaki at nagdalaga! Ang bahay na minsang tinirhan namin ni Stephen noong nagsasama pa kami! Ang bahay na ipinamana sa akin ni Lola Sylvia Buenaventura
ANYANA POV "I AM SORRY, Mr Atienza pero sa sitwasyon niya ngayun hindi namin maipapangako kung kaya niya bang mag-undergo ng another operation! May history na siya ng surgery noong bata pa siya dahil ipinanganak siyang may congenital heart disease." narinig kong bigkas nang kung sino! Ang alam ko si Daddy ang kausap niya kaya naman mas pinili kong matulug-tulugan! "Ano ang pwedeng gawin para madugtungan nang buhay niya? Willing akong gumastos ng kahit na magkano para maging maayos ulit ang puso niya, Doc!" narinig kong sambit ni Daddy! Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo dahil sa narinig ko! "I am sorry, Mr. Atienza! Isa ito sa malaking side effect ng mga batang nagkaroon ng history ng congenital heart disease! Although, succesful ang surgery niya noon pero hindi ibig sabihin noon na kaya niya nang mabuhay hangang sa kanyang pagtanda! After so many years, dumadating talaga ang ganitong problema at hindi namin sigurado kung kakayanin pa ba ng pasyente ang mag-undergo ng another
ANYANA POV Ang kagustuhan ko pa rin ang nasunod kaya walang nagawa si Gino kundi pagbigyan ako! May kinausap lang siya na kung sino dito sa hospital pagkatapos noon pinayagan na akong makaalis sa kondisyon na kailangan kong makabalik para daw maobserbahan ako! Maraming test pa daw ang dapat gawin sa akin which is hindi ko na din pinagtoonan ng pansin! Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit dalawang araw akong walang malay sa hospital pero dahil mas focus ang isipan ko sa mga nangyari kay Stephen, hindi na ako nagtanong pa kay Gino! Habang nasa biyahe kami, mas pinili ko na lang ang manahimik! Bago naman kami umalis ng hospital, nangako si Gino sa akin na didirecho daw kami sa kinaroroonan ni Stephen which is labis kong ipinagpasalamat! Hangang ngayun kasi pinilit kong kinukumbinsi ang sarili koo na hindi totoong wala na siya! Pero ang pangungumbinsi kong iyun sa sarili ko ay biglang naglaho lalo na nang mapansin ko na sa isang memorial chapel kami dumirecho! "Ano ang
ANYANA POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero sa muling pagmulat ng aking mga mata ibayong katahimikan ang kaagad na sumalubong sa akin! Sumalubong sa paningin ko ang puting kulay ng paligid at nang ibaling ko ang aking tingin hindi ko mapigilan ang magtaka dahil sa mga nakakabit ng kung ano sa katawan ko! May nakakabit din sa akin na oxygen which is nakakapagtaka! HIndi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kay Stephen! Sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin, hindi ko alam kung kaya ko bang tangapin ang lahat pero isa lang ang sigurado ako, sobrang sakit sa puso na makita siyang isa nang malamig na bangkay. Pero totoo ba talaga iyun? Hindi kaya isang panaginip lang? Sana panaginip lang ang lahat! Kahit na gaano pa siya kasama hindi pa rin naman magbabago ang katotohanan na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Sa naisip kong iyun dahan-dah
ANYANA POV "Ano ang nangyari? Bakit ka namumutla?" seryosong tanong ni Doc Alvin nang maabutan niya ako dito sa labas ng restaurant! Kakatapos lang namin mag-usap ni Amanda at nag-aabang na lang ako ng taxi para masakyan ko patungo sa hospital kung saan daw dinala si Stephen! "Sorry, kailangan kong makaalis! Si Stephen...naaksidente!" diretsahan kong sagot kay Doc Alvin! Napansin kong saglit siyang natigilan bago tumango-tango! "Okay...sa kotse ko! Sasama ako ng hospital!" seryosong sagot niya sabay hawak niya sa akin at inakay niya ako patungo sa kanyang kotse! Naging sunod-sunuran naman ako kay Doc Alvin! Pagkasakay namin pareho sa sasakyan, kaagad siyang nagmaneho! Sinabi ko pa nga sa kanya kung saang hospital dinala si Stephen at pagkatapos noon, naging tahimik na ako buong biyahe! Ramdam ko ang takot ko sa puso ko pero umaasa ako na sana ayos lang si Stephen! Kahit naman sinaktan niya ako ng paulit-ulit, hindi ko naman pinangarap na mapahamak siya lalo na at alam kong w
ANYANA POV Dahil sa ginawa ni Stephen kanina sa simbahan, nagpasya na lang kaming dalawa ni Doc Alvin na kumain sa restaurant! Lagpas na sa oras ng pagkain ng tanghalian at nag-aalburuto na ang tiyan ko sa gutom! Wala na din akong balak na pumunta ng reception party dahil mukhang nababaliw na si Stephen! Para bang wala na siyang kahihiyan at hayagan niya nang ipinapakita sa lahat kung gaano na kasama ang ugali niya! Kahit ako, nagulat din talaga sa ginawa niya kanina! Harap-harapan ba naman kung mangumprunta! Ano ba ang pakialam niya kung may kausap akong lalaki? Naikasal na siya lahat-lahat ang hilig niya pa ring makialam sa buhay ng may buhay! "Ano ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Doc Alvin! HIndi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kanya! Sa halos isang buwan na nakilala ko siya wala man lang akong nakitang kahit na isang kapintasan sa ugali niya! Kapag magkasama kaming dalawa talagang ipinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na malayong mal