=Elvira’s Point Of View= Tahimik kaming nagmamaneho pabalik sa condo. Wala akong sinasabi, pero sa totoo lang, parang gusto ko pa ring mapangiti habang iniisip ang nangyari sa korte. Ang galing talaga ni Zian. Alam ko namang sanay siya sa ganitong mga bagay, pero ibang klaseng sigla ang naidulot ng pagkapanalo namin. “Anong iniisip mo?” tanong niya bigla, sabay sulyap sa akin habang hawak ang manibela. “Wala,” sagot ko, pero naramdaman kong kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti. “Wala daw, pero ngiti nang ngiti,” biro niya, kunwari’y naiirita. “Sige na, sabihin mo na, ako rin gusto ko maging masaya!” Tumawa ako. “Hindi kasi ako makapaniwala na tapos na lahat. Ang gaan sa pakiramdam. Parang ang dali lang, pero sobrang stressful!” Napahagalpak siya. “Oh, ‘diba? Kaya nga sabi ko, lucky charm kita eh. Ikaw ang nagdala ng panalo.” “Wow, talaga ba? Eh ikaw naman ang pumatol sa mga argumento nila. Ako, parang accessory lang,” sagot ko, pero tinamaan ako sa sinabi niya. “Honey
Last Updated : 2024-11-30 Read more