Next chapter will be good. I promise ❤️
=Ian Zachary’s Point Of View= Panay ang tawag ko kay Elle. I was nervous. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Natatakot ako na mawala siya, isa sa mga pakiramdam na hindi ko nagawang maramdaman sa ibang mga naging babae ko. Hindi ako mapakali dahilan para magmaneho ako papunta sa kanilang bahay. Nanginginig ang kamay ko sa hindi ko malirip na pamamaraan. ‘Tangina kasi Zian. You’re so stupid. Tanga, tanga ka!’ Mariin akong napapikit at binilisan ang pagmaneho. Pagkarating sa kanila ay pinindot ko kaagad ang bell. Nagtataka namang lumabas si Clayn at sumilip. Nang matanaw ako ay natataranta siyang lumapit. “Kuya Zian… Ano po ‘yon?” Napalunok ako. “Ang ate mo?” mahinahon na sabi ko. “Huh? ‘Di po ba kayo magkasama kuya? Anong oras na po ah. Wala po siya sa amin,” mahinang sabi ni Clayb at napakamot sa kilay. ‘Nasaan ‘yon? Alas nuebe na?’ “Hindi umuwi?” gulat na sabi ko. Nangunot ang noo ni Clayn. “Wala po kuya. Pasok po muna kayo,” anyaya ni Clayn at binuksan ang
=Elvira’s Point Of View= Naalimpungatan ako nang may mahigpit na nakayakap mula sa bewang ko. Nagmulat ako at napalunok ako nang makita si Zian na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napabangon ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Para akong nasusuka, shet! Bigla ay naalala ko kung saan nagsimula ang sakit ng ulo ko. [FLASHBACK] Habang nasa bar ay napalunok ako. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganitong lugar, para akong inosenteng bata na pumasok dito. Mag-isa ko sa sulok ay bumili ako ng alak. Hindi kasi matahimik ang utak ko sa kakaisip. Nang makaubos ng isang bote at umorder na naman ako ng isa. Ngunit natigilan ako nang may lalakeng lumapit. “Lonely? Do you need some company—” “No, get lost.” Tumaas ang kilay ng lalake at naupo sa gilid. “Can you leave?” inis na asik ko. “Sasamahan ka na nga e—” “Just leave man,” sabi ng isang malalim na boses at napalunok ako nang makita ang pinsan ni Zian na si Arkeb ba ito? “Alis.” Nakakatakot ang pananalita nito. Nang umalis a
=Elvira’s Point of View= Matapos ang ilang araw ng paghihintay at pagsisiyasat, dumating din ang resulta mula sa private investigator na hinire ni Zian. Napag-alaman na ang contractor na pinili ng dating may-ari ng bahay ang siyang nagkulang sa pagsunod sa mga tamang proseso ng konstruksyon. Hindi maayos ang paggamit ng materyales at marami itong shortcut na ginawa upang makatipid, dahilan ng pagguho ng bahay. Si Zian ang unang nakaalam ng balita. Nang bumalik siya sa bahay, kita sa mukha niya ang timpi at determinasyon. “Nakuha na natin ang pangalan ng contractor. Pinuntahan ko na rin ang office nila. Tinawagan ko na rin si Mrs. Gutierrez para sabihin ang findings,” sabi niya nang mag-usap kami sa sala. “Ano ang sabi niya?” tanong ko, kinakabahan sa magiging reaksyon ng ginang. “Galit siya, pero willing siyang makinig kung humarap tayo at ipaliwanag ang buong sitwasyon,” sagot niya, hawak ang kamay ko. Tumango ako. “Sige, pupunta tayo. Kasama kita.” Sa araw ng pagharap nam
=Elvira’s Point Of View= Pagbalik ni Zian ay inabot siya ng dalawang oras. Magtatanong pa lang sana ako ngunit tumitig na siya sa akin ng makahulugan. “It was Arkeb, a family problem. Pero naayos na,” kalmadong sabi niya. ‘Hindi na ako magtatanong. Family problems eh.’ “Okay hon,” kalmadong sagot ko. “You’re not overthinking right?” kalmado niyang sabi. “Hindi naman,” sabi ko at tumango. Pinilit kong hindi mag-overthink, pero ang totoo, medyo curious din ako kung ano talaga ang nangyari. Bago pa ako makapagtanong ulit, hinila na ni Zian ang kamay ko papunta sa sofa. “Okay, since everything’s settled now, oras na para mag-relax tayo,” aniya habang pinapaupo ako. “Relax?” napakunot ang noo ko. Tumayo siya sa harap ko, iniangat ang kanyang kilay na parang may binabalak. “Oo, relax. I had a long day, and so did you. Kaya ako na ang bahala.” Napatawa ako. “Anong gagawin mo?” Ngumiti siya nang pilyo at lumapit sa sound system sa gilid ng sala. Bigla niyang binuksan an
=Zian’s Point Of View= [FLASHBACK] After receiving a call mabilis akong pumunta kay Arkeb, leaving Elvira alone in my condo. Halos harurutin ko ang sasakyan makarating lang kaagad sa bahay nila lola. Pagkarating ay patakbo akong pumasok sa loob. “Did you caught him?” bungad ko kay Arkeb who’s holding a gun in his hands. “No.” Sa sagot niya ay mariin akong napapikit at napaupo sa sofa. “Boys, calm down. Walang magagawa kung mape-pressure kayo. Hindi talaga mabilis mahuhuli ang mga ‘yon. That’s expected. They invaded our own properties, then that just means they’re as good as both of you.” Huminga ng malalim si lola matapos ipinakita ang parte ng mapa na napasok. “Sila ba yung nang-kidnap kay daddy before? Akala ko ba lola si Amora at Arkeb ang target?” mahinahon kong kwestyon. “I guess they’ve been pressuring Kent Axel,” mahinang sabi ni lola. Talking about Arkeb’s dad. “Bakit si dad lola?” tanong ni Arkeb. “He’s the founder, have you forgotten about it?” mahinahon n
=Ian Zachary’s Point Of View= “P-Paano kung sabihin ko sa’yo na kapag girlfriend kita, is maari kang mapahamak dahil sa pamilya na mayroon ako?” kalmadong panimula ko. Kinakabahan sa magiging sagot niya. Hanggang sa mahina siyang tumawa. “Joke ba ‘yan?” Lumabi ako sa sinabi niya. Joke? Does it seem like a joke? Tsk, sana nga joke na lang. Pinilit kong ngumiti at mahinang tumawa. Maybe, it’s better kung hindi ko na lang muna sasabihin. Sino ba namang maniniwala? Tinawanan nga lang niya eh… Hayaan na. Napailing ako nang mahina, pilit pinipigilan ang sarili kong mapaisip ng kung anu-ano. Tinawanan niya lang, eh. Baka naman hindi pa talaga tamang oras. “Seryoso ka ba? Ang drama mo kasi kanina,” natatawang sabi ni Elle habang hinahampas ang braso ko nang mahina. Napilitang lumabas ang isang ngiti sa labi ko. “Ano ka ba, testing lang ‘yon. Tinitingnan ko lang kung magugulat ka. Eh ikaw naman, parang wala lang!” biro ko, sabay inom ng tubig na nakahanda sa lamesa. “Testing
=Elvira’s Point Of View=Naging masaya naman ang buong linggo namin, ngunit nang kaharapin na namin ang subcontractor ay doon na yata muling masisira ang kasiyahan ng mga araw namin.“Kasalanan ba namin na hindi niyo nabantayan ng tama ang mga materyales? Kung napalitan iyon ay hindi namin kasalanan dahil hindi niyo sinipat ng maayos,” masungit na tugon ng babae kaya nakagat ko ang ibabang labi.“Okay, fine. Hindi ‘to maayos sa maayos na usapan? Okay. Let’s just meet halfway through the court. May kaso ang pagpalit ng materyales na walang permisyon ng mismong engineer ng site. Para alam mo,” masungit na sabi ko at umirap.“Compensation would be bigger than the fine,” angil naman ni Zian.“Hindi pangalan namin ang masisira kundi iyong pangalan ng kumpanya niyo,” banta ni Zian at hinawakan ang kamay ko upang patigilin ang panginginig no’n.Napabuntong-hininga ako habang pilit nilalabanan ang kaba at galit na nararamdaman. Hindi ko inakalang ganito ka-stressful ang pakikipag-usap sa subc
=Elvira’s Point Of View=Nang matapos ang cross-examination kay Zian, tumayo na rin ako bilang isa sa mga testigo. Pilit kong pinanatili ang composure ko habang tinatanong ako tungkol sa naging proseso sa proyekto.“Elvira, humanda ka,” bulong ni Zian bago ako pumunta sa witness stand. Napalunok ako pero tinapik niya ang kamay ko, at parang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.Nang tanungin ako ng abogado ng kabilang panig, pilit niyang iniikot ang kwento para palabasin na wala kaming sapat na ebidensya laban sa subcontractor. Pero hindi ako natinag.“Engineer Monteverde, hindi ba’t ang tungkulin ng lead engineer ay siguraduhing nasa tamang kondisyon ang lahat ng materyales bago gamitin?” tanong ng abogado nila na tila ba pinipilit akong akuin ang kasalanan.Tumingin ako sa kanya ng diretso sa mata. “Tama po, pero kung ang subcontractor ay may sariling inisyatibo na palitan ang materyales nang walang pahintulot sa amin, iyon po ay malinaw na paglabag sa kasunduan. Ang mga materyale
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka
=Zian’s Point of View=Habang papunta kami sa kotse, hindi ko maiwasang magtago ng ngiti. Puno na ng init at saya ang paligid ko, at ang dahilan—si Elle. Kahit papaano, nakikita ko na nagiging komportable siya sa akin. Pero siyempre, hindi ko papayagan na hindi ko siya asarin. Ang saya nga kasi ng mga reaksiyon niya, e. Huwag na siyang magtangkang magtago, kasi alam kong nagseselos siya kanina pa.Ngumiti ako ng malawak habang binabaybay namin ang daan papuntang sasakyan. Mabilis kong inabot ang pinto at binuksan para kay Elle, tulad ng isang gentleman. Pero alam ko naman, ang mga galak na tulad nito ay may kasamang pang-aasar.“Hmm,” sabi ko habang umaakyat ako sa driver’s seat. “Alam mo, Elle, nakikita ko na kahit hindi mo aminin, medyo nagseselos ka kanina.”Agad akong tinapik ni Elle sa braso. “Zian, seryoso, titigil ka na!” Sagot niya, at aminin ko—mas lalo lang akong natawa. “Wala akong sinasabi,” sabi ko, sabay kaway sa kanya, pero mas lalo ko siyang iniwasan ng tingin para mak
=Elvira’s Point Of View= Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang balewalain. Kahit pa sabihin kong mas importante ang trabaho, sa huli, sa kanya rin bumabalik ang isip ko. Habang abala akong sinusuri ang mga detalye ng blueprint, naramdaman kong bigla siyang sumulpot ulit sa tabi ko. Tila wala siyang balak tantanan ako ngayong araw. “Elle,” tawag niya habang nakaupo siya sa gilid ng mesa ko, na para bang wala siyang ibang gagawin. “Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako sa kanya, sabay pilit na ngumiti. “Busy nga, di ba? Kaya tumigil ka diyan.” “Hmm, talaga bang busy ka o iniiwasan mo lang ako?” tanong niya, sabay ngisi. Napairap ako. “Zian, trabaho ’to. Kung ayaw mong masita tayo ng boss natin, bumalik ka na sa ginagawa mo.” Pero imbes na umalis, yumuko siya at tinignan ang ginagawa ko, ang mukha niya halos magkadikit na sa akin. “Alam mo, kahit anong gawin mo, mas cute ka talaga kapag nagseselos ka,” sabi niya nang pabulong, pero ramdam ko ang laman ng mga sali
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, abala na naman kami ni Zian sa construction site. Tila mas naging magaan ang trabaho ngayon dahil kahit papaano, parang nagkakaroon na kami ng natural na teamwork. Ang saya lang ng vibe sa paligid—pero syempre, hindi mawawala ang asaran namin sa isa’t isa. Habang abala ako sa pagsusuri ng isang pile ng mga blueprint sa opisina, narinig ko si Zian na tumatawa sa labas. Napatingin ako mula sa bintana at nakita ko siyang kausap ang isa sa mga interns. Babae, maganda, at halatang todo ang effort magpaganda kahit nasa construction site. “Wow naman,” bulong ko sa sarili habang pinapanood sila. Ang lapit nila sa isa’t isa, at si Zian, ayun, ngiti nang ngiti na parang artista sa commercial. Napabuntong-hininga ako. Wala naman akong karapatang magselos, di ba? Pero bakit parang ang bigat-bigat sa pakiramdam ko? Nagkunwari akong abala sa ginagawa ko, pero hindi ko maiwasang itulak ang pinto at lumabas. Diretso ako sa direksyon nila, kunwaring may k
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, maaga kaming dumating ni Zian sa construction site. Ngayon ang unang araw ng aktwal na inspeksyon namin para sa proyekto, at pareho kaming excited. Pagdating pa lang namin, nakita na namin ang mga trabahador na abala sa kani-kanilang gawain. Ang ingay ng mga makina, ang amoy ng semento, at ang init ng araw—lahat iyon ay nagdala ng kakaibang sigla sa akin. “Tara, Elle. Umpisahan na natin bago pa tayo masunog dito,” biro ni Zian habang inaayos ang hard hat niya. “Aba, ngayon lang nagmukhang propesyonal ang playboy,” tugon ko, sabay ngisi. “Hoy, propesyonal ako palagi. Kahit sa pagmamahal,” sagot niya, sabay kindat. Napailing na lang ako. Palaging may kasamang biro ang bawat sinabi niya, pero hindi ko maitanggi na may tamang timpla ng kaseryosohan doon. Habang iniinspeksyon namin ang bawat sulok ng site, hindi maiwasang humanga ako sa progreso ng construction. Naging hands-on si Zian, sinisigurado niyang tama ang mga sukat ng bakal, at maa
=Elvira’s Point of View= Matapos ang ilang linggo ng abala at tensyon, sa wakas ay may bago kaming project na magkakasama ni Zian. Isa itong malaking proyekto na pinagkatiwala sa aming dalawa bilang mga trainee engineers. Kabilang kami sa design and execution team ng isang mid-rise residential building sa bayan. “Excited ka na?” tanong ni Zian habang pareho kaming nakasakay sa elevator, papunta sa opisina ng senior engineer namin para sa unang meeting tungkol sa project. “Medyo kinakabahan,” aminado kong sagot, kasabay ng isang pilit na ngiti. “Huwag kang mag-alala,” sabi niya, ngumiti nang parang may pinaplanong kalokohan. “Basta’t nandito ako, walang pwedeng pumalpak.” Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti rin. “Ang yabang mo talaga.” “Confidence ang tawag diyan, honey,” sagot niya, kasabay ng mahinang tawa. Pagdating namin sa meeting room, nagulat ako nang makita na parang napakaorganisado ng setup. May mga blueprint na nakalatag sa mesa, mga sample materia
=Elvira’s Point of View=Malamig ang hangin, pero hindi ko ramdam dahil sa init ng damdaming nararamdaman ko habang magkatabi kami ni Zian sa ilalim ng puno. Kung dati ay parang biro lang ang lahat sa pagitan namin—ang mga asaran, ang mga pasaring, ang mga banat niya na madalas kong iniisip na walang halong seryoso—ngayon, parang biglang nagbago ang lahat.Sa unang pagkakataon, naramdaman kong totoo ang lahat ng sinabi niya. Hindi lang siya si Zian na mayabang at pabiro, siya rin pala si Zian na marunong magmahal.Tahimik kaming nakaupo, nakasandal ako sa balikat niya habang pareho naming pinagmamasdan ang mga fairy lights na kumikislap sa mga sanga ng puno. Para akong nasa panaginip.“Alam mo, Elle…” biglang basag niya sa katahimikan.“Hm?” sagot ko, hindi man lang tumingin sa kanya. Masarap kasing magpanggap na normal lang ang lahat, na parang hindi kami nag-usap ng seryoso kanina.“Natakot akong tanungin ka.”Napatingin ako sa kanya. “Bakit naman?”“Hindi ko kasi alam kung anong sa
=Elvira’s Point Of View=Lumabi ako habang nakatingin kay Zian, na abala sa paglalagay ng kung anu-ano sa backpack niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nagtatanong nang direkta kung pwede na ba akong maging girlfriend niya. Hindi naman ako naghahanap ng fairytale, pero sa tingin ko naman, deserve ko kahit konting effort, ‘di ba?O baka kasi binigay ko na ang katawan ko sa kanya, kaya iniisip niyang matic na iyon? Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam. Ang gulo talaga ng sitwasyon namin.“Elle,” tawag niya mula sa sala.“Hm?” sagot ko nang hindi tumitingin. Nasa kwarto ako, kunwari abala sa pagbabasa ng blueprint ng bagong project namin, pero ang totoo, ini-stress ko ang sarili ko kakaisip sa kung saan ba papunta ang relasyon na ‘to.“Magbihis ka. May pupuntahan tayo,” sabi niya, habang pinapatong ang backpack sa sofa.“Ano na naman? Gabi na ah,” sagot ko, bahagyang kunot-noo.“Basta. Hindi ka naman magtatagal magbihis, ‘di ba? Isang oversized hoodie at
=Elvira’s Point of View= Tahimik akong nakatingin sa bintana habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Zian, pero hindi ko rin siya tinatanong. Parang gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili kong mag-isip. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang linggo. Mula sa problema sa proyekto, sa korte, at ngayon, ito… mga salitang binitiwan niya na parang gustong-gusto kong paniwalaan pero takot din akong sagutin. “Mahal kita, kahit hindi mo sabihin.” Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang sinabi niya kanina. Ano bang ibig sabihin niyon? Mahal niya ako? Paano? Kailan? Totoo ba? Nilingon ko siya nang hindi niya napapansin. Tila relax na relax siyang nagmamaneho, ang kaliwang kamay niya ay hawak ang manibela habang ang kanan naman ay nakapatong lang sa kanyang kandungan. Parang walang bigat na iniisip. Samantalang ako, naguguluhan pa rin. “Elle,” tawag niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Hmm?” sagot ko, kunwaring hindi naaapekt