ANYANA POV (ANGELA) "So, hindi ka na sasama sa akin sa Manila?" maya-maya tanong ko kay Olivia! Halata talaga mukha niya na masaya siya sa kanyang promotions kaya naman alam kong hindi na talaga siguro siya makakasama sa akin sa manila. Ayos lang naman sa akin iyun dahil alam kong malaki ding break talaga para kay Olivia ang pagkaka-promote niya sa trabaho niya. "Well, hindi na siguro! Wala eh...wala naman na si Madam Carla kaya makakapg-focus na ako sa trabaho kong ito!" ngiting ngiti niyang sagot sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Talagang wala na si Madam Carla kasi sesante na nga diba? Nasesante dahil masyadong mapapel sa buhay at itong si Olivia nga ang pumalit! Well, mas may maganda din palang bunga ang pagkakatangal ni Carla dahil ang matalik kong kaibigan na si Olivia ang pumalit sa naiwan niyang posisyon! "Well, ano pa nga ba ang masasabi ko kundi congratulation! Siguro, dadalas-dalasan ko na lang ang pagdalaw dito sa beach resort para magkita tayo palagi!"
Last Updated : 2024-11-08 Read more