All Chapters of Lustful Night with the Billionaire Doctor (SPG): Chapter 261 - Chapter 270

297 Chapters

Chapter 260

=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik sa condo ay buong araw ko siyang hinintay at nag-aalala ako. Paano kung babae niya ang tumawag at pinuntahan siya? Ngunit dumaan ang gabi ay hindi pa siya nakakauwi. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ay naalimpungatan ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Inilibot ko ang paningin ngunit walang bakas ni Zian. ‘S-Saan siya pumunta at inabot siya ng ganoong oras?’ Habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo, isang bigat ang dumapo sa dibdib ko. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko, nagpapalala sa takot at pangamba. Hindi mapigilan ng isipan ko ang maglaro ng mga posibleng senaryo. Saan siya nagpunta? Kanino siya pumunta? At bakit hindi man lang siya nagparamdam buong gabi? Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono ko. Walang missed call o kahit isang mensahe mula kay Zian. Ni anino ng kanyang presensya ay wala. Napatingin ako sa pintuan ng
last updateLast Updated : 2024-11-25
Read more

Chapter 261

=Elvira’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa sala, hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Ang tunog ng boses ni Zian sa kwarto ay parang dagundong ng kulog na lumalamon sa katahimikan ng condo. Mahina lang siya kung magsalita, pero malinaw na seryoso ang tono niya. Lumapit ako nang marahan, pilit pinapakalma ang kabog ng puso ko.Nakasara ang pinto ng kwarto, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa harap nito, nakikinig. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, lalo na’t ayaw kong magmukhang walang tiwala, pero hindi ko rin maialis ang pakiramdam na may dapat akong malaman.“…Yes, I’ll take care of it. No need to involve anyone else,” narinig kong sabi niya.Sino ang kausap niya? At ano ang sinasabi niyang “it”? Parang bigla akong kinain ng sarili kong mga duda. Pilit kong iniisip na baka trabaho lang ito—na baka wala naman talagang dapat ikabahala. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Humakbang ako palayo, pilit nilalabanan ang pag-usyoso. Pe
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 262

=Elvira’s Point Of View= ‘I have to trust Zian. I-I need to trust him…’ Pumikit ako ng mariin at isinantabi ang cellphone ko. I have to trust him… Or else this love will fail. Iniangat ko ang tuhod sa sofa at humalukipkip sa tuhod ko. Labis man ang kaba at pangamba sa buong katawan ko at pinili kong habaan ang pasensya. At para hindi na ako mag-isip pa, inantay kong makauwi si Zian. Hapon na siya nakabalik at tila problemado siya. “Kumain ka na ba ng tanghalian?” kwestyon ko. “Yes hon…” tila pagod niyang sabi. “Ano ‘yan?” turo ko sa envelope na hawak niya. “Ah, investor honey. Why hon?” nagtatakang sabi niya. “Since wala ka naman palagi dito sa condo, okay lang ba kung sa bahay na muna ako?” baka sakali ko. “Huh?” gulat niyang ani, napaupo siya ng maayos at seryoso akong binalingan ng atensyon. “Biglaan yata hon?” “Ah halos matagal na rin akong hindi umuuwi…” pagrarason ko. Natahimik si Zian. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, na para bang sinusuri niya kung to
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 263

=Elvira’s Point Of View= Huminga ako ng malalim. “Magpapaalam sana ako na aalis na. Kaso I heard you were talking to someone, a-anong hindi ko pa alam?” kalmadong kwestyon ko. Sumingkit ang mata niya at kinagat ang ibabang labi. “I-It was nothing,” pabulong niyang sagot. “If it was nothing then it means there is something. What is it?” gigil kong sabi ngunit pinapakalma ang sarili. Napahawak siya sa kanyang pisngi. “It was nothing. Really,” gitil niya. Napapikit ako. “Fine. Don’t tell me. Aalis na ako. Magkita na lang tayo kapag handa ka na ring magpakatotoo sa akin at magsabi,” mainit kong sabi at tinalikuran siya. Ngunit habang naglalakad ay mabilis na umawat ang katawan niya sa aking harapan. “Ano?” “E-Elle naman… Are you asking me to tell you everything—” “Kung sa akin mo tinatago, sa akin mo sasabihin. So what is it that I don’t know about?” “Elle—” “Stop calling me, Elle! Elle! Elle! Just tell me the truth! May babae ka ba?!” napipikon kong usal at halos maluh
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

Chapter 264

=Elvira’s Point Of View= Isang linggo na ngunit walang paramdam si Zian mula nang huli kaming nag-usap. Ang unknown number naman ay panay text sa akin dahilan para mas maantig ang kuryosidad ko. Isang araw ay labis na akong bumigay sa temptasyon na alamin kung ano iyon. Ang bagay na pinagkakaabalahan ni Zian. Pumunta ako sa isang lugar na sinabi ng nagte-text. Malayo dito. Sa Pangasinan nga bagay na ikinatataka ko. Doon sa ospital doon. Kung saan ang huling proyekto ko. Labis ang kaba. ‘May nabuntis ba siyang iba? Nanganak ang babae niya?’ Balita ko’y nandirito si Zian… Kakaiba ang pintig ng puso ko habang sinusuyod ang kwartong sinabi ng nag-text sa akin. Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ngunit natigilan ako nang makita ang isang lalake at bata na walang malay. Naka-semento ang paa ng lalake. Habang ang bata ay may benda sa ulo, naka-semento ang halos buong katawan niya at may mga kung anong apparatus ang nandodoon sa kanyang dibdib. Dumagundong ang dibdib ko…
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 265

=Elvira’s Point of View= Habang naglalakad ako palayo ng ospital, hindi ko maiwasan ang bigat sa dibdib ko. Tila sinisigaw ng utak ko na tama ang ginawa ko, na nararapat lang na magalit ako kay Zian. Pero bakit, sa bawat hakbang ko, may boses sa loob ko na humihila pabalik? “Elle, hindi mo naiintindihan. Ayokong masaktan ka nang ganito.” Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang iyon. Ang ekspresyon sa mukha niya—ang lungkot, ang pagsisisi, at ang takot. Takot saan? Takot na mawala ako? Takot na hindi ko na siya kayang mahalin? O takot na hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa ang lahat? Napahinto ako. Ang paa ko, tila ayaw nang gumalaw. ‘Bakit nga ba, Zian? Bakit hindi mo sinabi?’ Pumikit ako at bumuntong-hininga. Sa isip ko, bumalik ang eksena kanina sa ospital. Ang desperasyon sa boses niya habang humihingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima. Ang kahandaan niyang akuin ang lahat ng kasalanan kahit alam kong hindi niya iyon obligasyon. Si Zian, ang lalaking
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

Chapter 266

=Elvira’s Point Of View= Dahil doon ay ako ang humingi ng pasensya sa pamilya. Hinayaan ako ni Zian sa gusto ko. Naiiyak akong tinitigan ng asawa at nanay ng bata na walang kasiguraduhan kung makakalakad pa. And It kills me… Slowly… Kinakain ako ng konsensya. “That’s okay na hon,” mahinahon na sabi ni Zian at hinawakan ang kamay ko. Sinulyapan ko siya at pinilit kong magpakatatag upang hindi maluha. Habang hawak ni Zian ang kamay ko, ramdam ko ang init at lakas mula sa kanya na pilit niyang ipinapasa sa akin. Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin matanggal ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa bata, sa mukha niyang tila tulog na lang at hindi alam ang kinabukasan na posibleng magbago nang tuluyan dahil sa nangyari. “I’m so sorry,” mahina kong sabi habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanila. Parang paulit-ulit na nag-e-echo ang boses ko sa loob ng silid, pero alam kong hindi sapat ang mga salitang iyon para maibsan ang sakit nila. Hindi sapat pa
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Chapter 267

=Elvira’s Point Of View= Napalunok ako habang nakatingin kay Zian. Hindi ko alam kung kaya ko bang pakinggan ang sasabihin niya, pero sa puntong ito, wala na akong pwedeng gawin kundi ang harapin ang totoo. “Zian,” mahina kong tawag, ngunit nanginginig ang boses ko. “Ano ba ’yon? Sabihin mo na.” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at dahan-dahang nagbuntong-hininga. “Elle, noong nagsimula ang proyektong ‘yon, may hindi inaasahang problema. Alam kong maayos ang plano, pero—” Tumigil siya, tila nag-aalangan sa sasabihin niya. “Pero ano, Zian?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang boses kong kalmado. “Pero may mga materyales na pinalitan ng subcontractor nang hindi ko nalalaman agad,” sagot niya sa wakas, halos pabulong. Napalunok ako. “I-ibig mong sabihin… hindi maayos ang pundasyon ng bahay?” tanong ko, ramdam ang bigat ng bawat salita. Tumango siya nang bahagya. “Napansin ko na lang noong tapos na ang construction, Elle. Pero sinubukan kong solusyunan agad. I
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Chapter 268

=Elvira’s Point Of View= Kailangan ko rin ng lakas para harapin ang lahat ng ito. At alam kong kailangan ko ng oras mag-isa para makapag-isip. Dahil kung hindi. Panghihinaan ako ng loob dahil natuto akong dumepende kay Zian. “Honey… Hon!” Naramdaman ko ang paghabol niya and I don’t have the guts to stop or stand in front of him. How many lies does he need to make to cover up for me? How many secrets does he have to keep just to protect me? It’s like I’m vulnerable. ‘Mahal ko siya pero hindi tama na itago sa akin ang mga bagay na ako dapat ang unang makaalam…’ “Hon please…” Napapikit ako nang mahuli niya ang mga braso ko at harapin ako. “I-Inamin ko naman na ‘di ba? T-Then why are you still leaving me?” “Babalik naman ako. I just need time for myself. I just need to gather myself, keep it together, basta ‘yon…” paliwanag ko. “Mahal kita kaya ko nagawa—” “Mahal rin kita Zian… But why does it feel like you always need to protect me? Kaya ko rin yung problema.
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

Chapter 269

=Ian Zachary’s Point Of View= Panay ang tawag ko kay Elle. I was nervous. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Natatakot ako na mawala siya, isa sa mga pakiramdam na hindi ko nagawang maramdaman sa ibang mga naging babae ko. Hindi ako mapakali dahilan para magmaneho ako papunta sa kanilang bahay. Nanginginig ang kamay ko sa hindi ko malirip na pamamaraan. ‘Tangina kasi Zian. You’re so stupid. Tanga, tanga ka!’ Mariin akong napapikit at binilisan ang pagmaneho. Pagkarating sa kanila ay pinindot ko kaagad ang bell. Nagtataka namang lumabas si Clayn at sumilip. Nang matanaw ako ay natataranta siyang lumapit. “Kuya Zian… Ano po ‘yon?” Napalunok ako. “Ang ate mo?” mahinahon na sabi ko. “Huh? ‘Di po ba kayo magkasama kuya? Anong oras na po ah. Wala po siya sa amin,” mahinang sabi ni Clayb at napakamot sa kilay. ‘Nasaan ‘yon? Alas nuebe na?’ “Hindi umuwi?” gulat na sabi ko. Nangunot ang noo ni Clayn. “Wala po kuya. Pasok po muna kayo,” anyaya ni Clayn at binuksan ang
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more
PREV
1
...
252627282930
DMCA.com Protection Status