=Elvira’s Point of View=Malamig ang hangin, pero hindi ko ramdam dahil sa init ng damdaming nararamdaman ko habang magkatabi kami ni Zian sa ilalim ng puno. Kung dati ay parang biro lang ang lahat sa pagitan namin—ang mga asaran, ang mga pasaring, ang mga banat niya na madalas kong iniisip na walang halong seryoso—ngayon, parang biglang nagbago ang lahat.Sa unang pagkakataon, naramdaman kong totoo ang lahat ng sinabi niya. Hindi lang siya si Zian na mayabang at pabiro, siya rin pala si Zian na marunong magmahal.Tahimik kaming nakaupo, nakasandal ako sa balikat niya habang pareho naming pinagmamasdan ang mga fairy lights na kumikislap sa mga sanga ng puno. Para akong nasa panaginip.“Alam mo, Elle…” biglang basag niya sa katahimikan.“Hm?” sagot ko, hindi man lang tumingin sa kanya. Masarap kasing magpanggap na normal lang ang lahat, na parang hindi kami nag-usap ng seryoso kanina.“Natakot akong tanungin ka.”Napatingin ako sa kanya. “Bakit naman?”“Hindi ko kasi alam kung anong sa
=Elvira’s Point of View= Matapos ang ilang linggo ng abala at tensyon, sa wakas ay may bago kaming project na magkakasama ni Zian. Isa itong malaking proyekto na pinagkatiwala sa aming dalawa bilang mga trainee engineers. Kabilang kami sa design and execution team ng isang mid-rise residential building sa bayan. “Excited ka na?” tanong ni Zian habang pareho kaming nakasakay sa elevator, papunta sa opisina ng senior engineer namin para sa unang meeting tungkol sa project. “Medyo kinakabahan,” aminado kong sagot, kasabay ng isang pilit na ngiti. “Huwag kang mag-alala,” sabi niya, ngumiti nang parang may pinaplanong kalokohan. “Basta’t nandito ako, walang pwedeng pumalpak.” Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti rin. “Ang yabang mo talaga.” “Confidence ang tawag diyan, honey,” sagot niya, kasabay ng mahinang tawa. Pagdating namin sa meeting room, nagulat ako nang makita na parang napakaorganisado ng setup. May mga blueprint na nakalatag sa mesa, mga sample materia
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, maaga kaming dumating ni Zian sa construction site. Ngayon ang unang araw ng aktwal na inspeksyon namin para sa proyekto, at pareho kaming excited. Pagdating pa lang namin, nakita na namin ang mga trabahador na abala sa kani-kanilang gawain. Ang ingay ng mga makina, ang amoy ng semento, at ang init ng araw—lahat iyon ay nagdala ng kakaibang sigla sa akin. “Tara, Elle. Umpisahan na natin bago pa tayo masunog dito,” biro ni Zian habang inaayos ang hard hat niya. “Aba, ngayon lang nagmukhang propesyonal ang playboy,” tugon ko, sabay ngisi. “Hoy, propesyonal ako palagi. Kahit sa pagmamahal,” sagot niya, sabay kindat. Napailing na lang ako. Palaging may kasamang biro ang bawat sinabi niya, pero hindi ko maitanggi na may tamang timpla ng kaseryosohan doon. Habang iniinspeksyon namin ang bawat sulok ng site, hindi maiwasang humanga ako sa progreso ng construction. Naging hands-on si Zian, sinisigurado niyang tama ang mga sukat ng bakal, at maa
=Elvira’s Point of View= Kinabukasan, abala na naman kami ni Zian sa construction site. Tila mas naging magaan ang trabaho ngayon dahil kahit papaano, parang nagkakaroon na kami ng natural na teamwork. Ang saya lang ng vibe sa paligid—pero syempre, hindi mawawala ang asaran namin sa isa’t isa. Habang abala ako sa pagsusuri ng isang pile ng mga blueprint sa opisina, narinig ko si Zian na tumatawa sa labas. Napatingin ako mula sa bintana at nakita ko siyang kausap ang isa sa mga interns. Babae, maganda, at halatang todo ang effort magpaganda kahit nasa construction site. “Wow naman,” bulong ko sa sarili habang pinapanood sila. Ang lapit nila sa isa’t isa, at si Zian, ayun, ngiti nang ngiti na parang artista sa commercial. Napabuntong-hininga ako. Wala naman akong karapatang magselos, di ba? Pero bakit parang ang bigat-bigat sa pakiramdam ko? Nagkunwari akong abala sa ginagawa ko, pero hindi ko maiwasang itulak ang pinto at lumabas. Diretso ako sa direksyon nila, kunwaring may k
=Elvira’s Point Of View= Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang balewalain. Kahit pa sabihin kong mas importante ang trabaho, sa huli, sa kanya rin bumabalik ang isip ko. Habang abala akong sinusuri ang mga detalye ng blueprint, naramdaman kong bigla siyang sumulpot ulit sa tabi ko. Tila wala siyang balak tantanan ako ngayong araw. “Elle,” tawag niya habang nakaupo siya sa gilid ng mesa ko, na para bang wala siyang ibang gagawin. “Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako sa kanya, sabay pilit na ngumiti. “Busy nga, di ba? Kaya tumigil ka diyan.” “Hmm, talaga bang busy ka o iniiwasan mo lang ako?” tanong niya, sabay ngisi. Napairap ako. “Zian, trabaho ’to. Kung ayaw mong masita tayo ng boss natin, bumalik ka na sa ginagawa mo.” Pero imbes na umalis, yumuko siya at tinignan ang ginagawa ko, ang mukha niya halos magkadikit na sa akin. “Alam mo, kahit anong gawin mo, mas cute ka talaga kapag nagseselos ka,” sabi niya nang pabulong, pero ramdam ko ang laman ng mga sali
=Zian’s Point of View=Habang papunta kami sa kotse, hindi ko maiwasang magtago ng ngiti. Puno na ng init at saya ang paligid ko, at ang dahilan—si Elle. Kahit papaano, nakikita ko na nagiging komportable siya sa akin. Pero siyempre, hindi ko papayagan na hindi ko siya asarin. Ang saya nga kasi ng mga reaksiyon niya, e. Huwag na siyang magtangkang magtago, kasi alam kong nagseselos siya kanina pa.Ngumiti ako ng malawak habang binabaybay namin ang daan papuntang sasakyan. Mabilis kong inabot ang pinto at binuksan para kay Elle, tulad ng isang gentleman. Pero alam ko naman, ang mga galak na tulad nito ay may kasamang pang-aasar.“Hmm,” sabi ko habang umaakyat ako sa driver’s seat. “Alam mo, Elle, nakikita ko na kahit hindi mo aminin, medyo nagseselos ka kanina.”Agad akong tinapik ni Elle sa braso. “Zian, seryoso, titigil ka na!” Sagot niya, at aminin ko—mas lalo lang akong natawa. “Wala akong sinasabi,” sabi ko, sabay kaway sa kanya, pero mas lalo ko siyang iniwasan ng tingin para mak
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.